Gravity Between Enemies (Comp...

By simplestabBer

38.4K 1.5K 221

Gravity, One word but it says it all. In Physics, we define Gravity as the force of attraction causes things... More

Foreword
prologue
02 : Bumped
03 : Face-off
04 : Come with me
05 : Won't let you fall
06 : Pinned
07 : In an all-black attire
08 : Companion for courage
09 : His Crazy Acts
10 : Knowing him more
11 : Getting closer
12 : Falsity
13 : Interrogation
14 : Go on a ride
15 : Midnight drives and photographies
16 : Not friends nor anything
17 : Few more steps
18 : Mix the unmixable
19 : Bitchy popularity
20 : Intensity between enemies
21 : Misconception
22 : Man of dreams
23 : Bleeding
24 : Talk and consequence
25 : Serenade
26 : Second favor
27 : The truth
28 : Tomorrow's not yesterday
29 : With my enemy
30 : Gravity strikes hard
epilogue

01 : Unpredicted savior

4.2K 93 10
By simplestabBer

UNPREDICTED SAVIOR

Gremalyn's POV

NAPAHINTO ako sa paglalakad nang mapansing para bang paunti nang paunti ang kabahayang namamasdan ko sa paligid. Tama pa kaya 'tong pinupuntahan ko? Letse kasi si Mama, eh! Ako pa inutusan niya, alam naman niyang hindi ako magaling sa mga directions.

Dala-dala ang isang plastik na naglalaman ng kung ano-anong mga bagay, mas binilisan ko pa ang paglalakad. Walang mangyayari kung tatayo lang ako rito. At siguro naman, hindi ako ililigaw ng sarili kong ina, right? Maliban na lang kung.. hell no! Hindi naman siguro ako adopted. Sa ganda kong 'to, adopted?

Pinagmasdan ko 'yong paligid. May napansin akong mga karatula ngunit binalewala ko na lamang lahat 'yon dahil hindi naman sila makatutulong sa akin. Ang kailangan ko ngayon ay malaman kung nasaang lugar ba ako o kung tama pa ba 'tong pinupuntahan ko.

Sa paglalakad ko'y may namataan akong isang lalaki. Naka sandong black lamang siya ngunit kitang-kita mo ang pagkamaskulado sa katawan niya. He looks so creepy. Ang kapal kasi ng bigote niya tapos parang kapag lalapit ka sa kaniya, eh re-wrestlingin ka niya. Hay! But I have no choice. If I don't want to get lost, then I have to ask him. Sana lang talaga ay may makakita sa amin just in case may gawin siyang masama. Pero much better kung wala naman siyang gawin at sa halip ay tulungan niya ako para makauwi na ako kaagad.

"Uhm, kuya? Pwede bang magtanong?" excuse ko sa kaniya. Baka kasi mamaya, busy pala 'yung tao sa paghahanap ng bahay na pwede niyang nakawan mamayang gabi. Hehe. Charot lang.

"Nagtatanong ka na," wika niya. Aba, pilosopo 'to ah? Pasalamat siya't frightened ako sa itsura niya kung hindi, naku! Baka namumula na 'yong magkabilang pisngi niya dahil sa akin.

"Ah, eto namang si kuya, masyadong serious. Ahmm, saan ba 'yong Pantomia Street?" Umakto pa akong feeling close para naman pagaanin 'yong ambiance sa pagitan naming dalawa pero mukhang di talaga papatalo ang loko. Mas lalo pa siyang nagmukhang barako nang patalim niya akong tiningnan.

"Pantomia? Iha, baka naliligaw ka? Walang Pantomia Street dito. At isa pa, kataka-takang matapang mong pinasok ang lugar na 'to. Hindi mo ba alam na karamihan sa mga natokhang nitong nakaraang buwan ay galing sa baryong ito?" giit niya. Dahil sa sinabi niya'y literal akong napaatras at napalunok. Sinasabi ko na nga ba. Dapat hindi na ako nagtanong sa sinto-sintong lalaking ito.

"A-ah, ganun po ba? Sige po, aalis na po ako. Paumanhin p-po!" nauutal-utal kong sambit. Akmang tatakbo na sana ako palayo nang bigla niyang higitin ang kanang braso ko gamit ang kaliwang kamay niya at biglang ikinumpas sa hangin ang kaniyang kanang kamay dahilan para mapakunot ang noo ko.

"Char lang beshy! Gaga ka. Pantomia na nga 'tong nilalakaran mo, girl. Eme lang naman 'yun, naniwala ka kaagad. At isa pa, don't call me kuya nga? Kaderder sa peslabuk," kumekembot niyang sambit dahilan para mas maguluhan pa ako lalo. Takte! Anong trip ng mga tao rito?

"Ganoon po ba? Edi ibig sabihin, nandito pala ako sa Brgy. Mapayapa?" tanong ko pa, di alintana ang kamay niyang nakakapit pa rin sa braso ko.
"Oo naman. Teka, saan ba rota mo, girl? Baka matulungan kita," aniya pa. Magtitiwala na sana ako sa kaniya ngunit muli akong napatingin sa isang tarpaulin sa hindi kalayuan at nakita ko ang mga candidates for the election sa Brgy. Bulusak. Teka, Bulusak?

"Ah, hindi na po. Kailangan ko na pong umalis," palusot ko at pilit na inialis ang kamay ng lalaki sa braso ko. Sa una'y mabilis lang akong humakbang pabalik at para bang naglalakad lang ako ngunit nang mapagtanto kong sinusundan na ako ng lalaki at may mga kasamahan na siya, doon ay tuluyan na akong napatakbo.

Tumakbo lamang ako nang tumakbo habang bitbit pa rin ang mga dala ko subalit sa pagkakataong ito'y napakabilis na ng paghinga ko. Why am I so stupid? In the first place, hindi nila ako hahabulin ngayon kung hindi ako napadpad sa lugar na 'to at dahil 'yon sa katangahan ko.

Palingon-lingon pa ako sa likod upang tingnan kung hinahabol pa ba nila ako kaya't hindi ko namalayang bumangga na pala ako sa bumper ng isang nakatigil na kotse. Mas lalong tumindi ang kaba ko lalo pa nang magbukas ang pinto kung saan nakaupo ang driver.

"Sakay!" Nang marinig ko ang sigaw na iyon ay hindi na ako nagdalawang-isip pa't tumakbo na lamang papasok sa sasakyan, sa tabi ng driver's seat. Nang makaupo na'y mabilis kong hinatak ang pinto't pinindot ang lock.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Saka ko na lamang din napagtanto kung sino 'tong katabi ko.

"Trevor?"

***

Hanggang ngayo'y litong-lito pa rin ako sa kagaguhan ng lalaking kasama ko ngayon. Oo nga't magkaklase kami pero never ko pa siyang nakakausap. And the fact that he helped me a while ago makes me think how weird this person is. I mean, masyado siyang tahimik sa loob ng classroom. Hindi ko nga inakalang marunong siyang magdrive ng sasakyan. He's cold a bit too and he only seemed nice sa mga taong madalas niyang nakakausap. The rest of us, dedma sa kaniya.

Nasa unahan ko siya sa paglalakad papasok sa mall habang ako nama'y sunod lamang nang sunod sa kaniya. Hindi ko gustong dumiretso pa sa kung saan after maibigay doon sa paalis na OFW na kasamahan ni Papa sa Canada 'yong mga ipinadala sa akin ni Mama. Buti na lang talaga at busilak din ang puso nitong si Quiet Guy na sa sobrang tahimik ay aakalain mong bakla. Pero hindi mo rin naman iisipin 'yon kasi itanggi ko man o hindi, may hitsura naman talaga siya.

"Sa susunod, 'wag ka nang tatanga-tanga, ha?" Hindi ko alam kung sarcastic ba siya sa sinabi niya o sadyang pinangangaralan niya lang ako pero alinman doon, parehong nakakainsulto at nakakainis. Bwisit siya. Palibhasa wala siya sa kalagayan ko kaya niya nasasabi 'to sa akin.

"Hindi ako tatanga-tan—ayy pusang gala!" Pareho kaming natigil sa paglalakad. Siya dahil napalingon sa akin at ako naman—dahil nadulas.

"Hindi pala tatanga-tanga, ha?" irita niya pang sambit. Kainis. Sino bang hindi nagtatapon ng basura sa tamang tapunan ang nag-iwan ng balat ng saging dito? Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng mall pero heto't mukha na agad akong galis.

"Ang epal mo talaga, 'no? Uuwi na nga ako!" padabog ko pang sambit nang makatayo ako. Nagsimula na akong maglakad pabalik sa parking lot ngunit narinig ko na naman ang pasaring niya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Trevor. Mas nilakihan ko pa ang mga hakbang ko upang makalayo na sa kaniya.

"Pabalik sa kotse mo. Kukuhanin ko 'yong mga gamit ko para makauwi na ako," sagot ko naman habang patuloy pa rin sa paglalakad at hindi lumilingon sa direksyon niya.

"Papaano mo makukuha? Eh nasa akin 'yong susi," sambit pa niya kaya't natigil ako sa paglalakad at lumingon pabalik sa kaniya. Shocks.

Wala na akong nagawa pa kung hindi maglakad nang paatras. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Considering that we're not even close to each other, he still manages to annoy me.

***

"Saan ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo lakad nang lakad. Gusto ko nang umupo." Parang nagbibingi-bingihan pa lalo ang mokong sa tuwing tatanungin ko siya. Actually, hindi lang ako nangangawit sa paglalakad; nagugutom na rin ako. Pero hayop kasi 'tong lalaking 'to, palibhasa'y may utang na loob ako sa kaniya, heto't ako naman 'yung pinahihirapan.

"'Wag kang makipaglokohan sa akin. Alam kong sabik na sabik ka nang kumain," pasaring naman niya. Bigla akong napangiwi at nakapamewang na humarap sa kaniya.

"Hoy, anong pinagsasasabi mo riyan? Para sabihin ko sa 'yo, naiinip na ako, okay? Kanina pa tayo lakad nang lakad dito sa Mall. Hindi ko alam kung saan mo ba balak pumunta o kung ano bang balak mong bilhin. Hindi naman sa interesado ako kung anong pakay mo rito, pero please! Kung ano man 'yon, sabihin mo sa akin dahil baka first time mo lang dito sa Mall at hindi mo alam kung saan 'yon pupuntahan," utos ko sa kaniya. Actually, hindi naman ako naniniwalang wala siyang idea sa nilalakaran namin. For sure, binabadtrip lang ako nito.

"'Wag kang putak nang putak diyan, alam ko ang nilalakaran ko. Mukhang ikaw 'tong hindi mapakali. At isa pa, 'wag kang mag-alala, mayamaya rin naman, makakakain ka na," aniya kaya't pinanlisikan ko kaagad siyang mata.

"Don't. Ever. Try. To. Tease. Me. Idiot!" dahan-dahan kong sambit. Sinusubukan kong sindakin siya pero ang gago, nakacross-arms pa at umaktong inaantok kaya naman mas lalo akong nanggigil sa inis. Bwisit na lalaki 'to.

"At bakit naman hindi? Sandali. Hindi ba't may gusto ka sa akin?" sabi niya. Napanganga na lamang ako. Saan niya kinukuha itong lakas ng kumpyansa niya?

"Ako? Magkakagusto sa 'yo? Yuck! Bakit naman ako magkakagusto sa 'yo? Imbento ka masyado," wika ko naman. Ayoko nang pahabain pa 'yong pakikipag-usap sa kaniya kaya't tinalikuran ko siya't muling nagpatuloy sa paglalakad. Napagtanto kong nauuna na pala ako sa kaniya pero binalewala ko na lamang 'yon dahil baka kung ano-ano na naman ang lumabas sa bibig ng lalaking 'to.

"Talaga naman. 'Wag mo nang itanggi, okay lang sa akin na magkagusto ka." Sasagot pa sana ako nang bigla niyang takpan ng kamay niya ang bibig ko kaya't natameme na lamang ako. Baka mamaya, magtalsikan pa 'yong mga laway ko kapag nagsalita ako. Mas nakakahiya 'yun.

"Papayag ako na magkagusto at lumapit ka sa akin kapag nasa school kung susunod ka sa usapan," muli niyang sambit nang tanggalin niya ang kamay sa bibig ko.

"Ano? Anong usapan? At teka, hoy wala nga akong gusto sa 'yo, 'no? Duh! Wala rin akong pakialam kung hindi man kita lapitan at makausap sa—" Bastos.

"You'll help me to find this girl. Kaibiganin mo siya, until she fell in love with me," giit niya at ipinakita sa akin ang wallpaper ng phone niya—stolen photo ng isang babaeng nakasuot ng uniform na katulad ng sa university namin. Maganda siya, maputi, nakangiti pero parang may mali.

Continue Reading

You'll Also Like

35K 1.3K 102
*Hi Everyone if you want to read a Fantasy story na magulo ito na po yun.* โ€ขThis story is about the girl name Ayana who has just have the support m...
3.8K 370 53
Battle! A difficult 'way' to survive as if you love on what you're facing. Its essential to survive this situation just for him/her. In battle, we ca...
81.3K 3.9K 49
May mga bagay na hindi natin inaasahan. May mga bagay na nasa plano pero hindi natin magawa. When two worlds collide, will it be possible for two peo...
Wattpad App - Unlock exclusive features