His Love For Her[ON HOLD]

By GaxianMirq

65 9 0

Si Casey Corazon ay pumunta sa.kanilang probinsya para tumakas mula sa mga taong sa Manila. Namuhay siya ng t... More

Prologue

Chapter 1 - Quizon 17

32 3 0
By GaxianMirq

Pinagmasdan ko ang bahay namin dito sa Sipalay. Malaki din siya katulad ng bahay namin sa Manila. Ngunit mas kaunti ang mga maids dito. Pero sa tingin ko mas okay 'yon. Ayaw kong nakadepende sa ibang tao.

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa shoulder bag ko saka tinext si Mami at si Dadi na nasa Manila ngayon.

'Arrived.'

Inigaya ako ng isang maid na nagpakilala bilang si Mayor Doma sa bahay na ito. Dinala niya ako sa tapat ng pinto sa ikalawang palapag ng bahay.

"Ito po ang kwarto niyo, Señorita Casey." Aniya.

Tumango ako sa kanya.

"Sige salamat. Ako na bahala dito. " Wika ko.

Mabilis siyang umalis. Pinihit ko ang pinto at tumambad sa akin ang isang light green na kwarto. May design siya na stripe na kulay puti. Not bad.

Inilagay ko ang aking mga gamit sa tamang lugar nila. Nagwalis na rin ako at nanglinis. Nagpatugtog ako ng shuffled music sa cellphone ko. I was enjoying the moment when the music suddenly stops, my phone rang.

Tinignan ko kung sino ang tumatawag. It's Mami.

"Hello mi?"

[Are you comfortable anak? I mean hindi ka ba na-home sick?]

"No Mami, I can manage myself so please stop worrying."

[Okay anak. Okay na ang mga papeles mo diyan sa papasukan mong paaralan. I think it's Northern High School?]

"Okay mami. Is it public or private?"

[Hmmm. It's public, as you wished anak.]

"Thanks Mami. You're the best. By the way, when can I start studying there?"

[Monday. Sige anak, may emrgency meeting pa ako. Bye.]

"Sige Mami, Bye. I love you."

[I love you more.]

May ngiti na sumibol sa aking labi. Is this for real? I can't contain my hapiness! I am far from Manila. No Hassles. No plastic friends.

Humiga ako sa kama ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. I'll just take a nap. I'm tired.

***

Wala akong dalang cold cash. Only my credit card. Hinatid ako ni Kuya Den sa Robinson. Mamimili lang ako ng mga kagamitan para bukas.

"Dapat mag-ingat ka. Madalang lang dito ang mga magagandang katulad mo. Baka pagdiskitahan ka nila." Sabi ni Kuya Den.

Tumango ako sa kanya. Ngumiti lang siya ng tipid sa akin.

"Mabuti na ang handa." Sabi niya.

Si Kuya Den ay anak ni Tita Marice, kapatid ni Dadi. Sa madaling salita, pinsan ko siya. Pinababantayan ako ni Dadi sa kanya. Hindi sila nakakaintindi ng 'I can manage myself.'

Pumasok kami sa loob ng Robinson's mall. Nakikita ko ang pasulyap-sulyap na tingin ng mga babae kay Kuya Den. He must be famous.

"Parang kilala ka dito Kuya uh?" Pabiro kong sabi.

Tumingin siya sa akin at ngumisi.

"Ganyan talaga ang mga may dugong Corazon." Aniya.

Kapareho pala sila ni Greg. Mga mayayabang talaga sila. It runs in the blood. Mabuti nalang at hindi ako napatakan ng dugong mayabang. Okay Joke lang. May dugo akong Corazon.

"Bumili ka muna. May hahanapin lang ako." Aniya.

Pumasok ako sa loob ng NBS. Halata ngang pasukan na bukas, ang daming tao dito. I should have known na may lugar na ganito. Dapat dito na ako nanirahan simula elementary para wala akong makahalubilo na plastic.

Kumuha ako ng mga school stuffs saka pumunta sa cashier. Pinunch niya lahat ng mga pinamili ko.

"Cold cash maam, credit card?" Tanong niya.

"Credit Card." Sabi ko.

Nanlaki ang mata niya. Ngayon pa ba siya makakakita ng credit card? Well, good for her, makakakita na siya.

"May dugo po ba kayong Quizon maam?" Tanong niya.

Umiling ako.

"Madalang lang po kasi dito ang gumagamit ng credit card. Minsan cold cash ibinibigay nila." Aniya.

"Ah. Okay." Sabi ko.

I'm not ignorant. Tss. Ano naman kung ganun? Bakit parang alien sa kanila ang credit card?

"Here maam. Thank you. Come again." Aniya.

Kinuha ko ang pinamili ko at pumunta sandali sa food court. Ginugutom ako. Pumunta ako sa isang ice cream parlor at nag-order ng double cookies 'n cream. Humanap ako ng table, luckily, may nakita ako na medyo tago. Umupo ako doon.

Kumuha ako ng magazine sa magazine rack. Pampalipas oras. Teen Trends ang pangalan ng magazine. And it seems local magazine lang. Woah.

The models are attractive and seducing pero may nakita akong isang lalaki sa Cats Zone. Nakaupo siya sa isang bench, nake dekwatro na posisyon. Topless siya at ang background ay isang dagat. International model ba 'to? He's good-looking, damn good-looking.

Maya-maya, nakarinig ako ng bola na tumatama sa sahig ng ice cream parlor. Rinig na rinig ang pagdribble nito dahil tahimik sa loob. Lahat ng tao ay nakatingin sa nag-dribble. Tatlong lalaki ang tumambad sa mata ko habang pawisan sila. Mukhang mula sila sa isang game.

May kasama silang apat na babae na mukhang mga mayayaman. Pero pamilyar 'yong mga damit nila sa akin. But I must say, mamahakin ang kanilang gamit. But wait! Tinitigan ko ang dalang bag ng isang babaeng naka color beige na knee-length dress. That's my bag! Pero, imposible, paano napunta 'yan dito eh bigay 'yan sa akin ni Mami noong nasa Manila pa ako. Baka kamukha lang.

Nag-vibrate ang cellphone ko, Kuya Den is calling.

"Hello?"

[Nasaan ka na?]

"Nasa Yummy Bites. Bakit?"

[Uuwi na tayo. I'll meet you at the parking lot.]

Tumayo na ako at naglakad palabas. Nasulyapan ko ang likod ng jersey ng isang lalaki, 'yong nagdidribble, Quizon 17.

Pagdating ko sa Parking Lot, nandoon na si Kuya Den kasama ang isang may itsura na babae.

"Tara, uwi na tayo." Aniya.

Tumango ako at pumasok sa backseat.

"Hi I'm Kailey." Aniya.

Tumango ako at ngumiti.

"I'm Casey." Sabi ko.

Nag-shake hands kami. She seems nice. Nice Catch, Kuya Den. Haha.

Hinatid lang nila ako sa bahay since may date pa daw sila. Ako naman, bilang isang dakilang tamad ay natulog. I'm tired. LOL!




Continue Reading

You'll Also Like

620K 16.9K 36
Mula sa angkan ng mayayaman, tumakas siya at tinalikuran ang pagiging chief executive officer/CEO ng sariling kompanya para takasan ang manyak na in...
1.5K 42 10
Codename: Prince Si Evan, nabubuhay upang maisakatuparan ang kanyang misyon na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang pamilya. Isa syang b...
15.3K 958 29
Note: This is already the edited version. Arizona Bartolome isang probinsyana girl na napadpad sa lungsod ng Maynila at pinalad makapasok sa isang s...
1K 187 17
[Completed] Ipinanganak palang si Eva, ay nasa lahi na ata nila ang pagiging mayaman, pinanganak siyang nasa harapan niya na ang lahat. Ipinanganak i...
Wattpad App - Unlock exclusive features