I Swear

By WizardsFLY

22 0 0

I can’t take it anymore. I can’t take it any longer. It exhausts my mind It destroys my heart I wounded you t... More

Chapter 1: First Sight

22 0 0
By WizardsFLY

"IRIS! IRIIIIISSSSS!"

Bakit parang may lindol, lumilindol ba? Tsaka may naririnig akong tumatawag sa kin.

"IRIS!! IRIS!!! IRIIIIIIIIIIIIIIIISSSS!!"

pagdilat ng mga mata ko, nakita ko si kuya niyuyugyog ako sa kama. Bwiset naman to. Natutulog ako eh.

"ANO BA YUN KUYA? NATUTULOG AKO DIBA. NAKAKAINIS KA NAMAN EH!"

"Kanina pa ring ng ring yang cellphone mo, nagising na kaming lahat pero ikaw naghihilik pa rin." Kinuha ko yung cellphone ko sa may maliit na table sa tabi ng kama ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag

Carly Rae Beksen Calling

Ano ba naman to si baklang carly, binulabog pa yung buong pamilya ko.

"Hel-.." hindi pa ko nakakapag-hello sumigaw na agad ang diwata.

"Asan ka na? Sabi ko 6:30am dapat nandito na sa tapat ng school!! BRUHA KA. Mag aalas-syete na."

"Bakit? Ano bang meron? Linggo ngayon te,wala tayong pasok, baka nakakalimutan mo." sigaw ko din

"Alam kong linggo, comprehensive exam natin ngayon. Ang shonga mo, ikaw ang makakalimutin"

"HALAAAAA!! Bakit di mo kasi pinaalala?"

"At sinisi mo pa talaga ako, bilisan mo, maligo ka na!"

*toooooot*

binaba ko na agad yung phone.

OH MY GOSH!!!!! OH. MY. GOSH. Nakakainis, nakalimutan ko talagang compre namin ngayon, kaya eto super madali na talaga ako. After kong maligo nagbihis na agad ako. Hindi kasi talaga ako pwedeng ma late eh, baka hindi ako makapag take ng exam kapag na late ako. Tsaka baka magalit yung boyfriend ko kapag hindi kami nagkita ngayon. Bumaba na ko ng hagdan at nakita ko si mama at si kuya na naghahanda ng almusal sa may dining table, at si papa naman nagbabasa ng dyaryo sa may sala.

"Ma, alis na po ko!" sabi ko kay mama sabay kiss sa cheeks nya.

"San ka pupunta??" hindi ko nga pala nasabi kay mama na ngayon ang compre namin, nakalimutan ko nga diba. Shonga ko talaga.

"Comprehensive exam po namin ngayon ma, nakalimutan kong sabihin sa inyo"

"Nako! Kumain ka muna para naman may laman yang tyan mo kapag nag-exam ka"

"Sa school na po ma, malalate na talaga ako eh. BABUSH!! Bye Kuya! Bye Papa" tumakbo na agad ako palabas ng bahay

"Mag-ingat ka" sigaw ni papa sa kin

Naglalakad lang talaga ako papuntang school walking distance lang naman kasi sya galing sa min. At dahil nagmamadali na talaga ako ngayon, sumakay na ko ng tricycle.

"Manong sa Williams University po"

Pagdating ko sa tapat ng school sinalubong na agad ako ng hampas nitong si Carly also known as Carlos Bartolome Policarpio Jr., ang tapang ng pangalan diba pero mas malambot pa sa kin yan. Hehe! Pero gwapo yang best friend ko na yan, siguro kung lalaki lang talaga to baka crush na crush ko to.

"Aray! Ang sakit. Ano ba? Isusumbong kita sa boyfriend ko."

"Assumera!! Wala kang boyfriend, wala kang love life!!"

Tama nga ang narinig nyo, assumera lang talaga ako. Ang totoo nyan, wala talaga akong boyfriend, sa panaginip lang lahat ng yun. Kelan ba kasi dadating ang lalaking para sa kin, di naman sa pagmamayabang pero maganda naman ako tsaka matalino pero hindi pa din ako nagkakaron ng jowa ever since. Kung sa panaginip siguro marami na kong asawa tsaka anak.

"WALA KA NAMANG BOOBS!" sabi ko

"Ang sakit mo naman mag salita! Bakit ikaw ba meron?"

Tumingin ako sa hinaharap ko, at yun kapatagan nga lang ang napamana sa kin. 😐

"Edi It's a tie" sabi ko. Tumawa naman ng malakas tong si carly, hiyang hiya talaga ako sa kanya. Eskandalosa kasi eh.

Pumasok na kami ng Engineering building.

"Akyat na muna tayong 3rd floor, nandun yung list ng names tsaka yung designated rooms natin" chika ni carly sa kin.

"Go. Push! Beks tara na" ganyan na talaga ako magsalita kasi nahawa na ko dyan kay carly, ang tagal ko ba naman syang classmate simula 1st year high school hanggang ngayong 1st year college na kami. O diba Best Friends Forever, hanggang college walang iwanan.

----

Lahat ng 1st Year engineering students magtatake ng exam na to, kaya for sure nandito ang crush ko ngayon, kahit magkaiba kami ng course. ECE (Electronics Engineering) kasi ako at ME (Mechanical Engineering) naman siya. Nakakainis nga eh, dapat talaga ME kukunin kong course kahit puro lalaki dun pero eto kasi pinili ni carly kaya eto nalang din pinili ko. Weird diba! basta makapili lang ng course, hindi pinagisipan, pero sabi din kasi ng kuya ko maganda daw talaga ang ECE.

Sumakay na agad kami ng elevator at pinindot ang number 3.

"Hoy Iris! Nagreview ka ba?" tanong ni carly sa akin

"Malamang hindi, nakalimutan ko nga diba. Ano bang coverage ng exam?"

"College Algebra, Plane Trigo, tsaka General Chem. Madali lang yun, don't worry"

Wala na masyadong tao sa baba feel ko nasa kanya kanyang room na yung bawat students. 10 minutes nalang kasi mag start na yung exam.Nakakainis kasi bakit nakalimutan ko pang compre na ngayon, napagusapan pa naman namin ni carly na mag huhunting kami ng mga crushes namin bago ang exam, ayan hindi natuloy.

6:30 kasi talaga namin pinagplanuhan pumasok para nga dun sa crush hunting namin, pero eto 7:20 na malapit ng magstart.

"POLICARPIO JR., CARLOS BARTOLOME. Ayun!! Room 302 Seat no. 29"sabi ni carly nahanap na yata nya yung room nya, ako eto naduduling na kakahanap ng pangalan ko.

"Ayun beks.! LOPEZ, IRIS COLLEEN SANTOS. Room 212 Seat no. 20" Nung nalaman ko na yung room and seat no. ko, yung kay crush na yung hinanap ko. Syempre kailangan ko muna syang makita bago ang exam para naman merong inspiration.

"Halika na Iris, sino pa ba hinahanap mo dyan akala ko nahanap mo na yung room mo."

"Syempre sino pa ba, edi ang ultimate love of my life"

"Ang landi mo talaga, mana ka sa kin"

"OLIVER, KIM ARDEN PASCUAL. Beks eto na nahanap ko na. Sa Room 301 sya"

Naglakad na agad kami ni carly sa room 301. Kilalang kilala na talaga ako nito, alam na kung anong plano ko. Dahil nga hindi ko sya nakita kanina, hinanap ko nalang ang room nya. Pagdating namin dun, more silip talaga ako sa loob ng room habang si carly nasa likod ko lang.

Wala pa yata si crush. Hindi ko sya makita sa loob, chineck ko ulit kung room 301 nga tong pinuntahan namin. Tama naman, pero wala pa talaga sya sa loob. Nandun na nga ako sa may pintuan ng room pero wala talagang sign ng Kim Arden Oliver sa loob. Kinalabit ako ni Carly sa balikat pero hindi ko sya pinapansin at patuloy pa din ako sa paghahanap baka kasi hindi ko lang sya napansin. Kinalabit nya na naman ako, ano ba naman to si bakla nakita na ngang busy ako sa love life ko eh.

"Ano ba beks, wait lang" sabi ko sa kanya habang nakatingin pa din ako sa loob ng kwarto

"Miss, Excuse me lang" sabi ni carly. CARLY?? HUH?? ANG LAKI NAMAN NG BOSES NI CARLY? TINAWAG NYA KONG MISS??

Nagulat ako pagharap ko sa likod dahil hindi pala si carly yung nagsalita at kumakalabit sa kin kundi si KIM!!!!!!!!!!!!!! Oh My GOSH!! Nakakahiya, bakit ba kasi paharang harang ako, at eto namang si carly andun lang din sa may likod at ngiting ngiti sa kin. Bwisit talaga to, nang asar pa.

"Ah-.... sorry" Nautal pa ko nung kinausap ko sya, nakakahiya talaga. Di ko na alam gagawin ko, nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

"Miss? Ok ka lang? Sabi ko excuse."

Narinig ko na lang na nagsalita si Carly, habang tulaley pa din ako kay Kim

"Sorry talaga kuya, pasensya ka na sa kaibigan ko, baliw baliw lang talaga yan" bigla nalang akong hinatak ni carly sa kinatatayuan ko at nakita kong pumasok na sya sa room nya.

"Te!!! Na-starstruck ba? NgaNga?" tawa ng tawa si carly habang ako naman pino-process pa ng utak ko yung mga nangyari.

"NAKAKAHIYA! Bakit hindi mo sinabi sa king nasa likod ko na pala sya"

"Buti nga yun eh, atleast for the first time kinausap ka na nya."

"Ewan ko sayo!"

"Gora na! Papasok na ko sa room ko, dito lang din naman ako sa katabing room"

"Ok go. Babush." May exam pa nga pala kami, tumakbo na ko agad pababa ng 2nd floor at pumasok sa room.

Pagpasok ko andun na yung examiner pero buti nalang hindi pa sila nag start, umupo na agad ako sa seat ko at sumalampak sa desk. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung nangyari. Sheeeemaayy! Ang gwapo nya talaga, kinausap pa nya ako. Napapangiti nalang ako bigla, nababaliw na yata talaga ako

"Ate.. Atee.."

Ako ba yung tinatawag? Tinaas ko yung ulo at nakita kong yung lalaking nasa harap ko na may inaabot sa kin. Tinignan ko lang sya at tinaasan ng kilay na parang tinatanong ko kung ano bang gusto nya.

"Ang taray mo naman ate, eto na yung test paper, kuha ka ng isa tapos abot mo dun sa likod mo."

Aii, sabaw!! Test paper pala yung inaabot nya, mag start na pala yung exam. Inabot ko na din

After 1 hour pinasa ko na agad yung test paper ko sa examiner.

"Are you finished? The exam is good for 2 and a half hours, better review your answers" sabi ni examiner. Napanganga naman ako. Ang gwapoooo nyaaaa!!! Feel ko student lang din sya dito.

"Miss are you ok?"

"Yes I am" inabot ko na ulet yung paper ko

"Tapos ka na ba talaga?"

"Opo" at kinuha nya na nga yung papel.

Pagkalabas ko nakita ko agad si carly inaantay ako.

"Te? Why so tagal? The exam is so high school"

Totoo naman. Halos lahat kasi nung mga tanong napag aralan na din nung high school. Eh ang talino pa nyan ni carly, sya yung valedictorian nung hs kami at ako naman yung salutatorian.

"Iniisip ko kasi yung crush ko"

Niyaya ko na si carly kumain kasi gutom na gutom na talaga ako.

Pagdating namin sa canteen sa may likod ng building nakita namin si Kim, kasama yung barkada nya kumakain. Ako naman tong titig na titig sa kanya.

"Kumain na tayo Iris" bulong sa kin ni Carly

"Busog na yata ako beks" habang titig na titig ako kay kim

Bigla naman nya akong sinabunutan at ayun buti nalang bumalik na ako sa katinuan. Naramdaman kong kumukulo na nga yung tyan ko.

Pumila na agad kami ni carly para bumili ng pagkain at naghanap na din ng vacant seat. Dun kami umupo sa may table na katabi nila Kim. Pabor naman sa kin kaya naupo na ako agad.

"Iris bakit parang namumula ka" sigaw ni carly habang tumatawa, sinigaw nya talaga yan. Napatingin tuloy yung mga katabi naming kumakain sa table namin sa lakas ng boses ni carly. Ako naman nakayuko lang.

Balak pa yata akong ipahiya nitong baklang to. Lord tulungan mo ko

"Ahhh yung kasi yung crush mo nandito!" Bwiset talaga tong baklang to nilakasan pa. Eskandalosa!!

Oh my goshhh!! Tinadyakan ko bigla yung paa ni carly

"Aray!! Mapanakit ka? Defensive? Hahahahaha"

Binilisan ko nalang yung pagkain ko para matapos na ko agad.

"Alis na tayo beks" sabi ko sa kanya, gusto ko na kasi talaga umalis sa lugar na yun.

"Wait lang naman! Di pa nga ako tapos" tignan mo tong baklang, masyadong nang aasar.

"Mauna na nga ako"

"Wag muna bata ka pa! Tsaka alam ko marami ka pang pangarap sa buhay"

"Leche!! Uuwi lang ako di ako magpapakamatay"

Tumawa naman ng malakas tong si carly. Kahit kailan talaga, eksenadora tong baklang to.

"Uuwi na ko" tumayo na ko sa upuan at bigla na namang sumigaw tong si carly

"Sige ingat ka, mag good bye ka na din kay Kim Arden"

Fvckkkk!! Hayop ka, feel na feel kong namumula yung buong mukha ko sa kahihiyan. Nakatingin sa kin si kim. WTH.Tumalikod na agad ako at naglakad ng mabilis.

*ding*

Text message

From: Carly Rae Beksen

"Bessssss! Ingat ka!!! Hahahahahahahahahahahha"

Nagreply agad ako

"Humanda ka sa kin bukas!!!"

~~~

(A/N)

Guys, I'm accepting criticism.

Ok lang ba yung story? Nakakakaba pala maging author. Silent reader lang kasi ako dito and first time ko lang nagsulat dito. Sana may mga magbasa. Please do tell me your views or thoughts about the story. Thank you so much.

-WizardsFLY



Continue Reading

You'll Also Like

4.9K 85 26
Naranasan mo na bang magmahal? Naranasan mo na bang masaktan? Naranasan mo na bang maging tanga? Kasi ako? Oo. Pag mahal mo daw ang isang tao kaya...
100K 1.2K 37
Huminga ako ng malalim baka sakaling maibsan Yung sakit at takot na nararamdaman ko. Nasa loob ako ng bodega , nakakulong. Hindi ko naman pinangarap...
913 60 31
Nakakapagod maghintay sa taong hindi naman magiging iyo. Mahirap magmahal nang taong hindi kailan may magiging pag-aari mo. . . . You are the PAIN in...
4.7K 148 41
All i want is to have a normal and happy life. No barriers, no pain, no limitations. Pero paano ko magagawa lahat ng gusto ko kung ganito ako? Kung t...
Wattpad App - Unlock exclusive features