The Art of Being Inlove

By Nami-san_0323

14 1 0

Naranasan mo na bang mainlove? Yung tipong naramdaman mo na kung paano mabasted, umasa, maloko, masaktan, um... More

Chapter 1

13 1 0
By Nami-san_0323

" Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo to Hanni. Kaso wala akong lakas ng loob para umamin. Pero ngayong kaharap na kita, aaminin ko na sayo lahat ng nararamdaman ko. "

Waahh! ~ Totoo ba to? *.* Kaharap ko na ang ultimate crush ko since 1st year high school? Hindi ba ko nananaginip??

" Ano ba yun Louie? " pabebe kong tanong. :D

" Gusto kita. Simula palang nung una kitang makita, nagustuhan na agad kita. Hindi ko alam pero naaakit ako sa mga ngiti mo. They are all beautiful. :) "

Kyaahh! Totoo ba to? Gusto daw ako ni Louie! Gusto nya ko! Pwede nakong mamatay! :D

Pero syempre joke lang yun. Aamin pa ko sa kanya. Di pwedeng mamatay agad ako.

"Louie..^^ Ano kasi.. -- ahh. Ano.. "

Tsk. Ano ba yan? Nauutal ako! -_-

" Sana, bigyan mo ako ng pagkakataon na ligawan ka. I really like you Hanni. I really do. "

" Louie, gusto din kita. Gustong gusto. :) At ngayon palang, sinasagot na kita! ^_^ "

Syempre di na ko magpapakipot pa kay Louie. "Grab the chance" ika nga. Mamaya mawala pa pagkagusto nito sakin. Naku mahirap na. Matagal tagal ko rin syang pinagnasaan sa panaginip ko no! Hahaha. Joke. :D

" Talaga Hanni? Di ka nagbibiro? "

" Mukha bang nagbibiro ang mukha ko? Oo nga. Sinasagot na kita. Ibig sabihin tayo na! :) "

" Yes! Thank You Hanni! I really really really like you! ^_^ "

Mukhang masaya nga sya. Napapakanta eh. Yung kanta ni Carly Rae Jepsen. XD

Ngumiti nalang ako sa kanya. Waahh. ~ I can't believe this. Finally, akin na si Louie! Nakakatawa lang kasi may gusto din pala sya sakin. Hindi ko lubos maimagine na kami na. ^_^ Hmmm. Ano ba ngayon? 12? Ah! Ilalagay ko to sa Memo ko. Bwahahaha. XD Ito ang araw na sya'y napasaakin.

Nagkatitigan kaming dalawa. Maya maya lang, unti unti nyang inilapit ang mukha nya sakin.

Oo_oO

Omo! Is he going to kiss me??

3 inches.

Palapit na ng palapit ang mukha nya sakin. Gosh. Ang gwapo nya talaga. Yung labi nya. *_* Geez. I'm going to die na talaga. Ang pupula ng labi nya. Kyaahh!!

2 inches.

Di ako makapaniwala na hahalikan nako ng nilalang na to. Wala nakong magagawa.
Ipinikit ko na ang mata ko at hinihintay na maglapat ang mga kissable lips nya sakin. Waahh. Totoo ba talaga to??

1 inch.

Ayan na.. Malapit na! Konting tiis nalang Hanni! Mapapasayo na ang first kiss ng pinakamamahal mong nilalang sa mundo!

Pero medyo nakakangalay ha! Ngalay na nguso ko!

1/2 inch.

Eh? Meron ba nun? +_+

Anyway, wala kong paki. Basta ayan na talaga! Malapit na malapit na! Patience is a Virtue Dear! Magtiis ka! Wag kang atat.

Ano ba yan Louie! Malapit ng malaglag nguso ko! Ba't ba kasi ang tagal??

And then....

Bang!!!

*boogggsshhh!*

(a/n: Soundeffect po yan ng pagkakabagsak ni Hanni. Pasensya na po. Mahina ako sa sound effect. Haha. XD)

" Arayyy ko.. Ouch. Ang sakit ng pwet ko. T_T"

Huhu. Nalaglag pako sa kama ng dahil lang sa paghihintay dyan sa kiss ni Louie tapos di naman pala matutuloy. Kainis. -_- Ang sakit tuloy ng pwet ko. Yun kasi yung unang bumagsak!
.

.

.

.
Pero teka. Wag nyong sabihin na panaginip na naman ang lahat??

Waaahh~ T+T

Akala ko umamin na sakin si Louie. Akala ko magiging kami na kasi sinagot ko na sya tapos 12 yung monthsary namin. Kala ko hahalikan nya nako. Yun pala, akala ko lang yun?!

Buset na yan. Dami na talagang paasa ngayon! Pati panaginip pinapaasa ako. -_- Kabadtrip.

*knocks the door*

" Sino yan?! "

" Rise and Shine dear. Gising na. Baka malate ka sa school mo. Hintayin ka na namin ni Daddy sa dining room for breakfast. Bilisan mo. "

Ayy si Mom pala.

Pero ang aga pa ah! Ang aga nya naman akong pinapababa!

" But Mom it's still early. 6 palang po kaya ng umaga! "

" Anong ang aga pa? Alam mo namang ang pagong mong kumilos tapos magrereklamo ka pang ang aga pa! Eh kung hilahin kaya kita pababa dyan sa kama mo? "

" Kanina pa po ko nakababa. Andito pa nga ko sa sahig eh. T_T

" Oh yun naman pala eh. Ano? Nanaginip ka na naman siguro no? Sino ba yang napanaginipan mo at bumagsak ka na naman? Siguro crush mo no? "

" Haayy nako Mom. Tigilan mo ko. "

Ito talaga si Mommy. Kung makapagsabing crush ko na naman ang napanaginipan ko parang katabi ko sya magdamag at nababasa nya panaginip ko. Oh well. Tama naman sya. :D Crush ko nga. Hahaha.

" Sus. Kunwari ka pa. Magpasalamat ka dyan sa crush mo at nagising ka ng wala akong ginawang effort. Kung hindi natalakan na naman kita dyan. Sino ba yang napanaginipan mo ha? "

" Wala. Walang forever! Lahat ng bagay may ending kasi madaming paasa! "

" Anong walang forever? Baka gusto mong patunayan ko sa yo na may forever. Hala sige! Forever kitang di bigyan ng baon dyan kung di ka pa magasikaso, tamo. Dalian mo na dyan! "

Huhu. Di na ko nagsalita. Basta si Mommy talaga ang bumanat, wala nakong nagagawa. Thuglife.

Today is my first day in **** Academy as a 4th year high school student and as what my Mom said to me, pumunta daw ako sa school ng maaga para makakilala ng mga kaibigan. Trinansfer kasi ako ni Mommy sa school na yun which is I really don't like. -_-

Ewan ko ba. Gragraduate nako't lahat dun sa pinapasukan kong school dati, trinansfer pa ko ni Mom at dun pa sa school na ayaw na ayaw ko. Minsan di ko rin mabasa kung anong nasa isip ni Mama eh. Alam nya namang ayaw ko sa school na yun kasi balita ko, maraming gangsters dun, mga jeje, tapos marami din daw bitches, whores, mga ganun ba? Tapos malalaman ko nalang na isang araw dun na pala ko papasok. Di ko tuloy alam kung anong mangyayari sa buhay ko sa school na yun.

Well, wala naman akong magagawa kasi it's my parents decision. Ang kaylangan ko nalang gawin is tanggapin yun. :3

Pero kasi eh, di ko na tuloy makikita si Papa Louie! T_T Yung lalaking yun, kahit ilang beses nya nakong pinaasa sa panaginip ko, crush na crush ko parin sya. Ang wafuu nya kasi. *_* Yun nga lang, di ko na nga sya makikita. -_- Kainis naman kasi eh. Ba't pa kasi ako napalipat ng school? Hay nako nako.

Oh well, let's moved on. Magaasikaso nako at baka mamaya umakyat na naman si Mommy dito at maboom ratatatat ako sa kanya. Yun kasi si Mommy kahit sobrang bait nun, nagiging monster yun pagdating ng umaga ng dahil lang sa paggigising sakin. Wala naman akong magawa. Tulog mantika ako eh. :D

Nagprepare nako. Naligo, nagbihis, nagretouch ng KONTI and viola! Tapos na ko. I'm ready to go to my new school now!

Bumaba na ako at pumunta sa dining room dahil alam kong kanina pa naghihintay sina Mader at Pader doon.

" GoodMorning Mom and Dad. "

" Oh. Anong oras na? Sabi ko naman kasi bilisan mong kumilos eh. Sya, kumain ka na at magpahatid ka kay Manong Boogie sa school mo. Di ka na kasi namin maiihatid ni Daddy sa school mo at baka kami ang malate sa meeting namin with our new client. "

" Okay Mom. "

" Oh sya, uuna na kami. Wag mong pairalin yang kamalditahan mo sa mga magiging kaklase mo ha. Naku ang ugali mo pa naman. "

Grabe naman si Mommy sakin. Di naman ako maldita ah! Naiinis lang ako kasi ayoko dun sa school na pinagtransferan ko.

" Ang hard nyo sakin Mommy. Mabait naman ako eh. Wag lang akong iinisin nung mga tao dun at magiging close kami. :) "

" Tumigil ka dyan. Alalahanin mong new school mo yun. You need to make friends kaya wag kang magsusuplada. Pinaaalahanan lang kita. // Oh pano, Manang! Pakiasikaso naman po si Hanni at baka malate pa sya school nya eh. Salamat! "

Sus. Di naman masama ugali ko eh. Mabait ako. As in mabait. :) Yung tipong nangmumurder ako ng mga paasang tao sa isip ko. XD

Pero syempre joke lang yun. Mabait nga kasi ako.

" Okay. Bye baby. Ingat sa school and goodluck sa magiging bagong kaibigan. Be friendly okay? "

" Okay Dad. "

Buti pa si Daddy, " Be friendly " lang ang sasabihin nya sakin. Dapat ganun din sana si Mom pero how I wish Hahaha. Ganun na talaga siguro ang mga Nanay. Mahilig silang mangtalak pero para sayo din naman kung bakit ka nila tatalakan kaya naiintindihan ko nalang si Mom. Tutal, minsan lang naman sya maging ganun.

Matapos ang mahabang pagpapaalam, umalis nadin sila at nagsimula na ako sa pagkain. XD

Pagkatapos kong kumain, nagready nako at nagpaalam na kay Manang Cecille.

Hindi ko alam pero ninenerbyos ako. Hay nako. Sana talaga maging maayos ang first day ko. At sana maging masaya ako sa new school ko.

Tinawag ko na si Manong Boogie, ang aming mabait na driver at nagpahatid nako sa kanya sa school.

*after 10 minutes*

Luh. Nandito na ako. *.*

Madami na akong nakitang estudyante na naglalakad papasok at yung iba naman nagkumpol kumpol dun sa tabi ng entrance gate. Hala~ Ang daming tao! Nakakahiya tuloy bumaba. Pano to? Wala akong kasama.

Ito ang isa mga disadvantage na ayaw ko sa pagtratransfer eh. Pag lumipat ka, wala kang kasama. Mapapakanta ka nalang ng Alone kasi mag-isa kalang papasok ng school pag first day dahil wala kang kakilala na estudyante dun sa papasukan mo. Hahahayyy. Nakakainis tuloy.

" Miss Hanni. Andito napo tayo sa school nyo. "

" Alam ko po Manong Boogie. "

" Eh ba't ayaw nyo pa pong bumaba?? "

" Anong klaseng tanong yan Manong? Pinapangunahan mo ko? "

" Hindi naman po sa ganun. Pasensya napo at baka nagagalit na kayo sakin. Ibinilin kasi kayo sakin ng inyong Mommy at sinabi nya na pababain daw kita agad kasi baka malate ka. "

" Di po ako nagagalit Manong. Ninenerbyos po kasi ako! Ayoko pang bumaba! "

" Alam nyo po Miss Hanni, mas nakakanerbyos kung hindi kayo bababa agad. Pag nalate kayo sa unang subject nyo, syempre kaylangan nyong tumakbo. Eh pano kung madapa kayo o di kaya matapilok pa kayo sa dinadaanan nyo tapos pagdating mo dun sa room mo, nandun na yung teacher mo at nagkaklase na tapos papagalitan ka, hindi ba't parang mas nakakanerbyos yun?"

Kung sabagay, tama nga si Manong. Naisip ko din yun eh. Naunahan nya nga lang ako.

" Oo nga Manong no? Sige po. Bababa nako. Bye Manong! "

" Oh sige po Miss Hanni. Ingat po sa inyong pagpasok. "

Tama si Manong. Mas nakakanerbyos kapag napagalitan ako ng Teacher dahil nalate ako. Wala pa naman akong kaalam alam sa mga attitude ng teachers dito.

Nagbilang muna ako ng 123 bago tuluyang bumaba sa kotse namin.

Binuksan ko na yung pinto ng kotse at bumaba habang nakangiti. :) Syempre, kahit ayaw ko dito sa school na to kaylangan kong maging plastic for a moment. :D Ngayon lang naman eh. Saglit lang to.

Pagkabukas ko ng pinto, naririnig ko pa ang tawanan ng mga estudyante.
Pero ba't ganun. Biglang tumahimik.

Ano to? A moment of silence?

Ba't ganun! Bakit lahat sila nakatingin sakin? •.•

May dumi ba ko sa mukha?
May kanin paba ako sa bibig?
O baka naman may kulangot ako sa ilong! O_O

I touch my face.

Wala naman ah! Problema ng mga to sakin? Nakakastarstruck ba kadyosahan ko at bigla silang tumahimik? :D

Hahaha. Joke. Kayo naman. Wag kayong magalala, di ako nagsisinungaling. Sabi ko naman sa inyo mabait ako eh. Medyo mayabang lang. XD

Pero kasi eh. Hanggang ngayon, nakatingin parin sila sakin.

Yung iba, nagsipasukan na ng entrance at yung iba nandun padin at nakatingin sakin.

Jusme. Di ba sila magsasawa sa pagtingin sakin? Ano bang problema sa mukha ko?

Tsk. Magiging tuod nako dito mamaya. Di kasi ako makaalis! Nahihiya akong maglakad! -_-

Para umiwas nalang sa mga nakakamatay nilang tingin at para mabawasan kahit papaano ang aking hiya, I look at my wrist watch and tinignan kung anong oras na.
.

.

.

.

.

.

OO___OO

Oh my Gosh! Isang nagniningning na 7:56 am ang nagpakita sakin!!
My class will start at 8:00 am so 4 mins nalang magsisimula na yung klase namin!

Lagot! Pano nalang kung mangyari yung sinabi ni Manong?? Anong gagawin ko? Ayokong mapahiya!

Tumakbo nako. Sana di ako madapa or ano. Naalala ko kasi yung sinabi ni Manong!

Ramdam ko parin ang pagsunod ng tingin sakin ng mga tao. Pero di ko na sila pinansin dahil naiisip ko na any moment magsisimula na ang klase ko at ayaw kong malate. Geez. >.<

Hinanap ko ang room 2203 at nakakainis kasi di ko sya makita!

Room 2203, nasan kana? Magpakita ka na sakin!

*after 2 mins. *

Ayun! Ayun ang Room 2203!

I run again hanggang sa nakarating nako sa Room 2203 at nakakaiyak dahil sarado yung pinto. T_T

Wala na. Late na talaga ko. Nakakainis kasi eh. Ba't kasi ang pagong kong tumakbo??

I hold the door knob. Wala kong magagawa. Kailangan ko paring pumasok kahit nakasarado ang pintuan. Naku po Lord. Sana po talaga di ako pagalitan.

1

2

3!

I wear my most beautiful smile para di sila mabadtrip sa ginawa kong pagpasok. >.<

And as usual, lahat na naman sila ay nakatingin sakin. -_-

Oo. Alam kong late ako pero ano bang problema sa mukha ko at kapag nakikita nila to, tumatahimik sila? Mukha ba kong nakatakot?

Ipatanggal ko na kaya 'to?

Argh. Anyways, back to reality.

So yun nga. Lahat sila ay nakatingin sa akin including Maam. Yung isang babae, tinignan pa ko from head to toe. Problema nito?

" Ahmm. Good Morning po Maam. :) "

I look at my teacher's face and nakatakot yung mukha nya. Mukha syang masungit.

" Yes? Sinong kailangan? "

" Ah wala po. Dito po kasi ako sa room nato. Sorry po if I'm late Maam. "

" Oh okay. You belong to this class? "

" Yes Maam. "

" Ahh, okay. Come in. :) "

Biglang nawala yung kaba ko nung nagsmile sya sakin. Hahaha, mukhang hindi nya ako papagalitan. Yes! :D

Pumasok nako sa room at hanggang ngayon, yung mga kaklase ko nakatingin parin sakin. Yung iba naman, nagbubulungan na. Medyo nakakairita pero kailangan ko paring ngumiti sa kanila kasi mabait ako.

" Okay class. You have a new classmate and magpapakilala sya sa inyo. Please listen muna. "

Tumingin sakin si Maam at nagsalita.

" Please introduce yourself. "

" Oh. Okay Maam. :) // Goodmorning and Hello classmates! I'm Johanni Alex Castillo and you can call me Hanni. 16 years ng nabubuhay dito sa earth. Sana maka-close ko kayong lahat. Nice to meet you all. "

Oh ayan. Sana nasatisfied sila sa pagpapakila ko sa kanila. Wala kasing pumapasok sa utak ko eh.

" Okay Ms. Hanni, welcome to the class. You can sit beside Ms. Castro. "

" Okay Maam. Thank you po. "

Naupo na ako sa tabi nung babae. Ngumiti ako sa kanya at ngumiti din naman sya sakin.

Maging kaibigan ko kaya tong babaeng to? I think she's kind naman pero kaylangan ko paring magobserve. Baka mamaya, plinaplastic pala ko nito. Mahirap na.

Nakinig nako kay Maam sa mga rules nya sa room. Wala akong madaldalan eh. Nakakahiyang magapproach. Tsk. Di ako sanay sa ganto. Maingay kasi ako sa dati kong school. Pero ano ngayon, di ako makapagsalita. Hahard.

Maya maya, habang nakikinig ako, may tumingin saking apat na babae na nasa unahan ko. Nasa 2nd row kasi ako tapos yung 4 girls na tumingin sakin, nasa first row.

They stare at me so, I stare at them too and said Hello.

" Hello. ^_^ "

After that, ineexpect ko na ngingiti din sila sakin at maghehello. Pero hindi yun ang nangyari.

Sabay sabay nila akong inirapan tapos humarap na sila ulit sa unahan.

Okay. What was that? What's their problem? Ito na ba yung sinasabi ng mga kaklase ko dati na sa school nato, marami ka talagang hindi magugustuhan?

Haayy nako. Kabago bago ko palang sa school pero napatunayan ko kaagad na totoo nga ang sinasabi ng mga taga labas. At dito sa room nato, mukhang alam ko na din kung sino ang mga dapat pagtiwalaan at yung mga masasama ang ugali. Siguro kung masama rin ang ugali ko, sabay sabay ko ding dinukot yung mga mata nila. Irapan ba naman ako eh wala naman akong ginagawa sa kanila. Ayoko pa naman sa lahat yung ang ganda ganda ng approach ko tapos ganun ang ireresponce sakin. Nakakabadtrip ang mga ganung tao.

" Hayaan mo nalang yang mga babae sa unahan mo. Ganyan talaga sila. "

Nagulat ako sa katabi ko. Bigla ba naman kasing nagsalita! >.<

" Grabe ka naman. Ginulat mo ko dun eh. // Hahaha. Oo. Hahayaan ko nalang nga sila. Mukhang masama ang ugali eh. "

" Sinabi mo pa. Naku.~ Kung pwede lang silang ibaon sa lupa, matagal na naming ginawa. Nakakairita kasi yung kaartehan nila tsaka yung kasamaan ng ugali nila. "

" Hahaha. Sa sinabi mong yan, mukhang inis na inis ka talaga sa kanila eh. "

" Talaga! Mga pabebe yan eh. Wala daw makakapigil sa kanila. Mga loka loka. Sarap ipatapon sa araw. -_- "

" Hahahaha. Lakas ng boses mo. Baka marinig ka nila. "

" Pfft. Haha. Kanina pa ko naririnig ng mga yan for sure. Tsaka wala kong pake kung marinig nila ko no. Totoo naman sinasabi ko eh. "

" Hahaha. Ewan ko sayo. "

Natatawa ako sa babaeng katabi ko. Grabe kung magparinig eh! Aware naman sya na nandun yung mga kinaiinisan nya sa harap nya pero kung makapagsalita parang nasa last row sya ng upuan.

Ano kayang pangalan nito? Hindi pa namin kilala ang isa't isa pero nagtatawanan na kami. Mukhang makakaclose ko nga ang babaeng to. Sana. Sana hindi sya isa mga sinasabi nilang bitches and whores dito sa school nato.

" Anyway, ako pala si Regina Sam Castro. Tawagin mo nalang akong Sam. :) "

Ah. So she's Sam. What a cute name. ^.^

" I'm Johanni Alex Castillo and you can call me Hanni naman. :) "

" Nakakagutom naman yang nickname mo. Haha. So, san ka pala galing na school? "

" Sa #### Academy. "

" Oh?! Dun ka galing? Ang ganda kaya sa school na yun! Ba't ka lumipat? "

Nagkwentuhan kami ni Sam at hindi na kami nakikinig sa sinasabi ni Maam. About rules lang naman kasi sa room eh kaya di na kami nakinig. XD

So ayun, nakwento ko na nga sa kanya kung ba't ako lumipat. Syempre sinabi ko yung totoo na kaya ako lumipat ay dahil lang sa kagustuhan ng parents ko. I even tell her too that I don't like this school. Tapos medyo nagulat din ako to know that di nya rin pala gusto sa school nato kasi yun nga, marami din syang naririnig na bad comments about sa school nato. Pero she has no choice but to study in this school kasi ayaw ng mga parents nya sa malayo. Ito lang daw kasi ang pinakamalapit na Academy sa house nila kaya yun wala na din daw sya nagawa. Ang saya ko. :D Parehas naming ayaw sa school na to kaya nagkakasundo kami. Hahaha.

We continued on sharing our stories. Nalaman ko din na since first year pa pala sya dito nagaaral kaya sanay na sya mga ugali ng tao dito sa school lalo na daw sa mga nandito sa harap namin. Magkakasama na kasi daw sila since 1st year pa kaya kilalang kilala nya na daw ang ugali ng mga "B*tch Warriors" daw dito sa harap namin. Mukhang galit na galit talaga sya sa mga to eh. Bakit kaya? Hahaha.

Natapos na ang isang oras na nagkwekwentuhan lang kami ni Sam. Nakakatawa syang kausap. XD

Nagpaalam na si Maam samin and she said na breaktime na namin so it's time to eat! :)

Ito talaga pinakafavorite kong subject eh. Actually tatlo sila. Si BreakTime, si Lunchtime at si Uwian. :) Love na love ko tong tatlong subject na to. Sa tuwing time na nila, naeexcite ako. Hahaha. :D

Niyaya ako ni Sam sa cafeteria para bumili ng pagkain. Pagdating namin dun, sobrang daming tao at medyo mainit sa loob. Pinagpapawisan na tuloy ako. Tapos idagdag mo pa na ang dami na namang nakatingin sakin.

Ayy talaga naman. Tsk. Kanina pang umaga tong scene na to ah. --__--

Naglakad na lang kami ni Sam at di ko nalang pinansin ang mga nakatingin sakin. Pero nagulat ako bigla syang tumigil.

" Ba't ka tumigil Sam? May problema ba? "

Bigla kasing umiba yung aura ni Sam. Kanina kasi nakangiti pa sya tapos ngayon, anyare?

" Argh. Iba na talaga tong mga B*tch Warriors nato. Kung saan saan nalang dinadala ang kalandian. Badtrip. "

Ahh. So problema nya na naman yung mga Warriors na yun. Bakit ba kaya inis na inis sya sa mga yun?

" Hayaan mo nalang sila Sam. Tara kain nalang tayo. Treat kita. :) "

I change the topic nalang kesa mapunta pa ito sa iba. Baka kasi mamaya first day of school palang, may mangyari na agad na hindi maganda eh.

So ayun nga, bumili na kami ni Sam ng pagkain at umupo sa mga upuan doon.

Nanibago tuloy agad ako sa kanya. Bigla syang tumahimik. Ano bang nangyayari sa babaeng to?

" Hmm.. Sam? "

Anong nangyayari dito? Ba't natutulala to? Kanina naman ang saya saya nya pa ah.

" Oyy Sam! Yuhoo.. Ano? Ba't ka tulala?? "

Sinasabi ko pa yun habang winawagayway ang isa sa mga pagkain ko. Kaso mukhang di effective eh. Sigawan ko kaya??

Humarap ako sa mukha nyang tulala padin. Sabay sigaw,

" SAM!! "

" Waahh! Ano ba Hanni? Ginulat mo naman ako! "

Hahaha. Ooppss. Sarreh. XD

Yung mga tao dun sa cafeteria nakatingin padin sakin. Mukhang malakas nga talaga ang sigaw ko.

" Eh ba't kasi bigla kang natulala ha? Kanina naman ang saya saya mo pa. Ano bang problema? "

" Wala. Wag mo nalang akong isipin. Kumain ka nalang dyan at alam ko kanina ka pa gutom. "

" Eehh. Sige na. ~ Sabihin mo na. Don't worry. Kahit alam kong mukhang di katiwa-tiwala ang mukha ko, napapagkatiwalaan naman ako. You can share your secrets to me. Besides, new friend naman kita and new friend mo na din ako. :) "

" Sure ka? Di mo ipagkakalat sa iba? "

" Yep. Promise. :) "

" Okay. So kasi ganto yun.. "

Nakatingin nako kay Sam at handa na sana akong makinig sa nobela nya ng biglang may nagsalita sa harap namin.

" Oh. ~ So look who's here. The Stupid Girl and the New... err.. Transferee."

Okay. The B*tch Warriors has arrived. So, ano na namang problema nila? Ba't sila lumapit samin and why'd she call Sam a Stupid Girl?

" Excuse me? Anong kailangan nyo at sino ba kayo? "

Ako na yung nagsalita dahil mukhang lalong nadagdagan ang badtrip ni Sam.

" Well. We are the Four Maria's. She's Lianne, Lorraine, Vanessa and me, Victoria. "

Four Maria's? Diba Tres Marias lang ang meron?? Haha! Galing ah. Gumagawa na sila ng sarili nilang version. Ano? B*tch Warriors Version?? Ayy grabe.

Mga pangalan palang nila, pang kontrabida na talaga. Lalo na yung Victoria. I think she's the leader of their group.

Nakatingin lang ako sa kanila pagkatapos nyang sabihin ang lahat ng pangalan nila. So ano? Yung lang ba yung gagawin nila? They can go now.

" Oh tapos? Okay na kayo? You already tell us the names of your members so siguro pwede na rin kayong umalis kasi kumakain kami. "

" Excuse me?! "

" Why? Something wrong? "

Nagulat ako bigla sa ginawa nung Victoria dahil hinawakan nya ko sa braso at hinila palapit sa kanya. Aba?! Ano bang problema nya?

" Hey! Ano bang problema mo ha? Pwede ba? Bitawan mo nga ang braso ko dahil nakakabastos ka. Can't you see that we're eating?! "

Waahh. ~ Sorry po Lord. Ayoko pong maging maldita dahil yun ang kabilin bilinan sakin ni Mommy. Pero sa sitwasyong to, mukhang hindi ko po kayang hindi ilabas ang kamalditahan ko.

Tumayo si Sam nung pagkahila sakin ni Victoria. I think umiinit nadin ang ulo nya lalo pa't yung ibang estudyante ay pinagtitinginan na kami.

" Pwede ba Victoria? Wala kaming ginagawang masama sayo kaya bitawan mo si Hanni kung ayaw mong magkaroon ng gulo dito. "

" Aww. ~ What a concerned friend. Haayy nako Regina. Sa tingin mo ba magagawa mo yun eh tatanga tanga ka kaya! "

Pagkasabi nya nun, sabay sabay silang tumawa nung mga alipores nya.

Aba't! -- Sumosobra na sila ah! Ang kapal naman yata ng mukha nya para sabihing tanga si Sam! Mabait ako pero kung gagantuhin nila si Sam, baka ako makalaban nila. Nakakainis natong pugita nato eh lalo na yung mga tawa nya. Argh. This girl's trying to test my patience. Tinignan ko sya ng masama at wala akong pake kung mapansin nya yun.

" At ikaw naman. "

Tumingin sya sakin habang hawak hawak parin ang braso ko.

" You should respect us from now on! Wala pang babae ang kumalaban samin maliban sa inyong dalawa at dahil dun, papahirapan namin kayo ng paulit ulit. Kinakalaban nyo kami so kakalabanin din namin kayo. Kung ayaw mong mangyari to ulit, then you must respect and treat us like a queen, honey. Itatak mo sa isip mo yan. "

" Why would I? Mukha ba kayong karespe-respeto? "


Sinabi ko yan ng hindi nauutal. Pake ko sa kanila? Magpakita muna sakin sila ng korona nila kung totoo silang mga queen at dun ko sila irerespeto! Hindi ako isang estudyanteng pumasok dito to treat them as what they want me to treat them.

Nagulat yung apat na babae kasama si Sam. Bakit? Totoo naman eh. Mukha bang karespe respeto ang apat nato? Eh akto pa nga lang nila bagsak na eh!

" Excuse me Hanni? Are you reffering to us? Huh? "

Yung mukha nung Vanessa naiinis na. So what? Di ako natatakot sa kanya at sa mga alipores nyang pugits.

" Oo. Bakit? Meron pa bang iba? "

Continue Reading

You'll Also Like

224 1 6
Bawat tao nakakaranas ng First time. Oo first time! Like first bf, first kiss, first embarrasing moment na nakita ni crush (shet), first time na MERO...
22.2K 102 41
Naranasan mo na bang magmahal at masaktan ng ilang beses? Naisip mo na ba minsan kung paano mahihilom yung bawat sakit na nararamdaman mo? Well.. my...
2.8K 89 36
Paano kung itinaboy mo ang isang taong tunay na nagmamahal sa'yo? Tapos all this time pala, mahal mo din sya? Paano kung narealize mo ito pero huli...
1.5K 53 15
Kung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot...
Wattpad App - Unlock exclusive features