Chapter 7: Punishment
**
Dinala nya ko sa isang Garden na ngayon ko lang napuntahan.
Grabe! Ang ganda dito. Nakakamiss tuloy ang hardin ko sa Palasyo bagaman mas malaki pa dito ay naaalalagaan ko pa naman silang lahat.
"You spacing out"Ani Andrei .
Kaya napabalik ako sa Reyalidad.
"Sorry"Paunang sabi ko.
"Tss, sa totoo lang nakakainis na ang paulit ulit mong paghingi ng sorry"Iritadong sabi nya. Bahagya akong natigilan dahil ngayon ko lang syang nakitang magpalit ng ekspresyon.
"Ang gwapo mo"Nakangiting sabi ko kaya napatigil sya sa akmang pagsasalita.
"Ayst! Back to you!"Aniya na inis na inis talaga kaya Napayuko ako. Mukhang nagalit ata. Ayaw nya bang sasabihan syang gwapo?
"Ano...ahm Hindi ko naman talaga alam na nakakarinig ka pala kasi Nung kinakausap kita Nung Nasa Airplane tayo hindi ka sumasagot tapos nung First Day ko dito kung hindi ko pa isulat na samahan mo ko sa room ko hindi ka magsasalita"Nakayukong paliwanag ko.
Hindi ko naman nakita ang reaksyon nya at hindi na din naman sya nagsalita kaya nanatili nalang talaga kong nakayuko.
1.2.3.4.5.6Minutes na kaming nakatayo, 6 Minutes na din akong nakayuko at 6Minutes na ding walang nagsasalita.
Nag angat na ko ng tingin at nakitang nakatingin ito saakin, wala na namang ekspresyon ang mukha nya.
"Hehehe, malelate na tayo sa Next Subject, tara na"Aya ko.
Pero hindi sya gumalaw, Nakatingin padin sya saakin kaya medyo naiilang na ko.
"Crazy Girl"Pauna nya.
"Sino ako?"Turo ko sa sarili ko.
Crazy girl? Ako?
"Yup, Ikaw lang naman ang kausap ko"
"Hindi naman ako baliw! Tss"Tutol ko.
"Pwes para sakin baliw ka"
Hindi nalang ako nagsalita, grabe sya! Ang sakit nya namang magsalita.
Kahit isang tao wala pang nagsasabi sakin ng 'Baliw' sya palang.
"I will Give You A Punishment"Dagdag nya.
"Anong Punishment naman?"Gulat na tanong ko.
Ngumisi lang sya.
**
Grrr!!!
Punishment punishment!!
"Whether You Like It Or Not, Kailangan mong pumayag, Kung hindi tatanggalan kita ng Scholarship"
No! Ayokong matanggal ang Scholarship ko!!
Waaahhh! Pero ayokong tanggapin yung Punishment! Waaahhh!!
"Class Dismiss yung mga assignment nyo dont Forget"
Waaahhh!! Dagdag pa sa Problema!
"Sissy! Lalim ng iniisip ahh"
"Sissy, I Have To go, kailangan ko na talagang umuwi"Sunod Sunod na sabi ko at lumabas ng Classroom narinig ko pa ang pagtawag ni Sissy sa pangalan ko pero hindu ko na sya nilingon pa.
Nang makarating ako sa bahay ay inilock ko na agad ang Door at Nagdire-diretso sa Kwarto at nahiga sa Kama.
No no no!! No!!! As In No!!!
Hindi ako papayag maging.
Isang
.
.
.
.
.
.
.
.
SLAVE! No as In no!!
[*Flashback*]
"Easy lang naman ang gagawin mo, iyo padin ang Scholarship mo plus Makakatanggap ka ng 10,000"
10k? Malaki laki na din yun, although may pera pa naman ako sa apartment.
"Eh ano naman yan?"Tanong ko.
"You will be My Slave For 2 Months"Nakangising aniya .
"Slave? As In katulong? Katulong ako? Ako talaga?"Gulat na gulat na tanong ko.
Tumango tango naman sya ng paulit ulit.
"Pano kung ayoko?"
"Madali lang akong kausap, kukunin ko ang Scholarship mo"
Waaahhh!! No!!!
"Ayoko! Hindi ako marunong sa gawain! Sa kahit ano wala kong alam"
"Then learn"
[*END OF FLASHBACK*]
Waaahh! Ayokong maging slave! Sarili ko nga hindi ko mapagsilbihan, Ibang tao pa kaya.
Pero ayoko din namang mawala ang scholarship ko.
**
Kinabukasan.
Nandito na ko ngayon sa harap ng main gate ng school. Kanina pa ko umaatras at Umaabante ng lakad.
At kanina pa din litong lito si Manong Guard sa Ginagawa ko.
"Ayoko maging slave"Bulong ko sabay atras"Ayoko namang mawala ang Scholarship ko"Sabay abante.
Waahhh! Gulong gulo na ko..
"Sissy!! Anong ginagawa mo?"Sigaw ng isang babaeng sa Likod ko. Ofcourse si Nina :) My Bestfriend.
Dahan dahan akong humarap at Nagfake Smile.
"Ahh hehehe, Ano kasi ahmm. Nageexercise ako, Tama nag Eexercise ako, kasi kailangan natin ang ehersisyo sa pangagatawan diba?"
"Ay! Dapat sinabihan mo ko na mag atras abante Dito sa harap ng main gate! Para nasamahan kita!"Nakangiting aniya.
"Ahhh ehhhh.. sa susunod hehehe"
"Sige huh!? So Tara na? May Assignment ka ba sa Major natin? Pakopya hihihi"
Yan sya eh.
"Meron, Sige"Sagot ko at bigla nalang nya ko hinila sa loob ng main gate.
Na kanina lang ay nagdadalawang isip pa kong pasukin. Pero dahil sa kopya ni sissy ng Ass. Ay napapasok ako ng walang Atras abante -_______-
[*ROOM*]
"Sissy! Salamat"Wika ni Nina ng matapos makopya ang laman ng notes ko.
Nag nod lang ako.
"Sissy may Chika ko sayo"Maya maya na nama'y sambit nya.
"Ano?"Tanong ko.
"Si Kuya! May Bagong Slave"Bulong nya
Natigilan naman ako at parang binuhusan ng malamig ng tubig sa kinauupuan.
"Hay, Good Luck nalang talaga sa New Slave nya, You know What Sissy last na naging Slave nya ay Pinaupo nya sa Putikan tapos pinakain ng Banana sa Puno habang sumisigaw ng 'Unggoy ako'"Aniya with Matching Action pa kaya napalunok ako.
"T-talaga?"
"Oo, tsaka sissy! Wag ka ngang mautal! Kasi hindi naman ikaw yun! Tsaka kung ikaw yun. Good Luck nalang sayo"At nag Good Luck sign pa sya.
Dahan dahan naman akong napalunok.
"Joke lang! Seryoso mo kasi eh!"Natatawang bawi nya. Pero hindi na yun nawala sa isip ko sa maghapon.
"Class Dismiss"Nang matapos na ang Klase ay iyon ay iyon pa din ang laman ng isip ko.
"Sissy! Una na ko ah? Kailangan daw ako ni Kuya eh! Sorry di kita masasamahan sa Gate, nasa Labas na kasi yung kotse eh"Paalam ni Sissy at Bineso lang ako bago umalis.
Actually pinagpapasalamat ko talagang wala si Mr. Cold Drei Kanina, iniisip ko nga na baka Jokiejokie lang yung kahapon eh, o kaya baka Trip nya ko kaya sinabi nya yun o kaya nakalimutan nya na!
O kaya o kaya! Waaah.
Pero pano kung pumasok na sya bukas?
Anong mangyayari sakin?
Sana naman nakalimutan nya na yun. Sana talaga.
Sana....
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
This_Is_Me21©2015
Keep Supporting until the end of the story.
Vote and Comments Be a Fan :)