Hon?
kamusta ka?
may masakit b sayo?
kamusta si baby?
anong ginagawa mo dito?
sino nag papasok sakanya dito?
umalis ka dito!!
umalis ka na!!!
alis!!!!! alis sinabi e!!!
pare lumabas ka na muna!
Gabo, asawa ko yan e!
bakit ako pinapaalis?
ang labo naman o!
Hon?
ano ba to!?
ang gara mo naman e!
labas sabi e!
bogsh O_o binato ni Jona ang flower vase sa side table ng ospital, maswerte ang mister at hindi sakanya lumipad ang vase na ito.
pare labas na, mamaya mo na siya kausapin kailangan pa niyang kumalma.
honey, dito lang ako sa labas.
mag aantay ako.
I Love You Jo!
(lumabas na ng kwarto si Patrick at sa labas na lamang ng kwarto nag antay)
Pat!
bakit nandito ka sa labas?
pinalabas ako ni Jo e!
Bem, ano ba nangyari?
bakit siya dinugo!?
na guguluhan ako e!
hindi ko din alam Pat!
tinawagan niya lang ako kagabi, tinanong kung busy ako, pag di daw ako busy puntahan ko daw siya sa inyo, nag alala naman ako kasi minsan lang mag seryoso yan, kaya pinuntahan ko agad sa inyo.
tapos pag dating ko nakita ko na lang siya sa kotse niya, naka hawak sa tyan niya tapos puro dugo siya, kaya sinugod ko agad siya sa ospital.
wala siyang malay kagabi kaya umuwi muna ko para ipalinis ang kotse ko, sila Gabo muna yung pinag bantay ko habang wala ka.
teka, sa inyo ba walang nangyari?
hindi ba kayo nag away or what?
hindi naman e, nag paalam ako sakanya na may dinner ako with my friend, pumayag naman siya.
na gulat na lang ako knina pag gising niya galit na galit siya sakin.
binato pa niya yung vase buti na lang talaga hindi tumama sakin, baka ako na naka confine ngayon!
ano kaya nangyari kay MyFriend?
haysss..
buti na lang okay si Baby niyo.
pero syempre kailangan mag doble ingat para walang mangyari kay Baby diba?
papasok nako sa loob Pat, diyan ka lang ba?
alam mo naman na ayaw niya ko makita diba?
baka mag wala na naman siya pag nakita ako! sige na Bem, pumasok ka na. okay lang naman ako dito e!
o sige, babalitaan na lang kita kung ano man ang mangyari. sige na pasok na ko!
sige Bem salamat.
___________________________________________
gabi na Jo!
wala ka pa ba balak na mag salita kung ano talaga nangyari sayo?
guys pwede niyo ba muna kaming iwan ni Bem saglit?..
okay sige kung yan ang gusto mo.
diyan lang kami sa labas.
pag may kailangan kayo tawagin niyo lang ako, or kahit isa samin ha.
Babe sa labas muna kami ha!
sige babe.
ako na bahala dito.
(lumabas na ang mga kaibigan nila)
MyFriend ano ba talaga nangyari sayo?
bakit ka dinugo?
saan ka na stress?
yun ang sinabi ng doctor kanina stress ka daw. tayo na lang ang nandito kaya sabihin mo na!!
may babae si Patrick!
ha?
paano mo na sabi?
totoo ba yan?
totoo.
matagal na ko nag hihinala diba?
kahapon bago ako duguin.
nag paalam pa yung hayup na yun, birthday daw ng kaibigan niya, pinayagan ko siya ayoko kasi maging mahigpit sakanya, kaso kahit pala maluwag ka lolokohin ka lang din. ang sakit lang.
(nag simula ng umiyak si Jona sa kaibigan)
Jo, totoo ba talaga yan?
na kita mo ba?
oo e. kitang kita ko kasi sila habang nag hahalikan sila sa isang restaurant. ang kakapal ng mukha nila in public pa talaga sila gumagawa ng kabalbalan.
grabe e!
may asawa na siya!!
sabi niya nung bago kami ikasal nag bago na siya, hindi niya ko lolokohin, tapos ngayon kung kelan mag kaka anak na kami tsaka siya gagawa ng kalokohan.
ano to dahil hindi niya makuha yung gusto niya, kaya hinahanap niya sa iba?
ang sakit Bem e, bakit ba niya to ginagawa? ano bang pag kukulang ko?
wala ako sa posisyon Jona, kailangan niyo talaga mag usap na mag asawa para maliwanagan kayo.
pakingan mo muna yung side niya tsaka ka mag desisyon.
Bem!! ano pa bang dapat niya ipaliwanag ako na nga mismo yung naka kita sakanila e.
mag asawa kayo Jo, kaya lahat ng problema niyo kailangan niyong pag usapan. sabihin mo sakanya na alam mo na may babae siya, para hindi na siya manghula, o hindi na kayo mag hulaan pa.
kahit masakit madinig yung katotohanan, kailangan mong kayanin para sa magiging anak niyo. hindi na lang to tungkol sa inyong dalawa, pamilya niyo na yung naka salalay dito.
kaya habang maaga pa, ayusin ninyo hangat kaya pa.
pag usapan niyo na to ngayon huwag niyo ng patangalin pa.
(binuksan ni Amber ang pinto at pinapasok si Patrick)
guys, pag usapan niyong dalawa yan.
kayo lang naman makakapag bigay ng salusyon kung ano man ang problema niyo tandaan niyo, magiging isang pamilya na kayo isipin niyo yung magiging buhay ng anak niyo.
sige na isesettle ko lang yung bill para malaman na din natin kung makaka labas na si Jo.
salamat Bem.
wala yon Pat, isipin mo ngayon yung mag ina mo. sige na i'll go ahead.