Andito na ako sa school but di na bilang si Devil'A. Ngayon as Crystal the campus nerd. Habang naglalakad ako sa hallway para pumunta ng class room, nakita ko nanaman yung pamilyar na babae. Yung nakita ko ng isang araw. San ko ba kasi sya nakita? Kaibigan ko ba? Kamag anak? Kaklase dati? Di bale na nga. Makapunta na muna sa class room. Di pa man ako nakakaupo may mga tsismis na kaagad.
"Alam mo ba pre may nag transfer ditong babae. Pre ang GANDA!" -B1
"Ano itsura pre?" -B2
"Basta pre para syang anghel. Hulog na langit" -B1
Habang sa kabilang side...
"Hey girls! May nakita akong gwapo. Kyaaaa! Kakatransfer nya palang dito, gusto nyo ba makita?" -G1
"Oo. Saan?" -G2 and G3
"Tapat lang natin yung classroom nila..." -G1
"Kyaaaaaaa! Prince charming" sabay pa silang tatlo. OA lang.
Hindi ako interisado sa mga taong yun. Mabuti pang makapagbasa na muna sa library wala dalawang teacher namin eh. Habang papunta na ako sa library, may mga nagsisitiliang mga girls, tsk! Sakit sa ear drums hah. Pumunta ako para silipin kung sino ba yun.
"Kaito! Kaito! Gwapo mo kyaaaa!" -G1
Sige lang. Tila pa more sa tenga ko.
Pamilyar yung name! San ko ba sya nakita? Saka parang... kamukha nya yung babae kanina? Magkapatid ba sila? Di bale na.
Pumasok na ako sa loob ng library. Peaceful place, di maingay nakakarelax naman. Nagbabasa ako ng libro ng may tumabi sakin.
"Hi campus nerd" -Dark
Letcheng Dark yan! Sumulpot na naman. Haist! Sarap ng buhay eh. Di ko sya pinansin, bahala sya sa buhay nya. Che!
"Ano binabasa mo?" Isa mo pang tanong. Papatayin na kita.
"Bat ka ba nandito lagi sa library?" Teka nga lang. Ano ba pakielam mo kung gusto ko dito lagi? Saka bat mo naman alam na dito tambayan ko?
"NICE talking!" Eh di nice na kung nice. Wala akong pake (pabebe)
Umalis na ako sa library. Kairita eh. Makapunta nga muna sa garden area. Uupo na sana ako sa bench ng makita ko yung lalaki. Yung Kaito kanina tas yung babaeng pamilyar din yung mukha. Magkasama silang dalawa dun naguusap. Habang fini-feel ko muna yung wind na humahampas sa mukha ko may tumawag sakin...
"Uy! Crystal, tara punta muna tayo sa library" takte naman Kathryn! Dun mo pa ako niyaya eh umalis nga ako dun.
"Tara review tayo Crystal" pagtutulungan nyo ba ako Nathan?
"Pero kasi... ano eh.... aya----" di ko na tuloy sinasabi ko kasi may kumalabit sakin, paglingon ko...
"Ikaw ba si Crystal?" Sabi ng girl. Basta yung girl na pamilyar yung mukha.
"Ako nga" -Me
"Crystal as in Crystal Lopez?" Oo nga eh. Ako nga si Crystal.
"Yes bakit?" -Me
"Naalala mo ba ako? Ako si Arah Scarlet Scott tas eto yung kapatid kong si Kaito Scott" sabi nya.
Wait a minute kapeng mainit! Pamilyar yung name eh. Wait di pa naglilink sa utak ko. Sino ba kasing dalawang toh?
"CRYSTAL!!! NAMISS KITA" tas biglang hug sakin ng mahigpit.
"Ah s-sandali sino ba kayo?" Confuse lang ako.
"Hi ate Crystal. Ako toh oh yung chuby boy mo nung bata pa tayo" -Kaito
"Ah eh. Hah?" -Me
"Huy! Kami toh, mag kabest friend nga tayo nung mga bata tayo eh" -Arah
Arah? Kaw ba yan? Tama sya nga yung first best friend ko dati nung bata pa ako tas si Kaito yung kapatid nya. Okay lets have a throwback para ma gets nyo.
《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《Flash back
Naglalakad kami ni Arah kasama si chuby Kaito. Bumili kami ng tag isang ice cream, ang saya saya namin nun. Ganun yung lagi naming ginagawa. Pero isang araw may sinabi sakin si Arah.
"Crystal, aalit kami sabi ni mommy eh. Pupuncha daw kami tsa Amedika ay amerika pala" -Arah
"Ganda daw dun sabi ni daddy ate Crystal" -Kaito
"Pero di na tsayo magkikitsa eh. Paano pag di na kayo bumalik dito? La na ako kalaro nyan" malungkot na sabi ko.
"Promit ate Crystal babalik kami ditso ni ate Arah" -Kaito
"PROMIT MAGKIKITA PA TSAYO ULICH" -Arah
Nag promise kami nun tas ngayon natupad na. Biruin nyo eight years na kami di nagkikita. Si Arah ganda na at sexy pa, si Kaito naman di na sya chuby. Lalaking lalaki na.
》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》End of Flash back
"ARAH! KAITO!" Sigaw ko. OA lang eh.
"Ah eh alis muna kami hah! Baka maka distorbo sa bonding nyo eh. Bye!" -Kathryn
"Wait wag na" -Me
"Okay lang. Enjoyin nyo na, diba matagal na kayong di nagkita kita?" -Nathan
"Sa bagay. Sige kita na lang tayo sa room. Bye!" -Me
Umalis na yung dalawang yun. Nag usap usap kami tungkol sa nangyari sa buhay namin. Pero di ko sinabi yung tungkol sa secret ko, di pa naman nya alam na ako si Devil'A eh. Masaya naging usapan namin. Nagtawanan ng matagal.
"Crystal una na kami hah. Baka pagalitan pa kami ni maam, usap ulit tayo next time hah" -Arah
"Sure. Masaya ako nagkita ulit tayo" -Me
"See you around ate Crystal!" -Kaito
Tas umalis na sila. At ako bumalik na ako sa classroom. Saya ng araw, biruin nyo naman nuh tagal namin di nagkita ^-^
Arah's POV'
Naglalakad na kami ni Kaito pabalik sa classroom. Nagkita na kami ni Crystal masaya naman ako pero...
"Arah. Bat pa ba natin sinundan si Yoseab dito? Masyado ka ng patay na patay sa kanya. Tigilan mo na kasi kung ayaw sayo ng tao" -Kaito
"Shut up. Saka Dark itawag mo, mas bagay sa kanya yung ganung name. Ano ba pakielam mo kung mahal ko yung tao hah?" Tong kapatid ko imbis na suportahan na lang ako eh.
"Wala. Nag aalala lang naman ako sayo eh. Baka masaktan ka lang naman Arah" -Kaito
"Di ko naman talaga pinipilit si Dark. Malay mo lang magbago na nararamdaman nya sakin diba?" -Me
"Baka" -Kaito
Yun na nga. Masaya naman ako na nagkita na kami ni Crystal pero di talaga sya ang pinunta ko dito. Sorry pero hindi talaga ikaw ang dahilan Crystal kung hindi yung taong mahal ko.
Dark's POV'
Wala yung dalawang teacher namin kaya gumala na muna kaming apat. Bad trip! Takte! Baliw talaga yung babaeng yun. Sinundan talaga ako eh.
"Huy Dark. Balita ko umuwi na dito si Arah sa pinas" -Cloud
"Alam ko" -Me
"HAH?" Sabay pa.
"Oo. Tumawag sya sakin nung isang araw" -Me
Mahal kasi ako ni Arah. Inamin nya sakin yun nung isang taon. Kaya ko naman syang mahalin pero may nauna na kasi sa puso ko. Pero natatawa din ako kasi parang masyado pang bata eh para isipan yung love love na yan. 14 yrs old palang kami ganito na.
《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《《Flash back
Nakahiga ako sa kama ko ng may tumawag sakin.
"Hello?" -Me
[Dark! Good news uuwi na ako dyan] -Arah
"Hindi yun good news" -Me
[Ano? Di ka ba masaya?] -Arah
"Masaya naman ako na babalik ka na pero alam mo naman na iba na mahal ko diba?" -Me
[Oo alam ko. Sinusundan lang naman kita eh malay mo magbago na yung tingin mo sakin] -Arah
"Alam ko. Basta mag ingat ka pag uwi. Best friend pa din kita" -Me
[Alam ko. Di ko naman pinagpipilitan yung sarili ko sayo eh. Pag di mo talaga ako kaya okay lang, basta hah kahit ganun best friend pa din] -Arah
"Oo naman" -Me
[Bye] -Arah
"Bye" -Me
》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》》End of Flash back
"Hindi mo ba sya mahal?" -Azul
"Iba mahal ko" Nyeta! Nadulas dila ko. Shet!
"Uuuuy! Iba daw mahal nya. Sino?" Isip bata ka talaga Dujuhn.
"Wala" -Me
"Sabi mo iba" -Cloud
"Oo nga" -Azul
Sige. Sige pagtulungan nyo ako. Uupakan ko talaga kayong lahat. Nyeta kayo! Tumigil nga kasi kayo. Pag kayo nakahanap ng true love nyo maiintindihan nyo din nararamdaman ko. Aasarin ko din kayo, may tamang panahon din kayo.
"SHUT UP! WALA SABI EH" naiinis na talaga ako hah.
"Weh? Denying ka eh" aah. Sabay pa talaga kayo hah. Talaga putcha kayo. Malasin sana kayo dyan. Mabatukan nga.
"ARAY!!" hahaha nakakatawa kayong tatlo. Monggoloid.
"Parang kayo wala kayong crush hah" pangaasar ko.
"WALA HAH!" Sabay silang apat.
"Weh? Denying kayo eh" hahaha. Nang agaw lang ako ng lines nyo.
"W-wala n-nga sabi eh" -Cloud
"Oo nga w-wala" -Dujuhn
"Nope, wala akong crush nuh saka bakit naman ako magkakaroon ng crush?" -Azul
Kakaiba sagot ng mga tao hah. Yung dalawa nauutal tas si Azul first time yatang magsalita ng mahaba ah? Nakaka pagtaka lang.
"Bat ganyan ka maktingin?" -Azul
"Nagsisinungaling kayo eh. Sino nga? Kakaiba kayo sumagot ngayon. Kayong dalawa nauutal tas ikaw Azul ang haba ng sinabi mo eh maikli ka lang naman magsalita eh" -Me
"WALA SABI" Sabay nanaman silang apat. Haist napapaisip tuloy ako kung sino ba talaga crush nila. Sino nga kaya?