She's My Number Two

By EpiphanyWP

153K 2.1K 179

Sabi nga nila, pag mahal mo, ipaglaban mo, pero paano kung yung taong pinaglalaban mo, may pinaglalaban ding... More

She's My Number Two
Prologue
1. Best Friend
2. Kung Ako Na Lang Sana
3. For Real
4. Hiling
5. Kung Ako Ba Siya
6. Prettiest Friend
7. Ikaw Lang Talaga
8. Tug of War
9. I Swear This Time I Mean It
10. Anywhere But Here
11. Stay
12. Hindi Kita Iiwan
13. Be My Number Two
14. Fall
15. Sunshine and City Lights
16. Our Song
17. Now
18. All About US
19. Whem I'm With You
20. His Name
21. Be Here
22. Kiss Me Slowly
23. Better With You
24. Lapit
25. Everywhere, Everything
26. Torn Up
27. Hold You
28. By Your Side
30. I Won't Give Up
31. Build Your Own Disaster
32. Best I Ever Had
33. Cry
34. Fix You
35. She Is Love
36. She is love (part 2)
37. Breathe
38. Miss You
39. Not Meant To Be
40. Clarity
41. Bleeding Love
42. The Mess I Made
43. Magbalik
45. Kismet
46. One and Only You - END

29. Everytime

2.6K 37 2
By EpiphanyWP

KATY’s POV

I woke up with a slight feeling of dizziness in my head on a white spacious room. The place looks peaceful and it smells good…really good.

The aromatic fragrance of freesia with hints of pure gardenia cheers up my tired and swelling body.

This is so relaxing.

As I examine the place, nalaman kong nasa ospital nga ako.

Who brought me here?

The last thing I remembered before everything retires into darkness is the strong feeling of hurt, right here…just right here in my heart…and then my breathing stopped.

And for that moment, darkness seemed blissful to me.

Parang gusto ko ng sumama sa never-ending eclipse na nakalantad sa harapan ko.

Niyayaya na ako ni kamatayan at gustong-gusto ko ang pakiramdam nito.

Walang hiya kasi yung taong mahal ko eh, sinasaktan niya ako.

Bakit nga ba hindi na lang ako namatay?

Eh kung sa bawat araw na nabubuhay pa ako ganun na yung pakiramdam sa tuwing makikita ko siyang Masaya sa piling ng iba at binabalewala na ang existence ko sa mundong ito.

Kung sa bagay, hindi lang naman siya ang dahilan kung bakit nabubuhay ako…marami ang nagmamahal sa akin.

Pero, mas may kahulugan sana kung pati siya isa dun.

 

Ano ba Katy? Mag move-on ka na, kalimutan mo na siya, marami pang lalake sa mundo na deserving sa pagmamahal mo.

Move on?

Kalimutan siya?

Pasensiya na pero wala pa iyon sa option ko.

Pwede bang hayaan niyo na lang akong mahalin siya, kahit masakit, hanggang makalimutan ko siya?

Pero sa tingin ko, hindi ko na siya makakalimutan kahit kailan, kahit pa magkaroon ako ng amnesia.

Hindi lang naman kasi sa utak ko siya nakatatak eh, sa puso rin.

Naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi ang gulo-gulo nitong pinasok ko?

Papayag-payag akong magpagamit tapos magrereklamo ako ngyon na nasasaktan ako. Well, umasa kasi ako eh.

Akala ko, ako na talaga.

Isang napakalaking ‘maling akala’ lang pala.

Tumagilid ako ng paghiga, at doon, hindi ko na napigilan, bigla na lang tumulo ang kanina pa nagbabadyang luha sa mga mata ko.

I closed my eyes.

Pero agad akong dumilat muli nang maaninag ko sa Malabo kong paningin na may isang tao palang kanina pa nakatunghay sa akin.

Nakaupo siya sa hospital chair sa tabi lang ng kama ko.

Medyo napanganga lang naman ako sa nakita ko.

Walang nabago o nabawas man lamang sa ka-gwapuhan niyang taglay.

“Jared? What are you doing here? Kanina ka pa ba nandiyan?” Sunod-sunod na tanong ko.

“You’re crying again.” Hindi niya pinansin pa ang mga sinabi ko, sa halip, lumpait siya sa akin at pinunas ang sariwang luha sa pisngi ko.

Sabay niyakap rin niya ako…yung mahigpit.

“God knows how much I missed you.” Binulong niya iyon sa tenga ko.

Gusto ko rin sanang sabihan siya ng ‘I missed you too’ but my face is still buried in his chest. Hindi ako makpagsalita, at pinili ko na rin na wag na…sayang kasi ang pagkakataon, baka ngayon na lang ulit niya ako mayakap ng ganito.

Pero bakit naman ganito siya makayakap? Parang wala ng bukas.

Ilang oras ba ako nakatulog? Isa? Dalawa? Limang oras? O baka naman isang linggo?

“Kamusta Kate? Ayos ka na ba? Grabe pinag-alala mo ako ng sobra!” sabi niya matapos niyang ilayo ng kaunti ang katawan sa akin.

“Okay lang ako.” Matipid kong sagot.

Siya naman, nanatiling nakatitig lang sa akin, isinandal pa niya ang baba sa dalawang kamay niyang ipinatong sa tabi ko.

Parang batang nanonood ng sineng paborito niya.

Ngingiti-ngiti pa siya.

Madami akong gustong sabihin sa kaniya, pero ngayong nasa harap ko na siya, ang bils umatras ng dila ko.

Gusto ko sana siyang sigawan, gusto ko sanang magalit, gusto ko sana siyang saktan…gaya ng paulit-ulit na ginagawa niya sa akin, pero wala eh, mas nangibabaw yung pagmamahal ko sa kaniya.

Sa ipinakita pa lang niyang pag-aalala, biglang nabura sa isip ko lahat ng kasalanan niya sa akin.

Pero alam ko pa rin ang isang bagay…hindi na siya sa akin.

 

Hindi naman siguro masama kung ibabalik ko ang dati diba?

Best…kelan ka pa nandito?” tanong ko nang medyo mahimasmasan na ako.

“Anong gusto mong kainin? Baka gutom ka na, sabihin mo lang. Siyempre bawal ang hipon, bawal sa iyo yun. Baka atakihin ka nanaman, nakakahiya na kay tito Artemio.”

Hindi niya siguro narinig ang tanong ko dahil sakto rin namang tumayo na siya at nagbalat ng prutas na nakalagay sa lamesa sa paanan ko.

AT TEKA…

Ano ulit yung narinig ko, tito Artemio? Tito ko yun ah.

“Anong—“ naputol ang pagtatanong ko nang bumkas ang pinto at iniluwa nito ang tito ko na siya ring doktor ko dito sa hospital na ito.

“Kate, gising ka na sa wakas!” sabi niya pagkalapit sa akin.

“Opo tito, medyo kanina pa po.” Nakangiti kong sabi.

Na-miss ko rin siya, sa mga ganitong pagkakataon ko lang kasi siya nakikita, kapag naco-confine ako. Mabait yan si tito, masyado nga lang workaholic.

Nilabas niya ang stethoscope niya at itinapat ito sa left part ng chest ko, he’s now checking my heartbeat.

Medyo, nahiya pa ako kasi baka puro ‘Jared’ ang marinig niyang sinisigaw nito.

Ang corny ko ba?

“Tito, kelan na po ba ako pwedeng mailabas dito? I miss the outside already.”

“Hmmm, based naman sa nakikita ko, at sa lagay ng heartbeat mo, pwede ka na ma-discharge within this day, wag mo lang kakalimutang inumin yung mga gamot mo ha?”

I nodded, “Opo.”

“Jared, ikaw din ha, pag di naalala ni Katy yung gamot niya, ikaw na mismo ang magpainom sa kaniya.” Tumingin naman si tito kay Jared.

“Opo tito, makakaasa ka.” Magalang na sumbat ni Jared.

Ba’t ganun, parang magkasundo sila?

Anong nangyari?  Tito na rin ang tawag niya sa tito ko? Sa pagkakatanda ko, hindi ko pa sila napakilala sa isa’t-isa ah.

“Tito, Bakit—“ hindi na pinatapos ni tito ang sasabihin ko, alam na niya kung ano ito.

“Oo, tito na rin ang tawag sa akin ng boyfriend mo kate. Ako mismo ang nagsabi sa kaniya nun. Mabait na bata yang si Jared kaya nagkasundo kami agad.” Ginulo pa niya ang buhok ko parang yung lagi niyang ginagawa sa akin noong bata pa ako.

“…ingatan nito ang isa’t-isa ha. Sige mauuna na ako at marami pang naghihintay na pasyente sa akin.”

Iyon lamang at lumabas na si tito sa kuwarto ko.

Leaving me and Jared alone but not for long…

Dumating naman kasi agad ang barkada kasama si Liz at si Alex.

“Poks! I missed you! Kamusta ang buhay dito sa ospital? ‘diba you hate needles? How come you’re letting them inside your body? Kagaya nito oh!” Inangat pa niya ang kamay kong kinabitan ng dextrose.

“Ouch!” Sh*t aakyat yung dugo ko.

“Aww, sorry!”

Si Alex ay tumakbo papalapit sa akin at agad nag-open ng conversation. Kahit kailan talaga ang daldal niya.

Bigla naman kaming nagkatinginan ni Jared, agad akong nag-iwas. Pero nanatili pa ring masama ang tingin niya sa aming dalawa.

Alam ko nanaman ang iniisip niya, pero, what for diba? Tapos naman na kami.

We’re back to being bestfriends…or not.

“Get well soon Kate!” sigaw ni Gab mula sa di kalayuan.

“Tanga! Magaling na si Katy.” Binatukan naman si ni Ron.

“Ah ganun ba? Sorry naman diba!” Gab.

“Ewan ko sa’yo, alam mo kanina ka pa maingay sa kotse ehm tatahiin ko na bibig mo, nakkapika ka na eh!” sabat ni Emac.

Grabe! Na-miss ko din sila, matagal tagal na rin kaming hindi nakapag-usap ng mga lalaking ito. Na-miss ko ang makipagkulitan kasama sila.

Si Liz naman, tahimik lang na nakangiti sa isang gilid.

“Ah…Liz, samahan mo naman ako sa CR sandali oh?” mabuti na lang at may babae na talaga akong kaibigan.

“Sure, tara!” Masaya naman niya akong inalalayan.

“I missed you girl! Wala akong kakuwentuhan doon sa school!” dagdag pa niya.

“Na-miss din kita! Na-miss ko kayo…sobra!”

***

 

JARED’s POV

Dito na ako nakatulog sa room ni Katy, pinayagan naman ako ni tito eh. Mabuti na nga lang at nagising na siya ngayong araw. Sabik na sabik na ako sa kniya eh.

I prayed so hard for this moment to come, and now it happened, siyempre hindi ko na pinigilan ang sarili kong yakapin siya ng sobra.

Gising na ang buhay ko.

Hinayaan ko na lang din ang sarili ko na sauluhin ang bawat parte ng hitsura niya kapag gising, itong bagay na ito ang pumapanatag sa kalooban ko.

Ang malaman na gising siya at humihinga.

Lumipas pa ang kaunting sandali, dumating na si tito Artemio na tinawagan ko agad nang Makita kong nakadilat na si Katy.

Masayang-masaya ako kasi botong-boto siya sa akin para sa pamangkin niya.

Nagtataka rin siguro si Kate kung paano kami nagkasundo agad.

Pagka-alis ni Tito, dumating naman agad ang barkada…tsss, wrong timing naman itong mga ito, hindi ko siya masolo-solo eh!

Ang nakakinis pa lalo, kasama si Alex.

I’ve already said ‘thanks for saving Kate’ to him once.

And once…is enough.

We’re not yet done being rivals.

Ayun si G*go, namamadaling nilapitan ang girlfriend ko. Biwisit talaga, kung wala lang dito si Kate, kanina ko pa sinaktan yan eh, may hawak pa naman akong kutsilyo.

Ang tanga lang niya, tinaas pa niya yung kamay ni Kate na kinabitan ng dextrose, diba niya alam na aakyat ang dugo doon?

Nako! Pigilan niyo ako, masasaktan ko ito!

“Get well soon Kate!” sigaw ni Gab, napatigil ako sa pagmumuni-muni ko, ang lakas kasi ng boses niya.

“Tanga! Magaling na si Katy.” Binatukan naman siya ni Ron.

“Ah ganun ba? Sorry naman diba!” Gab.

“Ewan ko sa’yo, alam mo kanina ka pa maingay sa kotse eh, tatahiin ko na bibig mo, nakakapika ka na eh!” sabat ni Emac.

Grabe! Hindi na yata talaga magbabago itong dalawang ito. Isang mahilig mang-asar at isang mainitin ang ulo.

Si Liz naman, tahimik lang na nakangiti sa isang gilid.

“Ah…Liz, samahan mo naman ako sa CR sandali oh?” Sabi ng mahal ko.

“Sure, tara!” at umalis na silang dalawa.

Pagka-alis nilang dalawa, ako naman ang nilapitan ng hinayupak.

Pinagmamasdan niya ang ginagawa ko.

“Para kanino yan?” pang-uusisa niya.

Sira ulo ba ‘to? Kay Katy malamang, alangan namang sa kaniya!

“Kay Katy.” Mahinahon kong sagot habang may natitira pang pagtitimpi sa katawan ko.

“Eh apple yan eh, hindi naman yan ang paborito ni Katy.”

Eto nanaman siya, si Mr. Know-It-All.

“Nagbago na siya ng paborito.” Medyo nawawalan na ako ng control.

“Huh? Hindi ah. Ito orange! Ito ang gusto niya.” Nilapag niya sa harapan ko mismo ang isang supot ng orange na dala niya.

Tumahimik ang mga tao sa paligid naming dalawa…alam na siguro nilang naiinis na ako, pero itong hinayupak na Alex na ito, nagpatuloy pa rin sa pagmamagaling.

Nakakalalake na eh!

Tinigil ko sandal ang ginagawa ko at matalim na tumitig ako sa kaniya.

Nakangiti pa rin ako loko.

I balled my fists; fighting the urge to punch this guy in the face.

Ilang suntok ba para numipis ang mukhang iyan?

“Bakit freesia at gardenia ang mga bulaklak na binigay mo? Hindi iyon ang—“

“TAPOS NA AKONG MAGBALAT NG MANSANAS. GUSTO MO IKAW DIN, BALATAN KO NG BUHAY?!”

***

Continue Reading

You'll Also Like

296K 1.9K 30
KATHNIEL FICTION :)paano kung macomatose ang bestfriend mo at nangako kayo sa isa't-isa 8 years ago, at stick to one ka sakanya, pero sabi ng mga doc...
42.8K 722 27
Nakipag-break ka sa ex mo pero mahal mo pa sya. What if may chance na magkabalikan kayo? Would you grab the chance? KathNiel fanfic po ito. =)))
27.2K 318 29
tinotohanan mo na ba ang isang joke? minahal ka na ba nya pero you don't feel the same way? paano kung kelan hindi ka na nya mahal saka mo sya minaha...
2K 7 3
Tungkol sa dalawang taong muntik nang sundan pa ng pagkakamali ang isa pang pagkakamali. Sa dulo kaya magkaaminan din? Pwede ka nga bang magmahal ng...
Wattpad App - Unlock exclusive features