Daniel's POV
Shit! Hindi ko pa din alam ang gagawin ko. Paikot ikot pa din ako hanggang ngayon. Tangina naman kasi bakit ko pa siya nabuntis. Hindi pa pwede. Madami pa akong pangarap para samen ng kapatid ko.
Ilang messages na din ang natatanggap ko galing sa kanya na kailangan daw namin mag usap. At hanggang ngayon hindi ako nagrereply sa kanya. Bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko naman ginusto yun.
Pumunta ako ng school para ayusin ang mga subjects ko para mabawasan naman ang problema ko. Nakita ko ang prof ko at agad akong lumapit sa kanya.
"Ma'am."
"Mr. Padilla, good thing you're here. Hinahanap kita kanina pa." Kinabahan naman ako sa narinig ko sa kanya.
"Ba-bakit po? May problema po ba?"
"I'm sorry. Hindi talaga umabot yung final exam grade mo para mahatak ang final grade mo. Hindi ko mahila sa attendance mo dahil lagi kang wala. Wala din akong ma-compute sa class standing mo dahil hindi ka nagpapa-participate.I'm sorry."
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Puta! Panibagong problema na naman. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko mag enroll sa subject na to ulit.
"Daniel ano ba yan ang aga aga naman nakasimangot ka!" Nakita pala ako nila Diego. "Alam na namin yun pare. Okay lang yan sa susunod kasi mag focus ka na hindi yung puro pambababae yang inaatupag mo."
Hindi na ako sumagot sa kanila at umalis na lang. Pumunta ako sa rooftop. Hindi ko na alam ang gagawin kong solusyon para maayos ko lahat ng problema ko. Wala na kaming pera. Paano ako makakapag enroll sa subject na yun?
"Daniel...."
Nag init na naman ang ulo ko sa narinig ko. Tangina. Galit akong humarap sa kanya at hinawakan siya sa braso. Wala akong pakialam sa kahit na buntis pa siya.
"Nang dahil sayo nasira lahat ng plano ko sa buhay ko! Sumabay pa yang dinadala mo!" Nanlilisik ang mata ko sa kanya.
"Nasasaktan ako." Natulo ang luha na sabi niya. Binitawan ko siya.
"Umalis ka na Kathryn. Hindi ka makakatulong sa problema ko." Tinalikuran ko na siya.
Kathryn's POV
"Daniel, paano na ang anak natin?" Halos sumabog na ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Edi ipalaglag mo." Walang emosyon na sabi niya.
Kulang na lang mahimatay ako sa narinig ko. "Anong sabi mo?"
"Bingi ka ba? O sadyang tanga ka talaga? Hindi mo ba nararamdaman na niloloko lang kita simula nung una pa lang? Tanga mo naman Kathryn! Sa tingin mo ba seryoso ako sayo? Niloloko lang kita. Gusto ko lang matikman ka. At nagawa ko naman na yun. Kaya ngayon, sawa na ako sayo. Nakuha na kita. Salamat kasi ako ang una. Pero sorry, hindi kita mahal at hindi ko papanagutan yang dinadala mo kaya bahala ka na buhay mo kasi break na tayo."
Hindi ako makaiyak! Hindi ako makagalaw. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Gusto ko magwala pero nanghihina ako.
"DJ. Sabihin mo naman na hindi totoo lahat ng yan. Parang awa mo na sabihin mo na hindi totoo yun." Nag unahan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko matanggap.
"Oh ayan na naman tanga tanga ka na naman e! Hindi nga sinabi. Wala na tayo. Burahin mo na ako sa buhay mo." Galit na sabi niya sa akin. Yung tingin niya nakakamatay.
"Paano yung baby?" Bulong ko pero sapat na yun para marinig niya.
"Ipalaglag mo. Ipamigay mo. Ituloy mo. Bahala ka sa buhay mo! Wala akong pakialam sayo. Basta wag mo lang ako idadamay dyan dahil may pangarap pa ako sa buhay at hindi pa kasama dun ang maging batang ama. Lalon na't sayo pa?" Parang nag aasar na sabi niya.
Pagkatapos nun ay tinalikuran na niya ako. Naiwan akong naiyak at halos hindi na makahinga. Hindi ko alam kung ano ng mangyayari. Basta ang sakit sakit lang. And then everything went black.