Chapter Fourteen
[Glenn's]
Nasan na kaya yung Yoda na yun? Saang lupalop yun nagpunta? pa-V.I.P siya ah! Di pa tapos yun photoshoot nila eh nagwalk out siya... at dalawang beses pa siyang nagbasag ng pinggan!
Napakapaimportante talaga nung panget na kapre na yun!
Eh bakit ko nga ba siya susundan? Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko... i really hate it when it does that... it brings back memories and i don't want to remember them anymore... I should just go inside...
I turned around to return to the studio nang makita ko si Chanyeol from my peripheral view... his back is faced towards me and he's staring at the view.... nasa 6th floor kami ng building which is a rooftop na...
Should I go near him?
I took a step to approach him but i heard the door opened... nagtago ako sa may gilid and peeked kung sino yun...
"Oppa~! Waeguraeyo? Gwaenchanayo? (What's the problem? Are you okay?)" sabi ni Juniel...
I felt my blood boil... tapos na ba ang shoot netong babaeng toh? Ano ba kasing ginagawa niya dito?! Kakausapin ko dapat si Yoda eh...
"May gusto ka ba talaga sa akin?" tanong ni Chanyeol sa kanya...
Tumango naman si Juniel... mas bumilis yung tibok ng puso ko... ano bang nangyayare? parang gusto kong sugurin yung dalawa at itulak sila ngayon sa rooftop... uunahin ko si Juniel.. tapos uupakan ko muna si Chanyeol bago ko siya itutulak...
"I have always liked you, oppa... Always. Kahit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko at lagi mo akong sinusungitan never akong naturn off sayo... naneun jinjja joahaeyo... (I really like you)" sabi naman ni Juniel
Nilapitan siya ni Chanyeol and he made her face him... why do i have this feeling na parang nadudurog yung puso ko?
SEOLMA! (No way!)
I am not jealous! Why would I be jealous?! Wala naman akong gusto kay Yoda! Magsama sila ng Juniel na yan!
Pero ewan ko ba kung bakit bigla na lang lumabo yung paningin ko... and it looks like tears are starting to well up in my eyes... bakit naman ako iiyak?! Wala pa namang namamatay... mamaya pa pag naitulak ko na otng dalawang toh..
"Kureseo... I will give you a chance..." sabi naman ni Chanyeol...
I saw Juniel smiled brightly at him and then she hugged him... Chanyeol didn't hugged her back pero i felt my heart beating slowly but painfully...
Why is it like this again?
I slowly made my way back to the door nang mabangga ako ni Xiumin oppa... I was holding my chest kasi sobrang sakit talaga ng dibdib ko...
"Glenn-ssi... okay ka lang?" he asked me...
I just nodded and then walked away... i can hear him calling me but i ignored him... i passed the studio... The members were even calling my attention but i just ignored them....
I want to get out of this place... I want to be alone...
I don't want to feel this way again... but is it possible, though?
Do I really like Park Chanyeol?
[Third Person]
Xiumin is restless... hindi maasikaso ni Suho si Chanyeol kahit na siya ang leader kasi he is in the middle of the photoshoot... Kaya naman as the eldest, he decided to follow Chanyeol...
He was on his way to the rooftop nang makasalubong niya si Glenn... it looks like she is not feeling well... she was holding her chest and Xiumin can't see her face kasi nakayuko lang ito...
"Glenn-ssi... okay ka lang?" he asked her but she just nodded and walked away...
But Xiumin was certain that she heard her sniffled... was she crying? He awoken back to his senses at pumunta na siya ng rooftop and there, he saw the probable reason why Glenn was like that...
He clenched his fist... Chanyeol was hugging Juniel back... anong ibig sabihin netoh? This was not part of their plan... Ang plano lang nila ay ang hindi pagpansin ni Chanyeol kay Glenn pero bakit may ganto pa?
"Aish.. jinjja Chanyeol.. ang sakit mo sa ulo" he said while massaging the bridge of his nose...
right now, gusto niyang sundan si Glenn... halata naman kasing may gusto din si Glenn kay Chanyeol eh... di lang niya maamin sa sarili niya... she must've been hurt after seeing this... later, Xiumin and Chanyeol will talk...
Masayang masaya si Juniel... finally! Naacknowledge na rin ni Chanyeol ang feelings niya! After ilang years ng pagpapakita na may gusto siya dito, magkakaroon na rin siya ng chance to date Park Chanyeol!
She can't wait to tell Glenn! Kumalas siya sa pagkakayakap niya kay Chanyeol and then she got her phone and started to dial Glenn's number...
"Sinong tinatawagan mo?" tanong naman ni Chanyeol...
"Si Glenn~! now she doesn't have to worry of being a bridge between us! She'll be so happy pag binalita ko yun sa kanya!" sabi naman ni Juniel...
Chanyeol's face broke into a frown nang maalala niya si Glenn... Mukhang mahal pa talaga ni Glenn yung ex niya... and it seems like masiyadong close si Suho sa kanya... in just a snap of a finger, nawalan siya ng pag-asa...
Alam niyang hindi tama itong ginawa niya... ginawa niyang panakip butas si Juniel... at alam niyang it's too early to give up on Glenn but... if this is the only way...
"Oppa~! Tara sa loob! Let's tell your mem-"
"Hindi pwede!" sabi ni Chanyeol
Nagulat naman si Juniel... Ayaw ipaalam ni Chanyeol ito sa mga members dahil alam nilang si Glenn ang gusto niya... at pag nalaman nila ito, malalagot siya... lalo na kay D.O at Xiumin...
"Ah.. I mean.. wag muna... wag muna sa ngayon" sabi ni Chanyeol...
"Arasso~! I trust in you, oppa~!" sabi naman ni Juniel at parang nabuhusan ng malamig na tubig si Chanyeol...
He somehow felt sorry for Juniel... he is using her to forget about Glenn... He would eventually learn to love Juniel, right? Since ang alam niya ay wala nang pag-asa pang magkabati sila ni Glenn, might as well move on early...
Yung mga members naman sa baba ay naguguluhan pa rin kasi biglang umalis si Glenn... they're so worried at pati si Tae Gyu oppa hinahanap na rin siya... mejo malayo na kasi tong lugar na toh and they are wondering kung paano makakauwe si Glenn...
"Matalino si Glenn... hindi naman siguro siya mawawala di ba?" sabi naman ni Suho trying to cheer the members up...
"Majayo! Baka pumunta lang sa isang bookstore yun!" dagdag naman ni Kai...
But deep inside, they are also worried... they are wondering kung nasaan na siya ngayon and what is she doing right now...
"Teka, san ba nagpunta si Chanyeol?" tanong ni Baekhyun while looking around...
Xiumin clenched his fists... naalala nanaman niya yung itsura ni Glenn kanina nung nakita niya ito... She looks really hurt... at mukhang may masasaktan mamayang gabi sa dorm nila... sa VERANDA...
As if by coincidence, dumating na si Chanyeol kasama si Juniel... hindi ito napansin ng mga members kasi they were too busy contacting Glenn but much to their luck, busy ang line niya...
"Hyung, Hyung! Si Glenn! Di namin alam kung saan nagpunta!" sabi ni Sehun kay Chanyeol...
Chanyeol can't find the words to say... he was freaking worried! but he shouldn't! He shouldn't show his feelings towards her anymore....
"Baka naman tinawagan siya ni Yong oppa... lagi silang nagkikita nun eh.. or di naman kaya nung NFlying, mejo close na kasi sila... maraming kaibigan dito si Glenn sa Korea! Especially boys!" singit naman ni Juniel
Nainis naman ang members sa sinabi niya...
"So sinasabi mong malandi si Glenn?" sabi ni Sehun... nilapitan niya si Juniel at naintimidate naman ito dahil sa matangkad si Sehun...
"Wala akong sinabing ganyan... sinabi ko lang na mahilig siyang sumama sa mga lalake.. I know her!" sabi naman ni Juniel...
Sehun grritted his teeth and clenched his fists... Naiinis siya sa babaeng kaharap niya ngayon... totoo nga ang rumors tungkol kay Juniel... mahilig siyang magtrash talk...
"Teka, bakit ba kayo sobrang concerned kay Glenn!? Malaki na siya! She can be with anyone she wants!" sabi naman niya...
"Because she is our friend and we care for her. Di tulad nung isa diyan..." sabi naman ni Xiumin at natahimik silang lahat...
"Tama na yan! Hindi natin mahahanap si Glenn kung nagbabangayan kayo..." sabi ni Taegyu hyung...
Tama naman siya... walang mangyayare kung papatulan pa nila si Juniel... ang pinagtataka nila eh kanina pa walang kibo si Chanyeol... Napansin din ito ni D.O... he senses that something is wrong...
"Ako na lang maghahanap sa kanya..." sabi ni D.O at kinuha niya yung coat niya...
"sasama ako..." sabi ni Chanyeol... he was about to wear his coat pero hinawakan ni Juniel ang braso nito...
Nakalimutan niya... he was supposed to be Juniel's... not Glenn's... nagsisisi na siya kakaumpisa pa lang... hindi niya mapigilan ang sarili niyang hindi mag-alala kay Glenn...
"No. Kyungsoo ikaw na lang ang maghanap kay Glenn... susubukan na lang namin siyang tawagan... etoh card ko, pag may problema or pag nahanap mo si Glenn, treat her... gamitin mo yan" sabi ni Suho kay D.O at inabot dito ang Credit Card niya...
Umalis na si D.O para hanapin si Glenn... kahit na hindi naman talaga niya alam kung saan ito pupunta... bahala na... if he think like Glenn, he would probably find her...
And he thinks he knows where she is right now...
[Glenn's]
"eomoni! Bibimbap hana juseyo! (one bibimbap please!)" sabi ko... that's right.. ikakain ko na lang toh... gutom lang toh... makakalimutan ko din toh...
Pumunta na lang ako sa kung saan ako idadala ng mga paa ko... i was lead to this restaurant... actually, sinundan ko yung mga college students na nakasabay kong maglakad...
"Kureseo... I will give you a chance..."
Chance mo mukha mo! Kapre ka! At etoh namang si Juniel kung makayakap! UGH! Nakakainis! Naramdaman kong sumakit nanaman ang dibdib ko... kanina pa toh... nakakainis na...
"Eomoni, isa pa pong bibimbap tapos dalawang order ng eomuk... dalawang Shikhye na din po!"
Nagulat ako sa taong umupo sa harapan ko... how did he know na dito ang punta ko?
"Kanina bago umalis ng dorm sabi mo nagkecrave for bibimbap..." sabi naman ni D.O sa akin at ngumiti siya...
Oo nga pala... kaninang umaga napag-usapan namin nina Sehun at Kai kung ano ang pagkain na gusto naming lutuin ni D.O... nakipagtalo pa ako sa kanilang dalawa na dapat Bibimbap na lang kasi nagkecrave ako...
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya...
"Bakit? Ikaw ba may-ari nitong resto? Di ba ako pwedeng kumain dito?" sagot naman niya sa akin...
May pagkapilosopo din pala tong si D.O... akala ko tahimik talaga siya eh.. may ganitong side din pala siya... Dumating na rin yung order namin... di ko na siya hinintay at sumubo na ako... gutom na gutom na ako eh...
"mas-issneun? (Is it delicious?)" tanong niya sa akin...
"Neomu mas-isseoyo! (really delicious) wait... ang dami mong inorder! Hindi ko babayaran toh!" sabi ko pagkalunok ko nung nasa bibig ko...
"Suho Hyung gave me this" he said at ipinakita niya sa akin yung credit card na gold...
"Assa! Manhi Mogo! (Eat a lot!)" sabi ko naman...
Natawa naman siya sa akin... kanina lang akala ko talaga madudurog na yung puso ko,.. sabi na nga ba pagkain lang makakapagpasaya sa akin ngayon eh...
"Bakit ka umalis kanina?" he asked...
Sumubo naman ulet ako... Don't talk when your mouth is full... mamaya ko na sasagutin yung tanong niya... susubo sana ulet ako ng pigilan ako ni D.O...
"Marhaebwa... (Say it)" sabi niya...
He knows something... I just know it... He was looking at me intently... binitawan ko naman yung kutsarat ko at naalala ko nanaman yung nakita ko sa rooftop...
Napayuko ako... I felt tears start to well up in my eyes... naramdaman kong hinawakan ni D.O ang ulo ko... gosh... buti na lang nasa may tagong part kami ng resto...
"Aish... nakakabaliw kayong dalawa... para kayong tanga" sabi niya...
Baliw? Ha! Siguro nga... Nababaliw na ako... I can't believe it... I think I like Park Chanyeol...
--------------------------------------
Juniel and Chanyeol on the Multimedia Section...
Sino ba naman kasi ang hindi magseselos di ba? ^^