Maghihintay Sayo (The Love St...

By Gidgetwitty

46.3K 937 419

Paano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang ma... More

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 (A new beginning)
Chapter 8

Chapter 3

3.4K 90 48
By Gidgetwitty

Play the music video on your right. Nag-iisang Ikaw by Louie Heredia.

"Hello! Hello?" Balisang napatingin si Sam sa hawak na cellphone nang walang sumasagot sa kabilang linya.  Patay na ang battery nito, nakalimutan niya itong icharge kagabi bago matulog.

"May problema ba?" tanong ni Alex na madilim pa rin ang mukha sa narinig na pangalang binaggit ni Sam.

"Wala," matipid na sagot ni Sam. 

"Sam, si Ate Amelia mo raw," tawag ni Ria galing sa kusina pagkaraan ng isang minuto.

Naabutan ni Sam na kumakain ito ng chocolate cake na bigay ni Alex kasama si Jynelle at Kassey. Inabot nito ang hawak na cellphone sa kaibigan.

"Thanks, Ria. Na dead kasi ang battery ko kaya sa iyo tumawag si Ate Amelia," paliwanag ni Sam.

"Okay lang iyon," nakangiti nitong sabi. 

Hindi namalayan ni Sam na nakasunod pala si Alex  sa likuran niya.

"Ate Amelia? Kumusta kayo diyan? Sorry nakalimutan ko icharge ang cellphone ko kagabi," muli niyang paliwanag sa pinsan.

"Ano? Sige uuwi agad ako diyan sa Palawan." Natatarantang sabi ni Sam.

Titig na titig si Alex kay Sam habang kinakausap nito ang nasa kabilang linya.

"SIge, Ate. Bahala na kayo diyan. Maghahanap ako ng murang flight ngayon din para nandiyan na ako mamayang hapon."

Nanginginig na ibinalik ni Sam ang cellphone kay Ria.

"Okay ka lang, Friendship?" nag-aalalang tanong nito sa namumutlang kaibigan.

"Kailangan kong umuwi sa Palawan ngayon," sabi ni Sam sa mahinang boses.

"Bakit?" sabay-sabay na tanong ng mga apartment mates nito.

"Saka na ako magpapaliwanag sa inyo. Kailangan ko pang mag-empake."  

"Sandy, huwag ka ng magpa-book ng flight. Let's take my private plane," tahimik na saad ni Alex na noon lang uli nagsalita.

"Ano? No, thank you na lang," madiin niyang tanggi.

"Mas mapapabilis ang pagpunta mo ng Palawan."

"At saka bakit kasama ka?" nagtataka niyang tanong sa lalake.

"Beacause I'm flying the plane," simple nitong tugon.

"Ano?"

"Wala ka na bang alam sabihin kung hindi ano?" bahadyang napangiti si Alex.

"Friendship, tanggapin mo na ang offer ni Mr. Yummy para mapabilis ang dating mo sa Palawan," untag ni Ria.

"Oo nga naman, Sam. At saka siguradong mahal ang plane ticket kung bibili ka dahil biglaan ang alis mo," giit naman ni Kassey.

"Super agree ako diyan. Mas practical na solution ang offer ni Pogi," wika naman ni Jynelle.

"What's it gonna be, honey?" nakangiting tanong ni Alex.

"No, thank you na lang sa offer mo," matigas na sagot ni Sam.

"Excuse me, mag-eempake lang ako sandali." Nagmamadaling lumisan si Sam sa kusina habang hinahabol ito ng titig nii Aex.

Nagulat si Sam nang makitang may nag-aantay na white van nang lumabas siya sa airport ng Puerto Princesa. Nakasulat ang pangalan niya sa puting cardboard na hawak ng isang lalaking naka-uniporme

"Kuya, pangalan ko po ang nakasulat diyan sa hawak ninyo. SIno po ang nag-rent ng van?"  nalilitong tanong ni Sam.

"Ma'am, iyong agency po namin ang nakakaalam niyan. Inutusan lang po ako na maging driver ninyo habang nandito kayo sa Palawan," magalang na sagot nito.

"Ano ang pangalan ng agency ninyo at contact number?"  Mahirap na basta magtiwala sa panahon na ito.

Agad na tinawagan ni Sam ang agency na ibinigay ng driver. 

"Ma'am, si Mr. Alex Lagdameo po ang nag-hire sa amin para iservice po kayo habang nandito kayo sa Palawan."

"Wala akong ibabayad sa inyo," tanggi ni Sam,

"Don't worry po, Ma'am. Binayaran na po ng asawa ninyo ang isang linggong rental at kung mag-eextend raw po kayo ay tawagan lang siya."

"Ha?" Gusto sana niyang ikorek ang maling pag-aakala ng babae sa kabilang linya na asawa siya ni Alex Lagdameo kaya lang ay lalo lang magugulo ang usapan at nagmamadali siya.

Hay, why not? Tutal bayad na rin naman ang van rental, gamitin ko na lang. Mas mapapabilis pa ang pagdating ko sa ospital. Xander, my darling nandito na ako.

"Miss, saan po ang kuwarto ng pasyente ninyong si Xander Cortes," tanong kaagad niya sa receptionist ng ospital.

Pagkaraan ng ilang sandali. "Miss, nasa room 203 po si Xander Cortes."

"Thank you po."

Nasalubong ni Sam si Amelia sa pasilyo. Nasa higit kuwarenta na ang edad nito. Medyo payat ito, nakasalamin ng makapal.

"Ate Amelia, kumusta na si Xander?" nag-alalalang tanong kaagad ni Sam sa pinsan.

"Ayon nasa loob, nandoon pa ang doktor at nurse kaya lumabas muna ako para makabili ng makakain. Mabilis ka yatang nakarating," sabi nito.

Tumango lang si Sam. "Papasok muna ako, Ate."

"Sam, kailangan masalinan agad ng dugo si Xander sabi ng doktor."

Muling tumango si Sam. halatang pinipigilan nitong maluha sa harap ng pinsan.

"Xander, my baby!" Nagmamadaling lumapit si Sam sa kama kung saan nakahiga ang batang lalake.

"Mommy," nanlalata nitong sagot. Wala ang dati nitong sigla sa mukha.

"Baby, nandito na ang mommy para alagaan ka," umiiyak na sabi ni Sam habang yakap ang anak.

"Miss you, mommy."

"Ako din baby, sorry ha kailangan kasing mag-work ni mommy sa malayo para may pera," mahina niyang usal na paslit habang hinahagod ang likod nito.

"Misis, ako po si Dr. Santiago ang attending physician ng anak ninyo. Gaya po ng sabi ko doon sa pinsan ninyo, kailangan masalinan agad ng dugo ang anak ninyo dahil sa sakit niyang dengue," paliwanag nito.

"Opo, dok. Naiintindihan ko po."

"I suggest po na magpa-test kayo sa lab para makapag-donate kayo ng dugo sa anak ninyo kasi medyo nagkakaproblema po ang hospital ngayon sa dugo. May shortage lalo na blood type ng anak ninyo."

"Misis, sorry po hindi compatible ang blood type ninyo sa anak ninyo. Maghahanap na lang po kami ng ibang donors para masalinan agad ng dugo si Xander," sabi ng doktor pagkaraan na isang oras.

"Dok, please po gawan po ninyo agad ng paraan. Ang putla-putla na po ng baby ko," naluluhang sabi ni Sam.

"Gagawin po namin ang lahat ng kaya namin, Misis."

Nang makalabas ang manggagamot ay pumasok naman ang pinsan niya.

"Sam, balita ko ay nagkakaproblema sa dugo."

"Oo nga Ate pero ginagawan naman nila ng paraan."

"Kung okay lang sa iyo ay uuwi muna ako sa bahay at kailangan kong kumuha ng mga gamit ni Xander."

"SIge Ate. Ako na ang bahala dito."

"Mommy, uhaw po ako," usal ni Xander sa mahinang boses.

"Ito ang tubig, baby."

"Mommy, huwag kang alis," sabi ni Xander pagkatapos makainom ng tubig.

"Hindi ako aalis sa tabi mo, Sweetheart. Nandito lang ang mommy." Luhaang niyakap niya ang bata.

Dahil sa matinding pagod ay nakatulog si Sam sa silya katabi ng kama ni Xander. 

Bigla siyang nagising nang marinig ang boses ng nurse. "Misis, meron na po kaming nakuhang dugo para sa anak ninyo," pagbibigay alam nito sa kanya.

"Salamat sa Diyos."

"At sa akin. Ang ama ng iyong anak," sabi ng isang baritonong boses.

"Ikaw!!!"

****Sino ang dumating? Abangan sa susunod na kabanata.

Thank you sa inyong pagbasa.

 @Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)        

Continue Reading