Buhayhay

By BeluzieJeiCavinta

4.5K 145 28

Para sa lahat ng taong nakatikim na ng tamis ng halo halong walang pinipig <3 More

Part 1: " Warmup "
Part 2: " DENNIS TRILLIO "
Part 3: " Nobela "
Part 4: " Nokia 3310 "
Part 5: '' MULA SA PUSO ''
Part 6: '' I SECOND THE MOTION ''
Part 7: '' Siya ba yung Crush mo? ''
Part 8: '' Tuna Bear ''
PART 9: '' Banatan ''
Part 10: '' Uto Uto ''
Part 11: '' MAALAALA MO KAYA ''
Part 12: '' BINIBINI SA AKING PAGTULOG IKAW ANG PANAGINIP KO ''
Part 14: '' Pano mong ipapasok yung elepante sa ref? ''
Part 15: '' DOTA''
Part 16: '' Mug Golo ''
Part 17: '' ANTI-VIRUS HAS BEEN DETECTED
Part 18: '' PAMBANSANG BAYANI ''
Part 19: '' I love you Sabado! ''
Part 20: " Smiling Face :))) "
Part 21: '' Na Gumiho ka naba? "
Part 22: " Slow Motion "
Part 23: " Pano bang naging cute si spongebob? "
Part 24: " Greatest Movie Scene "
Part 25: " Expect the Unexpected "
Part 26: " Tayo naba? "
Part 27: " Malansang usapan "
Part 28: " Stick O "
Part 29: " emprkpkknlakk"
Part 30: " BULAGA "
Part 31: " Maling Akala "
Part 32: " Oh So Spooky Night! "
Part 32: " Harana "
Part 33: " Campfire "
Part 34: " Scripted "
Part 35: " May something "

Part 13: '' CHEATING TECHNIQUES ''

125 3 2
By BeluzieJeiCavinta

Tenga: Hindi ko alam true name nun eh, bakit chikas mo?

Ako: Ungas hindi natanong ko lang, kapangalan kasi nung saken eh parehong may bear.

Tenga: Ewan ko lang dun, basta hindi yun nag rereply sa mga text namin eh, hindi rin nag g-gm.

Ako: Ahh, Tara meryenda nalang tayo

Naglalakad kame ni Tenga papuntang Tindahan ng humabol si Leon para sumabay sa meryenda.

Leon: Mga dude ano kakainin niyo?

Narinig ko na naman ang boses ni Leon, Go Signal sa Payabangan portion of the day.

Ako: Sizzling burger lang.

Leon: Magkano naman?

Ako: Ahmm tenga magkano na nga ba?

Leon: Kamura naman

( Hindi ako makakasabay sa payabangan ngayon kay leon. Napangiti nalang ako dahil medyo nawawala ako sa ulirat kakaisip sa totoong katauhan ni Twinkle.)

Kakaiba kasi yung nararamdaman ko sa katxt ko na to, Magaan yung pakiramdam ko na kahit hindi ko pa siya nakikita parang matagal na kaming magkakilala. May mga tao kasing ganon kausap, Yung tipo na kahit hindi kayo ganon ka close eh parang sampung dekada na kayo magkakilala at alam na alam niyo na ang lahat tungkol sa isat isa. Meron din namang mga taong kahit gano mo na katagal kakilala eh parang sampung dekada na kayong hindi nag kakakita.

Hmm matxt na nga lang si Twinkle

Tunabear: Hi twinkle musta na? ok naba dad mo?

Twinklebear: Ok naman na si papa medyo masakit lang daw yung binti niya, : (

Tunabear: Oh wag kna malungkot, kng ung mga batang alang makain na nasa kalye nagagawang ngumiti eh, sino ka para sumimangot

Twinklebear: Tnx Tuna : )))) buti nalang andyan ka may ktxt ako

Tunabear: Haha ok lang nabasa ko lang din yan haha, ala kaba ibang nakakatext?

Twinklebear: Wala namang ibang gus2 n mkpgtxt skin eh, hehe

Tunabear: Sus, Imposible atang alang gus2ng mkipagtxt sau

Twinklebear: Bakit tuna? Gus2 mo nako?

Nablangko ako sa kung anong irereply ko sa kanya, Hindi ko alam ang tamang mga salitang dapat ibalik sa kanya para hindi ako mag mukhang engot.

Makaraan ang ilang minuto nag txt ulit siya.

Twinklebear: I mean Gusto mo akong ktxt? Hehe baka akala mo naman dumadamoves ako

Tunabear: HEHE xmpre naman! Ok kpa sa orayt!

Twinklebear: : )))

Tunabear: : )

Naulit ang mga eksena at tagpo, Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napakaimportante na sakin ng Cellphone ko.

Iba kasi talaga si Twinkle, napaka misteryoso ng dating niya sakin ngunit kahit ganun ay palaging nangangawit ang panga ko kakangiti pagktxt ko siya. Sa ilang bwang nag daan ay maituturing ko na si Twinklebear na imaginary friend ko.

Sa totoo lang kasi ay siya lang ang katxt ko.

Lumipas ang ilang bwan, sa bawat araw na lumilipas ay nakakalimutan ko palaging mag dala ng gitara, malapit na rin ang 1ST periodical test, Nagsimula na ang tagulan, Tagulan, Paborito kong panahon ang tagulan, malamig kasi ang simoy ng hangin, hindi mainit, madalas alang pasok at naisusuot ko ang paborito kong jacket.

Parang tanga naman kasi ang dating ko pag nag suot ako ng jacket sa tagaraw, Mag Action Stars lang ang nakakagawa nun.

Kulang isang lingo nalang at simula na ang 1ST periodical test, Dito nasusukat kung sino yung nagaaral ng mabuti, oh yung mahahaba ang leeg, mga matitindi kung umikot ang mata, at kung ano ano pa.

Kulang na ang daliri sa isang kamay para mabilang ang nalalabing araw sa pagsisimula ng examinations. Nagusap usap kaming magkakaibigan kung magrereview kami, Pano kaming mag rereview eh hindi naman kami nag susulat ng lectures. Pero kailangan talagang gumawa ng paraan para may masagot, Hindi naman ako kinakabahan sa exam dahil siguradong may maisasagot ako, Hindi ko nga lang sigurado kung tama ang mga ipag sususulat ko sa papel na sagutan. Siguro kokopya nalang muna ako ng mga lectures na mababasa ko sa ibang kaklase ko para may mareivew.

Mga Techniques na magagamit sa Exam.

1.Sign language technique - Simple lang ang teknik na ito, Pwede kang gumamit ng mga sign language para masabi ang sagot, Oh kaya naman ay gumawa ng tunog para isenyas ang sagot.

Example: Pag A ang sagot, sasabihin ko AW, Pag B ang sagot magkakamot ako ng ulo, Pag C ang sagot titingin ako sa bintana, Pag D ang sagot maghihikab ako.

Ang technique na ito ay mabisa sa True or False at Multiple choice, mabisa rin ito sa matching type ngunit kailangan ng mas madami pang Senyasan.

Paalala, Pag madalas na sagot ay D, papalabasin ka ng teacher mo.

2. Pass the Linukot Paper technique - Bago mag exam siguraduhing may maliit na papel na nakasukbit sa kung anong parte ng katawan mo, mabisang itago ito sa loob ng sapatos, sa likod ng calculator at sa ilalim ng armchair na may pandikit na bubblegum. Isusulat dito ang sagot at iiitsa sa taong nanghihingi ng sagot sayo.

Mabisa ang paraang ito sa mga Problem Solving, Fill in the blanks, Multiple choice, True or False.

3. Ikatlo ay medyo high tech, Ang 1 message received technique – Gumamit ng Cellphone na kunwaring gagamitin bilang calculator, itxt ang mga kaibigan para sa sagot, pwede ring call a friend. Ang problema lang sa paraang ito ay pag walang load ang hihingan mo ng tulong oh sadyang hindi niya alam ang sagot, Kung Medyo high tech naman talaga ang cellphone mo ay pwede kang mag search ng sagot sa internet via mobile.

Mabisa ang paraang ito sa lahat ng subjects pwera sa math.

4. May I go out techinique - Sa pamamaraang ito ay hihingi ka ng permiso sa iyong guro upang mag punta sa banyo upang umihi, Pag swerte kang pinayagan ay tumayo ka at habang nag lalakad palabas ng room ay sumilip sa papel ng mga kaklase, Nangangailangan ng matalas na memorya para sa technique na ito,

Paunawa isa hangang dalawang beses lang ito pwedeng ulitin sa exam.

5. Ika lima ang sikat na sikat na Kodiko Style – Ang Kodiko ay hango sa salitang KODAK, Gaya ng isang regular na Camera, lahat ng gusto mong kopyahin ay nasa isang pindutan lang. Ganun din ang kodiko,

Bago mag simula ang Exam, kailangan mong mailista sa isang maliit na papel ang mga bagay na sa tingin mo ay lalabas sa exam. Madalas isulat dito ay mga formula, mga acronyms, mga pangalan ng scientist at iba pa.

6. Sa totoo lang ay napakadami pang paraan pero ito ang isa sa pinaka epektibo ang Ika anim oh ang tinatawag na TABIHAN MO SI SCHOLAR technique - Tuwing exam ay nagiging lapitin ng mga siga sa room ang mga scholar, Kung mapapansin ay kumpulan sila sa tabi ng pinakamatalino sa klase, Normal din na iisa lang ang pwesto sa tabi ng genius sa klase. Nasa kanan niya ang pinaka siga sa klase, Nasa kaliwa ang susunod na siga, nasa likod ang pangatlong siga, at susundan pa ng mga pinaka brutal na mga kaklase.

Sa paraang ito, Hindi pwedeng mag pass ng papel si genius hangat hindi pa nakokopya ng mga siga ang mga sagot.

TRIVIA - Sa oras ng exam at wala kang ginagawa kundi ang mangopya, Ang pakiramdam mo ay sayo lagi nakatingin ang teacher, At siguradong kakabahan ka pag nakaroon kayo ng eye contact.

Haay, Ano naman kaya sa mga Istilong ito ang magagamit ko para sa exam?

Hapon na at tapos na ang klase, umuwi na ang mga kaklase ko at ako naman ay nagmamadaling kopyahin ang mga lectures ng isa ko pang kaklase para may mareivew, Sa sobrang lakas kasi ng ulan ay nawalan ng kuryente kaya hindi ko to magagawang ipa Xerox ang mga ito.

Nagsusulat ako ng mga lectures sa paraang ako lang ang makakabasa nito.

Hindi ko na natapos ang pagsusulat ko ng lectures, kinuha na ng kaklase ko ang notebook niya dahil dumating na ang sundo niya.

Wala naman akong magawa kundi isoli ito at magpasalamat.

Nagmadali ng tumakbo ang kaklase kong yoon papasok sa kotseng sasakyan niya. Medyo nabasa siya pero talagang nagmamadali na siyang umuwi, siguro ay nararamdaman niya yung naramdaman ni tenga nung mga unang araw ng klase.

Buti nalang at sa mga ganitong pagkakataon ay palagi akong may dalang payong. Maganda ang desenyo ng payong ko, may mga teddybear sa taas na halatang bigay sakin ni mama.

Konting inat at lumabas nako ng room, Haaay ang sarap ng simoy ng hangin pag umuulan, Ang ginaw talaga, pumorma na ako para dahan dahang maglakad palabas ng eskwelahan.

Lingon sa kanan wala ng tao, Lingon sa kaliwa andun si alexis nakatingin sakin.

WEH? TUGS TUGS TUGS TUGS

Para akong sinaksakan ng sandamukal na pang pamanhid, parang bumukas ang langit para bumababa ang anghel sa harapan ko, Ilang bwan na rin kami magkaklase ni alexis pero hindi ko pa din siya nakakausap ng matino, Kulang kasi ako sa lakas ng loob para pumorma sa kanya. Pero kahit hirap na hirap akong mag salita ay talagang kinausap ko na siya.

Tutal minsan lang naman ang ganitong mga pagkakataon, bahala na basta kakausapin ko siya.

Ako: Alexis bakit andiyan ka pa rin?

Alexis: Ehh Kasi iniwan sakin ni Maam yung susi ng room, tutal daw maaga akong pumapasok eh ako na ang mag bukas ng room bukas ng umaga.

( AWW boses pa lang niya eh pamatay na, napakalambing ng boses niya parang kumakanta ang mga anghel sa bawat salitang binibitawan niya. Sa sobrang lamig ng boses niya pwede mo na ring isama sa halo halo )

Sabi nila pag may gusto ka sa isang tao dapat nabibigyan ka niya ng lakas para bumangon, pero sa ngiti ni alexis wala akong nagagawa kundi manghinang tumayo

Ako: Ahehehahahoho, dapat sinabi mo na agad, sorry naistorbo pa kita

Alexis: Hindi ok lang, maaga pa naman eh kaya nga lang umuulan, siguro mag papatila muna ako dito. Eh ikaw? lulusob kaba sa ulan?

Ako: Hindi wala nga akong payong eh... Dito muna ko.... Patila tayo?

TUGS TUGS TUGS TUGS



Continue Reading

You'll Also Like

412K 17.3K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
Wattpad App - Unlock exclusive features