Pasensiya na po sa sobrang ate update. Sana po magustuhan niyo ang dalawang chapter. Thank you.
CHAPTER 7
NAGPALAKAD lakad lang si Phoenix sa loob ng kwarto niya. Sinulyapan niya ang orasan at alas nueve na ng gabi. Pang ilang beses na ba niyang
sinulyapan ang orasan? Marahil, isang daang beses na. Hindi siya mapakali. Samot saring emosyon ang kanyang nararamdaman sa mga oras na 'yon. Parang sasabog ang ulo niya sa pagiisip at ayaw man niyang aminin ay tila nasisiraan na naman siya ng bait. Kailangan mong gumawa ng paraan, Phoenix.
"Stop! Stop! Please, stop.." ayaw niyang maririnig ang boses niyon at ang mga salitang binibitiwan nito.
Bawat minutong nagdaan ay tila pabigat ng pabigat ang kanyang pakiramdam. Nahihirapan siyanh kontrolin ang kanyang hininga. Gustong gusto niyang magisip pero sumusuko na ang kanyang katawan. Mahina ka kasi. Napakagat nalang siya sa ibabang labi niya. Iyon nga ba talaga siya? Agad siyang tumungo sa kanang bahagi ng kaniyang kwarto. Kinuha niya ang kanyang gamot na pampakalma. Nangako na siya sa sarili niya na hindi na siya muling gagamit pa nito pero hindi niya maiiwasan. Hangga't hindi pa siya tuluyang gumagaling ay marahil hindi pa siya titigil sa paginom nito. Bakit? Dahil ito lang naman ang magsilbing kanlungan niya. Ito lang ang tumutulong na makabalik siya sa mundong ninanais niya kahit pa panandaliang oras lamang. Kumuha siya ng tubig at ininom ang gamot. Kailangan niya ito kung gusto niyang makapagisip ng matino. Sa sobrang tindi ng pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Maayos ang pakikitungo ni Mabel sa kanyang kapitbahay. Palagi niyang tinutulungan ang mga ito sa panahon ng kagipitan at maging sa kasiyahan ay iniimbita niya ang mga ito. Ang paniniwala niya kasi ay hindi nabubuhay ang isang tao ng siya lang. Mangangailan at mangangailan ito ng tulong sa anumang oras. Kaya naman naging bukas palad si Mabel sa mga taong nanangangailangan ng tulong. Laging nalahad ang kaniyang mga balikad sa mga pasanin hindi naman kanya. Nais niya rin kasi na mangyari sa sarili ang mga bagay na mabuti niyang ginagawa. Kaya naman minahal siya ng mga tao. Sikat si Mabel sa bawat tao sa kanila. Madami itong kaibigan at tila isa siyang santo na minahal ng lubos. Wala sa plano ni Mabel ang pumasok sa politika. Wala rin sa plano niya ang maging isang sikat. Pero sadya atang mabait ang tadhana sa mga tao ay inihalal siya bilang kapitana ng kanilang baranggay.
"Nako, pasensiya na kayo kapitana. Tuwing gabi nalang ay naabala kayo" tumawa lamang siya sa mga ito. Si Lorena, dati niyang kapitbahay.
"Adik ka talaga, Lorena. Sinabi 'ko naman sa'yong Mabel nalang" ngumisi lamang ang babae.
"Isa ako sa mga bumoto sa iyo 'no. Dapat kalang tawaging kapitana, Mabel. 'Wag mo ng ikahiya iyon. Ang dami mong naitulong sa baranggay natin. Tignan mo ako ngayon, kahit gabi na eh, hindi na ako masyadong nagaalala sa anak 'kong si Rogie tuwing uuwi ng gabi. Aba'y, wala ng tambay na mahilig mag adik diyan sa kanto. Wala na ring magnanakaw at gumagawa ng krimen dahil sa binigyan mo sila ng trabaho diyan sa baranggay" ngumiti nalang si Mabel sa mga ito. Hindi pa rin kasi siya sanay sa mga papuri ng mga ito kaya tanging isang ngiti nalang ang ibinibigay niya.
"Ano ka ba naman, Cecilia, ginawa 'ko lang naman ang tungkulin 'ko. Kamusta na nga pala ang anak mo magaling na ba?" ngumiti naman ang babae at tila napapaluha. Hinawakan nito ang kanyang dalawang kamay.
"Salamat, Mabel 'kung 'di dahil sa'yo baka patay na ang anak 'ko" umiling iling siya. Nagabot pa ito ng pera ngunit hindi niya tinanggap. Kakampot na pera lamang ang sampung libo kung para sa buhay ng anak nito.
"Kung gusto mo talagang mabayaran ang utang mo ay tumulong kana lamang sa programa ng baranggay" tumango ito at nagpasalamat naman ang ito at umalis na rin. Naabutan niya ang batang babae sa kanyang sala.
"Anong ginagawa mo diyan, Irene? Hindi ba sabi 'ko naman sa'yo 'wag mo na akong antayin? Dapat ay natulog kana dahil maaga pa ang pasok mo bukas?" lalong humaba ang nguso nito sa kasisimangot. Nakatiklop anh mga braso nito.
"Nangako kayo na tatabihan niyo akong matulog" napatahimik naman siya. Oo nga pala, ngumiti nalang siya ng malungkot. Ninais niyang magpaliwanag pero..
"Hindi na ako makikinig sa mga pangako niyo. Mabuti pa ang ibang bata natutulungan niyo. Kailangan 'ko rin bang bilhin ang oras ninyo para lang makasama 'ko kayo?" hindi naman kaagad nakabawi si Mabel dahil agad itong umalis. Napaluha nalang si Mabel ng makita niya ang hindi mabilang na medalya nito sa isang gilid. Bukod pa doon ay andoon ang ang mga certificate na nagpapatunay ng pangunguna nito sa klase. Kinuha na niya ang mga iyon at inilagay sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang kanyang kwarto at tumambad sa kanya ang mga medalya at certificate nito. Halos bawat sulok ay napapuno na ng mga medalya, certificate at naglalakihang trophy ni Irene. Napahagulgol na lamang siya. Ni isa ay wala siyang napuntahan sa mga ito. Basta na lamang umuuwi si Irene ng may dalang trophy at medals ng hindi man lang niya nalalaman 'kong anong mayroon.
NAPAMULAT si Phoenix at dumeretso ang titig sa kisame. Napakapa siya sa kanyang dibdib.Wala na ang sakit, isip isip niya. Magaan na ang pakiramdam niya. Isa pang ikinabahala niya na wala man lang siyang matandaang binangungot siya o ni matandaan ang kanyang mga panaginip. Basta ngayon, wala. Blangko lamang lahat na talagang nakakapagtaka. Sa dalawang taon na nakalipas hindi na siya nakagamit pa ng gamot na pampakalma. Kaya nga siguro naninibago siya. Agad niyang tinitigan ang orasan ngunit napadako agad ang tingin niya sa babaeng nakaitim na dress at mapaglarong anyo. Maganda at kaaakit akit na nakakulot ang maganda nitong buhok. Hinubog ng itim na dress ang katawan niya. Malayang ipinapakita ang magaganda, makikinis at kulay porcelana nitong kutis. Para kay Phoenix kulang pa ang salitang kaakit akit, maganda, sexy o kung anumang magagandang katangian para lang maihambing si Satana.
"Satana" halos hindi siya makapaniwalang andito ang babae. Naglakad ito sa dereksyon niya ng hindi nawawala ang pagka elegante at pang aakit.
"Hmm. Phoenix, nabalitaan 'ko ang tungkol sa mission mo" halos mawalan na ng kulay ang mukha 'ko. Magpapaliwanag na sana ako kaso bigla na naman siyang nagsalita.
"Tsk. Tsk. Phoenix, akala 'ko ba gusto mong malaman ang mga sagot?" napaupo siya at yumuko. Mayroon nga siyang lakas ng loob na labanan ito pero hindi ngayon. Alam niyang maaring magalit si Satana. Dahil bawal ang tumanggi sa mission na ibinibigay nito. Inaasahan naman niyang malalaman ito ni Satana pero hindi niya inaasahan na ngayon ngayon agad nito malalaman.
"Kinuha ni Lucky ang mission 'ko" sabi 'ko sa mahinahong tono at may pagiingat. Umiling iling si Satana. Pumunta siya sa lamesa kung saan naroroon ang bago 'kong biling alak. Binuksan niya ito at nagsalin sa baso at nilagok.
"Hulalaan 'ko, kinuha niya ang mission sa'yo dahil kay Mr. Right?" napahalakhak nalamang si Satana sakanya. Mr. Right, ang tawag ni Satana kay Target. Kung bakit? Hindi 'ko alam. Tinitigan niya ako ng mariin. Andoon ang mga nakakaloko niyang tingin na tila ba mayroon siyang maitim na sekreto na hindi 'ko dapat malaman.
"Hay, Phoenix, bakit ba ang inosente mo? Naalala 'ko tuloy siya sa'yo" pinigilan 'ko ang pagtagis ng bagang 'ko dahil sa mga paglalarong ginagawan niya. May dahilan ito kung bakit naririto ito. Ang dapat 'ko lang asahan ay maganda ang dahilan iyon.
"Magagalit si Lucky kapag pinakialaman mo ang plano niya" natawa naman si Satana sakanya.
"Natatakot ka kay Lucky? For Satan's sake, Phoenix, kung tutuusin kayang kaya mo si Lucky. 'Yon ay kung sasaniban ka" lumagok pa siya uli. She looks so vulnerable. Minsan 'ko lang iyon makita kaya hindi 'ko masiguro.
"Isa pa, my plans are better than her plans" nararamdaman 'kong unti nalang ay mapipikon na si Satana kaya minabuti 'ko nalang na tumahimik.
"Ahh. Hindi 'ko talaga nagugustuhan kapag sinisira ang plano. So, Phoenix, ready for plan B?" napalunok siya. Tutulungan niya ako. Ngumiti siya.
"'Yan na ata ang pinakamatinong bagay ang narinig 'ko sa'yo" ngumisi nalang siya at dumeretso ako sa banyo at naligo ng mas mabilis sa inaasahan 'ko. Andoon pa rin si Satana. Nanonood ng tv at nakasalampak ang paa sa couch 'ko. May hawak itong baso ng alak. Iniwasan 'kong mapatingin sa binti niya dahil umangat ng kaunti ang dress nito. Hinayaan 'kong malaglag ang twalya 'ko at napatingin siya. Ngumisi lang ako. Isa sa mga bagay na pwede 'kong ipagmalaki kay Satana ay ang katawan 'ko. Isang paraan para asarin siya.
"Ugh, disgusting" pinigilan 'kong mapahalakhak dahil baka marinig ako ni Lucky. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuot ng jeans ng biglang bumukas ang pinto. Kinakabahang napasulyap ako sa direksyon ni Satana at nasorpresa akong wala siya doon. Walang bakas ng kahit anumang bagay na pwedeng magturo sa kanya. Hindi kaya bahagi siya ng ilusyon 'ko?
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" ngumisi siya kay Lucky.
"Masama magbihis ng jeans? Tutal naman mukhang matagal niyo pa akong ikukulong, might as well na gamitin 'ko nalang pambahay ang ito" hindi nagpatinag si Lucky sa pagiging mapang asar 'ko. Sa halip binigyan niya ako ng malamig na tingin.
"Kung sa inaakala mo makakaalis ka. Nagkakamali ka. Walang bintana ang kwarto mo at maging ang cr dahil hindi ka mahilig sa mga iyon. Wala kang ibang lalabasan kundi ang pintong iyan na paniguradong ikakandado 'ko" tinawanan nalang niya si Lucky.
"Sige. Sige na talo na ako. Bakit gising ka pa ha? Kung may tiwala ka sa sarili mong pakulo nakakatulog kana sana ng mahimbing ngayon. Aminin mo na kasi Luck, takot ka sa pagiging matigas ang ulo 'ko" Nakita niyang namumula na ang tenga ni Luck. Isa pang senyales ng kanyang pagkapanalo. Ang mga tenga ni Luck ay namumula kapag malapit na itong magalit.
"Matulog kana" sabi nito sa malamig na tono at padabog na sinara ang pinto 'ko. Nakita niyang lumabas si Satana sa pinagtataguan nito at blangko ang mukha. Pagkaraan ng sampung minuto ay tumawa ito ngunit mahina lang. Isang misteryo ngayon sa kanya kung paano nakapasok si Satana. Dahil tulad nga ng sinabi nito walang bintana ang kanyang kwarto. Isa lang ang pwede nitong daanan at imposibleng hindi ito ma detect ng CCTV camera ni Frost.
"Paano ka nga pala nakapasok dito ng hindi ka nahuhuli?" nilagok nitong muli ang kanyang alak at ngumisi.
"Minsan talaga nakakairita 'yang lintek na amnesia mo" napatawa siya kay Satana. Ang hilig talaga nitong magpangalan ng mga hindi akmang bagay. Wala siyang amnesia pero may mga pagkakataon na nakakalimot siya.
"Ano nga?" naiinis 'kong tanong sa kanya. Napabuga ito ng hangin at inirapan siya.
"May secret underground ka sa kwarto mo. Doon. Doon ako dumaan" napatanga nalang siya sa sinabi nito. Tinawanan siya nito at hinagis nito ang kanyang damit at jacket.
"Suotin mo iyan. Malamig sa pupuntahan natin"kumunot noo siya. Malamig pero naka dress ito? Sinong niloko nito?
"Bibigyan kita ng limang minuto, dear. Limang minuto lang" pinanlalakihan niya ito ng mata at mabilis na kumilos.
"T-teka, saglit lang.." tinaasan siya ng kilay ni Satana. "Ano na naman?" sinamaan niya ito ng tingin.
"Hindi ko nakuha iyong mission 'ko kay Luck" napatawa si Satana.
"C'mon, Phoenix. Gamitin mo naman iyang summa cum laude mong utak" Napaungol nalang siya sa matinding inis kay Satana na ikinatawa nito. Sinipat ni relo at sumeryoso na ang anyo.
"What?" kinabahan niyang tanong. Sumilay ang nakakaaliw na ngiti sa labi nito.
"Ready?" ngumisi siya kay Satana. "I was born ready" tinungo namin ang isang kwarto pa sa kwarto niya na hindi niya kailanman binuksan. Mabilis ang naging pangyayari. Namalayan na lamang niya ang sarili na bumubulusok pababa. Napatitig siya kay Satana na ngayon ay tawa lang ng tawa. Napahinga siya ng maluwag ngunit may kaba pa rin. Hindi niya alam kung bakit. Maybe because this is the first time she was save by the demon.
CHAPTER 8
NAPAHINGA ng maluwag si Phoenix ng umandar na ang kotse papalayo sa condo nila dito sa Laguna. Wala siyang kaalam alam sa mangyayari pero may tiwala naman siya kay Satana. Napansin niya ang pagtahimik nito at tila nahulog sa malalim na pagiisip. Hindi na naman ito ang Satana na kilala niya o marahil ang inaasahan niya.
"Tapos na ang laro tama ba?" napatitig ng mariin sakanya si Satana. Maraming personalidad si Satana. Kaya nitong maging kasing ugali ni Lucky na intimidating and cold. Kasing maldita at bitch ni Storm. Kasing kulit at mapaglaro katulad ng kambal at syempre ang pinakapaborito niyang ugali---Ang pagiging demonyita nito. Kaya nga nahihiwagaan siya kay Satana. Masyado itong punong puno ng misteryo at tila hindi mauubusan ng mga interesanteng kwento sa likod ng magaganda nitong mata.
"Kailangan mo agad simula ang mission mo mamayang ala una" napatitig siya dito. Mamayang ala una ng hapon? Agad agad? Tila nabahala naman siya. Hindi pa ata siya handa. Mukhang napansin naman ni Satana ang reaksyon dahil nakatanggap agad siya ng sagad sa buto nitong mga salita
"Bakit? 'Wag mong sabihing hindi mo kaya? Wala kang kwenta kung ganun. Sinayang mo lang ang dalawang taon ng pagpapagaling mo napunta lang naman sa wala" tumikom ang bibig niya. Nais niyang putulin ang dila nito ngunit mas nangibabaw ang takot sapagkat kaya ni Satana na putulin ang ulo niya.
"Gagawin 'ko naman" sabi niya. Tinawanan siya ng pang asar ni Satana.
"Talagang gagawin mo. Marami ka namang benefits na makukuha, Phoenix. Una, makukuha mo ang sagot sa katanungan mo. Pangalawa, hindi kana magi guilty sa pang iiwan mo sa ere kina Lucky dahil kapag napagtagumpayan niyo ang mission ay makakalaya na kayo" napalunok siya. Tila nais na naman kumawala ang luha sa mga mata niya. Oo nga pala, may kasalanan pa ako sa kanila. Maya maya lang nakahinto na ang sasakyan sa isang tabi hudyat na kailangan na nilang lumabas. Napahinga na rin siya maluwag dahil hindi na niya kailangang pang sagutin si Satana. Akmang lalabas na sana siya ng sasakayan ng bigla itong magsalita.
"A piece of advice, Phoenix, don't let the old flames burn you twice" nauna na itong bumaba at hindi niya namalayang umaandar na ang kotse. Napansin nalang niya ito ng malayo na sila. Nagwala siya nu'n pero hindi naman umabot sa punto na papatayin niya na ang driver.
TAHIMIK lamang na nakikinig si Cliff sa babaeng may asul na na mga mata. Magandang hugis na mukha. Mga matang mapupungay. Nakakaakit na labi at ang katawang pamatay tingin na tila perpekto ang hugis. Maganda rin ang blonde na buhok nito nakapusod lang. Walang dudang napakaganda at kaakit akit ang babae.
"So, Mr. De Vera, what do you think?" binigyan siya nito ng kaakit akit na ngiti. Nais niyang ibigay ang buong atensyon niya dito. Kung tutuusin nakuha na agad nito ang atensyon niya nung una palang pero hindi ito ang gusto niya.
"Let's eat first" paanyaya niya. Sa totoo lang hindi nagpakita ng motibo ang babae na gusto lang nito na ikama niya. Malinaw na pure business lang ang habol nito sa kanya. Kahit na nagbibigay ito ng mga nakakaakit na galaw at nakapanghahalina na ngiti.
Nagbigay ito ng magandang tawa. Isang tawa na hindi dapat ginagawa ng isang babae. Bagamat malakas ay andoon pa rin ang poise. Mas lalo itong gumaganda kapag ganon.
"C'mon, Mr. De Vera. A simple no is okey" napatigil siya sa paghiwa ng stake niya. Nawala na ang tingin nito na nakakaakit at napalitan ng pagka cold.
"What's wrong?" pagtatanong niya. Napailing iling ito sa kanya.
"Naglolokohan lang tayo dito" umangat ang sulok ng labi niya.
"Naglolokohan?" nagbigay siya ng kunot noong ekspresyon na lalong ikinabwisit nito.
"Hindi ka interesado. Halata naman. Hindi ako ang inaasahan mo tama, diba? My gosh, daldal ako ng daldal dito hindi ka naman nakikinig. Buti sana kung nahumaling ka sa maganda kong mukha pero hindi naman. Halatang may iba kang iniisip" nabigla siya sa dami ng sinabi nito. Well, mukhang tipikal na babae ito. Napailing iling siya.
"Paano mo nasabi 'yan?" sumubo siya ng stake at kaswal na nakipagusap nito. Namula lalo ang mukha nito sa inis.
"Shut up. 'Wag mo na akong bwisitin ngayon. Just tell me kung anong gusto mo para matapos na 'to" sa boses palang nito ay halata ng nagmamadali ito. Napailing iling siya.
"Na saan ang bagong sekretarya 'ko?" ngumisi ang babae. Umiling iling sa kanya. Tumayo ito.
"I'm Annika Guillermo, Sir. Your new secretary"