Ms.Third Eye meets Mr.Ghost (...

By DM_DreamLove

135K 5K 564

#22 (01-05-19) Highest Rank In Horror: #26 (06-26-18) #32 (06-16-18) ... More

Editing Process
PROLOGUE
Meet The Characters
Third Eye 1: Bad Dream
Third Eye 2: School Supplies
Third Eye 3: First Day Of School
Third Eye 4: Mr.Gwaping
Third Eye 5: He's My Classmate?
Third Eye 6: Stare
Third Eye 7: SPG Scene?
Third Eye 8: Campus Playboy's
Third Eye 9: Enemies
Third Eye 10: Sports Fest
Third Eye 11: Confused
Third Eye 12: Second Confession
Third Eye 13: First Move
Third Eye 14: She Said Yes!
Third Eye 15: First Kiss💋
Third Eye 16: PINK
Third Eye 17: Spirit Of The Glass
Ghost 18: Mission Again?
Ghost 19: Ghost Guard
Ghost 20: Class Pictures
Ghost 22: Goodbye
Author's Note
Ghost 23: Prediction
Ghost 24: Hero
Ghost 25: Surprise?
Ghost 26: Cousin
Ghost 27: Something?
Ghost 28: Break Up💔
Playboy 29: Temptation
Playboy 30: Night Mistake
Playboy 31: Open Again
Playboy 32: Cold
Playboy 33: "Mahal Kita"
Playboy 34: It's Hurt
Playboy 35: What's Wrong?
Playboy 36: Preparation
Reveal 37: Masquerade Night
Reveal 38: The Truth
♡THANK YOU♡
Reveal 39: Broken💔
Love 40: Ghost Love
Love 41: Is It Love?
Love 42: Mission = Love
Love 43: Lost/Love
Love 44: Human Love Ghost
Love 45: Don't Love!
Truth 46: Room of Truth
Truth 47: Missing
Truth 48: Is It Real?
True Love 49: First Date
True Love 50: Reasons
PROMOTE!
Epilogue
SC1: Atheya and Lester
SC2: Audrey and Glyndon
SC3: Third eye and Ghost
Note📝

Ghost 21: About Nalyn

1.6K 81 7
By DM_DreamLove

ABOUT NALYN♥

Trixie's POV

"TUULOOOONG!" Napa-bangon ako dahil sa isang malakas na sigaw na narinig ko. Pag dilat ng aking mga mata ay agad tumambad sa akin ang malawak na isla. Asan ako? Bakit ako nandito? Nananaginip na naman ba ako?  Anong klaseng lugar ito?

"TULUNGAN NIYO AKOOO!!" Agad akong tumayo nung muli kong marinig yung pamilyar na boses na yun. Nag lakad ako para hanapin kong saan nanggagaling yung boses. Sobrang lawak nung isla at tanging mga puno't halaman na lang ang nakikita ko. Wala man lang ni isang bahay na naka-tayo dito at tanging buwan lang yung nag bibigay liwanag sa buong isla.

"BITAWAN MO AKO!! HAYOP KA!!" Galit at para ng umiiyak na sabi nung boses. Mas lalo ko pang nilakihan ang bawat hakbang ko kahit wala man lang akong sout na tsinelas. Napunta ako sa isang pinaka-madilim na parte ng isla kung saan natatakpan na ang liwanag ng buwan at may mga malalaking bato na ang naka-tayo.

"ILANG YEARS NA TAYO NALYN PERO HINDI MO MAN LANG MAIBIGAY SA AKIN ANG PAGKABABAE MO!! ANO BA!! MAHAL MO BA TALAGA AKO?!!" Galit na galit na sabi nung lalaki at nanlilisik pa ang mga mata nito habang may hawak itong matulis na kutsilyo. Mas lalo akong nagulat nung malaman kong si nalyn pala yung babae. May name tag itong naka-dikit sa damit niya at ewan ko kung bakit. Umiiyak na siya at nagmamakaawa pero mukhang wala ng natitirang kabaitan dun sa lalaki.

"HAYOP KA!!! PAGKABABAE KO LANG PALA YUNG HABOL MO SA AKIN!! HAYOP KA! P*TA KA!!" Puno ng galit na sabi ni nalyn dun sa boyfriend niya at bigla na lang siyang sinampal nung lalaki. Parang gusto kong sugudin yung walang hiyang lalaki na yan pero hindi ko magawa. Para akong naka-pako sa kinatatayuan ko habang naka-yukom na ang mga kamao ko. F*ck! Anong klase siyang lalaki? Para siyang sinapian ng demonyo! Walang hiya siya! G*go siya!.

"MANAHIMIK KA!!! GAGAWIN KO KUNG ANONG GUSTO KO KAYA PASENSYAHAN TAYO!!" Sabi nung lalaki at isasaksak na niya sana yung kutsilyo kay nalyn nung bigla akong sumigaw dahilan para hindi niya maituloy.

"WAAAAAGGG!" Sigaw ko at dahan-dahan itong humarap sa kinaroroonan ko dahilan para mamukhaan ko siya at mabasa yung naka-dikit sa kanyang damit na name tag. CARL TIMOTE.

Bigla na lang akong bumangon sa kinahihigaan ko ng pawis na pawis at sobrang hinihingal.

"Bakekang kanina ka pa namin ginigising pero hindi ka man lang namin magising. Ano bang nangyayari sayo? Nananaginip ka na naman ba?" Tanong ni nalyn na mukhang nag aalala habang nasa kabilang gilid ko naman si dominic.

"Carl Timote" yan ang agad kong sabi at kunot noong naka-tingin sa akin ang dalawa. Bigla akong tumayo sa higaan ko at pumunta dun sa drawer para kunin yung class picture na nakita ko kahapon sa kwarto nila mommy.

"Nalyn kilala mo si carl timote right? Kung hindi mo siya matandaan heto ang picture para maalala mo siya" sabay abot ko kay dominic yung picture at ipinakita ito kay nalyn. Bigla itong nagulat at parang may kung anong lumabas sa kanyang mga mata. Ewan ko kung ano yun pero para siyang luha pero kumikinang ito eh. Humagulhol ito ng iyak at unti-unti siyang napa-upo habang yakap-yakap nito ang sarili niya.

Gusto ko siyang yakapin ngayon pero hindi ko man lang magawa dahil hindi ko siya mahawakan man lang. Biglang lumapit si dominic kay nalyn at niyakap ito. Tumalikod ako dahil ayaw kong makita si nalyn na nagkakaganyan. Sobrang masayahin si nalyn simula nung makilala ko siya at never ko siyang nakitang nagka-ganyan. Hindi ko namalayan na meron na palang luha ang umagos sa aking mga mata. Agad ko itong pinunasan at lumapit sa kina-uupuan ni nalyn.

"Tama na bakekang. Pinapangako ko na hahanapin natin yang lalaking yan" pagpapakalma ko kay nalyn at tumingin naman ito sa akin.

"Alam ko kung saan nakatira yan at gusto ko muna ngayong puntahan natin yung pamilya ko" sabi nito kaya laking gulat ko. Naalala niya na yung nangyari sa kanya? So ibig sabihin isang bagay lang pala ang makita nila na pamilyar ay maaalala na nila ang lahat ng nangyari sa kanila. Ganun pala yun.

"Sige bakekang" sagot ko dito.

Pagkatapos nun ay naligo na ako para maaga kaming maka-alis para hanapin ang pamilya ni nalyn at ang lalaking pumatay sa kanya. Matapos akong maligo ay nag bihis na ako at bumaba na dahil kanina pa naghihintay yung dalawang multo sa sasakyan ko. Masyado silang excited.

"Iha may nagpapabigay pala nito sayo" sabay abot ni manang auria nung isang bouquet na flower tapos isang box na chocolates. Sino naman nagbigay nito? Basahin mo kaya trixie may card naman dun sa ilalim ng flowers diba?  Oo nga pala noh? I forgot.

FROM MY PRINCESS AKACHAN

Sorry nga pala akachan kahapon kasi hindi man lang ako nakapag-paalam sayo :( Until now may practice pa kami kaya hindi mo na kita makakasama ngayon at babawi ako sayo once na matapos na'to. ILoveYou Akachan and take care always♡

TO YOUR HANDSOME PRINCE♡

Kinilig naman ako dito sa binigay ng boyfriend ko. Inamoy ko muna yung flowers at niyakap ko naman ng bonggang-bongga yung isang box na chocolates. Miss ko na tuloy siya :( Nakaka-inis bakit ba kasi sumama pa yun sa basket ball sport yan tuloy lagi siyang may practice.

"Pwede na siguro tayong umalis noh?" Nagulat ako nung bigla na lang nag salita si dominic sa harapan ko. Naka-cross arms ito at mukhang inip na inip na siya. Siya pa talaga yung may ganang mainip eh hindi naman siya yung tutulungan ko. Panira talaga ito ng moment -_-

"Tara na nga!" Naiinis kong sabi at sumakay na sa kotse ko sabay alis na namin ng bahay. Tahimik na naka-upo yung dalawa sa likod ko habang ako naman ay nag iisip kung paano ko nga ba sasabihin sa mga pamilya ni nalyn na nakikita ko siya. Baka tawanan at pagkamalan lang nila akong baliw kong sasabihin ko yung bagay na yun. Bakit ba kasi sa haba-haba ng panahon na pananatili ni nalyn sa bahay namin ay ngayon ko lang nahalungkat yung larawan na yun? Nakakainis lang minsan ang tadhana. Yung tipong nandon lang yung hinahanap mo pero hindi mo man lang makita.

Tatlong oras na ang biyahe pero hindi pa namin nahahanap kung saan ba talaga nakatira itong si nalyn. Sobrang pagod na ako sa kaka-drive at sa totoo lang inaantok na ako ng bonggang-bongga pero hindi ko kayang mag pahinga kasi gusto kong tapusin sa araw na'to yung misyon ko kay nalyn.

"Bakekang dito na" napa-hinto agad ako nung biglang nag salita si nalyn.

"Sure ka bang dito na yun?" Tanong ko at tumango lang ito kaya bumaba na ako sa sasakyan. May nakita akong mga kalalakihan na nag babasket ball sa kalsada at halos lahat sila ay naka-hubad. Tumigil silang lahat sa paglalaro at napa-tingin silang lahat sa akin. Maganda ba ako para titigan nila ako ng ganyan? Sabagay maganda nga ako. Hahaha! Uso na ngayon ang purihin ang sarili. Atsaka ayaw ko sila noh! Isang lalaking basket ball player lang ang gusto ko. Si akachan kent at siya lang ang basket ball player na kilala kong gwapo period.

Sumunod ako kay nalyn na naunang nag lakad at pumasok dun sa isang masikip na lugar. Napadpad kami sa isang bahay na medyo may kalakihan at pinapalibutan ito ng madaming halaman sa gilid. May second floor ito kaso made of wood na at yung baba naman ay semento. Para siyang old class house kung tignan kaso mukha siyang bago dahil sa maganda nitong pintura. Lumusot lang si nalyn dun sa pintuan at ilang saglit pa ay lumabas na ito.

"Kumatok ka na bakekang" utos nito sa akin kaya agad naman akong kumatok. Isang beses lang akong kumatok at meron na agad nag bukas nito. Tumambad sa akin ang napaka-gandang dalaga at naka-ngiti pa ito sa akin. Mukhang edad 15 lang ito at mukha siyang artistahin dahil sa ganda ng hubog ng kanyang mukha.

"Sino po sila?" Mahinhin nitong sabi.

"Ako nga pala si trixie. Pwede bang maka-usap ko ang mama mo?" Sabi ko dito at pinapasok naman niya ako sa loob ng bahay nila.

Pagpasok ko sa loob ng bahay nila ay agad kong nakita yung mama ni nalyn na naka-higa sa isang papag. Kamukha nga ito ni nalyn at agad ding bumungad sa akin yung mga larawan ni nalyn na naka-sabit sa kanilang mga ding-ding. Sobrang ganda ni nalyn kaya hindi na ako magtataka kung bakit gusto ng carl na yun na kunin yung pagkababae niya.

"Ang ganda ko noh?" Biglang tanong ni nalyn nung makita niya akong naka-tingin sa mga pictures niya.

"Oo na nga diyan" sagot ko na kunwareng napipilitan.

"Anong pakay mo dito?" Nagulat ako ng bigla na lang nag salita yung mama ni nalyn sa likod ko.

"Ahhh.. ehh.. Andito po ako kasi may importante po akong sasabihin sa inyo" sagot ko.

"Maupo ka. Alyn kumuha ka diyan ng pang merienda dito sa bisita natin" sigaw nito mula sa kusina nila.

"Anong pangalan mo iha? At ano yung importante mong sasabihin?" Tanong nito. Paano ko ba sasabihin ito? Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"Ako nga po pala si trixie and I want to ask lang about po sa anak niyong si nalyn. Mahirap mang sabihin o paniwalaan man ito pero kaibigan ko po siya. Nakikita ko po ang anak niyo" sagot ko dito pero wala man lang akong nakitang ekspresyon sa kanyang mukha. Bigla kong naalala yung picture kaya agad ko itong kinuha sa loob ng bag ko.

"Tignan niyo po ito" sabay abot ko nung picture.

"Si nalyn nga ito pero paano mo siya nakikita? Patay na ang anak ko kaya wag mong sabihing nakikita mo siya" nagtatakang sabi nito.

"May third eye po ako. Paniwalaan niyo po sana ako kahit malabo o naguguluhan man kayo kasi gusto ko lang pong tulungan ang anak niyo" sabi ko dito.

"May third eye ka ate? Nakikita mo si ate nalyn?" Bigla akong napalingon sa gilid at nakita ko dun yung magandang babae na nagbukas ng pintuan sa akin kanina. May dala itong tray na may pagkaing naka-lagay at juice.

"Oo at kasama ko ngayon yung ate mo" sagot ko dito.

"Yung classmate ko din may ganyang kakayahan at akala namin joke time niya lang pero nung naka-usap niya na yung namatay naming adviser naniwala na kami sa kanya" sabi nito sabay lapag nung merienda namin sa lamesa.

"Asan si nalyn? Asan ang anak ko?" Umiiyak na sabi nung mama ni nalyn kaya tumingin ako kay nalyn at tumayo ito sabay lapit niya sa mama niya at niyakap ito.

"Alyn pala ang pangalan ko ate at ako na yung bunsong kapatid ni ate nalyn" naka-ngiting pagpapakilala sa akin ng kapatid ni nalyn.

"Ang ganda niya" bulong ni dominic pero narinig ko. Tumingin ako dito at bigla niya na lang iniwas yung tingin niya sa akin. Pati ba naman bata pinagkaka-interesan niya.

Matapos kong ekwento sa kanilang lahat yung tungkol sa panaginip ko ay gusto nilang puntahan yung islang yun dahil sabi din ni nalyn na andun daw yung katawan niya at tinapon ng walang hiyang boyfriend niya sa malalim na parte ng islang yun. Balita din daw nila na dun sa isla na yun nakatira si carl timote dahil dun na din siya nagkaroon ng pamilya. Kailangan naming mahanap ang hustisya para kay nalyn. Gusto ko na siyang pumunta sa lugar kung saan may naghihintay sa kanyang paraiso.

"Handa kana ba bakekang?" Tanong ko.

"Handang-handa na ako" lakas loob nitong sagot at pinaandar ko na yung sasakyan ko para sa sunod na paglalakbay namin. I promise that this mission will be accomplished.

To be continued...

#G21AboutNalyn

By:DM_DreamLove

Continue Reading

You'll Also Like

53K 1.7K 66
BUOD Mahigit dalawang taon na silang magkasintahan ni Marcus nang siya ay makipaghiwalay dito. She's devastated and caught up with her Father's sudd...
42.5K 1.4K 31
Si Erika ay isang babae na nawalan ng ala - ala, at sa pagkawala ng ala - ala niya ay tanging pangalan lang niya at ang kakayahan niya ang hindi niya...
118K 4.9K 29
About a girl who sees ghosts and a guy who doesn't believe in paranormal stuff. May third eye si Fina; may kakayahan din siyang makakita at makakaus...
11.1K 116 6
>HORROR/ FANTASY/ LOVE STORY< GHOST, DO FALL IN LOVE... (tagalog story / completed / Ghost) Ghost do fall in loved! Nakasulat sa kapalaran nina Lukas...
Wattpad App - Unlock exclusive features