Call Me Ched [ON-GOING]

By Dennughter

6.4K 321 113

Because of a traumatic experience.Chedra-A simple innocent princess turns into a Secret Gangster.Then she met... More

Introduction
Chapter 1: travel to Batangas
Chapter 2: Underground Arena
Chapter 3: The past and the Furious food eater XD
Chapter 4: A sweet revenge XD
Chapter 5: We meet again -_-
Chapter 6: The Password XD
Chapter 7: megaphone alert XD
Chapter 8: Chasing a Gangster XD
Chapter 9: Issues
Chapter 10: Dictionary
Chapter 11: Run! O_O
Chapter 12: Faces -_-
Chapter 13: Asthma?
Chapter 14: Circle of Friends with Him
Chapter 15: So he's a Dancer?
Chapter 16: Creepy things
Chapter 17: Suspicious and a Smile
Chapter 18: Stalker and Him
Chapter 19: Babysitting a Gangster?
Chapter 20: She's The Legendary Venom
Chapter 22: Let's talk about Love

Chapter 21: Isn't a Joke?

127 7 3
By Dennughter

[Davin's POV]

"even that...I don't Like you...."sabay inom sa alak niya

ang gulat na mukha at kinakabahan sa kanyang sinabi kani-kanina lang ay biglang nagbago. sumimangot at nagtataka kung bakit niya yun sinabi na hindi niya naman pala ako gusto.

tinungga ko yung natitirang alak na nasa kamay ko at umikot sa mini bar  para hilain siya palabas ng clubs house

bakit may kirot?..bakit nasaktan ako?...dahil ba pinaglalaruan niya yung feelings ko? pero di ko nga alam kung ano yung feelings ko para sa kanya eh.

"where are we going?"parang wala lang sa kanya yung sinabi niya? wala man lang ba siyang ipapaliwanag tungkol doom sa kalokohan niya?

tumigil ako sa paghila sa kanya ng nasa may pool na kami.tinignan ko siya mata para basahin yung nasa isip niya pero di ko kaya. nakakailang yung mga titig niya.tila merong magnet para tuluyan akong magkagusto sa kanya.iniwas ko yung tingin ko.

baka lasing nalasing lang siya kaya niya yun sinabi.baka iniisip niya yung si Perseus niya kaya niya yun sinabi.tama...

"marunong ka bang lumangoy?"tanong ko sa kanya na nakatingin pa din sa akin at pinupukol ako ng nagtatanong na mga titig.

"you need to refresh your mind  para di mo ako napapag-tripan"nag smirk lang siya at tumingin sa pool

"wait.....are you gonna-"di na niya natapos yung sasabihin niya dahil tinulak ko na siya sa pool.di naman yun malalim dahil pambata lang yun.

"Sh*T! are you crazy? look at me! now I am wet! you! you wanna die!?" sigaw niya ng makatayo na siya mula sa pagkabagsak sa pool.habang sumisigaw siya ay hinahawa niya naman yung buhok niya.

nakatingin lang ako sa kanya.ngayong alam ko ng siya si Venom....parang meron pa din dapat akong malaman sa baabeng ito..hindi siya yung madaling pagkatiwalaan,parang marami siyang tinatago,mapanganib...kailangan mag ingat...baka isa din ito sa mga taong may kinalaman sa kremin noon...

napatigil ako sa pag-iisip ng merong mga nagtalsikang mga tubig sa mukha ko at katawan..nasundan pa ng malakas na tawa...tumatawa siya...

"Yaaah! you're wet! hahahaha! you look like a tuyong sisiw hahaha!"ang cute niya pag natawa.para siyang 2years old na tumatawa sa katauhan ng isang maangas na dalaga..

"tama na yan...hatid na kita sa inyo may klase pa kayo para sa panghapun..."tumalikod na ako para kuhanan siya ng bathrob.

naramdaman kong sumusunod din siya sa akin.bakit ang weird sa pakiramdam? bakit iba yung nararamdaman ko pag nasa paligid o katabi ko siya? siguro naghihinala pa rin ako sa pagkatao niya.siguro nga

"itakip mo muna yan basa mong damit...sa bahay ka na ninyo magbihis"inabot ko sa kanya yung makapal na bathrob ng makapasok na kami sa guess room.

"okay"sabi niya at sinuot na yun

"baka di mo na maabutang buo yung motor sa Underground..wag mo ng balak balikan mapapahamak ka lang"lumabas na ako ng makita kong tapos na niya isuot yung bathrob.

"hintayin mo na lang ako sa labas..magbibihis lang ako ng damit"tinanguan niya lang ako bilang sagot.hindi ba siya talaga apiktado sa sinabi niya kanina sa akin? kasi ako kinakain na ako ng mga tanong sa utak ko! bwesit na babae ang galing magpalito!

pagkalabas ko ng club house ay nakita ko siya nakapaa na at bitbit niya yong black leather shoes niya na parang combat ng army.pumasok ako sa ulit sa loob para kunan siya ng tsinelas.nagulat pa siya ng ilapag ko sa harap niya yung tsinelas pero di na siya nagsalita at sinuot niya na lang ito.

di ba talaga siya marunong mag react? o magsalita para may ire-react? puro lang siya titig at smirk.kakaiba talagang babae..

"kukunin ko yung kotse sa garahe...dito ka lang"di siya nagsalita.lumakad siya papuntang table set ng pool at umupo.umalis na din ako para kunin yung kotse.

ginamit ko yung lumang kotse kong mini cooper.dahil pag yung motor ay baka masundan na naman kami.

"let's go"dungaw ko sa bintana sa kanya ng nasa mat gate na ako. tumayo na siya at naglakad.pumasok sa kotse na parang wala lang.tsk

"Guard wag kang magpapasok ng mga di mo kilala...lalo na yung mga nakaitim na mga damit na nakamotor"sabi ko sa guard na nasa tabi ng gate.

"yes boss"bago ko pinaandar yung kotse ay tinanguan ko yung guard at napasulyap ako sa tabi ko.nakatulala siya.siguro iniisip na niya ngayon yung kalokohang sinabi niya kanina.

___

buong biyahe ay tahimik lang kami.walang imikan.ni hindi niya man lang tinatangkang mapasulyap sa akin habang nag da-drive.oo nga naman? bakit niya ako susulyapan? Pch!

"thanks"sabi niya at bumaba na ng nasa may harap na kami ng bahay nila

nakalikod lang siya mula sa akin at nakatayo sa harap ng gate nila.bakit di pa siya pumapasok?

"pwede mo na akong iwanan"sabi niya na di pa din gumagalaw sa kinatatayuan niya.

wala na akong nagawa kaya pinaandar ko na yung kotse.di pa man ako nakakalayo ay nakita ko sa side mirror na napalingon siya sa kotse ko at bumuntong hininga..

weird...

she's freaking weird that makes me this insane!

Ugh!

[Ched's POV]

sigh~

"bullsh*t! Ched you're crazy! crazy! crazy!"sabay pihit ng shower para itigil ang pag-agos ng mga tubig sa buong katawan ko..

mula nung nasabi ko yun sa kanya kanina nagbago yung pakikitungo niya...naging seryuso siya.. bakit ko ba kasi yun nasabi!

ang G*ga ko!

ay hindi...

hindi ako G*ga..

ANG TANGA KO!

napapailing ako habang nagbibihis ng uniform. papasok pa ba ako? pagkatapos ng mga nangyari?

bahala na nga!....

malapit nang matapos yung lunch break sa school kaya sa bahay na lang ako kumain.I mean nag snacks ng biscuits at nagkape pagkatapos nun ay dumiretso sa school..

*Now playing Cool Off BY: Session Road*

Ayoko na munang makita ka..

Ayoko na munang makasama ka..

Gusto ko sanang mapag-isa..

'di na yata tayo masaya..

'di na yata kakayanin pa..

Gusto ko munang mapag-isa..

Siguro'y ito na nga..

Intindihin mo na..

Kailangan lang natin ng pahinga..

ang Bianchi'ng yun pinalitan yung ringtone ko!agad kong kinuha sa bulsa ng palda ko yung phone ko ng mag-ingay at nag vibrate ito dahil sa may tumatawag..  

*251920_Bianchi Calling*

Palayain ang isa't isa..

Kung tayo, tayo talaga..

Palayain ang isa't isa..

Kung tayo, tayo talaga..-      

"Stop worrying..I'm okay...nasa school na ako..yeah..yeah...oo na nga! ito na nga oh! pasakay na ng elevator! pch! pakialam ko? eh di sabihin mong late!"pinatay ko na yung phone ko

she's nagging and nagging!

pagdating ko ng room ay para silang nakakita ng multo.wala pa palang teacher eh itong isang to nagsinungaling na naman para magmadali akong umakyat -___-

tinanguan ako ni Isiah.tinaguan ko din siya.nagtanguan kami -____-

hinagis ko yung bag ko sa upuan at umupo.ito naman ang isa kung makakapit sa braso ko parang tarsier!

"Tsk!"

"anong nangyari?"bulong niya sa tenga ko

>_>

tinignan ko lang siya.di na siya nangulit at nagchikahan na lang sila ni Isiah tungkol daw sa assignment bukas.

nagkaroon lang ng mga lesson at quiz daw bukas.tahimik pa din ako habang naglalakad kaming tatlo palabas ng building namin pagkatapos namin ni Chi magbihis para sa P.E. namin sa field.tinanong nila akong dalawa,nila Isiah at Chi kung saan daw ako nagpunta pero di ako sumasagot.

nagtataka lang ako...bakit sa field kami pinapa P.E ni Sir Edward kung meron namang Gym?kami lang atang section yung nag a-arnis sa Field eh...

ang gulo ng isip ko.

ang daming pangalan ang naglalaro sa utak ko.iniisip ko si Perseus...si Davin...si Daddy....si Sir Edward.....si Bianchi...mas kinabahala ko pa ngayon si Bianchi dahil nakita na naman namin si Luke na sabay nila Zap,Greg at Fer.wala si Davin.

papaunta din sila sa Field

"Ah Isiah? si Luke...close kayo?"

sinilip niya muna ako bago nagsalita..

"di naman...tahimik kasi yan eh pero dahil na din sa part of campus press din siya sa college ay lagi na namin siya nakakasabay sa mga gathering and activities kaya parang barkada na din"

nag nod na lang ako

"bakit mo na itanong?"si Isiah

tumingin ako kay Chi na halatang kinakabahn..

"tahimik eh...siya lang yung tahimik sa inyo"sagot ko na lang

tumawa ito ng mahina

"ganyan talaga yan masanay kana"sabi niya

"Sige Isiah salamat sa paghatid...mauna na kami  kami na lang ata yung wala hehehe"si Bianchi

nag tinginan kami ni Chi

"wala kang P.E?"tanong ko kay Isiah

"Yes....exempted kaming mga campus press sa P.E"sagot niya

"I see"walang paa-paalam ay naglakad na ako papunta doon sa kumpulan ng section namin sa may tabi ng field.si Chi naman nag paalam ulit at tumakbo na palapit sa akin

"nakipaglaban ka noh?"sabay akbay sa akin

"yup...with Miss K"sabay smirk

nagulat siya at medyo lumayo sa akin

"Ched!"sinigawan niya ako tapos tinignan sa paa hanggang mukha.

"I won the Game....sayang di mo nakita yung mukha niya"iniwan ko siyang nakanganga sa gitna ng field..I know ang saya na niya ngayon dahil siguro naiisip niya na di na siya hahabulin ng babaeng yun...alam niya kasing gagawin kong premyo yung pag-utos sa mga itong tumigil na sa pag ha-hunting sa kanya...pero di pa tapos ang laban nila...dahil nadawit na ako sa gulo ni Bianchi dahil kaibigan ko siya at siguradong pagbabantaan din ni Miss K ang buhay ko pagkatapos ko siyang pahiyain at talunin sa laban namin.

umupo na ako sa damuhan at nag indian seat.tinatawag isa-isa ng matandang lalaki na guro namin in alphabetical order yung individual quiz namin.ngiti-ngiting umupo sa tabi ko sa Chi.

"she attempted to kill me"bulong ko sa kanya na nagpabago sa masaya niyang mukha.nagtinginan kami.umiling na lang ako at tinapik yung balikat niya.

"BIanchi Hyo"tawag sa kanya ng aming guro

nakatungong tumayo siya sa harapan habang hawak-hawak yung arnis stick.napatingin naman ako sa kumpulan nila Isiah.tinignan ko si Luke.

bakit ganun?...bakit ganun siya makatingin kay Chi?..parang hindi galit eh...parang naawa?...may balak na ba siyang pagtangkaang patayin ito kaya siya naawa?wag naman sana...

napadako naman yung atensyon ko sa lalaking naglalakad palapit sa kanilang kinaroronan na naka black na hanging jacket na may white na sando na panloob at naka shorts na hanggang tuhod na kulay puti.naka sneakers na sapatos at parang bagong ligo dahil bagsak pa yung mga buhok niya.

si Davin..

di ko namalayang nakatingin na din pala siya sa akin.ngumiti at kumaway.ako ba yung nginingitian niya?napalingon ako sa may bandang likuran ko.si Saphire..tinignan niya ako ng masama.binalik ko na lang yung paningin ko sa harapan.

kung si saphire yung ngitian niya at kinawayan eh di sa kanya din ito nakangiti...oh baka naman di ko nahuli yung ngitian nila ni Saphire?

Aish! bakit ko ba pinoproblema yun? ha!? ang dami ko ng problema dadagdagan ko pa!

pagkatapos ng ilang tawag ng pangalan hanggang sa ako na yung tinawag.

"Chedra Marie Jung"

tumayo ako sa harap at pumusisyon na hawak-hawak yung arnis stick.tumingin muna ako sa kanilang lahat at tumigil sa harap kung matandang lalaki at nag bow.umatras ako ng kaunti at ginawa ng tahimik yung quiz.uupo na ako kaaso..

"You need to do it again...ikaw lang yung walang voice sa quiz....ilabas mo yung hininga mo para maging kalmado yung mga tira mo...masyado kang stiff"sita sa aking matanda

siningkitan ko siya ng mata at nagbuntong hinga.ginawa ko na lang yung sinabi niya para wala ng sagutan ulit.baka maulit na naman yung nangyari sa english teacher namin kanina.

[Davin's POV]

"Tol,asan na kayo? school na ako"sinend ko na yung voice message ko kay Isiah habang pinapark yung kotse ko.oo gamit ko parin yung mini cooper ko.at sa tuwing napapasulyap ako sa passenger's seat ay di ko maiwasang maisip si Ched.

kamusta na kaya yun? pumasok kaya siya?PCH! yan na naman! iniisip ko na naman siya!

1message received

From: 2L_Isiah

field. hinintay matapos P.E nila Chi

naiisip ko na naman si Ched.nalasing ba talaga siya kanina kaya niya nasabi yun? hanggang ngayon ginugulo niya utak ko! ngayon lang ako napapaisip sa babae ng ganito!

inaya niya akong maging boyfiend niya..ah no gusto niya pala akong maging boyfriend niya..hanep! ngayon ko lang naisip...nabaguhan ako sa salitang yun dahil hindi pa talaga ako naging boyfriend sa kahit sinong babaeng maka fling ko...yeah I'm a certified playboy and I never court a girl to be mine...pero noon yun... nagbago ako ng mag college na...mas nafocus ako sa studies and responsibilities sa school as a major offiver of the clubs and orgs.

grebe nabusy ako nitong mga nakaraang taon....akalain mo yun?wala pala akong naging girlfriend?o niligawang babae? paano ko nga naman sila liligawan eh sila na mismo ang lumalapit para maangkin ko? pch!

napatingin ako sa mga nagpapalakan sa mag tabi.nasa field na ako at naglalakad papunta sa limang lalaki na nakatayo di kalayuan sa mga naka P.E uniform na mga estudyante.

may isang babaeng nakatingin sa akin...si Ched..

di ko alam pero bigla na lang akong napangiti...napakunot yung noo niya ng ngumiti ako...kaya nagpanggap akong nginingitian si Saphire sa likuran niya at kumaway-kaway pa ako na parang tanga...para di niya mapansin na sa kanya ako napangiti.iniwas ko na yung tingin ko.lumapit na lang sa mga lalaking nagtutuksuhan

buti na lang di mainit sa banda namin..dahil merong isang malaking puno na nagsasangga sa sikat at init ng araw.

"Oh tol!"nag appear kami ni Isiah at nagtanguan.

"bagong ligo ah? may nangyari ba?"tukso niya

tinignan ko siya ng masama

"ah mali ako?"sabay tawa

sasaihin ko ba sa kanya yung nalaman ko?wag na lang..amin nalang yun ni Ched.

"nag swimming kami sa club house"sabi ko sabay smirk.kahit di totoo

"Whoa! di nga? kaya pala bagong ligo din siya eh"at inakbayan nya ako"Nice move! buti nakuha mo"sabi pa niya.tinignan ko siya ulit ng masama

kung ano-ano na yung iniisip niya...

"sino pre?"si Zap

"Ikaw Zab ha nabubuhay na naman yung dugong ahem mo"si Greg

"share naman diyan"si Fer

"........"si Luke na nakikinig lang

umiling na lang ako at binigyan sila ng tig-iisang kutong sa ulo maliban kay Luke.

"kung ano-anong iniisip niyo! nag swimming kami ng aso kong si thunder sa pool! mga ano kayo!"sabi ko at tumingin na doon sa may nag a-arnis..nagsireklamo naman sila at nanood na lang din.

tumayo si Ched at pumunta sa harapan.para siyang si kikyo ng inuyasha. tinignan niya lahat ng mga nasa harapan niya at humarap sa guro niyang si Sir Edward at nag bow.

seryuso siyang nag a-arnis at ginagawa ang bawat galaw na walang palya.kaso napapailing yung guro niya habang tinitignan siya.nang natapos na siya para umupo ay pinigilan siya nito

"You need to do it again...ikaw lang yung walang voice sa quiz....ilabas mo yung hininga mo para maging kalmado yung mga tira mo...masyado kang stiff"sabi ni Sir

nagkatitigan pa sila ng ilang sandali bago sinunod ni Ched yung utos ng guro niya sa kanya.Kaya inulit niya ito na may mga kasabay na pagsigaw at pagbuga ng hangin.parang gusto kong pumalakpak ng pumalakpak yung ibang mga ka klase niya pati na din itong mga kasamahan ko maliban ulit kay Luke.umupo na si Ched ng matapos na siya sa pag arnis.

 ng matapos na yung klase ay nagsialisan na yung mga estudyante at papaunta na sa amin sila Ched at Chi.

napansin kong seryuso yung dalawa habang papunta sa amin.nasabi ba ni Ched yung nangyari kay Chi?

"Let's Go"si Chi na nauuna sa paglakad.nakasund lang sa kanya si Ched na nasa mga bulsa ang mga kamay.

gusto ko sana siyang kausapin kaso nahihiya ako.tutuksuhin nila ako.-___-

pinaglalaruan ko na lang yung mga damo at sinisipa-sipa habang naglalakad kami paalis ng field para pumuntang dance studio ni Chi

suddenly....

bigla akong nabangga...sa buhok?inangat ko yung ulo ko mula sa pagkakayuko at nakita kong babaeng may mahabang buhok ang na nakatalikod ang nasa harapan ko.

amo na amoy ko yung pabango niya...

humarap siya kaya nakita ko na ang mukha niya..si Ched na naman..>_<

"Can we talk?"sabi niya at nakatitig sa mga mata ko

"ayeeiiii~"silang lahat.sabi ko na eh.mga mapang-asar kasi ang mga yan Pch!

tinignan sila ni Ched ng masama kaya tumahimik ang mga ito.

"please continue walking and stop teasing! stupid gossipers!"sita sa kanila ni Ched.nagsitalikod na sila at lumakad na nga habang nag hahampasan sa ulo -____-

"ah....ano-"itatanong ko pa sana kung ano ang pag-uusapan namin ng magsalita siya ulit.

"Let's talk while walking"sabi niya at tumabi sa akin

Brrrr! gusto kong mag Cr! naiihi ako~! Sh*t! kuryente ba siya ng meralco para bigyan ako ng ganito kalakas na vibration sa katawan? para akong na ga-ground sa isang live wire >/////<

"About what I just said a while ago"sabi niya

patuloy lang kaming naglalakad na nasa likuran ng mga kasama namin.

"Lasing ka lang siguro kanina....okay na yun"sabi ko.kahit parang gusto na tutuhanin niya pero wala na yung salitang 'even that...I don't Like you....' -______-

"No...I mean it...I'm just trying to ask a favor but I can't tell you in a good way....cause I don't know how to ask...."awkward na sagot niya..

ha?Favor?so gagawin niya akong panakib butas? ganun?

"Rebound ba?"sarcastic na pagkakatanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin.

"Rebound? ano yun?"inosenteng tanong niya

rebound lang di niya pa alam? nagka boyfriend na siya at nasaktan di niya pa alam kung ano yung ginagawa niya ngayon sa akin? ano ba kasing klaseng pag-iisip  meron ang babaeng ito?

"Rebound...panakip butas"sabi ko sabay tingin sa daan.palabas na kami ng gate ng school

"No not like that...Ikaw ang bahala kung ano ang kapalit...just pretend to be my Boyfriend"seryuso niyang sabi na nakatungo

Tsss..ang  labo niyang kausap....

"bakit naman ako papayag?"tinignan niya ako sa mata..yung mga mata niya humihing ng tulong...

"Cause you're the only person that can help me"sabi niya na nahihirapan sa pag sasalita..para siyang naiiyak pero napipigilan niya.

"Marie~" napalingon kami lahat sa lalaking nakatayo sa di kalayuan sa may gate.

sino si Marie?

"pre may kilalang kang Marie?"natatawang tanong ni Isiah kay Zap na katabi niya

"Wala eh Maria lang hahaha"si Zap sabay akbay kay Greg natatawa na din

napatingin naman ako kay Chi na palipat-lipat yung tingin kay Ched at sa lalaking may tinatawag

"Please Davin...please"bulong ni Ched sa akin na nakahawak na ngayon sa braso ko...nanginginig yung kamay niya.tinignan ko yung lalaki na parang galit na nakatingin sa amin ni Ched

"Marie can we talk?"lumalapit na ngayon yung lalaki sa amin...

si Ched yung tinatawag niyang Marie?

"Guys iwanan muna natin sila...tara na una na tayo sa Studio"si Chi sabay tango sa akin at tumingin kay Ched

so maiiwan ako dito?ano naman ang kinalaman ko dito?

"Stay with me wag kang aalis"si Ched na mahigpit yung hawak sa braso ko.para na ngang nakabaon yung mga kuko niya sa balat ko  -___-

"Guys!"sigaw ni Chi ng hindi pa din umaalis sa kinatatayuan ang mga lalaking nakiki-usyuso

"sige na"sabi ko

"oh sya tara na kaya na ni Zab yan"si Greg

"so ikaw pala si Zab?"bakit ako kilala ng lalaking to? at sino ba to?

natanaw ko na silang lima na tumatawid na ng kalsada at pumasok sa yellow building..

"what are doing here? diba nag-usap na tayo?"si Ched na matigas na nakatingin sa lalaking nakatayo sa harapan naming dalawa

di niya pinansin si Ched dahil ako yung tinitignan niya ng masama..

"Pre-"magsasalita na ako kaso ...

"anong meron sayo at naging boyfriend ka ng fiance ko? ha?"sabi niya sabay kagat ng ibabang labi..na parang gusto na niya akong suntukin sa galit...

Wait! teka! tama ba yung narinig ko?

FIANCE?

"Ched?"tinignan ko si Ched dahil di ko alam kung ano ang iaakto ko sa ganitong sitwasyon.never pa ako napasok ganitong gusot.never pa ako napaaway dahil sa babae.never pa ako sinugod ng fiance,boyfriend o asawa o tatay ng mga nakaka fling ko.ngayon lang -_____-

"Perseus...leave us alone...please? we're happy can't you see? we're already done!"at hinila na ako ni Ched patawid sa kalsada...

"now you know"sabi niya at tinulak ako papasok sa pinto ng yellow building

"siya ba si Perseus?...so Fiance mo pala yung iniiyakan at tinatakasan mo?"sabi ko sabay smirk  habang hinihintay yung elevator na bumukas paakyat sa dance studio ni BIanchi

[Ched's POV]

nilock ko muna yung pinto ng building para di makapasok yung lalaking yun dito...para akong pinagsasaksak sa puso kanina hanggang ngayon dahil sa binitawan kong mga salita kay Perseus..

"siya ba si Perseus?...so Fiance mo pala yung iniiyakan at tinatakasan mo?"sabi niya sabay smirk at pinindot yung botton ng elevator

napatingin ako sa kanya at sinimangutan siya

"Fix marriage...I don't want to marry him"sabi ko at pumasok na nakatungo sa loob ng elevator ng bumukas na ito.sumunod naman siya at tumayo sa tabi ko

"okay"siya na naka crossed arms at nakatingin sa akin.kita ko sa reflection sa pinto ng elevator

"mahal ka niya...halata kanina"sabi niya

"Well...I don't love him"matigas na sagot ko

"Liar Pch!"sabi niya

napatingin ako sa kanya.

"what?"

"payag na akong maging boyfriend mo aminin mo lang na mahal mo siya"

O_O...nababaliw na ba siya?

"What kind of condition is that? I'll pay you whatever amount you want but just in  1month be my boyfriend"patigasan na sabi ko

"Pch! I don't need your money Venom"tinignan ko siya ng masama"I just need your reason why you're doing this crazy favor thing"sabi niya na nakatingin sa akin

iniwas ko yung tingin ko at binulsa yung mga kamay ko sa jogging pants na nakakuyom na.di ako makasagot...

"I will help you...but just let me know why you're doing this to yourself...why you're hurting yourself? why pushing away Perseus when you love him? you-

"CAUSE I WANT TO PROTECT HIM! I WANT HIM TO BE SAFE! CAUSE I'M A GANGSTER! CAUSE DEATH IS CHASING ME!" di ko na napigilan ang umiyak..humina na yung boses ko

"I don't know if i still love him...ang alam ko lang ayaw ko siyang mapahamak ng dahil sa akin.....cause my life is in Danger...and you're the first person that I met....na gangster din sa school kaya...naisip kong baka may alam ka...about the kidnapping insident of two famous business tycoon"marahas na pinahiran ko yung mga luha ko na tumulo at tumagilid para di niya makita yung mukha ko.

"Ched..."naramdaman ko yung kamay niya sa kaliwang balikat ko.di ako kumibo.pinipigilan ko lang yung luha ko"kahit di ko maintindihan yung ibang sinasabi mo...I know you need a helping hand right now...and I'm willing to help you..as your friend na magpapanggap bilang Boyfriend mo"humarap ako sa kanya

gumaan yung pakiramdam ko ng ngumiti siya kaya di ko napagilan ang yakapin siya..

"Thanks"

*Ting!*

biglang bumukas yung pinto at nakita ko yung mga lalaking nakangiti ng nakakaloko at si Chi na seryuso at biglang nagulat habang naghihintay sa amin na lumabas..tinanggal ko yung pagkakayakap ko tapos pinahiran yung mga basa sa pisngi ko at diretsong lumakad.nilampasan ko sila.

___

[Davin's POV]

di ko talaga maintindihan yung mga sinigaw ni Ched kanina kasi nag e-echo sa loob ng elevator..tapos noong humina naman yung boses niya di ko pa din maintidihan may slang accent pa din kasi yung pagtatagalog niya sa tuno na parang japanese...di ko alam kung matatawa ako sa kanya o maawa kasi umiyak siya eh...

kaya pumayag na lang ako..

na maging boyfriend niya sa loob ng isang buwan...-_____-

ang bait ko diba? PCH!

pero mas naging okay kasi niyakap niya ako wehehehe...kaso biglang bumukas yung pinto ng elevator kaya kinalas niya yung mga braso niya sa pagkakayakap sa akin at kinom-pose yung sarili niya tapos taas noong lumakad palabas

kitams? ang bilis magbago ng mood..

"ayeeeii! alam na~"si Zap

"Ahem! Tol? tama ba yung iniisip namin?"si Greg

nag smirk lang si Luke at sumunod na kila Chi at Fer na pumasok sa Studio

"tumigil nga kayo! mamaya magalit si Ched sige"sabi ko at nauna na sa kanilang maglakad.

ayos naman yung studio merong malaking salamin sa harapan para makita yung reflection...medyo malaki at malinis..bago kami nagsimula sa pagsasayaw ay may kinausap muna si Chi sa labas ng studio...yung care taker niya ata yun...

"Okay sige na formation!"si Chi sabay palakpak sa harapan

tumayo na kami sa pagkakaupo at nagsipuntahan na sa mga assigned posisition. nakakapanibago kasi wala na si Ched sa likuran kaya kapag intro wala na akong ninanakawan ng sulyap pag nakatalikod kami kunwari sa audience dahil nasa may bandang gilid na siya ng dance studio..nag lalaro ng games sa phone niya..

unpredictable...

"Oh 5....4....3....2...1!"sigaw ni Chi at nag-umpisa na kaming sumayaw.minsan napapasulyap pa sin ako kay Ched at nahuhuli ko siyang naktingin minsan sa akin pero madalas sa kinaroroonan ni Luke..

may gusto kaya siya kay Luke?...

di malayo kasi may pagka parehas sila ng ugali..tahimik at misteryuso...

pero may mahal na si Ched eh...at ako yung transparent niyang boyfriend..diba  ang galing? Pch!

"oh tama na yan pahinga na"sigaw ni Chi after halos isang oras na praktis

napatingin naman ako bigla kay Ched na lumabas ng studio at hinila si Chi.

"san pupunta yung dalawa?"tanong ni Isiah.nakita ko si luke na sumulyap sa pinto.

may kakaiba dito...

"baka mag c-cr lang sagot ko"at umupo na sa tabi nilang lahat.

"uy Isiah! ang daya kayo ni Zab yung laging nagagawi sa gitna ah...tsk kayo na yung makaka unang maka bingwit sa campus press ng mga chicks kasi kayo yung laging front facesa sayaw"si Zap sabay inom ng C2

'Lul! eh sa gwapo eh?"naka ngiting sabi ko at nag pogi pose

"uy may Ched kana ah wag kang epal'"si Fer

"Pch! siya nanligaw?"si Luke na seryuso

"hmmm? ewan hahahaha"parang tanga kong sagot.nagwanan naman din sila

"so anu yun? imprompto na mag on? wahahaha"si Greg

"ako nga nanliligaw pa kay Chi eh haneo ka Tol ang lakas mo!"si Isiah sabay appear kay Zap

"eh wala eh ganyan talaga"sabi ko sabay inom ng gatorade.

bumalik din naman agad yung dalawang babae sa studio at nginitian kami..si Chi lang yung ngumiti kasi as usual si Ched poker Face -_____-

"Ched si Zab ba yung nanligaw? hahaha"si Greg na parang baliw

tinignan siya ni Ched ng seryuso

"Yeah"at linagpasan kami

-__________-

kung makalaglag naman ang babaeng yun...siya na nga yung binigyan ng pabor ako pa yung ipapahiya?

"bwahahahahah!"ayan nagtawanan na sila

_____________________

hahaha wala namang kakaiba sa chapter diba? hehe

Comment kayo guys sa mga eksenang gusto niyong mangyari para idadagdag ko sa revision ^___^ salamat sa inyong pagbabasa nitong CMC.

Godbless po~ LOVELOTS~

XXXX-Dennughter-XXXX

Continue Reading

You'll Also Like

799K 18K 40
"Maraming bagay na hindi maipaliwanag, maraming bagay ang nababalot ng misteryo. Aalamin mo ba kung sino ka talaga o hahayaan mo na lang na manatilin...
187K 4.3K 56
Bella isn't a trouble maker. She just wanted to be alone and not bothered by anyone but people just really like to get on her nerves that is why she'...
122K 2.5K 32
Christine Gomez a 18 year old vampire girl. Isang gabi bigla nalang naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari. May mga tao ang sinugod ang lugar...
Wattpad App - Unlock exclusive features