The Prince of Darkness

By Jadesatouri

740 7 1

Madalas ng napapaginipan ni Julia sa isang misteryosong lalaki na hindi masukat ang kalungkutan. Ninais niya... More

Chapter 1
Paruparo sa Palaruan
Ang Palatandaan
Best Friend Forever
Paalala
Best Student
Hiwaga ng Balete
Ang Marka
Ang Kwintas
Liwanag sa Dilim
First Contact
Authors Note 1
The Prince and the Jologs
Ang Mahiwagang Ibon
Pang-aakit
Babaeng Makulit
Duda
Connect the Dot
Ang Tatlong Orchids
Ang Espesyal na Inumin
Realidad
Resbak
Angelina Jolie
Chapter 2
The Rage
Masamang Hangin
Chapter 28

Mariposa

63 0 0
By Jadesatouri

A.D 1413

Nakangiting bumangon mula sa kanyang kama ang batang si Arman. Dahil sabik na syang maikuwento ang kanyang panaginip sa mga magulang.

Para sa mga katulad nilang mga lahing Aenkanthau, bibihira lamang ang pinagpala na magkaroon ng panaginip at iilan lamang ang may taglay nito. Kadalasan sa Aenkanthian na nananaginip ay yung mga natagpuan na ang wagas na pag-ibig na panghabangbuhay, at madalang pa ito.
Ang panaginip ng isang Aenkanthian ay sagrado at may hatid na pag-asa sa sinuman o sa kanilang lahi.

Ang batang si Arman ay natatangi sa kanilang Aenkanthian dahil maraming beses na siyang nananaginip, maiksi man o isang mahabang panaginip. Sa tuwing nangyayari ito, magiliw niyang ibinabahagi na parang normal na pangyayari lamang. Para kay Arman sa tuwing nananaginip siya ay alam niya na may mapapangiti at mapapasayang kalahi niya.

Mababakas ang katuwaan sa mukha ni Arman kapag nagsisimula na siyang magbahagi ng kwento sa kanyang Hayr( Ama/Tatay ), Imah ( ina) at mga kalahi .

" Hayr! Imah! Hayr! Imah!" naririnig ng mga magulang ni Arman ang patuloy na pagsigaw nito na pumutol ng kanilang pag-uusap, Alam nilang may bagong panaginip itong ibibida sa kanila.

"Hayr! Imah!! Hayr taj Imah, I yerazel e yeritasard kensunak aghjakan norits' khory arreghtsvats sayin antarrum." ang sigaw ni Arman sa dialektong Aenkanthian ng matanaw niya ang kanyang Ama at ina sa kanilang hardin na nilalasap ang enerhiyang idinudulot ng gabi sa ilalim ng bilog na bilog na buwan at masuyong nag-uusap ang mag-asawa. Humahangos na tinakbo nya ang kahabaan ng pasilyo ng kanilang tahanan palabas, patungo sa napakagandang hardin.

May pagmamalaki at Paulit-ulit na sinisigaw ni Arman na siya ay nanaginip muli habang humahangos ng takbo. Hindi na nya batid pansin ang sinumang kalahi nya na kanyang nasasalubong, basta ang tanging nais nya ay marating ang kinaroroonan ng mga magulang.

" Oh! Arman, maghunos ka. Ayusin mo ang iyong sarili at hinihingal ka ng husto. " Panimulang bati ni Armeus Dublantis sa kanyang anak sa kanilang diyalektong Aenkanthian.

" Paano mong maibabahagi sa amin ng maayos ang iyong panaginip kung hinahabol mo ang iyong hininga?" tanong ni Armeus sa anak na hinihingal.

" Hihingalin talaga ang batang iyan, sa layo ba naman ng tinakbo nya. Nanggaling pa sa ikatlong palapag at sukat baybayin ang mga pasilyo sa loob ng limang minuto. Buti sana kung nakakalipad sya. " nangingiting tinuran ni Dimetria Dublantis na ina ni Arman.

Si Arman nakatingin sa kanyang mga magulang na nakaupo sa marmol na may disenyong inukit na dragon at Agila sa magkabilang dulo ng upuan. Pinilit isiksik ni Arman ang kanyang munting sarili at gumitna sa pagitan ng mga magulang nya.

" Walong taong gulang palang kasi siya." Ang turan ni Armeus sa kanyang asawa at sabay baling sa kanyang anak na hinihingal. Masuyo niyang ginulo ang buhok ng munting bata.

" Arman anak, maaari mo na bang simulang pagsalaysay ng iyong napaginip sa batang prinsesang babae? " nangingiting nasabi ni Dimetria sa kanyang anak na pinagmamasdan ang bilog na buwan.

"Imah, hindi po siya isang prinsesa.. Isa lamang po siyang pangkaraniwang nilalang na tao. .. Isang batang babae na pinapasaya ako sa panaginip." wika ni Arman sa kanyang ina.

" Arman kahit anong uri pa ng nilalang yan basta babae ay dapat ituring na prinsesa, hindi dapat munti at minamaliit ang pagtingin sa mga babae... Dapat Ginagalang , iniingatan at pinapahalagahan. Gaya ng pagtangi natin sa mga babaeng Aenkanthau at hindi dapat mababa ang pagtingin mo anumang uri ng nilalang ito dahil bawat nilikha ay espesyal." pagpapaalala ni Armeus sa kanyang anak na si Arman.

Tumango tango ang batang si Arman bilang pagsayon sa tinuran ng ama.

" Ang bata sa aking panaginip ay sadyang nakakaaliw. Kakaiba. Puno ng buhay ang buong pagkatao. At...." ang sabik na paglalahad ni Arman ngunit pinutol lang ng kanyang ina dahil sa mabilis na pagsasalita. Halata sa bata ang kasabikang maibahagi ang naranasan.

"Anak, hinay hinay lang. Maari bang idetalye mo ng mahinahon ang iyong panaginip. Nais namin ng iyong Ama ay malaman ang bawat detalye." nangangiting sabi ng ina.

"Oo nga anak, sadyang tama ang iyong Imah." sabad na pagsang-ayon ni Armeus.

Ngumiti si Arman. Huminga ng malalim at kinalma ang bilis ng tibok ng puso. Pinakiramdaman niya ang kanya sarili, nang mapagtanto na bumalik na sa normal na bilis ang tibok ng puso niya ay nagsimulang magwika ng kanyang panaginip...

" Hayr at Imah ang aking panaginip ay kakaiba sa mga una sa kadahilanan di tulad ng dati na puro masasaya... " panimula ni Arman.

Nagkatinginan ang mag-asawa sa tinuran ng anak.

" Arman aking anak... Makinig ka. Ang mundo ay balanse at makatarungan. Gaya ng liwanag at dilim, masama at mabuti , malakas at mahina, mga bahaging nasa magkabilang dulo ng timbangan na magkasalungat, ito at iba pa na nagsisilbing balanseng timbangan sa lahat ng nilalang anumang uri o lahi nito. Dahil ito ang bubuo sa isang nilalang, gagawing matatag o dili kaya magbibigay kaayusan sa mundong ating ginagalawan." ang seryosong pagtuturo ng pangaral ni Armeus.

Nakatingin lamang si Arman at medyo nagulumihanan.

"Balang araw anak... Maiintindihan mo rin ako. " muling turan ng Ama ni Arman ng mapansin naguluhan ang anak sa kanyang huling sinabi.

Tumango ang bata at ngumiti bilang pagsang-ayon sa kanyang ama.

" Ang balak ko pa naman sanang ibahagi ay yung masayang parte ng aking panaginip, Hayr. Ngunit ipinag-utos nyo ni Imah na idetalye ko, ito po ay aking susundin." ang magiliw na sabi ni Arman....

At nagsimulang magsalaysay si Arman......

Nakita ko ang aking sarili mula sa aking magarang silid na himbing ang pagtulog. Ilang sandali pa, ako ay nagising sa akin pagkakahimbing, dahil pakiramdam ko'y may naririnig akong tinig ng tawa na parang nasa loob lamang ng aking silid. Pinakiramdaman ko ito at pinakinggan kung saan nagmumula. Parang nanggagaling sa aking kama ang tunog ng munting tawa. Napaisip ako.. kung tawa ba ang aking naririnig o isang hagikgik. Nakukuntento na sana ako itong pakinggan , parang hindi sapat lamang na ito ay damhin ng aking pandinig. Sa may kung anong di ko mawaring puwersa na nagtutulak sa akin na ito ay hanapin, sa isiping ang mumunting tawa na aking naririnig ay nagmumula sa batang babaeng sa aking panaginip na kalaro kong madalas, ako ay muling nasabik at natukso na sa paanyaya ng tunog ng mahinang pagtawa.
Alam na alam ko na ang batang babae na ito ang nagmamay-ari dahil sa madalas namin pagkikita ay nakabisa ko na ang timbre ng kanyang kaayaayang boses.
Ang batang babae na ito ay sadyang masayahin at maraming tinuturo sa akin.. Itinuro nya sa akin kung paano ang buhay nilang mga tao at kung papaano sila nabubuhay, ang kaugalian nilang mga tao, mga pangarap, kasiyahan at kung ano ano pa nakakagiliw na istorya.
Itinuro nya rin sa akin at naipakita ang iba't ibang klase ng mga kulay. Akala ko nga noon ay isa siyang Aenkanthau dahil hindi pangkaraniwan ang kanyang suot, ibang-iba sa pangkaraniwang bata na nakita ko. Ibang istilo ng pandamit.
Ang batang babaeng ito ay sadyang kakaiba para sa akin dahil naipakita nya sa akin ultimo ang mga napakaraming kulay ng buhay. Pakiramdam ko ay isa siyang makapangyarihang nilalang, at ginagamitan niya ako ng kanyang kapangyarihan dahil sa tuwina ay may kung anong mga mumunting kuryente nagmumula sa kanya at dumadaloy sa akin tuwing hinahawakan ako. Wala namang dulot na sakit ang kuryenteng nilikha ng batang babae. Nakakakiliti pa nga ang mga mumunting dagitab nito.
Higit sa lahat may pambihirang katangian siya ng wala sa mga ordinaryong tao, malalaman kong nasa paligid lamang siya at malapit dahil nakikipag-usap sya sa akin sa pamamagitan ng isip , yayayain ako maglaro, tapos sasabihan nya akong nagsimula na ang laro at uutusan akong hahanapin ko siya sa malawak na kakahuyan. Kapag natagpuan ko na siya ay maghahabulan kami patungo sa burol, sa dalampasigan o sa malagong kakahuyan.
Habang tumatakbo siya ay natutuwa akong minamasdan ang pagwasiwas at paglipad ng buhok nya sa ere na kumikintab sa sikat na dulot ng liwanag ng buwan.
Masayang masaya ako na kasama siya kahit na ano pa gawin naming dalawa, nakaupo man kami sa isang burol at naghuhuntahan. Basta, ang tanging nais ko lang... gusto ko siyang nakikita sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mumunting mata pagmatutulog...

Nagsimula akong bumangon at bumaba sa kama..Pumuwesto sa kanang bahagi at Lumuhod.. Unti unti kong inaangat ang mga kobre kama. Sa bawat tela naiaangat ko ay dahan dahang lumalakas ang tunog ng tawa. Huling tela na... at may naaaninag akong munting liwanag. Inangat ko ang nalalabing harang na tela, hanggang sa wala ng harang na nalabi, sinilip ko ang ilalim ng aking kama para hanapin ang nagmamay-ari ng tinig..
Ang tinig ng mumunting bata, isang tinig ng natutuwang bata na animo'y umaawit sa aking pandinig. Ginalugad ko ang ilalim ng kama. Ngunit bigo ako, ang liwanag na aking nasilayan pala kanina ay nagmumula sa sinag ng araw na palubog na inabot sa ilalim ng kama. Wala ni anumang nilalang doon, tanging aandap andap na liwanag ng palubog na araw. Wala ni isang bakas na mayroon doon o palatandaan ng tinig.

Nawala ang ngiti ko habang nakadapa at pinagmamasdan ang ilalim ng kama. Umaasang nandoon ito.

"Nakakainis naman..."
"Nawala? Nasaan na kaya 'yon?"

Nanlumo ako dahil wala doon ang inaasahan ko, kaya nagdesisyon na akong tumayo.

Sa pagtayo ko..napadako ako sa isa sa mga pintuang kristal na salamin ng aking silid na kung saan tanaw ang karagatan. Napansin ko ang isang mariposa sa aking silid. Palipad lipad sa dako kung saan palubog ang haring araw, binabangga bangga ng malaking paruparo ang salaming pintuan sa kagustuhang lumabas. Napakunot ang aking noo at inisip kung san ito nanggaling.

" Bakit ngayon ko lang napansin ito?" nagtataka kong nasambit.

Lumapit ako sa pintuan na patungo sa veranda, may sinag na tumama sa aking mga mata... inagaw ng atensyon ko ang liwanag ng dapit hapon. Dinikit ko ang aking mukha sa kristal na salamin at saglit na pinagmasdan ang dagat na talaga namang hahangaan mo ng labis. Isang magandang tanawin , ang sinag ng palubog na araw ay lumilikha ng isang makinang na hiyas, parang hiyas na rubi dahil mamula mula ang repleksiyong binubuo nito. Nilinga ko ng bahagya ang aking ulo upang masilayan ang mga ibon lumilipad patungo sa gubat. Sa kaliwang bahagi ng aming veranda ay tanaw ang malagong bundok na talaga namang nagsisitayugan ang iba't ibang klase ng puno.

Naputol lamang ang paghanga ko sa dagat ng lumipad lipad ang mariposa sa kaliwang pisngi ko. Nang makuha ng mariposa ang atensyon ko, nagpaikot-ikot sa ulunan ko. Napansing ko ang ganda ng mariposa, nagliliwanag at ang taglay nitong disenyong nasa kanyang pakpak ay alon alon na parang dagat. Sa bawat disenyo na guhit na alon ay may iba't ibang kulay , mayroong pula, dilaw, lila, asul , berde at kahel.
Kapag pinapagaspas-gaspas nya ang kanyang mga pakpak, ito ay kumikinang at lumilikha ng mapusyaw na kulay pula at dilaw . Nakakaaliw pagmasdan. Nahihipnotismo akong pagmasdan pa ng maigi. ang munting nilalang ng kalikasan na ito.
Tiningnan tingnan at pinakiramdam ko pa ang mga maaaring susunod na mangyayari. May napansin ako...

" Bakit ganoon?? " ang namutawing katagang lumabas sa akin dahil nahihiwagaan akong nakatingin sa lumilipad na mariposa, parang apoy na lumilipad at umaaligid sa akin. Pinakiramdaman kong muli ang malaking paruparo sa kinikilos nito.
Pakiramdam ko nagpapahiwatig ang mariposa, humihingi ng tulong. Nakikiusap na buksan ang malaking salaming kristal na pintuan..

Isang kumpas ang aking nilikha sa aking kanan kamay...

Lumutang ang mga palamuting kristal na nakadikit sa salamin na nagsisimulang lumiwanag at sa bawat pagdikit ng mga nagliliwanag na kristal pabalik sa salamin ay unti unti rin na bumubukas ang pintuan.
Ang pintuang salamin na nagsisilbing pagitan ng isang di masukat na gandang paraiso sa labas ng aking silid.

Bumukas na ang pintuang kristal sa aking silid patungo sa veranda. Inaasahan kong sa pagbubukas ng pinto ay siya rin paglisan ng mariposa mula sa pagkakakulong sa loob ng aking silid... Patungo sa kanyang kalayaan.
" Humayo ka na munti kong kaibigan." ang winika ko sa mariposa dahil sa patuloy parin ang paglipad lipad nya sa akin.
" Maaari ka ng lumabas munting nilikha wala ng balakid patungo sa paraiso , ikampay at iyong iwasiwas na palabas ang iyo mga pakpak ng malaya." muling kong sambit sa Mariposa.
Napansin kong nagpaikot ikot at patuloy lang na umaaligid aligid sa akin kaya ginawa ko ay humakbang palabas ng silid at minasdan ang magandang tanawin. Mula sa veranda ay pinagmasdan ko ang mga makukulay at naggagandahan ibon na lumilipad pabalik ng gubat, na ngayon ay higit ng maganda dahil wala ng nakaharang na salamin. Sadyang nakakatuwa ang mga iba't ibang uri na aking nasisilayan. Nakakadagdag pa ng ganda ang sinag na nagmumula sa palubog ng araw sa mga nilalang na lumilipad na nais magpahinga dahil patakipsilim na . Kay sarap pakinggan ang ritmo na likha ng kalikasan at unti unti kang nilulutang sa langit. Tunog ng kulisap, pagspas ng pakpak at huni ng iba, ihip ng hangin, tunog na nagmumula sa alon ng dagat, wasiwas ng mga puno sa paligid. Lahat ay musika sa aking pandinig.
Binigyan sulyap kong muli ang mariposa na sumunod sa akin sa veranda habang nilalasap ang ganda ng aking paligid, mabagal na ang paglipad lipad nito habang patuloy parin ang pagligid sa akin. Wari ko ay naghihintay lamang ang mariposa ng susunod kong gagawin.
Pinikit ko ang aking mga mata at Pinakinggan kong muli ang bawat tunog na likha ng inang kalikasan.. Ang tunog na para bang ako ay tinatawag at hinahalinang lumabas ng tahanan at lumipad patungong dagat, mas damhin pa ang malamig at preskong simoy doon sa parteng kung saan puwede akong tumakbo ng tumakbo sa ubod ng puting buhangin na magbibigay ng enerhiya sa aking katawan. Na parang nagsasabing wag na akong mag-atubili. Isang paanyayang mahirap tanggihan. Hindi ko matanggihan ang kariktan ng paglubog ng araw at kapangyarihan dulot nito sa akin... Ang kulay kahel at mamulamulang sinag na nagmumula sa araw na palubog na pakiramdam ko ay nagbibigay ibayong lakas sa akin.
Pinakiramdaman ang dampi ng hangin sa aking mukha, napakapresko talaga at napapangiti ako ng hindi ko namamalayan.
Nagmulat lamang ako ng aking mata ng maramdaman kong may dumapo sa aking kanang kamay. Nakita ko ang mariposa na dumapo sa akin. Pumukaw ng aking atensyon ang kanyang mga pakpak na hindi pumapagaspas. Bahagya kong inilapit ang kanang kamay ko. Dito ako lalong namangha sa mariposang nakadapo. Ang kanyang mga pakpak nang makatigil ay may nakabuo ng isang pulang puso.. Parang iginuhit ng pulang pluma sa malaking pakpak ng mariposa. Kay gandang talaga. Sinimulan kong ikilos ang kaliwa kong kamay. Idadampi ko na sana ang kaliwang kamay ko sa pakpak ng malaking paruparo na may hugis pulang puso... ngunit mabilis itong umalis palayo sa aking kanang kamay at nagsimulang lumipad na nagliliwanag muli. Na nagsasabog ng mga kaaya ayang kulay.
Sa paglipad palayo ng mariposa patungo sa direksyon dagat doon ko lamang napagtanto na ang aking mga paa ay hindi na nakalapat sa sahig ng veranda.... Dalawampung talampakan na ang taas ko mula doon. Nagsimula akong mataranta dahil iyon ang kaunaunahan kong paglutang. Pinilit kong pigain ang isip ko kung paanong ako ay nakakalipad.. Nagsisimula ng bumilis ang pintig ng puso ko. Kinakabahan na ako. Ang tanging nasa isip ko ay paano. Paano??

" Dahil sa ikaw ay nasa daigdig ng panaginip, dito lahat ng imposible ay puwedeng maging posible. "

Nagulat ako sa biglang pagsalita ng isang pamilyar na tinig ng batang babae at walang ano ano ay nagsimula akong bumagsak ...

" AhhhhhhhhHh!!!!" sumisigaw ako at hindi ko maiwasan. Dahil natatakot ako. Takot na takot dahil bumubulusok ako, para akong isang ibon na naputulan ng pakpak.

"AhhhHHhh!!! HayrRr! HayrR! Hayrrr! " sumisigaw ako at tinatawag ang aking ama.

" Ahhhhh!!! TulongGgg!!!! Imahhhh!!!!! Bumubulusok akOOOo!" nagbabakasakali rin akong tawagin ang aking ina. Sinimulan kong tawagin ang aking mga magulang para ako ay saklolohan. Alam kong sa paglubog ng araw at pagkagat ng dilim ay muli ko ng makakapiling ang mga magulang at dagli nila akong sasaklolohan.

Nakailang sigaw at tawag na ko ay wala paring dumadating na mga magulang ko.

" AhhhHhhh!!!" patuloy kong sigaw .

" Alam mo nakakatawa ang sigaw mo. Daig mo pa ang tinis ng boses naming mga batang babae." narinig na sabi ng babae kay Arman.

Gusto ko mang mainis sa nagmamay-ari ng tinig ay hindi ko magawa dahil mas abala ang isip ko sa nakaambang kamatayan. Sa isip ko sinubukan kong maging matapang. Narinig ko ulit ang tinig.

" Sa wakas naman huminto ka na sa pagsigaw." ang sabi ng munting babae sa aking isip.
" Tutulungan kita... Kung magtitiwala ka lamang." pagpapatuloy ng batang babae.

Naguguluhan ako kung tunay ba na tutulungan ako o kaya'y pinagkakatuwaan nya lamang ako. Higit sa lahat kung totoo bang may naririnig akong tinig mula sa aking isipan o isa lamang itong enerhiya ng araw na kumakausap sa akin.

Bigla sa kung saan sumulpot ang babae at nakangiting winika sa akin na..

" Hoy! Hindi ako isang enerhiyang araw at mas lalong hindi imahinasyon mo lamang ."

Nilingon ko sya at nakangiti lamang, walang maaninag na bakas ng takot. Napaisip tuloy ako na baka hindi nya alam na kami ay bumubulusok.

"Ang tagal mo namang sumagot, mahal na prinsipe." nakangiting sabi ng batang babae na animo ay nang-iinis sa akin.

" Oo na. Tulungan mo na ako. " ang madali kong sagot sa kanya.

" Ibibigay mo ba ang tiwala mo sa akin? " tanong ng batang babae

" OO! OO! OO!" paulit-ulit at natataranta kong sagot dahil anumang sandali ay lalagapak na kami sa lupa.

" Ipikit mo ang iyong mga mata, at mag-isip ng masayang pangyayari." ang turo ng batang babae sa akin.

Pinikit ko ang aking mata at inisip ang aming masasayang oras na kasama ko ang batang babae, nagkukuwentuhan at naglalaro. Sa ilang pagkakataon kaming magkasama ay hindi naman ako nalagay sa panganib, bagkus nagagawa niya pang mapasaya ang kapaligiran.

Naramdaman ko na lang na inabot nya ang kamay ko. Hinawakan at pinisil. Sa dampi at hawak ng kamay nya ay napalagay ang kalooban ko... Inisip ko na lamang mga mga malalambot niyang palad.

Boing! Boing! Boing!

Lumapag ako sa isang napakalambot na bagay at nagpatalbog talbog.

" Aaa.. Anong nagyari?" nagugulumihanan kong tanong sa aking isipan dahil ang inaasahan ko ay sa lupa kami babagsak ng hindi masasaktan.

Saka lamang ako dumilat ng mata para tingnan at alamin ang pinagbagsakan namin. Puting puti ito at napakalambot. Mabango ang samyo... Amoy matamis na prutas.

Nilingon ko ang batang babae at nakita kong nakaupo pa rin siya sa napakalambot na bagay na sumalo sa aming pagbagsak. Nakangiti sya sa akin.. Nang mapansin niyang tinitigan ko sya, kumurot at pinilasan nya ang amin kinabagsakan at sinimulang isubo sa kanyang bibig at kainin ito. Natawa ako sa kanyang inasal. Lumapit sya sa akin at nagtanong...

" Bakit ka tumatawa?" tanong niya.

"Mukha kasing gutom ka at pati itong bagay na sumalo sa atin ay hindi mo matiis na kainin." nangingiti kong sabi sa kanya.

"Masarap ito! Subukan mo."

Muli siyang kumurot at pumilas sa puting bagay na kinauupuan namin. At isinubo sa akin.. Wala na akong ginawa kungdi gayahin sya at nguyain ang sinubo nya sa akin.

" Ang sarap diba? Ang tamis? Ano pakiramdam mo sa sinubo ko sayo?" sunodsunod na tanong ng batang babae.

Nilasap ko ang sinubo nya sa akin,.. Masarap ang pagkakatamis at nagustuhan ito ng aking dila. Unti unting natutunaw sa aking dila at habang natutunaw ay lalo kong nalalasahan ang tamis, lasang prutas, kung hindi nagkakamali ang aking panglasa, ito ay isang strawberry.

Kumurot na rin ako ng isang maliit na piraso at kumain ng kumain. Nasundan pa ang aming pagkurot duon sa bagay na iyon dahil nga masarap siya at palibhasa bago sa aking karanasan...

Hindi ko namalayan na naubos namin dalawa iyon.

" Saraaapp!!! Busog na busog ako. " magiliw na sigaw ng batang babae.

" Ikaw ay sadyang tama, ang pinatikim mo sa aking pagkain ay kaigaigaya sa aking panlasa at walang kaparehas." ang sabi ko sa kanya.

Ngumiti ang batang babae.

"Magpahinga muna tayo ha bago tayo muling maglaro baka kasi pumutok ang t'yan natin dahil busog tayo..." marami pa at patuloy na nagsasalita ang batang babae.

" Oo ba!" ang tanging sagot ko kahit hindi ko na naintindihan ang mga sinasabi nya, yung hindi ko mawari yung ibang kahulugan ng sinabi nya... Basta sumang-ayon na lamang ako at nagpanggap na naintindihan ko lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 79 33
Sabi nila, ang mga kontrabida ay kailanman hindi magiging bida. Sıla ay itinuturing na banta, itinulak sa dilim, itinakwil ng sariling nilang istorya...
13.7K 429 14
Clarisse's world turned upside down when her father sent her to San Sebastian. Hindi niya aakalaing sa ganoong paraan siya parurusahan ng ama sa mins...
156K 3.1K 22
Nagsimula lang sila bilang friends with benefits. F*ck buddies. Ngunit paano kung hindi na kaya ng "no strings attached" ang nararamdaman nila? Pareh...
348K 9.8K 52
For mature readers only 18 and up!!! They will both do anything for the sake of their loved ones, but what if they found love that they truly deserv...
Wattpad App - Unlock exclusive features