MONDAY. Inaasahan na ni Gino na papupuntahin sya ng Boss nya sa Smart Logic. Excited ka?Tanong ng isip nya.
Damn! Kinakabahan ako, hindi ako excited. Sagot ni Gino sa sarili.
Bakit ka naman matatakot kay Karina?
Sino bang natatakot? Tumigil ka nga! Saway ni Gino sa sarili.
"Gino, sabi ni Mr. Tan, magready ka daw ng 10 am at pupunta kayo sa Smart Logic."
"Oh okay!", nakangiting may halong kaba. Teka, bakit nga ba sya kinakabahan?
"May irereto yata sa'yo si boss. Ha ha ha. In fairness, bagay kayo", tudyo ni Consuelo.
Napakunot ang noo ni Gino.
"Sino naman? Lahat naman nirereto ni boss. Kahit nga matrona, mukha ba kong desperado?"
Napatawa si Consuelo.
"Hmmm, hindi naman. Pero iba aura ngayon ng lolo ko ah! Mukhang nabunutan ka ng tinik. Ano nga ba nangyari nung Thursday at tumatakbo ka na parang takot na takot."
See? I told you. Mukha kang nakakita ng multo. Mukha bang multo si Karina? Ang tanong ng makulit na isip nya.
Shut up!
"Ahh , may pinuntahan lang akong kaibigan sa ospital. E walang pera kaya nagmamadali ako"
Tumango lang si Consuelo.
"Pero in fairness, maganda ung irereto sa'yo ni boss, at take note.... malaki ang sweldo..", sabi ni Consuelo.
"Oo nga, intimidating ang dating, pero nung nagsalita, very soft spoken.", sabad ni Elmo habang inaabot ang telepono para ipakita ang ang photos na kinuhanan nung Thursday. "Sayang 'tol, hindi mo nakilala, eto picture, ung naka-pink na long sleeves."
Napamulagat si Gino. Tsug-tsug! Tsug-tsug! Kabog ang dibdib mo tol!
Si Karina ang tinutukoy ng mga kasamahan. Hindi sya nagpahalata na alam nya na andoon ito.
"Ito ba? Parang kilala ko nga ito. Baka schoolmate ko 'to nung college", pagsisinungaling ni Gino.
"Wow pare! Talaga? E baka kayo na nga ang destiny!"
"Hindi lang ako sure ah, pero parang pamilyar to sa kin."
Binalewala n lang ni Gino lahat ng pang-aasar ng mga kasamahan. Naupo na sya sa desk nya. Pero hindi nya masimulan ang trabaho. Excited ba syang makita si Karina? Oo! Sagot ng makulit ng isip. Sumimangot sya sa repleksyon nya sa salamin ng computer monitor. Hindi ako natatakot na makaharap sya at lalong hindi ako excited. Weh?? Bakit ampogi mo ngayon?
Ngumiti lang sya at ignore na lang nya ang makulit na boses sa isip nya. Bahala na!
DUMATING SILA ni Mr. Tan sa Smart Logic sa isang building malapit sa Ayala. Mas kinakabahan sya sa pagkikitang muli ni Karina kesa sa presentation na gagawin. Bahala na. Bahala na.
Dinala sila ng sekretarya ni Mr. Marcus sa isang meeting room, they are asked to wait 10 mins dahil may iba pa itong meeting. Dinalhan lang sila ng maiinom ng sekretarya at umalis na rin ito. Inihanda na ni Gino ang laptop at projector para sa presention nya.
"Gino, galingan mo, this will determine kung ikaw nag ipapadala ko sa Norway, kung magugustuhan ka nila. I guess your counterpart will also attend the meeting. Karina yata ung name.", bungad ni Mr. Tan.
Nagulat si Gino. Alam nyang narito si Karina, expect nyang magkita sila but hindi para makaharap sa isang presentation.
"Don't worry. I guess they just want to know how knowledgeable you are with this system. Isipin mo na lang na parang job interview."
"Ilang personnel po ba ang expect natin?"
"Maybe the boss and Karina only."
Lalo syang kinabahan.
"Don't worry, my boy. You can do it."
Malakas ang kabog ng dibdib nya.Excited ba sya? Kinakabahan? Anu man yun kailangan nyang kumalma para maayos ang trabahong gagawin nya.
Ilang minuto pa at bumukas na ang pinto at lalong kinabahan si Gino. Si Mr. Marcus.
"I'm sorry to keep you waiting guys." At naupo na ito sa harap ng meeting table.
"Good morning." Halos sabay na tugon ni Mr. Tan at Gino.
"I guess you cannot meet my Engineer as she already left yesterday, and we will just proceed as planned."
Nakahinga ng maluwag si Gino. Pero disappointed?
Kumindat lang si Mr. Tan sa kanya. Senyas para magsimula na sya.
"WE thought that we will be meeting you last Friday, Sunday kase ang scheduled flight nya. Anyway, I think you two can get along. Though she's new with us, she was recommended by old friend. And she have this potential." Kwento ni Mr. Marcus na ang tinutukoy ay si Karina habang kumakain ng tanghalian.
Work with her? Napaubo si Gino pero hindi nagpahalata.
"Baka hindi lang sa trabaho, pati sa love life?", at tumawa ang matanda.
Ngumiti lang sya. Masaya ka?
Bigla nyang pinawi ang ngiti.Shut up! Bakit ba ang kulit mo ngayon?
"SO, when will be the possible date ang start natin dun??"
"I'll check with Rhodora, then i'll get back to you para maayos mo na kung may mga papeles ka pang aayusin..", sabi ng matanda kay Gino.
Tumango lang si Gino sa matanda at nagpasalamat.
Pero disappointed? Hahaha don't worry, you are in the same circle, so magkikita pa kayo.
Gusto nga ba nyang makita muli si Karina o natatakot syang muling makaharap ito?
ISANG LINGGO na mula ng mangyari ang pangyayaring iyon at walang patid pa rin ang pagtawag ni Glenda sa kanya at pagtetext. Galit sya sa ginawa ni Glenda. Hindi halata!
Inaayos na ng kumpanya nya ang visa nya papunta sa Europe at naghahanda na rin sya. Kinakabahan sya pero this will be a new adventure.
"Tito Gino, malayo ba ang Norway sa Brazil?"
"Ah oo, malayo. Bakit mo naitanong?"
"Hmmm kala ko magkikita kayo ng mommy ko.Sobrang layo ba? Hindi mo po sya pwedeng puntahan?"
"Teka, tingnan natin sa mapa ha."
Habang hinahanap ni Gino ang World map sa telepono, dumating si Aling Virgie dala ang isang plato na may lamang mga prutas para makain nila habang nasa sala.
"Naku, sobra palang layo. Dadaan pa ng maraming ocean." Sagot ni Gino sa bata, habang pinapakita ang mapa.
"Mga ilang oras po?", curious na tanong ng bata.
"Hmmm mga 12 hours...???", estimate ni Gino.
Nalungkot ang bata.
"Oh, bakit nalungkot ang baby?", masuyong tanong ni Aling Virgie.
"Akala ko po magkikita si Tito Gino at Mommy, may papabigay pa naman ako sa kanya."
"Ha ha ha, huwag kang mag-alala, pag pupunta ako sa Brazil, makikipagkita ako at ibibigay ko sa kanya. Teka, ano ba yung ipabibigay mo?", tanong ni Gino.
"Ahm, card po na gawa ko. Sabi nya kase kahit ano daw po na galing sa kin, magiging masaya sya."
Ngumiti at niyakap ni Aling Virgie si Kaye, "Oo naman, lahat ng galing sa anak, laging matutuwa ang mga mommy."
"Maganda ba yan? Baka naman hindi maganda, nakakahiya naman sa mommy mo!", pambubuska ni Gino sa bata.
"Maganda yun. Maraming flowers yun at saka butterflies na iba-ibang colors.", pagmamalaki ni Kaye.
"e sige, patingin nga, tingnan ko kung maganda."
Saglit na nag-isip si Kaye at ngumiti ng matamis, " e hindi ko pa po nasisimulan, pero pag tapos na ipapakita ko po sa yo, Tito Gino."
Kinusot ni Gino ang ulo ng bata, masarap pala ang may bata sa bahay, nakakaalis ng pagod. Si Aling Virgie ay natutuwa sa nakitang mabuting pakikitungo ni Gino sa bata gayundin ang unti-unting paglalapit ng loob ng bata kay Gino.
"E kelan ba ang alis mo?", tanong ni Mang Gerardo.
"Next week po. Inaayos na lang ang visa."
"Naku, hindi kaya makapag-asawa ka ng mestisa?", biro ni Mang Gerarddo.
Si Aling Virgie ay lumingon sa asawa at sinaway.
"O bakit? Tanong ko lang naman, kase mukhang nagkakalabuan na sila ni Glenda."
Muling sinaway ni Aling Virgie ang asawa.
"E, anak, oo nga pala, panay ang punta dito ni Glenda. Himala nga at ngayon ay hindi nagpunta. Magkagalit daw kayo."
"Hayaan nyo na lang sya Ma, makakapag-isip-isip din yun. Binibigyan ko lang sya ng mahabang oras para mag-isip sa gusto nya."
"Alam ba niya na aalis ka?"
Umiling si Gino.
"Pero magsasabi po ako sa kanya, wag na lang po kayong magbanggit."
Tumango lang si Aling Virgie. Ilang araw ng balik-balik si Glenda sa bahay nila, sa tingin nya ay iniiwasan ito ni Gino. Kung ano man ang gulo nilang dalawa ay ayaw nilang makialam. Pero sa nakikita ni Aling Virgie kay Gino ay tila ito nabunutan ng tinik at tila masaya ng mga nakakaraang araw.
MULING niyaya ni Gino ang ina at kapatid para mamasyal sa darating na Sabado. Maraming nagbago sa buhay nya ng mga nakaraang araw that he wanted to spend these times with his family. Marami palang nasayang na araw na hindi man lang nya naipasyal ang mga magulang.
SABADO. Bukas ko na lang pupuntahan si Glenda. Sabi nya sa sarili, nang makita nya ang message ni Glenda na magkita sila bukas. He had contemplated everything about Glenda. He can let her go. No anger, no hatred. Plain simple goodbye. He doesn't even make a fuss knowing she's been dating someone while still in the relationship with him. At baka hindi nya lang ito ngayon ginagawa.
Makapananghali ay umalis na sila papuntang Mall of Asia. Nagpasya silang doon mamasyal, sa malapit sa dagat. Manonood sila ng sine at saka maglalakad sa tabi ng dagat.
"Kuya, palitan mo na 'tong sasakyan mo, hindi na tayo kasya oh. Paano kapag nagkaasawa ka na?", si Verna.
"Ikaw kaya ang bumili ng bago para kila Mama bago ka mag-asawa..", balik na sagot ni Gino.
"Talaga, akala mo. Ibibili ko si Mama ng mas malaking sasakyan dito noh!",.
"Ayan, narinig ka ng bata. Oh. Kaye saksi ka , sinabi ni Tita Verna na bibili sya ng sasakyan si Lola ha?"
Ngumiti lang si Kaye na umaayon kay Gino.
"Pag nag-asawa na kuya Gino mo, dapat may sasakyan ka nang bago ha?", sabi ni Alng Virgie sa bunso.
"Kuya, di ba matagal pa, mga tatlong taon pa di ba?" biro ni Verna sa kapatid.
"Ano ka? Mag-aasawa na ako next year." Sagot pa ni Gino kahit nakatutok sa pagmamaneho.
"Naku, tsk tsk tsk , Kuya, hindi matutuwa si Mama."
"Bakit naman?", sagot ni Gino.
"Ayaw ni Mama kay Glenda!",sagot ni Verna
Hinampas ni Aling Virgie ang bunsong anak. Tumawa ang lahat maliban kay Kaye na hindi maintindihan ang pinaguusapan. Alam nilang tatlo yun na ayaw ng ina sa kasintahan ni Gino, pero hindi naman ito nagiging bastos sa pakikitungo dito.
"Bakit? Paano mo nalamang si Glenda ang pakakasalan ko?"
Nanlaki ang mga mata ni Aling Virgie, Mang Gerardo at Verna na nagkatinginan at sabay sabay na tumingin kay Gino na para bang naghihintay sa kasunod na kwento. Katahimikan.
"oh, bakit? Wala na yung kasunod. Pinasasaya ko lang si Mama. Ha ha ha."
Disappointed na sumandal ulit si Aling Virgie sa upuan gayundin si Mang Gerardo pero si Verna ay patuloy nangulit sa kapatid.
"Weh? Hindi nga, may kapalit na noh. Break na ba kayo kuya?", kulit ni Verna.
"Verna, tigilan mo nga ang kuya mo, at nagmamaneho."
"Uyyyyy, si Mama, natutuwa.", tukso ni Verna sa ina na ngumiti lang pero hindi na nag-comment pa.
Pagkatapos nilang manood ng sine, nagyaya si Verna sa isang sikat na resto malapit sa sea side. Masaya silang kumain at kwentuhan, that will be an early dinner. Matapos kumain ay binayaran ni Gino ang bill at lumabas na sila ng resto na 'yun.
Nagulat si Gino sa kasalubong nila. Si Glenda at ang lalaking kasama nito sa Greenbelt! Huli na para iiwas nya ang mga magulang na makita. Lahat sila ay nagkagulatan. Napatigil sa isa't isa.Si Verna man ay hindi makapagsalita. Gino managed to be composed.
"Gino..." nauutal na sabi ni Glenda.
"Ma, mauna na kayo, kitain ko na lang kayo sa Seaside.", mahinahon na sabi ni Gino sa pamilya. Iniabot ni Gino si Kaye sa ama at umalis na ito. Si Aling Virgie na hindi makapaniwala ay hindi makaalis sa kinatatayuan. Hinihila na sya ni Verna, pero ayaw nyang umalis, sa halip na lumayo, humakbang itong papalapit kay Glenda at sinampal ng malakas.
"Hayup ka! ", sigaw ni Aling Virgie.
Nagulat si Glenda, gayundin ang kasama nitong lalaki. Dali-daling hinawakan ni Gino ang ina at iginiya papunta kay Verna.Sinalubong ni Verna, niyakap ang ina.
"Paano mo nagawa sa anak ko to?!", sigaw pa ni Aling Virgie, bago tuluyang mailayo ni Verna ang ina.
Nagkaroon na ng komosyon sa mga taong nasa bahagi na iyon ng mall.
"Would you mind? You spare us some minutes",sabi ni Gino sa lalaking kasama nito at inilayo ni Gino si Glenda mula sa lugar na yun at dinala sa lugar na walang masyadong tao.
Katahimikan. Hinihintay ni Gino na magsalita si Glenda. Gusto nya itong magpaliwanag na mauna.
"Babe... it is not what you think. Kaibigan ko lang sya."
"Kaibigan? Nakaakbay sa yo? Kaibigan lang?"
"Babe please, pakinggan mo muna ako.", at hinawakan nya ang kamay ni Gino.
Tinabig ni Gino ang kamay ni Glenda at humugot ng malalim na hininga.
"Kaibigan? Gusto mo tawagin natin sya sa usapan na 'to? Nang magkaliwanagan na tayong tatlo?"
Kita sa mukha ni Glenda ang pagkaalarma.
"Hindi mo talaga naisip, na malalaman ko rin lahat ng ito? Gaano na katagal mo akong niloloko?"
Umiyak na si Glenda.
"No, Gino, please pakinggan mo muna ko."
"O, sige, ano ang paliwanag mo?"
Umiyak na si Glenda, she really don't know how to explain. Gino remained his silence, nakita nya na papalapit na yung lalaking kasama ni Glenda. Hinarap nya ito, naalarma si Glenda. Pumagitan sya sa dalawa.
"Bro..." simula ni Gino sa lalaking mas matangkad sa kanya, "you take care of her. Pasensya ka na hindi alam ng mga magulang ko na break na kami. Ako na humihingi ng pasensya."
Nagulat si Glenda sa tinuran ni Gino. Sinalo sya ni Gino sa lahat ng gulo at the same time, officially sinasabi niya na break na sila?
" I am sorry again for this mess, ako na bahala sa pamilya ko. Don't worry, they will soon get in touch para makapag-sorry ng personal."
Yun lang at lumayo na si Gino sa dalawa at dumeretso sa Sea side. Nabunutan na sya ng malaking tinik sa puso nya. Hindi na nya kailangan pang magpaliwanag sa magulang at kapatid at hindi na rin nya kailangang makipag-break kay Glenda. Ang gaan ng pakiramdam nya ng salubungin ang pamilya. Naghihintay ang mga ito ng paliwanag.
Nakita ni Aling Virgie sa anak ang magandang aura, kahit marami siyang tanong ay hindi na nito isinatinig.
Binuhat si Kaye papunta sa taas ng sea wall tapos ay umakyat din. Tinulungan nya ang kapatid na makaakyat din. Ang ina at ama ay nanatili na lamang sa ibaba.
"Ang ganda ng sunset diba?", sabi ni Gino kay Kaye at sa kapatid na nakatingin sa malayo.
Hindi nagsalita ang lahat. Hinayaan muna nila si Gino.
"Ngayon ko lang ulit na-appreciate ang sunset.", pumikit ito at nilanghap ang hangin na nagmumula sa dagat.
The horizon turns into golden yellow, though it will soon be dark, it is also an indication of the coming of a new day... a new start. At isang magandang mukha ang nakita nya mula sa isang alaala, na pilit nyang ibinabaon sa limot.
"Tito Gino, sino po ang kaaway ni Lola?",tanong ng bata sa kanya.
"Wala yun, Kaye. Picture-picture na lang tayo!", sabad ni Verna, at kinuha ang telepono mula sa bag. At kinuhanan ang mag-asawa. Maya-maya ay binigay sa magulang.
"Ma, kami naman ang kuhanan mo dito.", at binigay sa ina ang telepono, tinuro kung paano sila kukuhanan.
Tumabi si Verna kay Gino at Kaye. Kinuhanan ng ina ng litrato ang tatlo na pilit winawaglit nag pangyayari kay Glenda.
"O Verna, umalis ka muna dyan, kuhanan ko muna silang dalawa... okay, one two three!"