Raine's POV,
"Hi Kieth."
Bati ko sa masungit na lalaking crush ko. Busing-busy naman kasi sa cellphone nito.
"Hi Raine."
Bati sakin ni Blake. Hindi man lang kasi niya ako pinansin. Tumingin nalang ako sa mga kaibigan niya.
Lumapit ako kay Kieth at busy pa din siya sa cp niya. Tinignan ko kung anung kinabubusyhan niya at nag iinstagram pala siya.
Nagselfie ako na nagpapacute at ti-nag sa kanya sa Instagram with a caption 'hi pogi' at tiningnan naman niya ako.
Ang galing ko talaga.
"What do you want?"
Masungit na sabi niya.
"Goodmorning din. Ganyan ka pala bumati ng good morning."
Nakangiting sabi ko.
"I just wanna say thank you pala sa paghatid mo sakin last night. Dahil dun nakauwi ako ng safe."
Sabi ko at biglang naman siyang tumingin straight to my eyes at sumeryoso yung mukha.
"Pwede ba next time, uminom kalang ng kaya mo. Because hindi ako yaya mo. If you want gain respect then act as respectful one."
Inis na sabi niya saka umalis.
"O, anung nangyari dun?"
Tanong ni Jam. Hindi kasi nila nadinig yung pinag-usapan namin kasi busy din siya sa chika niya kasama yung kaibigan ni Kieth.
Ngiti lang isinagot ko sa kanya.
"Pagpasensyahan mo na yung menopausal na si Kieth ah. Pero ang galing mo talaga Raine."
Tuwang-tuwang sabi ni Blake. Kumuha naman ako ng yosi sa bag ko at sinindihan iyon.
"Anung sinabi niya sayo?"
Tanong ni Jam.
"Ang ganda ko daw."
Nakangiti kong sabi at yung mukha naman nila ay taking-taka.
Umalis na agad ako dun. Nakakatuwa kasi sila.
Kieth's POV,
"Mr. Villarde what can you say about this case?"
Tanong sakin ni Ma'am Sandoval siya yung head ng council.
"Well, fighting is against the rules of the school. Our school is a catholic school so we are teaching here manners and fighting inside the school is a great offense. I think we are grown enough to know where to place every event and fighting is placed on the streets or elsewhere but not in school. Were old enough to put everything on it's right places."
Pagsasabi ko ng opinion ko. We are on the council room kung saan may isang kaso ng bugbogan sa loob ng school.
Counciling Office is the place kung saan pwedeng kasohan yung mga taong may ginawang offense and yung council yung magdedecide kung anu yung gagawin sa kanila. And most cases that are brought here are major cases na nangyayari sa loob ng school.
"You'll be subjected to school suspension starting tomorrow."
Sabi ni Ma'am Sandoval at lumabas na yung mga studyante sa loob ng office.
"You did great Mr. Villarde. Why don't you run as President for this upcoming election?"
Tanong sakin ni Ma'am Sandoval.
"I'm still thinking of that ma'am. But I guess I'm better off here. Since Chad is a good president."
"Okay, I'll respect that decision. Mr. Kennedy is still running for presidency."
"I gotta go ma'am. I still have meetings to attend."
Paalam ko at umalis na ng school.
Raine's POV,
"Raine, seryoso ka ba talaga sa gagawin mo?"
Takang-tanong sakin ni Jam.
"Oo naman nuh."
Siguradong siguradong sabi ko.
"Bahala ka nga sa buhay mo."
"Alam ko namang susuportahan mo ako di ba?"
"Delikado kaya to nuh."
"Alam mo baliw ka na talaga. Magligpit ka nga at dadalhin na kita sa psychiatrist at ng magamot ka."
Sermon niya sakin. Lumapit naman ako sa kanya. Konteng pacute lang okay na.
"Besty naman. Support kanalang okay?"
Panglalambing ko naman sa kanya.
"Bahala ka nga."
Pilit na payag niya.
******
Kieth's POV,
"TULONG! TULONG!"
Nakita ko si Jam sa harap ng daan at iwinawagayway yung kamay niya na parang takot na takot.
Agad naman akong bumaba ng kotse ko.
"Jam."
Tawag ko sa kanya ng makababa ako.
"Kieth, ikaw pala. Please, tulungan mo naman ako. Si Raine."
Kinakabahang sabi niya na natataranta.
"What happened?"
Takang-tanong ko.
"Hali ka puntahan natin."
Sabi niya and she lead the way and I follow her.
Napadpad kami sa lugar na medyo madilim at maraming puno. Pero kita mo pa din yung paligid dahil sa liwanag mula sa buwan.
Nakita ko naman si Raine na hawak ng dalawang lalaki at nakadikit sa puno.
Lumapit ako sa dalawang lalaki at sinuntok ko yung medyo payat at sinuntok. Sinugod naman ako nung isa at sinuntok ko din at tinadyakan at sinuntok hanggang sa nagtakbohan yung dalawa.
Yung mukha naman ni Raine ay takot na takot.
"Are you okay?"
Tanong ko sa kanya at bigla naman siyang lumapit sakin at niyakap ako.
"Salamat ah. Akala ko end ko na. Ikaw na yung Knight ko."
Takot na takot na sabi niya habang nakayakap pa rin sakin.
"Anu ba kasing nangyari sa inyo?"
"Pupunta sana kami sa Aqua Land kasi tutogtog kayo dun kaya lang naflat yung kotse ni Raine kaya bumaba kami para tignan yung gulong kaya lang may lumapit saking dalawang lalaki at dinala ako dito."
Kwento niya habang nakayakap sakin.
"Saan na yung kotse niyo? I'll help you. I have an extra wheel."
Sabi ko naman at tinignan ko naman si Raine na nakayakap pa din sakin. hindi pa kasi niya sinasagot yung tanong ko.
"Ay sorry."
Biglang ngiti at kumalas sa pagkakayakap sakin.
"Hali ka na. Punta na tayo sa kotse ko."
Sabi niya at nauna ng maglakad.
Nang makarating na kami sa kalsada kung asaan nakatigil yung kotse niya.
"O, asa'n na yung naflat na gulong?"
Tanong ko sa kanya at tinuro naman niya yung sa left back na gulong at tinignan ko naman yun.
Parang hindi naman naflat yun. Tinignan ko yung ibang gulong pero okay naman at wala namang flat.
Binalik ko yung tingin ko kay Raine and coz I'm smelling something.
"Wala namang flat ah."
Seryosong sabi ko.
"Hehehehe akala ko kasi meron eh."
Ngumiti siya at nagpalusot. And I got it.
Alam ko na yung ginagawa nila.
"Really?"
I said sarcastically.
"Ahm, Kieth mauna na kami ah. Bye."
Paalam niya at pinaharorot yung kotse niya.
And there, I found myself being dumb to be fooled by them.
Raine's POV,
"May dagdag bayad yung masakit na sapak at tadyak ni Kieth kanina ah."
Sabi ni Mike. Isa sa mga kakilala namin na inutusan kong umacting kanina. Kaya lang nabuking din.
Pero okay lang nakayakap naman ako eh. Sulit na din yun.
"O eto oh. Sige na, bago pa may maisip na kalokohan tong babaeng to."
Sarcastic na sabi ni Jam sabay abot dun sa dalawa ng pera at umalis naman yung dalawa.
"O, masaya ka na sa kalokohan mo?"
"Oo naman bestfriend. Ang bango talaga ni Kieth at ang tigas pa ng katawan niya. Naku hindi talaga ako maliligo."
Kinikilig na sabi ko.
Ang saya-saya ko talaga dahil nakayakap ako sa gwapong masungit.
"Baliw ka talaga. Buking na niya yung ginawa mo so tumigil kana kakapantasya mo diyan."
"I don't care basta nakayakap ako sa kanya so okay na okay na ako."
Nakangiting sabi ko sa kanya. Sanay naman kasi ako na magalit siya sakin at immune na ako dun.
A/N: thanks for reading. Hope nagustohan niyo po. Next update is kung maganahan po ako...