Binuhat ko agad si Cherry matapos niyang mahimatay. Ngayon ko lang uli siyang nakitang nagkaganito mula nung gumaling siya sa sakit niya noon. Sakto namang may dumaang taxi kaya isinilid ko siya agad at pinapunta sa pinakamalapit na Ospital.
Sumunod naman ang iba sa akin sa sobrang pag-aalala. Hindi ko na magawang maisuot ang naiwan kong tsinelas dahil sa pagmamadali.
Ipinasok ko siya sa taxi na kakapara lang nila at sumunod sa loob. Akay akay ko ang mahal ko at ayaw bitawan ang mga kamay nito.
"Manong, pasensya na pero pwedeng pakibilisan?" Sabi ko sa driver kaya naman binilisan niya rin ang pagpapatakbo.
Kinapa ko ang pulso ni Cherry. Itinapat ko rin ang tenga ko sa kanyang dibdib para lang makasiguro akong humihinga pa siya.
Todo pawis na ako sa sobrang balisa. Hindi ako makakapayag na mawala uli sa akin ang babaeng ito. Siya lang ang kailangan ko. Siya lang ang babaeng minahal ko ng buong buhay ko. Siya lang ang babaeng nakalaan sa akin. Siya lang at wala ng iba. Hindi ko kailangan ng sinuman. Hindi ko kailangan ng kahit na sino. Basta siya lang.
Patawarin niyo po sana ako pero makakapatay ako kapag may nangyaring masama sa babaeng pinakamamahal ko.
"Manong, malayo pa bo ba ang Ospital? Parang awa niyo na po." Pagmamakaawa ko.
"Huwag kang mag-alala iho. Gagawin ko lahat. Salamat nalang at wala halos mga sasakyan ngayon."
"Oo nga po." Yun nalang ang nasabi ko dahil yung mga mata ko ay nakapako lang sa mukha ng mahal ko.
Pinagmamasdan ko ang maamo ngunit nakakaakit niyang mukha. Napangiti nalang ako dahil ganda niya.
Ano nalang pala gagawin kung wala siya?
Maricris POV
"Anong nangyari?" Tanong sa akin ni Ana
"Anong ginawa mo?" Dagdag pa ni Marya
Natulala ako sa mga tanong nila dahil wala naman akong ginawa. Bakit ganyan sila makapagbintang?
"Anong pinagsasabi niyo?" Tanong ko naman sa kuryusidad.
"Cring-cring! Ano ba naman?! Hindi ka na ba natuto?!" Sigaw ni Ana
"Nagawa mo na yan dati. Inulit mo na naman!" Paalala naman ni Marya
"Wala akong ginawa!" Sagot ko saka sila tinalikuran na dalawa.
Hinigit naman ni Ana ang braso ko "Maricris!"
"Bakit ba ang kulit kulit niyo?! Wala nga!" Sigaw ko na
"Ganyan din ang sinabi mo noon. Ikaw na rin ang nagsabi sa amin na kaya ka inilayo kay Chace ng mga magulang mo ay dahil sa mga pinaggagagawa mo." Sabi ni Marya na agad akong natigilan.
~
"May gusto ako kay Chace, pwede bang pakibigay nitong sulat ko?" Ani ni Ehra sabay abot ng sulat sakin pero pinunit ko rin ito sa harapan niya.
"Hindi mo ako utusan. Kung gusto mong magbigay ng sulat sa kanya, sa kanya mo mismo ibigay pero huwag ka ng umasang kahit isang letra ay mababasa niya dahil habang nasa tabi niya ako, walang ibang makakalapit sa kanya." Sabi ko na nakapagtulala sa kanya saka umalis na.
Binatilyo at dalagita pa lang kami noon. Bata man ay kitang kita na may itsura ni Chace. Ewan ko ba bakit nahulog yan sa pagiging nerd nung college na.
"Cring-cring! Tignan mo oh. May nagbigay sa akin ng tsokolate." Aniya na tuwang tuwa at hawak hawak ang tsokolate.
Nainis ako.
Sino bang nagbigay sa kanya niyan?
Hinablot ko sa kanya ang tsokolate na siya namang tigil niya.
"Masisira lang ang ngipin mo dito Chace. Hindi ka dapat kumakain ng mga ganito." Sabi ko saka tapon ko sa basurahan.
"Pero, bigay kasi sakin yan eh."
"Ibibili nalang kita ng bago." Sabi ko saka hila sa kanya.
Tulad ng sabi ko ay nagpunta kaming mall na dalawa pagkauwian. Nagpunta kami sa palengke at nagdiretso sa stand ng mga tsokolate.
"Chace oh." Abot ko ng tsokolate na kapareha ng itinapon ko kanina
"Ayoko niya. Masisira lang ngipin ko dyan." Aniya saka naglakad palayo.
Kinuha ko parin ang tsokolate dahil paniguradong nag-iinarte lang naman ang lalaking yun.
Palinga linga nalang ako ng mawala siya sa panangin ko. Inikot inikot ko bawat stand pero wala siya ng may narinig akong pamilyar na boses.
Hindi ako maaaring magkamali. Boses ni Ehra iyon. Bakit naman siya ganun makatawa, parang iniipit ang kwan niya. Pss. Nakakakulo ng dugo.
Sinilip ko siya saglit pero laking gulat ko ng kausap niya si Chace.
"Ah, siyangapala. Natanggap mo ba yung tsokolateng bigay ko?" Tanong niya
"Ha? Sayo ba yun? Naku, maraming salamat ha." sagot naman ni Chace na todo ngiti.
"Walang anuman, basta para sayo."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Pss. Ano? Dito siya magtatapat ng nararamdaman niya? Dito mismo sa supermarket? Maraming tao? Maraming makakarinig sa kanila? At sa tingin niya ba papayagan ko lang mangyari yun? Hindi. As in hindi ako papayag.
"Kasi Chace-"
"Chace? Nandito ka lang pala. Tara na?" Sabi ko na ikinagulat ni Ehra.
"Teka, Cring. May sasabihin si Ehra."
At talagang, binanggit pa ang pangalan ng babaeng yan sa harapan ko?
"Umalis ka." Utos ko kay Ehra na napako sa pagkatayo.
"Cring-cring?" Sabi ni Chace
"Umalis ka na sabi eh!" Sigaw ko na dahilan para mangilid ang mga luha ni Ehra.
Mas lalong kumulo ang dugo ko kaya naman ay lumapit ako ng mabilis sa kanya at agad ko siyang itinulak.
"Maricris!" Sigaw ni Chace na nakapagpakalma sa akin dahil alam ko na seryoso at galit siya kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko at hindi sa palayaw ko.
Nilapitan niya si Ehra at itinayo ito. Dalian namang may nagsitakbuhang mga tao papalapit kay Ehra.
"Anong ginawa mo sa anak ko?" Sigaw ng lalaking naka-suit.
"Papa."
"Ayokong makita ang pagmumukha mo sa lugar na 'to. Ipapa-ban kita." Banta niya.
"Edi gawin mo. Bakit? Sino ka ba sa akala mo?" Sagot ko ng nakapamaywang at nakataas ang isang kilay.
"Maricris. Matuto kang gumalang." Sabi ni Chace.
"Gagalang ako kung kailan ko gusto at hindi dahil lang sa sinabi mo." Buwelta ko
"Kung ganun, igalang mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Tara na, Ehra." Aniya saka akay akay si Ehra kahit na wala namang sugat o gasgas.
Humanda ka Ehra. May araw ka rin sa akin!
Isang araw ay nasa cafeteria kami at si Chace? Ayon. Magkasama sila ni Ehra sa pila. Mukhang silang dalawa pa ang magkasabay kumain.
Habang kumakain ako ay minamatyagan ko lang sila. Nakikita ko kung paano kumislap ang mga malalaking mata ng Ehra na yan. Kitang kita ko rin kung paano siya ngumiti na kilig na kilig. Bwisit talagang babae yan.
Maya maya ay nakita kong may inilapag siyang sphagetti sa pinggan.
Nagka-ilaw tuloy ang bumbunan ko. Habang nakatalikod sila ay pasimple akong tumayo kinuha ang hot sauce sa mesa ko. Binuksan ito habang naglalakad ako at saka mabilis kong binuhusan ang sphagetti niya saka nalang ako nagdiretso ng banyo pakunwari.
Matapos kong itapon ang botilya ng hot sauce ay naghugas narin ako para hindi ako paghinalaan. Oras na siguro para balikan ko kung pagkain ko.
Pagbalik ko ay bumili rin ako ng sphagetti at walang hiyang nakiupo sa mesa nila Chace at Ehra. Gulat sila pareho lalong lalo na ang Ehra na yan.
"Chace oh." Sabi ko sabay urong ng pinggan ng sphagetti sa kanya.
Napatingin lang siya sa sphagetti. Matagal niya itong tinitigan. Kaso biglang umepal uli si babae.
"Chace, sayo nalang 'to. Busog na kasi ako." Sabi ng babae.
"Hoy, hindi aso si Chace para kainin ang tira mo." Sungalngal ko sa kanya kaya naman ay agad niyang binawi ang kanyang pinggan pero agad itong hinigit pabalik ni Chace.
"Pero hindi ko pa 'to nakainan." Pagdadahilan ng babae
"Kakainin ko yan."
"Hindi mo kakainin yan Chace." Utos ko.
"Okay lang."
"Hindi okay yun! Mahiya ka nga." Sabi ko saka kuha ng pinggan at balik sa babae.
"Huwag na Chace. Kakainin ko nalang 'to." Aniya saka subo ng subo na para bang mauubusan.
Maya maya ay namumula na ang kanyang buong mukha tapos ubo na siya ng ubo. Inom narin ng inom ng tubig.
"Bakit ang anghang naman nito?" Tanong niya na nagpatawa sa akin dahilan para magtinginan sila.
"Teka, Ehra? Okay ka lang ba?" Pag-aalala ni Chace.
"Ang anghang.." ani ni Ehra bago mawalan ng malay.