Cherry POV
Ilang minuto na akong nakatitig sa cellphone ko. Pilit na iniisip kung anong mga nangyayari.
"Cring-cring! Tara na! Luto na yung mga isda! Hahaha! Ang saya pala dito. Tara, bilis! Ipaghahain kita!"
Hindi ako maaaring magkamali. Boses yun ng mahal ko. Ngunit, sino yung babaeng nakausap ko? Sino siya at bakit magkasama sila? Anong nangyayari?
Napasabunot nalang ako sa buhok ko.
Masyado akong nagulat. Dahil ni minsan sa panaginip ko ay hindi ko ito nakita pero bakit ngayon?
Ito ba? Ito ba ang kabayaran ng kapabayaan ko? Ang makuha sa aking yung lalaking pinakamamahal ko?
Hindi.
Hindi ako makakapayag.
Ngayon pa?
Ngayon pa kung kailan malapit na kaming ikasal na dalawa? Ngayon pa magkakaroon ng hadlang kung kailan naranasan na namin lahat ng klase ng hirap at pasanin.
Hindi.
Hindi ko isusuko si Chace sa kahit na sinong babae pa yan. Hindi ako susuko tulad ng hindi niya pagsuko sa akin noon.
Lakad takbo ang ginawa ko makalabas lang ako ng bahay at mabilis na nagmaneho ng sasakyan papunta sa kanyang kompanya hanggang sa makita ko si Ginger na abala sa kanyang mesa.
"Gin, nasaan si Chace?" Hinihingal kong tanong na ikinabigla niya.
"Naku, kayo po pala. Ah, hindi niya po ba nabanggit sa inyo na nasa isang Orphanage siya ngayon?"
"Orphanage?" Nakunot naman ang noo ko.
Kailan pa nagka-interes si Chace dun?
"Bakit siya nandun?"
"Nung nakaraang araw po kasi ay may babaeng nagpunta dito at nagmakaawang maging sponsor si Mr Chace sa orphanage na yun. Ayaw nga ni Mr Chace nung una pero napapayag niya rin."
"Babae?"
"Opo. Ang sabi sa akin ni Mr Chace nung makarating sila dun ay magkakilala daw po pala sila noon pa. Magkakababata daw sila ni Cring-cring."
"Cring-cring?"
"Opo. Palayaw po nung babae na si Maricris."
"Cring-cring! Tara na! Luto na yung mga isda! Hahaha! Ang saya pala dito. Tara, bilis! Ipaghahain kita!"
Tama. Siya nga yung tinawag ni Chace at yung babaeng nakausap ko.
"Maaari ko bang makuha ang address ng lugar na yun?"
/ / /
Nagpa-book agad ako ng flight ko ora mismo. Nung una ay nagpakahirap pa akong kunin kay Ginger ang address dahil baka daw pagalitan siya ni Chace pero ng ikwenento ko ang nangyari ay nainimtindihan na niya ako. Maging siya na babae ay ayaw maagawan ng lalaking mahal niya kaya sinuportahan nalang niya ako.
Isang oras din ang byahe. Sa totoo lang ay nakaramdam narin ako ng pangangalam ng sikmura. Panay tawag narin sa akin nila mama at papa pero mas pinili ko nalang i-off ang cellphone ko. Alam kong nag-aalala na sila pero kailangan kong ipaglaban ang kinabukasan ko.
Nakarating ako sa isang malaki ngunit lumang gusali malapit sa tabing dagat. Bahagya akong napangiti dahil sa ganda ng tanawin at sa amoy ng hangin na tumatama sa aking mukha.
Naglakad lakad ako hanggang sa makarating ako sa harap ng gusali. Ito na nga yung Orphanage na yun.
"Hello po. Ano pong kailangan nila?"
Napukaw ng isang batang babae ang atensyon ko dahil sa kanyang magandang boses. Umupo ako para lang magkasing tangkad lang kaming dalawa.
"May hinahanap kasi ako. Maaari mo ba akong matulungan?"
"Ganun po ba? Tara po sa loob." Aniya sabay hila ng mga daliri ko.
Kung sana lang buhay yung anak ko. Sana lang. Pero hindi eh.
"Dito po tayo." Aniya na parang kung anong programa yata ang nangyayari.
Iginala ko ang aking mga mata at nakita ko sa hindi kalayuan ang lalaking mahal ko. Ngunit may kasama siyang babae na kausap niya ngayon at dahilan kung bakit siya tumatawa.
"Tara po." Hila uli sa akin ng bata pero this time ay palapit ng palapit ako kay Chace hanggang sa makarating na ako sa likuran niya.
Napatingin ako sa bata ng bitawan niya ako. Kinindatan niya muna ako bago siya tumakbo at nawala na sa paningin ko.
Hindi ko alam kung paano o anong sasabihin ko malaman niya lang na nandito ako sa likod niya. Bahagya ako napayuko at nahiya na nandito ako ng basta basta.
"Cherry?"
"Chace?"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya
Hindi na ako nagsalita pa kundi ay yumakap na ako sa kanya bigla. Namiss ko 'to. Ang yakap niya at ang amoy niya. Kasalanan ko, hindi ko siya binigyang pansin dahil puro nalang ako pamilya. Napabayaan ko siya.
"Tahan na. Tahan na mahal. Patawarin mo ako dahil pinag-alala kita ng husto." Aniya habang hinahaplos haplos ang likod ko.
"Kasi naman eh.."
"Tara. Mag-usap tayo sa laba. Masyadong maingay dito." Sabi niya sabay punas ng mga luha ko at marahang akbay sa akin palabas.
Naglakad lakad kami sa may tabing dagat. Bitbit niya ang sapatos ko ang ang tsinelas niya. Ngayon ko lang nakitang maaliwalas ang mukha niya.
"Mahal, patawad.."
Ewan ko ba pero biglang huminto ang tibok ng puso ko ng binanggit niya ang mga salitang yun.
"Patawad dahil hindi ko magawang makausap ka sa telepono. Empty battery na kasi yun tapos hindi ko pa alam kung nasaan."
Hindi niya alam kung nasaan?
Ibig sabihin inosente ang mahal ko?
Hinawi ko ang kanya mukha ng aking palad na siya namang bitaw niya sa mga sapatos at tsinelas para lang mahuli ang kamay ko sa mukha niya.
"Na-miss ko 'tong malambot mong kamay mahal ko pero bakit ang lamig nito?" Aniya ng nakapikit at animoy tuwang tuwa sa aking malamig na palad.
"Ah. Mawalang ganang na, pero baka gusto niyo na munang kumain?" Tanong ng isang babaeng simple lang manamit pero maganda.
Tinignan ko siya, pero hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Chace na aliw na aliw parin sa palad ko. Babae ako. Kaya alam ko kung ano ang nararamdaman ng babaeng 'to para sa lalaking mahal ko.
"Cring-cring. Siya nga pala, si Cherry. Ang mapapangasawa ko."
Habang binibigkas ni Chace ang mga salitang yun ay kitang kita ko ang reaksyon niya. Ang maluha luha niyang mga mata at ang nanggigigil niyang nga kamay.
"Ganun ba? Ah. Tara na't kumain na muna." Aniya sabay talikod at umalis ng walang pasabi.
Ibinaling ko ang tingin kay Chace na abala parin sa pagpapainit ng malamig kong kamay. Wala siyang kamalay malay na may gusto sa kanya ang babaeng yun.
"Chace, tara. Hindi pa ako kumakain." Sabi ko kaya naman agad siyang natauhan.
"Aww. Pasensya na mahal. Tara." Aniya
Pinulot niya ang sapatos ko at tsinelas niya at hawak naman ng isa niyang kamay ang kamay ko.
Pagkarating namin sa loob ng gusali ay maraming mga tao pati mga bata. Ano pa nga bang aasahan ko sa bahay ampunan kundi mga bata. Mga kyut na mga bata.
"Dito Mahal. Upo ka. Kuha ako ng pagkain natin." Aniya kaya naman umupo na rin ako.
Aalis na sana siya kaso bigyan sumulpot yung babae na may dala ng tray ng pagkain.
"Umupo ka na Chace. Kami na ang bahala." Sabi nito
"Ganun ba? Naku, nakakahiya naman pero salamat." Sagot naman ni Chace.
Inilapag niya ang isang pinggan ng pagkain. Ngunit imbis na matuwa ako ay mas nainis pa ako dahil ibinigay niya iyo kay Chace. Si Chace naman ay iniusog ang pinggan para sa akin pero pinigilan siya ng babae
"Para sayo yan, dahil ikaw ang sponsor ng orphanage na 'to." Sabi niya kay Chace saka tumingin sa akin. "Ito ang para sayo, sana nagustuhan niyo."
"Ah, mahal. Gusto mo palit tayo?"
"Huwag na. Nakakahiya naman." Sabi ko at nagdiretso ng kumain dahil gutom naman na talaga ako.
Ngayon lang yata ako nakatikim nito pero kung tutuusin ay masarap naman. Kaso. Parang. Nasusuka ako.
Agad akong tumayo at tumakbo palabas na agad ring sunod sa akin ni Chace.
"Mahal! Anong nangyari? Bakit ka nagkakaganyan?" Tanong niya
Sobra ng nagpapawis ako. Halos wala na akong narinig pa at nandidilim narin ang paningin ko.
"Mahal!"
Hindi ko na.. kaya.. nanghihina na ako..
......