"Aray!" Sigaw ko ng makaramdam ako ng palo sa aking braso.
"Gumising ka na nga! Ang taas na ng araw oh. Hindi ka na nakapagluto. Anong oras na?" Talak niya sa akin.
Napakamot ako ng ulo at inayos ang gulo gulo kong buhok habang nakatingin sa kanya.
"Aba. Hindi dapat laging ganito Cherry." Dagdag niya pa.
Si Charry. Ang kakambal ko. Napagdesisyunan na muna naming sa kanila ako tumira. Kina mommy at daddy kasama siya. Yung babawiin namin yung panahong nawala sa aming apat. Sa totoo lang, napakasaya ko ngayon. Yung buong buo na ako at wala ng hinihiling pa.
"Oo na po." Sagot ko dahil mas nauna siyang inere ni mommy kaysa sa akin.
"Hala sige, tayo na! Paano nalang kung nag-asawa ka na? Anong ipapakain mo? Yang ano mo?"
"Ay, grabe!" Sambit ko, ang bastos ng bunganga eh.
"Naku, dapat marunong ka ring magluto baka maunahan ka pa ng mga impaktita dyan sa tabi tabi."
"Subukan lang nila, kung hindi kakalbuhin ko sila mula ulo hanggang paa!"
"Sus! Mag-ayos ka na at hihintayin kita sa kusina. Huwag kang magtagal dapat laging mabilis kumilos." Aniya sabay bukas at labas ng kwarto ko.
Sinunod ko naman ang utos niya. Naligo ako ng mabilis at nagsuot nalang ng komportable para hindi ako mahirapan sa paglilinis saka pababa na ng kusina.
Habang nasa kalagitnaan ako ng hagdan ay pinagmamasdan ko ang buong bahay. Malaki ang bahay namin. Napakaraming larawan namin lalo ng mga bata kami sa kabila at sa kabila naman ay ang kasalukuyan. May malaki rin kaming family picture na kaming apat lang. Ang saya. Masaya. Masayang masaya ako ngayon. Lahat ng paghihirap ko ay natumbasan ng ganito kasayang pamilya. Wala na yata akong mahihiling pa kundi ang magkaroon narin ng isang buong pamilya. Kami ni Chace at ang magiging anak namin kung sakaling mabuntis uli ako.
"Oh, nandyan ka na pala. Tara na sa kusina." Yaya ni Charry na may ngiti sa labi.
"Nasaan sina mommy at daddy?" Tanong ko
"Si daddy nasa kompanya kasama si Dave, si mommy naman kasama si Chace."
"Ano? Bakit sila magkasama??"
"Ano namang problema dun?"
"Wala naman, kaso baka.."
"Wala ka namang dapat problemahin. Gustong gusto ni mommy si Chace para sayo. Siya nga excited na magpakasal kayo eh." Paliwanag ni Charry
"Kungsabagay."
Wala naman akong dapat alalahanin.
Chace's POV
"Siya nga pala ang mamanugangin ko. Si Chace." Pakilala uli ni Tita sa pinakahuling dumating na amiga niya.
Hindi naman sa kinahihiya ko sila pero ako lang kasi ang lalaki dito at puro sila magka-amiga. Pakiramdam ko tuloy para akong batang lalaki na binitbit ng nanay dahil walang tao sa bahay. O di kayay parang batang bagong tuli dahil panay gulo nila sa buhok ko na parang totoy.
Nagkataon kasi na may business trip si Tito kasama si Dave kaya ako ang pinakiusapan niya na samahan si Tita. Kaya heto ako ngayon, taimtim na pinagsisilbihan sila. Oo, pinagaabot ko sila ng makakain at maiinom nila. Wala rin naman akong magawa saka baka tulog pa si Cherry sa mga oras na 'to.
*bzzt bzzt*
Halos mapatalon ako sa gulat ng magvibrate ang phone ko.
Bahagya namang napataas ang isa kong kilay ng makita kung sino ito.
From: Mahal ko♡
Mahal, nauunawaan ko ang kalagayan mo ngayon haha!
Napailing iling nalang ako dahil halata namang inaasar niya ako at alam niyang ganito ang mangyayari.
To: Mahal ko♡
Oo nga mahal, ang daming babae haha!
Natawa nalang ako sa sagot ko sa kanya. Paniguradong maiinis iyon. Kasi naman, mahilig mang asar pero pikon naman.
Inantay ko ang pagsagot niya pero wala. Sampung minuto na ang nakakalipas pero wala parin. Naku. Baka magalit na ang mahal ko nito at kung ano na ang pinagbabasag niyang mga gamit sa bahay nila.
Kailangan kong sabihing nagbibiro lang ako baka giyerahin pa ako ng wala sa oras.
To: Mahal ko♡
Mahal, nagbibiro lang ako ha? Hehe
Nakalipas na ang limang minuto pero wala parin siyang sagot. Anong nangyari dun? Nabasa niya kaya mga messages ko? Sana may "seen" din sa SMS para alam ko kung nabasa niya ba o hindi.
"O, anak. Bakit nandito ka?" Tanong ni Tita kaya naman napatingin narin ako.
Biglang nanlaki ang mga mata ko sa kadarating lang na si Cherry. Hinihingal pa siya at isa isang nakipagbeso sa mga amiga ni Tita pero nakapako naman ang mga mata sa akin. Napalunok nalang ako bigla. Teka. Wala naman akong ginagawang masama ah? Bakit ako natataranta?
"Ah, mommy. Magpapasama sana ako kay Chace. May bibilhin lang po kami." Paalam ni Cherry kay Tita.
May naiwan namang tanong na ekspresyon si Tita pero wala rin namang nagawa.
"Sige po. Samahan ko na po siya." Sabi ko
"Ganun ba? Sige. Mag-ingat kayo ha?" Aniya na kumakaway pa pati mga amiga niya kaya kumaway narin ako pero hinigit na ako bigla ni Cherry kaya naman nagpatianod nalanc ako.
Agad niyang ihinagis ang susi ng kotse sa akin na siyang sakay niya sa passenger seat. Wala na akong nagawa kundi magdrive nalang pero saan nga ba kami pupunta?
"Anong bibilhin mo? At saan tayo bibili?" Kaswal kong tanong.
"Wala tayong bibilhin."
"E bakit napunta ka dun?" Tanong ko
"Bakit? Masama bang magpunta doon?" Pagsusungit niya
"Anong problema mo? Mayroon ka ba?"
"Problema ko? Sabi mo maraming babae dun kaya dali dali akong nagtungo dito."
"Hindi mo ba nabasa yung huli kong reply sayo?"
"Anong reply? Wala akong natatanggap."
Kinapa ko ang cellphone ko at agad namang inabot sa kanya. "Tignan mo sent items ko." Sabi ko habang nakatuon parin ang mga mata sa daan.
"Wala naman!"
"Anong wala? Nandyan kaya." Mahinahon kong sagot
"Wala. Dahil walang nagsend. Naubusan ka ng load."
Napahinto agad ako sa pagmamaneho at agad na kinuha ang cellphone ko sa kanya. Hindi ako nagloload dahil naka-plan ako. Baka yung network ang problema. Sasampahan ko sila ng kaso kapag nagtuloy tuloy 'to. Nagbabayad naman ako ng tama ah tapos gaganituhin nila ako? Hindi patas 'to.
Sinubukan kong i-send uli ang message ko sa kanya pero hindi parin gumana. Sinubukan ko rin siya tawagan pero wala rin. Toot toot lang tapos wala na. Baka pag-awayan pa namin i Cherry 'to.
"Ano ba naman 'to? Tara sa mall. Kakausapin ko yang in-charge sa network." Sabi ko saka andar ng engine.
Ngunit nagulat nalang ako ng humagakpak ng tawa si Cherry.
"Anong nakakatawa?" Kunot noong tanong ko.
"Hahahahaha"
"Ano ngang nakakatawa?" Pag-uulit ko
"Hahahaha"
"Cherry?" Seryoso kong sabi kaya naman nahinto na siya kahit maiyak iyak na sa tawa
"Wala namang problema eh. Sadyang napindot mo lang siguro ang Airplane Mode kaya talagang hindi ka makakakonek hahaha"
Dahil sa sabi niya agad kong tinignan ang cellphone ko. Hindi nga siya nagkakamali. Naka airplane mode. Hindi ko sinasadyang napindot. Hays. Mabuti palang wala pa kami sa customer service ng network na 'to kundi mapapahiya lang ako at pagtatawanan ng mga tao dun.
Pero si Cherry tawa pa rin ng tawa at alam ko kung paano siya pahihintuin.
Mabilis kong inalis ang seat belt ko at agad kong dinaluhan ang kanyang labi ng aking labi. Halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko pero nangiti narin saka hinigit ako lalo papalapit sa kanya. Ayos lang, tinted naman ang kotse kaya hindi nila kami makikita kung sakali mang gumagawa kaming milagro sa loob.
"Chace?" Aniya matapos putulin ang halikan namin.
"Yes?"
"Mamalengke muna tayo. Naghihintay na si Charry baka nguyain niya na yung mga pinggan sa tagal natin."
"Ah. Bakit hindi mo agad sinabi?" Tanong ko sabay kamot sa batok.
"Kasasabi ko lang."
"Oo na. Tara." Sabi ko sabay kabit ng seat belt.
"Pero Chace.."
"Ano yu--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla siyang tumalon sa harapan ko at nakaupo sa mga hita ko.
"Gusto kong gawin natin dito." Anita ng may kapilyahang ngiti sa labi.
Napailing nalang ako dahil sa pagkamangha sa kanya. Kahit kailan talaga palagi akong namamangha sa kanya.
"Lalo na ako." Sagot ko at hapit sa kanya para magdikit ang katawan namin.
Alam kong ramdam niya na ang alaga ko sa sobrang sabik sa kanya. Mantakin mong sa mga magulang niya siya nakatira muna kasama si Charry. Gusto kasi nila ng quality time bago kami ikasal kaya namimiss ko talaga siya lalo na gabi gabi.