Den's POV.....
Pagka baba namin ni besh sa rooftop ng building nila ay nay paalam na kami sa isa't isa at napag usapan na din namin yung about sa try-out mamaya at sabay din kami mag lalunch mamayang 12pm dahil pareho naming vacant yun. Kaya pumunta na ako sa next subject ko at tulad kanina ay nag pakilala lang ulit kami isa isa at tulad din kanina ay tinatanong ako ng mga prof ko kung kaano ano ko si Mr. Mickey Lazaro kaya sinasagot ko sila na dad ko yun at lahat sila di makapaniwala, grabe lang para tuloy akong celebrity dahil sa pang iinterview ng mga prof at blockmates ko.
Mabilis lumipas ang oras at 12pm na kaya mag kikita kami ni besh dun sa canteen na kung saan kami kumain kaninang umaga at dun ko din nakita si mysterious guy/girl, asusual late na naman si besh kaya medyo nahirapan na kami maka hanap ng table dahil madami din palang kumakain dito pag lunch time, habang nag hahanap kami ng table ay may nahagip akong isang tao at di ako pwedeng magkamali na sya yung girl na nakabanggaan ko kanina, iiba na sana ako ng tingin pero huli na dahil napatingin na din sya sakin kaya nag tama ang aming mga mata.
Fudge!!!! eto nanaman yung feeling na para akong sumali sa marathon dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang gusto nang kumawala sa dibdib ko pati na rin yung mga nag rarambulan na mga butterflies sa loob ng tummy ko.
"Anu na naman tong nararamdaman ko, guys umayos kayo please"- sabi ko sa mga parts ng katawan ko na nag wawala tuwing mag tatama ang aming mga mata.
"Bakit ba kasi ayaw mo nang na inlove ka sa kanya at KAPWA mo pa BABAE"- ayan na naman ang kunsenya ko, laging wrong timing kung dumating at laging pabigla bigla.
"Shuttap! kunsenya lang kita kaya tigilan mo ako dahil hindi totoo yan, attracted lang ako sa kanya dahil magandang gwapo sya at hot ang pangangatawan"- sagot ko sa sarili ko. Dun ako biglang nagising sa riyalidad dahil sa mga sinasabi ko at pag didiescribe sa kanya.
"Got yah!! Haha eh di umamin ka rin na crush mo sya"- sabi nyang mahihimigan mo ang pagka panalo nya.
"Arrrrggggg!!!! kainis!! oo na crush ko na sya kaya umalis kana, shuuuuu, shhuuuuu!"- sabi ko sa konsenya ko at wala na nga sya.
Dahil sa pakikipag talo ko sa sarili ko ay di ko namalayan na pinag mamasdan at pinag aaralan na naman ako ni besh kaya napatingin ako sa gawi nya at nakita kong naka ngiti sya ng nakakaloko at binulungan ako,
"Besh, mukhang nakikipagtalo ka na naman sa kunsensya mo ah, nandito ba sya?"- sabi ni besh at tinignan ako ng may halong nakakalokong ngiti.
Tinignan ko sya ng masama sabay irap sa kanya at nauna na akong mag lakad dun sa pwesto ng crush ko dahil yun nalang ang table na available at pang 4 persons naman yun kaya pwede na dun, napansin ko din kasing wala syang kasama kaya pumunta na ako sa pwesto nya, nung papalapit na ako sa kanya ay nakita ko pa syang naka titig lang sakin kaya kinausap ko sya ng makalapit na ako sa pwesto nya.
"You know what, my parents told me that staring is rude so can you stop staring at me?"- sabi ko sa kanya sabay upo sa tapat nya.
"And did you know also that asking permission to the one who seated here first is needed before taking your seat?"- tanong nya sakin habang naka tingin sakin ng blankong emosyon, there's somethings bothered me about her eyes, I saw sadness and lonelyness?????.
"Hey, stop staring at me, thats rude"- sabi nya
Dun ako nabalik sa reyalidad, di ko kasi napansin na napatitig na pala ako sa mga mata nya, at napansin ko rin na nakatayo pala si besh sa leftside ko at di parin umuupo.
"Sorry about that"- nakayuko kong sabi dahil napahiya ako dun sa ginawa ko na pag upo nalang basta basta at ngayon na tinitigan ko pa sya. Nakakahiya talaga, sana kunin na ako ng lupa ngayon sa kinauupuan ko.
"Hmmm, miss can I seat beside my bestfriend?, sorry for what happend a while ago sa inasal ng bestfrien ko ha, ito nalang kasi ang vacant seats dahil puno na ang lahat ng ibang table maliban dito, ok lang ba"- sabi ni besh dun sa babae.Hinintay muna nya ang sagot nung girl before sya gumalaw. Nakita ko sa peripheral vision ko na luminga linga muna sya sa paligid, sinisigurado muna siguro kung wala na ngang vacant at tumingin muna sya sakin saka tumingin kay besh at nginitian sya ng bahagya.
"kyaaaaahhhhh!!!!! Lalo syang gumuwapo at naging hot ng ngumiti sya"- sabi ko sa sarili ko ng medyo kinikilig pa pero nawala din yun dahil hindi ako ang naging dahilan ng pag ngiti nya.
"Its ok, have a seat"- sabi nya kay besh at tinuloy na nya ang pagkain ng lunch nya.
Nung umupo si besh sa rightside ko ay tumingin ako sa kanya at binigyan ko sya ng thank-you-for-saving-me-besh-look kaya nginitian nya lang din ako then binulungan nya ako ng,
"You own me an explanation and hindi libre tong pag rescue ko sayo, kaya treat mo lunch ko"- sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko.
Napa irap nalang ako sa sinabi nya at kinuha ko na yung pocket ko sa bag ko at binigyan ko na sya ng 1k ulit dahil nirescue nya ako at ang loka naka ngiting tagumpay na naman kaya naiiling nalang ako sa inaasal nya, sinabi ko muna yung order ko sa kanya. Alangan naman ako pa rin ang oorder aba naman sinuswerte sya. At umalis na sya sa harapan ko, kaya napatingin ako dun sa girl na kasama namin na mag lunch, ang tahimik nyang kumain at mukha syang may kaya dahil sa itsura nya at pangangatawan nya, hot talaga sya guys I swear.
Pero saglitan ko lang sya tinignan at palihim pa yun dahil baka masabihan na naman akong rude, mapahiya na naman ako. Habang nag hihintay ako ng order namin ni besh ay nag cp muna ako para di sya yung tignan ko pero I can't help it talagang na mamagnet ang mata ko na mapatingin sa kanya, para di nya mahalata ay pasulyap sulyap nalang ang ginawa ko at pag natitingin sya sa gawi ko ay sa cp ko na ako napapatingin at kunwareng may ginagawa, pero may narinig akong 2 babae na nag uusap sa likuran nya, di ko na sana papansinin pero narinig ko na si hottie pala ang pinag uusapan.
"Girl, tignan mo si hottie sa kabilang table oh, grabe ang gandang pogi nya at super hot nya, may gf na kaya sya? Sana wala para sakin nalang sya"- napatingin ako dun sa babaeng nagsalita nun at halatang kinikilig pa, pwe!!! ang kapal nya.
"Oo nga girl eh ang hot nga nya, gusto mo lapitan natin para malaman kung may gf ba sya? mukha namang wala eh, tara"- sagot naman nung isa pa.
Nung nakita ko silang palapit na kay hottie ko ay naalarma ako,
"Dennise Michelle Lazaro, mag isip ka kundi maaagawan ka nila...isip isip.!!!"- sabi ko sa sarili ko at napatingin ako sa bandang labi nya na may konting sauce mula sa kinakain nya kaya then.....
.
*****ting!!!!!*****
.
"Nice one sauce, thankyou dahil savior kita ngayon"- nakangiting sabi ko sa sarili ko at bago pa sila tuluyang maka lapit sa hottie ko ay agad agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa ko at medyo tumayo ako ng konti para maabot ko yung labi nya na may sauce.
"Babe ang dumi mo talagang kumain, yan tuloy meron kang sauce na naiwan sa gilid ng labi mo"- nakita kong nagulat sya sa ginawa ko at nag blushed??? cute :) kaya nginitian ko lang sya at binigyan ng sumakay-ka-nalang-sakin-look.
2girls with hottie-----> O.O
At nakita kong tumango nalang sya sakin kaya napatingin ako dun sa dalawang babae na hanggang ngayon ay shock parin sa ginawa ko kaya napa smirk* nalang ako at nag tanong na sa kanila,
"Yes girls? is there something wrong? Because, as you can see kumakain ang BABE ko habang kasama nya ako so can you excuse us kasi bawal syang maistorbo eh. Thanks"- sabay ngiti ko sa kanila at binigyan ko sila ng BACK-OFF-SHE'S-MINE-LOOK sabay smirk* at talagang inemphasize ko pa yung babe para malaman nila na pag mamay ari ko sya.
BUT I think, I made a wrong decision about doing that kasi hindi naniwala yung isang malanding babae sa ginawa at sinabi ko.
"Sige nga kung talagang gf mo sya, ikiss mo nga sya hindi sa cheek ha kundi sa lips mismo at hindi lang basta simple kiss kundi french kiss."- sabay ngiti nya ng nakakaloko sakin at talagang nilakasan pa nya yung pagkakasabi ng last part ng sentence nya para maka kuha ng atensyon.
"sh*t!!!!! what did I do, trouble tong pinasukan ko"- sabi ko sa sarili ko at napatingin ako kay hottie at nginitian lang ako ng loko at binigyan ako nga you-make-your-own-medicine-kaya-ikaw-ang-gumawa-ng-paraan-dyan-look.
"O anu na? sabi ko na nga ba nag sisinungaling ka lang para masolo si hottie at ang kapal mo pa para sabihin na gf mo sya, may pa babe babe kapa dyan eh mukhang di ka nga kilala ng "GIRLFRIEND" na sinasabi mo"- sabi nung babaeng malandi at dahil dun napayuko ako dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko dahil alam ko na madaming tao na ang nakatingin samin dahil kinukuha nya ang atensyon ng ibang tao.
"Sana lumubog nalang ako sa kinatatayuan ko, o kaya maglaho na parang bula dahil sa kahihiyan ko"- sabi ko sa sarili ko na parang maiiyak na dahil sa kahihiyan. Pero nagulat ako dahil naramdaman ko naman nag side hug sakin kaya napatingin ako sa gumawa nun at nakita ko na si hottie pala yun kaya binigyan ko sya ng what-are-you-doing?-look habang nag tataka saginagawa nya.
Nakita ko naman na ngumiti sya sakin at at nilapit ang bibig nya sa tenga ko kaya ramdam ko ang pag hinga nya sabay sabing,
"Ikaw ang nag tulak sakin na gawin to kaya prepare your self because the show mas go on, para matapos narin ang kalokohang inumpisahan mo, do what ever I do, just go with the flow "- sabi nya sakin sabay harap nya sa babaeng malandi na kumuha ng maraming atensyon ng mga tao. Pero di ko pinansin ang dami ng tao dahil di parin nag sisink-in sakin ang mga sinabi nya ngayon ngayon lang.
"Sorry miss, nabigla lang ang babe ko sa sa sinabi mo kasi di naman kami nag hahalikan sa public place kundi sa private place lang, pero dahil mapilit ka at gusto mo talagang mapahiya ay pag bibigyan ka namin"- sabi nya dun sa malanding babae. Sabay tingin sakin at binigyan ako ng just-follow-me-look. At bago ko pa yun ma gets ay bigla nya akong siniil ng halik kaya nabigla ako sa ginawa nya at napapikit na din, naramdaman ko na gumagalaw na yung labi nya but this time soft na ang pag halik nya at dun lang pumasok sakin at nag sink-in lahat ng sinabi nya kaya napahawak na ako sa batok nya at gumagalaw nadin ang labi ko, sinasabayan ang pag galaw ng labi nya habang nakahawak sya sa bewang ko.
"Ehhhhem.....sorry for the interupption guys, pero baka pwede nyo na muna itigil yang mag jowa kasi nagugutom na ako oh, saka nilalanggam na ako dahil sa intense ng french kiss nyo at isa pa tignan nyo ang mga tao sa paligid nyo, mga naka nganga at parang luluwa na ang mata sa laki dahil sa ginawa nyo"- singit ni Ella, binigyan ko sya ng masamang tingin dahil sa pag putol nya ng moment namin ni hottie pero ngumuso sya dun sa babaeng malandi kaya napatingin ako dun sa babae at nakita kong ang laki ng mata nya na parang luluwa na anytime at nakanganga sya, literal na naka nganga at napatingin na din ako sa paligid at ganun din sila.
me, before I realize about the consequence like------> O.O
them, starting and after the french kiss like------>o.O O.O
"Guys, tapos na po ang palabas, pwede na po kayong umalis at isara ang mga bibig nyo dahil baka pasukan yan ng langaw"- naka ngiti kong sabi sa kanila at tumingin ako dun kay malandi at nilapitan ko sya.
"Lalo kana miss, take your own medicine miss, sa susunod kasi wag kang mag hahamon kung ayaw mong mapahiya sa harap ng maraming tao at tigilan mo ang GIRLFRIEND KO dahil sakin lang sya, at pwede ba isara muna yang bibig mo baka kasi mapasukan ng masamang hangin eh."- bulong ko sa kanya sabay *smirk*. Nakita ko naman na bigla syang namula at dali daling umalis ng canteen kasama yung kasama nyang babae kanina.
"Yan ang napapala ng mga malalanding kagaya mo, don't you dare to mess with Dennise Michelle Garcia Lazaro or else.hhhuuhhh!"- sabi ko sa sarili ko sabay upo na ulit sa upuan ko para kumain na ng lunch pero parang nawala yung gutom ko dahil sa kiss na yun, bago ako sumubo ng pagkain ko ay binulungan muna ako ni besh,
"You own me an explanation talaga besh after nito, mamayang 2pm pa ang next subject natin kaya mahaba haba ang oras mo para mag explain"- sabay ngiti na makahulugan at sinimulan nang kainin ang inorder nya. Napatingin naman ako kay hottie at nakita kong naka tingin pala sya sakin at tapos ng kumain, mag sasalita na sana ako pero naunahan na nya ako.
"Excuse me girls, una na ako may next subject pa kasi ako ng 1pm eh"- tinignan nya muna si ella then sakin sabay kuha ng bag at nag mamadaling lumabas ng canteen, naiwan tuloy akong tulala.
"Anu yun? After nyang biglaan akong nakawan ng halik ay iiwan nya lang ako sa ere????? WOW ha!!!!"- nasabi ko pala ng malakas kaya napatingin sakin si besh.
"Excuse me besh, ikaw din ang may kasalanan kung bakit nya yun ginawa, pasalamat ka nga at tinulungan ka ng tao eh"- sabi nya habang kumakain pa rin ng order nya.Tinignan ko naman sya ng may pag tataka at nabasa naman nya yun,
"Oo besh, nakita ko at narinig ko lahat ng mga usapan nyo at ginawa mo kaya wag kang mag inarte dyan kaya kumain kana muna at mag kukwento ka pa pagtapos natin dito"- Sabi ni ni besh sabay inom ng juice na binili nya at saka nginitian ako ng parang isang demonyo ang nasa harapan ko. >:)
...
me------> (O.O)
...
"I'm so dead, malalagay na naman ako sa hot seat nito mamaya (-_-')"- sabi ko sa isip ko.
Wala na akong nagawa kaya kumain nalang din ako ng mga inorder ko.....
-_-_-_-_-_-_-_-_-_-_*****
Hu!!!!! Grabe talaga hahaha!!!!!
Don't hate just Love!!!!! :)
Jazz_Mysterious 13