Miss Astig 2

By cursingfaeri

1.6M 34.7K 13.5K

"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Nam... More

Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Dieciotso
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
~BONUS CHAPTER~
Veintidos
Veintitres
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiseis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y uno
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cuatro
Treinta y cinco
Treinta y seis
Treinta y siete
Treinta y otso
Treinta y nueve
Cuarenta
Cuarenta y uno
Cuarenta y dos
Cuarenta y cuatro
Cuarenta y cinco
Cuarenta y seis
Cuarenta y siete
Cuarenta y otso
Cuarenta y nueve
Cincuenta
Cincuenta y uno
Cincuenta y dos
Cincuenta y tres
Cincuenta y cuatro
Cincuenta y cinco
Cincuenta y seis
Cincuenta y siete

Cuarenta y tres

16.3K 533 367
By cursingfaeri

~43~
Natigil ako sa pagsusulat ng homework nang tumunog ang intercom. Mabilis akong tumayo at tinungo iyon pagkatapos iipit ang ballpen sa loob at isara ang kwaderno.

"Louie, si Charlie nasa telepono sa baba."

"Salamat yaya, baba na lang po ako," saad ko at agad na sinuot ang house slippers. Hindi ko na inabalang ligpitin ang study table, didiretso na dapat ako sa baba nang mapansin ko ang notebook na pinagsulatan. Walang anu-ano'y kinuha ko iyon at kinipkip sa kilikili bago tinakbo ang hagdan.

"Charlie."

"Hi bespren! Naistorbo ba kita? Kamusta naman?"

"Hindi naman. Napatawag ka?"

"Wala lang, boring kasi dito sa bahay, wala akong magawa. Tsaka wala kasing pumapansin sa mga post ko sa FB eh."

"Nagpaparinig ka ba? Alam mo namang hindi ako laging online sa mga ganyan. Besides, hindi ako gumawa ng FB para maging autoliker mo," naiiling pang saad ko dito habang nagsusulat ng kung ano-ano sa notebook.

"Naku hindi! Hindi naman para sayo ang post ko, para sa kras ko, huehue."

Ilang linggo na din akong merong Facebook account. I made one or rather, nagpagawa ako kay Kuya K. Kailangan kasi sa org. Oo, sumali na ako pero dadaan pa ako sa parang initiation. Kaya nga bina-bribe ako ng Chem prof ko 'di ba para maiwasan ko ang ilang buwang initiation.

Inaamin kong medyo mahirap nga ang mga pinapagawa, pero kaya pa naman. At yun na nga, ayun sa org, sa FB daw mas madaling pag-usapan ang upcoming tasks at events na din na kinu-conduct ng org. But unless hindi ako sinasabihan ni Dale o ng ibang co-trainee na merong nakapost na task sa FB, hindi ako masyadong nagba-browse.

Napansin ko kasing sumasakit na ang mga mata ko kapag matagal na tumititig sa laptop kaya kung hindi rin lang importante and possibly related sa school, iniiwasan ko nang gumamit ng laptop. Sabi sakin ni Kuya K sa kakabasa ko din daw 'to ng ebooks kaya masisira na daw mga mata ko. Nagkasagutan pa kami non. Sabi ko kasi nasa medical field siya pero hindi alam na myth lang yun. Muntik pa akong mabatukan kung hindi lang ako mabilis tumakbo palayo.

Totoo naman eh. Sitting closer than necessary para manood ng TV, reading ebooks or even reading in the dark with little light will not damage your vision. You may have headache, eyestrain pero hindi masisira mata mo dahil lang dun. Research-based. Mahilig kasing magpapaniwala sa sinasabi ng iba, hindi muna dino-double check kung may basis. Pero hindi ko lang alam sa long-term effect ha? Say mga all throughout ng buhay mo, iyon na gawain mo, hahaha.

Anyhow, some few things I could name that could really damage your eyesight would be exposing your bare eyes to the sun and regular use of eye drops, especially those that you think na makakareduce ng redness ng mata mo. So might as well wear shades and stop using eye drops as a habit because it temporarily restrict the blood vessels in your eyes.

Bahagya pa akong nagulat nang marinig ang boses ni Charlie. Kung saan-saan na naman lumilipad ang utak ko.

"Ano na nga yon?"

"Ayun. Sabi ko para sa kras ko ang status na 'yon. Sira na yata yang telepono niyo."

Pigil tawang hindi ko na lang pinansin ang reklamo nito. "Friends na kayo sa FB?"

"Oo kaya! Monthsary nga namin ngayon. Kaya nga sad, kasi hindi niya man lang napansin ang post ko."

"Ha? Kayo na ba? Si Taki yang tinutukoy mo di ba?" gulat na tanong ko.

"Oo, si Taki nga. Hindi naman ako two-timer, bespren. Gorabeee! One month na kaming friends sa FB, edi sempre, monthsary namin ngayon!"

"Ahhh sorry naman. May ganun pala sa FB, hindi ko alam eh."

Malay ko ba na pati sa FB may monthsary. Bago pa lang naman ako doon at hindi ko alam kung paano talaga gamitin ang mga features ng site.

"Actually, wala. Pinauso ko lang, huehue."

Kita mo 'tong babaeng 'to, sarap kutusan.

"Pero! Buti na lang talaga gumawa ka na ng FB account kaya thank you bespren! Bespren talaga kita, lamoyon, huehue."

"Ano'ng kinalaman ko dun?"

"Basta!"

"So ano yan, tumawag ka lang para maglabas ng saloobin mo sakin?" natatawang saad ko.

"Oo, hahaha. De ano. Buti pinaalala mo, may itatanong din kasi ako. Ito talaga ang isa sa itinawag ko. Alam ko kasing alam mo 'to. Pa'no lagi kong naririnig kina kuya eh."

"Ano ba yun?"

"Hmmm... bespren, ano'ng ibig sabihin ng sapio?"

"Ano'ng sapio? Wala akong alam na sapio. Sigurado kang sapio lang?" napaisip ako saglit ng maaaring ibig sabihin nito. Sapiophile? Sapiosexual? Sabagay parehas lang naman ang dalawa. "Baka you mean, sapiosexual," sabi ko dito.

"Hindi eh, sapio lang talaga."

"Baka pinaiklian lang nila para hindi mahaba sabihin. Shortcut ng sapiosexual kunyari."

Saglit itong natahimik na tila bumulong. "Ahhh. Pwede din. Ano ba'ng ibig sabihin non?"

"Ng alin? Sapiosexual?" sandali ulit akong napaisip kung paano ko sasabihin dito in a simplified way. "Ano... Yun ang tawag sa mga taong nagkakagusto sa matatalino."

"Huh? Ibig sabihin matalino ang gusto ni Mase? O matalino ang gusto ni Sapio girl? Naguluhan ako!"

Napatuwid ako ng upo sa narinig habang mahigpit na hawak ang ballpen. "Huh? Sino naman si Sapio girl at bakit nasali si Mase-- si kuya mo?"

"Wala. Parang ano kasi, may kras yata siya o nililigawan. Yon nga, si Sapio girl."

"SINO YON? I mean, sino siya? Wala bang matinong pangalan yang Sapio girl na yan? Hindi mo naitanong? Tanungin mo nga."

Shit, bakit ba ang dami kong tinatanong?!

"Hindi ko alam. Hello? Bakit nakataas yata boses mo bespren? Para ka na namang nakasigaw. Nubayan bespren, nakakainis naman yang telepono niyo eh. Sira na talaga yan!"

"H-Ha? Ewan ko. Siguro," wala sa loob na sagot ko dito habang kagat-kagat ko na ang takip ng ballpen.

Sino si Sapio girl? Sino? Alamin mo dapat Charlotte! Alamin mo--

"Palitan niyo na yan, madami naman kayong pambili. Kanina pa yan eh. Pero ayun na nga. Puro sapio girl ang naririnig ko lagi sa bahay eh. Ikaw na lang magtanong kung sino 'yon baka magpa-tutor naman si Mase sayo. AY BAKET KO BA--- WAAAAHHH! Wag mong sabihing sinabi ko ha, bespren?"

"W-What? Bakit siya magpapa-tutor sakin? Magkaiba kami ng course, baliw ka ba?"

Totoo naman. Bakit naman siya magpapa-tutor sakin? Ang alam ko nagrereview naman iyon dati pa para sa Chartered Finance Analyst competition niya.

Pero sino nga si Sapio girl na yan? Sino siyaaaa?!

"Sus, kunwari pa to."

Hindi lang ako kinabahan sa sinabi ni Charlie, biglang naramdaman ko din ang pamumula ng pisngi ko at hindi ko alam kung bakit. "H-Ha? A-Ano'ng kunwari?"

Hindi ko kasi alam kung ano tumatakbo sa isip ng babaeng 'to. Baka may nasabi si Mase na...

"Na hindi ka matalino. Na hindi mo kayang turuan si Mase. Wag kang mag-alala. Tanggap naman ni Mase na mas matalino ka sa kanya kaya nga magpapatutor siya di ba? Basta ha, sabihin mo sa kanya kapag nagpaalam, kailangan andun ako."

Hindi ko na lang sineryoso ang sinabi nito. Baka nanggu-goodtime lang eh. Kasi di ba, magkatext naman kami ni Mase hindi sana sinabi niya na sakin. And I don't really think na magpapa-tutor nga 'yon.

Sa ano naman sakali?

"Sira, baka niloloko ka lang non," sabi ko na lang dito.

At sino ba kasi yang sapio girl na yan?! I mean, ano. Naku-curious lang talaga ako, that's all.

"Hindi nga. Hindi naman marunong magjoke yon! Basta ha? Sabihan mo na din si Tita Louise kasi baka magpaalam din siya kay Tita."

"What? Bakit--"

"Syempre baka mag-overnight. Kaya nga dapat nandyan ako eh!"

"Magpapatutor ka din? Bawal mag-overnight ang lalaki dito."

"Hindi. Babantayan ko lang si Mase."

"B-Bakit?"

"Baka pagtaks-- ah basta. Sa'kin na lang muna 'yon," natatawang sabi nito bago muling nagtanong. "Bespren, sobrang talino ba ni Aidan?"

Hindi ko naitago ang pagkagulat at pagtaka sa biglang pag-iba niya ng topic. "Bakit naman napasok yon?"

"Basta, sagutin mo. Sige naaa."

"Uhmm... Hindi naman sobra. Sakto lang. Mas focused siya sa sports di ba?"

"Hmm. Ibig sabihin pala hindi ka sapiosexual."

"Aba't. Hiyang-hiya ako sa mga nagiging crush mo ha?! Yang si Nile panay pa-cute lang yata ang alam at yang si Taki--"

"O wag mo nang laitin si Taki, bespren. Oo na! Para may kasama ka, parehas naman tayong hindi sapiosexual eh."

Natawa na lang din ako pero maya-maya ay muling napaisip ako sa tanong niya. Hindi ko napigilan ang pagngiti.

I wasn't sapiosexual then 'cause Aidan isn't really intellectual. Pero hindi naman bobo 'yon. Ang alam ko sabi ni Kuya J, may pagkatamad lang siya sa acads pero he can excel, too. And it doesn't really matter to me kasi may sense itong kausap. He's a very good conversationalist. Maybe he wasn't that intelligent in school pero sa maraming bagay, matalino naman si Aidan.

Siguro mas na-attract lang ako sa kung paano niya ako tratuhin 'non, mas na-attract ako sa galing niya sa sports lalo na sa basketball at kung paano siya makisama hindi lang sa mga tao sa paligid niya kundi maging sa pamilya ko.

At bakit parang pinagtatanggol mo pa siya ngayon Louie? After what he did to you?

Hindi naman eh. Ayoko lang din maging biased.

Bahagya kong pinakiramdaman ang sarili ko at tila nakahinga ako ng maluwag. It's good to feel na parang may kakaswalan na lang din ang pagkakabanggit ko kay Aidan.

But going back, I've already labeled myself as sapiosexual. Nagsimula iyon, I think, nang una akong tinanong ni Hiro kung ano ang tipo ko sa lalaki. Hindi ko pa alam na kapatid ko siya 'non.

Tila may bombilyang umilaw sa taas ng ulo ko when a realization hit me.

Memories came flashing in my head to the day na pumunta ako kina Charlie upang sunduin ito. Noong nagkayayan kaming magslumber party kina Chang bago ako lumipad ng Canada. I remember how uneasy I was that day habang magkatabi kami ni Mason sa hapag kainan nang tanungin ako ni Kuya Chino. Pinilit kasi nila akong kumain muna 'non habang hinihintay si Charlie na tapusin ang dinner nito, and who was busy watching her favorite series that time. I was literally left with Mason on the dining area together with their three older siblings.

"Sooo... Louie... Ano ang tipo mong lalaki?"

I was a bit reluctant and uncomfortable, but the three pairs of eyes in front of me that's obviously waiting for an answer made me say the word.

"I'm... sapiosexual po."

"Shit," paanas na saad ko habang mas lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib. Posible kayang ang tinutukoy ni Charlie na sapio na crush o liligawan ni Mase ay...

Pero wala naman... hindi naman niya ako nililiga--

"Bespren?! Oy! Nandyan ka pa ba? Naku, wala na. Sira na talaga iyang telepono niyo, kailangan na talagang palitan. Bespren!"

"Charlie, nandito pa ko."

Hindi ko alam ang iisipin ko. I suddenly feel some mixed emotions and a lot of things were going in my mind.

"Uhmm... Charlie, may itatanong ako sayo."

"Huh, ano yon?"

"Ano'ng gagawin mo 'pag nanligaw sa'yo ang taong gusto mo? Si Taki kunyari."

Matagal itong hindi nakapagsalita. "Malulungkot? O siguro mas yung... matatakot."

Gusto kong matawa. Parehas pa pala kami. "Bakit naman?"

"Kasi... bago dapat niya ako ligawan... sina mama at papa at lahat ng kuya ko muna ang ligawan niya. Yun kasi ang kasunduan namin nina kuya."

Pero magkaiba kami ng rason.

Paano naman kung... Shit. Hindi ko talaga naisip 'to. Ngayon lang. Ngayon lang talaga. At hindi ko alam kung ito ang tamang panahon pero bigla lang din akong na-curious, na natatakot din.

"Ano ang mararamdaman mo kung sakaling... K-Kunyari ano. M-Magkagusto ang matalik mong kaibigan sa isa sa mga... kapatid mo. O vice versa, ganun."

"Ah! Alam ko yan. Hypothetical question ang tawag diyan di ba? Sa mga kunyari, kunyari. Sige, sige. Teka. Hmmm... Ah ganito. Kunyari, ikaw, matalik na kaibigan ko, nagkagusto sa kapatid ko? Sino ba... hmm.."

Parang gusto ko na ding sabihin dito kasi parang natatakot na din ako sa posibleng mangyari. Kaso nag-aalangan lang ako talaga sa kadaldalan ni Charlie. Hays.

Bahala na. "C-Charlie kasi--"

"Teka! Nag-iisip na nga ako oh. Si Mase na lang! Kasi one year lang agwat niyo. Pangit naman kung si Kuya Chuckie. Silang dalawa na lang kasi ni Mase ang walang girlfriend eh. Pero pwede din, di ba mahilig ka naman sa gurang, hahaha. De joke lang, 'to naman."

Hinayaan ko na lang magsalita ito dahil bukod sa kaba, naiilang na din ako sa pinag-uusapan namin. At alam kong nanlalamig na din ang buong katawan ko. Isabay pa ang biglang pamamawis ng mga kamay.

Yet I'm still on the state of sheer anticipation.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito na si Charlie ang kausap ko. Yung totoo?! This is sorcery!

"So kunyari, may gusto ka kay Mase tapos ang vice versa... diba.. ibig sabihin non... kapag binaliktad?"

"Oo--"

"Ay gets! Naalala ko na. So 'yon na nga. Kunyari may gusto ka kay Mase o kunyari si Mase may gusto sayo. Tama 'no? Tapos, ano ang mararamdaman ko sa ganun?"

"Nakakapagod kang kausap, sa totoo lang. Pero oo, tama yang pagconstruct mo," sabi ko dito habang ramdam na biglang humuhupa na ang matinding antisipasyon sa tinatagal ng pag-uusap namin. At nawalan na din ako ng ganang sabihin.

"Ang sagot ko ay..."

Napatuwid pa ako ng upo sa narinig. Pigil hininga ako sa sasabihin nito.

"Ahhhh....hmmm....Hindi ko alam," saad nito at saglit na bumulong-bulong. "Luh... Hindi ko nga alam! Luh, bespren. Iniisip ko pa lang parang-- luuuuuh!" Ilang beses pa itong napa-luh bago natahimik ng ilang segundo."Ah, alam ko na! Tanungin ko nga din si Chang sa hypothetical question mo na yan, baka meron siyang sagot. Ang hirap eh."

"GAGO, WAG! I mean, ano. Wala naman kasing kapatid si Sebastian di ba? Kaya wag na. Useless lang."

"Ay onga pala. Na-gago pa tuloy ako, hahaha! Gusto mo, tanungin ko sina kuya?"

"No! Wag!" napahampas pa talaga ako sa lamesa sa sinabi nito. "Ano kasi. Hindi naman importante yon. Kalimutan mo na lang."

"Homework niyo ba yon? Ang hirap naman kasi! Nakakasira ng utak."

"Hindi naman. Ano lang. Naitanong lang din ng kaklase ko."

"Ah okay, hindi mo naman pala homework eh, wag mo na lang problemahin yon. Nga pala. Balik tayo kay Sapio girl."

"Huh? Bakit?"

Isa pa yang Sapio girl na yan.

"Atin- atin lang 'to ha? Ampanget kasi ng pangalan. Di ba? Sapio girl. Kaso naisip ko na din na si Taki nga, pangit din pangalan pero pogi. Tingin mo, super ganda siguro 'tong si Sapio girl 'no? Hindi naman siguro magkakagusto si Mase sa pangit..."

"Hindi ko alam! Ewan ko diyan sa kapatid mo!"

"Ayan na naman yang telepono niyo, tinotopak. Sinisigawan mo na naman ako bespren eh!"

"S-Sorry. Basta ano... Kung sapiosexual nga yang kapatid mo, pwedeng magugustuhan niya yang si Sapio girl kahit pangit. Kasi talino naman titingnan niya," labas sa ilong na paliwanag ko dito.

"Ay ganun?! Yaak. Ew."

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ito dahil ginutom daw kakadaldal. Habang ako, nakatitig pa rin sa telepono.

I suddenly have the urge to ask Mason who that Sapio girl is.

Kaso dyaheeee! Dyahe talaga. Baka sabihin niyang sobrang chismosa ko.

Napatingin ako sa notebook at nabitin sa ere ang akma kong pagsulat. Tahimik na binasa ko iyon sa utak. Ngayon ko lang napagtanto ang mga pinagsusulat ko doon. At hindi ako makapaniwalang nakabuo ako ng mga salita at pangalan...

Louie Antoinette Kwok -- sapiosexual
Mason Pelaez -- intellectual
Charlotte Pelaez -- psomophagy
Lloyd Hiro Kwok -- sagacious
Sebastian Flores -- judicious

at ang huling pangalan na nasulat ko doon ay bahagyang kahindik-hindik.

Aidan Gabriel Villasis -- ho..

Agad na pinilas ko ang pahinang pinagsulatan at nilamukos iyon. Pagkatapos itapon sa basurahan, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng bottled water sa ref. Didiretso na dapat ako sa kwarto nang makasalubong ko sina Kuya na kakababa lang din ng hagdan. Tila may pinag-uusapan silang magkapatid.

"Pangit nung emoji netong Samsung... kaya mas gusto ko pa din ang Apple eh," narinig kong saad ni Kuya K.

"Ano'ng problema at pati emoji pinagdiskitahan mo na?" natatawa namang sabi ni Kuya J.

"Wala lang, alam mo naman. Panglandi mo sa text yun," ngisi ni Kuya K.

"Saan na ba ang iPhone mo at ba't yan ginagamit mo? Dati pa yan ah, buhay pa pala yan?"

"Nasira ko kaya nagtitiis muna."

Napailing na lang ako sa mga 'to at kasabay 'non ay napansin na ni Kuya J ang presensya ko.

"At least colored pa din... Oy Louie, siya nga pala. Kilala mo ba si Sapio girl?"

"Oo nga. Sino si Sapio girl?" dagdag ni Kuya K.

I didn't hide my facial expression na obviously, bukod sa pagtataka ay nakakunot-noo pa.

"Why does everyone ask me that? I mean, not everyone, but Charlie just called para lang din magtanong kung sino si Sapio girl. I don't know who the hell she is, okay?!"

"Relax. Ito naman, curious lang kami. Nililigawan daw ng manliligaw mo eh," sabi ni Kuya J na hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.

"Sino'ng manliligaw?" 'Cause I can't remember I have one!

"Si C2 red, sino pa ba?" nakangising saad ni Kuya K.

"Hindi nga nanliligaw sakin si Mason, kuya. Ilang beses ko ba dapat sabihin? Wala namang sinasabi 'yon."

Wala akong pakialam kung medyo malakas ang boses ko today. Medyo heightened ang emotions ko, bakit ba?!

"Ah, so. May hinihintay kang sabihin niya?"

"Yes! I mean, NO! Wala!"

Malakas na tumawa ang mga 'to lalo na nang bigla kong ibagsak sa sofa ang hawak na notebook at tubig dahil tinakip ko ang mga kamay ko sa mukhang nag-iinit na sa pagkapahiya.

"Wala talaga dapat yun Kuya!"

What the hell talaga, huhuhu.

"Oo na, Bunso. Wala na kung wala. Basta kapag sinabi ni Pelaez sayo na manliligaw siya, tanungin mo muna kung sino si Sapio girl," bilin ni Kuya J na hindi pa din naitago ang pagngisi.

"Or better yet, tanungin mo na lang ngayon," Kuya K suggested, still laughing.

"Ayoko nga! Nahihiya ako."

"Tanungin mo, baka tinu-two time ka."

"Hindi naman--"

"Walang masama sa pagtatanong," putol ni Kuya K.

"Anyway, laro lang kami sa game room. Billiards. Gusto mo sumali?" aya ni Kuya J sakin.

Umiling ako. "Magbabasa na lang po muna ako."

Tumango lang ito at akmang tatalikod na sila nang tila may naalala si Kuya K.

"Ay ano pala'ng ibig sabihin ng sapio? May meaning ba yun? Weird word."

Kahit medyo humupa ang pakiramdam ko sa pagkapahiya sa harap nila Kuya, muntik pa akong mapabuga ng hangin dahil parang naulit lang 'to kay Charlie kanina. Pero syempre, sumagot na din ako.

"Hindi ko talaga sure kung pinaiklian lang nila na sapio from sapiosexual yan Kuya, but that's my theory. So if it really is. Sapiosexual, from the Latin root, sapien means wise or intelligent," sabi ko sa mga 'to. "It is actually a newly constructed word na ang ibig sabihin ay a person who finds intelligence as the most attractive feature."

"Umabot na ba ng 200 ang IQ mo?" tanong ni Kuya K, nasa mukha ang pagkamangha. "Sino nga ulit ang pinakamataas ang IQ sa buong history?"

"Einstein? Hindi yata. I remember hindi siya," saad naman ni Kuya J.

"Yup nope, not Einstein," sabi ko. "Si William James Sidis. Entered Harvard at the age of 11. Hindi ma-detect kung ano talaga IQ niya but somewhere 250 to 300."

"May 300 na?!" maang na naman na saad ni Kuya K.

Hindi ba nagbabasa 'to? Hays.

"Dati pa yun Kuya. Over a hundred na edad nun. Deds na nga. Wala lang masyadong recorded na na-contribute like Einstein. Pero si Christopher Hirata pa din ang child prodigy crush ko," I casually said.

"Bakit, ano'ng meron sa kanya?" curious na tanong naman ni Kuya J.

"Medyo cute siya bukod sa buhay pa siya ngayon," natatawang saad ko bago nagkwento. "Si William James Sidis, 1898 pinanganak. Eh si Christopher Hirata 1982. Na-impress lang ako kasi at age 13, he became the youngest American to win a gold medal at the International Physics Olympiad in 1996. At the age of 16, nagwo-work na siya sa NASA tapos..."

Nakita kong tila makahulugang nagkatinginan sina Kuya kaya medyo nagtaka ako.

"Bakit?"

Sabay pang umiling ang mga 'to.

"Ah wala."

"Wala, wala."

"Ewan ko sa inyo, akyat na nga ako."

"Wag mong kalimutang tanungin si C2 red," pahabol ni Kuya K na sinagot ko lang ng bored na ungol.

***
Quezon City, 2:30PM

Really heart, we're going to do that again?

Depende naman sayo yan, Louie. Ikaw lang pa din naman ang magdedesisyon sa huli.

Yeah, I know.

Malalim pa akong napabuntong-hininga bago tuluyang pumasok sa loob ng coffee shop, leaving all the worries behind for a while. I was meeting with my fellow trainees para pag-usapan kung paano namin paghahandaan ang next task. But I think, ang purpose talaga ng meeting na iyon ay para magkakilanlan din kaming lahat. Napag-usapan kasi sa group sa FB na baka bigla na lamang kaming tanungin kung gaano namin kakilala ang isa't isa. May 15 din kasi kaming trainees at sa totoo lang, iilan lang ang kilala ko sa pangalan.

Medyo late na ako ng mga 30 minutes pero nagpaalam naman ako. After ng 9AM mass sa Greenbelt kanina kasi ay naglunch pa kami ng buong family. Tapos sa Quezon City pa itong meeting kaya inabisuhan ko na sila.

Bahagya akong nagulat nang mamataan ko si Dale sa table na inookupahan ng mga fellow trainees ko. Nang makita nilang papalapit na ako, kapansin-pansin din ang tila pag-iba ng mood nila. Mukhang bigla silang natahimik.

"Mag-i-ispill daw si Dale kung paano tayo papasa sa next task," saad ni Marie, na tila nababasa ang laman ng isip ko.

"Hindi ah. Spy lang talaga ako ng org para siguraduhing mahihirapan kayo," depensa ni Dale nang nakangiti.

"Dito ka na umupo, Louie," Gregory offered at ipinaghila pa talaga ako ng upuan, next to Dale.

I was about to sit next to Cara already, pero dahil ayoko namang maging rude kay Gregory ay lumipat na lang din ako kahit nasa kabilang side pa iyon.

"Thank you," sabi ko bago umupo.

"Hi Louie. Do you mind if I'm here?" sabi ni Dale.

"If. You're going to give us tips how to pass the task, then sure, I guess you can stay."

Umani iyon ng approval sa mga kasama namin.

"Uwi na nga lang ako," napapailing na saad ni Dale pero nakangiti naman. "Parang hindi senior ang kausap niyo ha. Kanina pa kayo," dagdag pa nito.

"Bakit, ano ba pinag-uusapan niyo kanina? If you don't mind?" nakangiti ko namang tanong.

Gusto ko lang din ipakita sa mga taong nandoon, na game din naman ako kahit papaano. That I too, can joke around with people around me. Pero mukhang mali pa yata ang ginawa ko dahil natahimik ang lahat sa tanong ko na yon.

And Dale was... Well, he looked so... weird. Bigla siya kasing pinamulahan ng mukha.

"Bakit? Hindi ba related sa task ang pinag-uusapan niyo? Naku, sorry. Huwag mo na lang sagutin then," kagat-labing saad ko dito.

"Hindi, ano. Tungkol din naman sa task. Medyo nagkakatuksuhan lang ng konti," sabi naman nito at bahagyang umiwas na ng tingin. "Sige, simulan niyo na ang meeting niyo. Makikinig lang ako, and maybe I could give you some tips later."

Kaya sinimulan na din ang meeting. Masaya naman ang naging takbo niyon. I was able to get to know them all. Pero hindi ko lang masyadong matandaan ang pangalan ng iba kaya isinulat ko na lang sa dala kong notebook. Nagtanungan kami ng mga personal questions sa isa't isa. Parang slumbook nga ang nangyari eh. And then before we parted ways, sinabi na din ni Dale ang totoong purpose, I think, kung bakit siya nandoon. He gave each of us a parcel.

"Memorize that by heart. That's the tip for your next task. Memorize by heart and you will not fail the task," sabi pa ni Dale.

Hindi muna umalis ito kahit nakaalis na lahat ng mga co-trainees ko. Hinihintay ko pa kasi si Tatay nun at sabi naman niya, samahan niya na lang muna ako. Okay lang naman sakin kaya ayun, nagkwentuhan na lang muna kami.

"Kamusta ang pag-uusap niyo ni sir pala?" tanong nito sakin pagkatapos naming lumipat sa pandalawahang upuan. We ordered new drinks, too. He had cappuccino, and I had green tea.

"May ideya ka ba kung ano ang sinabi niya sakin?" balik tanong ko dito.

"Honestly? Yes."

"Hmmm..."

"Ayaw mo ba?" he asked.

"Kung ako lang talaga, oo ayoko." Iyon naman talaga ang totoo.

"Hindi ka ba papayagan ng family mo?"

Ewan ko bakit natawa ako sa sinabi nito. Baka nga itulak pa ako ng mga 'yon.

"Bakit?" nagtatakang tanong nito.

"Wala, wala." umiiling na sagot ko.

"Pero pinag-iisipan mo naman ba?"

"Yun ang sinabi ko kay sir eh. He gave me enough time to think."

"Wag kang mag-alala, tutulungan ka naman namin."

Ngumiti lang ako doon. "Ano ba nangyayari sa Miss Engineering? May ideya ka din ba?"

Umiling ito. "Ang totoo niyan, sabi nila hindi pa din clear kung paano ang flow ng competition kasi binago nga ngayon di ba. Dati kasi puro lalaki ang mga contestants."

Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya.

"Sana tanggapin mo."

Napatingin ako dito. "Why?"

He just smiled. "Feeling ko lang, mananalo ka."

Habang nakikilala ko si Dale, natatawa na lang ako minsan kapag naaalala ko kung gaano ka-grabe ang galit ko sa kanya noon. Kasi mabait naman talaga siya. Tapos ngayon habang tinitingnan ko siya, ewan ko, nakakaengganyo pa pala niya lalong tingnan kapag ngumingiti siya.

He has a perfect set of teeth... and smile.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na kanina pa pala ako nakatitig dito at mukhang nagtataka na ito. Mabilis kong niyuko ang tsaa. "Salamat sa confidence."

Hindi nagtagal ay dumating na si Tatay. Dahil kilala na din nito si Dale sapagkat nakapunta na ito sa bahay noon ay nakita kong medyo nagulat pa yata si Tatay na magkasama kami although binati niya din naman ng maayos si Dale.

"Don't forget what I told you," sabi ni Dale habang nakatayo sa labas ng passenger seat. Binuksan ko kasi ang bintana ng kotse.

"Ang alin?" nagtatakang tanong ko pa dito.

"Yung poem. Memorize it by heart," nakangiting sabi nito.

"Ah okay. Sige, thank you sa pagsama sakin na hintayin si Tatay. Ingat ka."

Nakita ko pa sa side mirror na hindi pa ito umalis sa kinatatayuan kahit nakaalis na kami ni Tatay. Nang tuluyan nang makalayo ang sasakyan ay agad kong binuksan ang binigay nitong parcel.

It was a poetry that was written by Edgar A. Guest.

"Don't quit," mahinang basa ko sa titulo ng tula.

And I don't know why Dale's face popped in my head smiling, as if telling me that.

***
AN:
Vocabulary
intellectual-- matalino
psomophagy-- a person who swallow food without chewing
sagacious-- shrewd. Being able to understand difficult ideas and situations to make good decisions.
judicious-- a person with good sense or judgement
-----
Nagsisipag po si Diwata habang hindi pa siya busy. Okay, honestly, tinatamad lang talaga akong mag-aral kaya nagsusulat muna ako ng updates. Kaya sana naman ipagdasal niyo na kahit tatamad-tamad ako, maipasa ko sana lahat, hahahaha. Thank you in advance sa prayers. Mahal ko po kayo kahit yung iba sa inyo nang-aaway na sa tagal kong mag-update. Mas impatient pa kay Louie. Hahaha. :*

Continue Reading

You'll Also Like

541K 18.5K 56
[This is a GL story] Compiled and reposted: May 19, 2017 Date ended: June 14, 2017 ** Book I and II of Juliet and Cinderella May dalawang tanong sa k...
11.3M 481K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
97.5K 8.2K 40
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...