#BC3DoNotFall
Aly's POV
"Congratulations"
"Congrats!"
"Alyanna, Idol! Congrats!"
"Alyanna if your free can we go out?"
"Grabe! Ang ganda mo talagang sumayaw!"
Okay.
That's just few of the phrases that I've heard sa tuwing napapadaan ako sa harapan ng mga school mates ko. There are some teacher also na naggi-greet sa akin.
Grabe! Ganito pala ang feeling pag may naa-achieve ka. People will praise you! Pero I want to keep my feet firmly planted on the ground. This is just the start, I don't wanna mess around dahil lang sa lumaki ang ulo ko.
And besides, it's nicer to stay humble.
Anyway, last night was a BLAST! Grabe from all our competitors na incredibly Great din sa dance floor, me and Rupert WON! But speaking off, yang mokong na yan, iniwan ako kagabi after our performance. Mag-isa lang tuloy akong umakyat ulit sa stage which is medjo nahihiya ako. Pinagtanggal din kasi nila ako ng mask. The crowd was so huge and for me as a first timer as a performer, sobrang nakakahiya.
"where could he be?" tini-text and call ko siya pero di naman niya ako sinasagot. Ano ba yan! Pupuntahan ko na lang siguro siya after ng morning class. I have to attend my classes, nakakasawa na din yung puro homeworks and make-up classes na lang yung nasasalihan ko. Parang walang pinagkaiba when I was still home schooling, which is very boring.
Ng makapasok ako sa room ay gaya ng mga naging reactions ng school mates ko, wantusawang kinu-congratulate din ako ng mga classmates ko -- except for one person.
Si Jhoey.
She was sleeping as usual sa may desk niya.
She was wearing a black hoodie jacket which is covering her sleepy head.
I took my seat which is next to hers, and I don't know ba kung bakit but I can't stop looking at her.
Maya-maya ay dumating na yung teacher namin for our first subject, English.
I saw her lifting her head up but naka-cover pa din yung ulo niya with her hoodie. Para siyang emo freak , hindi rin naman siya sinisita ng teacher kaya hinayaan ko na din siya.
After an hour na tapos na yung isang first session and now, we're waiting for the next teacher for our next subject, Science.
Lumapit naman sa akin bigla ang ka-klase ko na si Henry. "Hey"
"Hey" I greeted back.
"So how's the research?" he asked which made me puzzled.
"what?"
"The one that I've assigned to you? Di mo pa ba nagagawa? Next week na yung passing for the final draft and I want to have the output tomorrow para naman maayos ko na as early as possible" oh no! ba't parang wala akong alam dito?
"Natapos na namin" napalingon naman ako kay Jhoey ng bigla itong sumingit sa usapan namin.
May inabot naman itong white folder kay Henry. "Oh, akala ko nakalimutan niyo na. Thanks! Punta kayo bukas sa bahay para sa preparation natin for the experiments" at umalis na ito, leaving me, clueless.
"what was that all about?" I asked Jhoey. Alam kong may alam siya na hindi ko alam! "may project ba tayo na hindi ko alam?"
She nodded without even looking at me!
"Hey! don't just nod at me! look at me!" inuyog ko yung braso niya, "bakit may parang di ka sinasabi sa akin?"
Napatingin naman ito sa akin, "busy ka sa mga practices mo, ayaw kong makadagdag sa pagod mo yung pinapagawa sa atin and besides, konti lang naman yun eh. Kaya ko ng gawin" what? Pero bakit di niya pa rin sinabi?!
"Bakit? Bakit ayaw mong makadagdag? Diba normal lang naman dapat yun kasi students tayo and we should know how to manage our time, kahit sobrang busy tayo"
"like I've said, madali lang. Kaya mag-thank you ka na lang kasi ginawa ko yung part mo at wag ka ng umangal" and she rested back her head sa may desk niya.
'di ko alam kong she's just being kind kasi she sounds mayabang habang nagsasalita.' I turned my eyes away from her, "..'mag-thank you ka na lang' .. " I mimicked her voice in a whispering tone.
"Yeah right!"
. . .
Nung dinismissed kami for our lunch break ay agad kong sinundan si Jhoey, itatanong ko sa kanya yung kaibigan niyang nangiwan sa akin.
"Hey, wait up" she paused and turned to me. "hindi kaba naiinitan? The sun is burning up, pero eto ka naka hoodie" bigla ko na lamang nasabi sa kanya. Ako kasi yung naiinitan sa kanya eh, ano ba yan.
Napataas naman yung isang kilay niya, "yan lang ba yung sasabihin mo?"
"Uhmm, no . . . ." o-kay that was kinda, awkward. "... I'm gonna ask you about Rupert. Iniwan niya kasi ako kagabe after our performance. Mag-isa lang tuloy akong umakyat ulit para kunin yung prize" I told her.
"I don't know, mukha ba akong hanapan ng mga di ma-contact na tao?" she sarcastically asked.
The eff, "Hey!" tinalikuran niya kasi ako. "What's your problem? Maayos naman akong nagtatanong sayo, bakit ka biglang nagsusungit jan!"
Nakakainis siya.
At talagang di na niya ako hinarap pang muli at nagsimula na itong maglakad.
"I'm still talking to you!" pero di niya ako pinapakinggan.
"I said---" hinabol ko ito and grabbed her hoodie by accident, which natanggal and revealed her short---boy cut hair!
"Ano ba!" napalingon ito sa akin, and what's this. Kahit kunot-noo niya akong hinarap ay feeling ko . . . . nagso-slowmo yung paligid. Yung para bang . . . . kami lang yung andidito . . . That even though may sinasabi ito sa akin ay yung tangging naririnig ko lamang ay ang malakas na tibok ng puso ko.
.
.
.
wait!
.
.
.
Alyanna! What are you doing!
.
.
.
.
Umalis ka na ngayon din sa harapan niya, GO!
.
.
.
.
At ayun, without further ado ay napatakbo na ako papalayo sa kanya.
~
Jhoey's POV
"Ano bang problema mo!? Kung hinahanap mo si Rupert, hanapin mo sa kanila hindi yung tanong ng tanong ka sa akin!!" daldal ako ng daldal dito pero mukhang di naman niya ako pinapakinggan. Ibinalik ko sa ulo ko yung hoodie at nagpatuloy sa pagsasalita ng bigla na lamang itong tumakbo palayo.
tss
Napatingin naman ako sa paligid.
Great! Now alam na ng lahat na bagong gupit ako.
Na nagpa-boy cut ulit ako.
Ng maglaho na si Alyanna sa paningin ko ay nagwalk-out na din ako. Nakakahiya na din kasi, pinagtitinginan na ako doon. Gumawa din naman kasi ako ng eksena kaya agaw pansin talaga!
Aish
*ring*
*ring*
"Hello?" I answered.
'Jhoey...'
"Rupert, Thank God! Kagabi pa kita tina-try na i-contact. Ano kamusta kana?" tanong ko sa kanya.
'I'm doing fine. Umuwi kasi si Dad ng malaman nitong na aksidente ako. Nasa Canada ako ngayon, dito daw muna ako magpapagaling. I saw your performance kagabi, you did great!'
"Bro, alam mo bang sobrang kinabahan ako. Takot na takot ako na mabuko!" naglakad ako papunta sa may bench kung saan wala masyadong tao.
'Nahh, you did great! Pati boses ko nga, gayang-gaya mo!'
"HAHA, kung di siguro sa mga naging trip natin dati di ko siguro magagawa yun"
'Salamat bro ahh. Through you, napasaya ko si Aly, which includes me.'
"No problem bro"
'Please watch her for me bro while I'm gone. Ayokong may pumuporma sa kanya ng wala ako'
"gaano kaba ka tagal jan?"
'2-3 weeks siguro. Dad wants me fully recovered'
"paano yung classes mo?"
'Dad hired some private tutor for me. Yung magiging grades ko during our sessiosns ay isu-submitt jan sa school natin at yun na ang magiging grades ko.'
"Pagaling ka bro..." and not long, we ended our call.
sighed.
"Ikaw yun!" I jolted ng biglang narinig ko si Rowena, I mean Row sa may likuran ko.
"Jeez! Wag mo nga akong ginugulat." sabay himas ko sa may dibdib ko.
"Kaya naman pala nawala ka kagabi at di mo na ako tinext, ikaw pala yun!" I covered her noisy mouth.
"Shhh, keep it down! Baka may makarinig sayo"
She took off my hand, "ikaw JJ ahh, may hindi ka sinasabi sa akin! Naku dapat magexplain ka sa akin right now!"
"Dapat sa akin din!" napalingon naman ako sa may right ko and I saw Tin, standing with her folded arms.
"Okay, okay, but not here. Baka may makarinig sa atin" I told them and I'm so glad na nag-agree sila. Gosh, malaking gulo talaga toh pag marami pa ang makakaalam. Baka kasi umabot pa kay Kuya Ralph.
Malilintikan talaga ako.
. . .
"WHAT?! Naaksidente si Rupert!" sabay na sigaw nilang dalawa. Buti na lang talaga at dito ko sila naisipang dalhin sa bahay, specifically sa loob ng kwarto ko.
"bakit di mo sinabi sa amin agad?!" wika ni Tin.
"naku nakakatampo yan ah" dagdag naman ni Row.
"sabi kasi sa akin ni Rupert na wag munang sabihin sa inyo. May balak naman akong sabihin agad sa inyo eh, pagkatapos nga lang"
"naku, ewan ko sayo JJ!" tingnan mo nga ang isang toh, nagtatampo agad. Di naman bagay!
"sorry mga bro, ni hindi ko nga alam kong pagbibigayan ko ba yung favor niya o hindi. Sobrang risky kasi. Pag nalaman ng nakakararami iyon, pwedeng mabawi yung napanalunan ni Aly ..."
"...pwede ka din ma-expel!" napatingin ulit ako kay Row.
"against sa rule yung ginawa mo, yung ginawa niyo!" dagdag pa nito.
"na aksidente si Rupert at ayaw niyang matanggal sila ni Aly" pangangatwiran ko.
"Pero mali pa din yun!"
"isusumbong mo ba ako?" binalot kami ng katahimikan.
"Hindi . . ."
Nakahinga naman ako ng maluwag pero agad din naman itong napawi,
"...hindi kita isusumbong sa isang condition"
Bigla akong kinabahan ng sobra, "A-Ano yun?"
"Aminin mo nga sa akin JJ...." seriousong sabi niya.
"Ang alin?" ramdam na ramdam ko ang bawat tumutulong pawis sa may pisngi ko.
"... yung totoo ah..."
"ang a-alin nga?" lumapit ito ng lumapit sa akin hanggang sa ma-corner na niya ako sa may headboard ng higaan ko, "...may gusto kaba kay Alyanna?"
"H-Huh?" nauutal na sabi ko. Sh*t! bakit naman kasi yan pa ang napili niyang tanong!
"May gusto kaba kay ALYANNA?" diniinan nito ang pangalan niya.
"W-wala" sabay iwas ko ng tingin.
"Ang hindi makatingin ng deretso..." isa pa toh, pinagtutulungan nila ako.
"Wala nga kasi" tumayo ako at lumayo ng konti sa kanila.
"Bakit parang pakiramdam ko iba ang sinasabing sagot ng mga mata at kilos mo?" wika ni Row.
"Hindi sila nagkakasundo sa mga sinasabi mo" wika naman ni Tin.
Napatingin ulit ako sa kanila at sobrang nakakaloko ang mga ngiti nila. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita,
"Look, gusto ni Rupert si Aly at kaibigan natin si Rupert. Ayokong taluhin ang gusto niya, ayokong maging traydor sa kaibigan ko, sa kaibigan natin"
"pero hindi naman ibig sabihin nun bawal ka ng magkagusto. Wala namang pinipili ang pagibig" wika ni Row at lumapit ito sa akin upang ako ay akbayan.
"Basta, kung magkakagusto man ako sa iba na lang, wag lang kay Aly. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ni Rupert ng dahil lang sa kanya."
"Ang tanong, mapipigilan mo ba?" nakakaloko naman 'tong mga tanong ni Row eh!
"Oo naman! Kailangan at DAPAT kong kayanin!"
"So ibig sabihin may gusto ka talaga sa kanya? Wait, let me rephrase that, ibig sabihin may namumuo kang feelings para sa kanya?" ang kulit din nitong si Tin, bagay na bagay talaga silang pag-untugin ni Row. -_-
I looked away and shook my head, "wala . . . at Never . . ."
"Never say never . . . " at kumanta pa talaga ang isang toh (Row), kaya binatukan ko.
'Sana talaga mapigilan ko pa. Kung magkakagusto man ako, sana sa iba na lang. Please Puso ko, please cupido, wag sa kanya. Just, not to her'
===
*Unedited Version