The Heart Project: JaDine Fan...

By MonalouG

811 61 5

Isang babaeng naghahanap at naghihintay sa taong para sa kaniya.. At isang lalaking tila ligaw at hindi alam... More

Prologue
THP 01: Ang Pagpapakilala
THP 02: Lauren
THP 03 : Preparation
THP 04 : All Because of the Rain
THP 05 : Walang Kawala
THP 06 : Forever
THP 07 : Big Night Tonight
THP 08 : Officially
THP 09 : Trap
THP 10 : For the Favor
THP 11 : When who meets who
THP 12 : They Hate each other
THP 13 : The Heart Project
THP 14 : In a same roof
THP 15 : First Day
THP 16 : Nadine's POV
THP 17 : James' POV
THP 19 : Airplaine
THP 20 : Ex
THP 21 : Init
THP 22 : Ngiti
THP 23 : Bampira
THP 24 : Waaaah!
THP 25 : Date
THP Chapter 26 : Advice

THP 18 : Tickets

12 1 0
By MonalouG

Nadine's POV~

"So sure na yun? Hindi ka na namin makakasama?"

Nandito ako sa isang fastfood chain sa loob ng mall kasa kasama sina Ingrid at Shy. Binalita ko kasi sakanila na hindi na ako magtatrabaho dito.

"Huwag nga kayo. Magkikita kita pa din tayo! Gusto nyo, punta nalang kayo sa bar ni Andi para maka bond ko pa din kayo".

Sa totoo lang, ayaw ko rin namang iwan ang trabaho ko dito. Kakayanin ko naman na pagsabayin ang workshop training, ang trabaho ko dito at trabaho sa bar ni Andi. Ang kaso, si ate Lauren na ang nagsabi. Wala na 'kong magagawa. Nagulat na nga lang ako, nakakapag desisyon sila ng hindi man lang ako nasasabihan.

Pinuntahan ko pala siya kahapon sa clinic niya. Nangamusta at dinalhan ko na din siya ng pagkain. Baka di pa kasi kumakain dahil busy sa pasyente. Naipaliwanag naman niya ng maigi kung bakit tinanggal niya ang trabaho ko sa mall. Sabi niya, mas maigi na yun para makapag focus ako sa Music, lalo na't ima manage na ako ni James. Oo, yun pala ang sinasabi niyang bago kong trabaho, magiging talent pala niya 'ko. Hays, Goodluck nalang sa'kin. Magkasundo sana kami.

Nagkwentuhan nalang kami at kumain habang nagtatawanan.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Andi, kumpleto na ang barkada!

Nagkulitan, naglaro at in-enjoy talaga namin ang araw na 'to dahil baka matagal tagal din naming hindi magagawa 'to dahil sinabi rin ni James na magiging busy nga kami sa mga magdadaang araw.

Nang malapit ng mag hapon, nagpaalaman na rin kami at tuluyan ng naghiwalay.

"Nga pala..", pagsasalita ni Andi habang naglalakad kami papunta sa bar niya.

"Sabi ni ate Lauren, kung pwede daw, payagan kitang mag leave sa bar ng ilang araw."


Ha? Pati ba naman sa bar?

"Ehh, teka. Ano namang sinabi mo?"

Patuloy pa rin siyang naglakad habang ako eh napahinto sa pagka gulat sa ibinalita niya.

"Eh ano pa nga ba? Eh di pumayag ako"

Argh, bakit naman siya pumayag? Ano nalang ang gagawin ko? Hindi ako sanay ng walang masyadong ginagawa. Ayoko namang maburyo sa condo kasama ang lalaking kina iinisan ko.

Hinabol ko siya dahil halos maiwan na niya ako dahil tuloy tuloy lang siyang naglakad.

"Bakit ka pumayag? Ano ba naman yan Andi. Wala na akong gagawin. Saka bakit ba lahat nalang parang sila na nagdedesisyon para sa 'kin? Minsan hindi ko na mapigilan pero parang nakakainis na eh! Argh!"

Ayokong magalit o magtampo kay ate Lauren. Lalo na't marami na siyang nagawang tulong sa 'min. Mabait din siya at para hindi na 'ko iba sakaniya. Pero the fact na pati yung pinagkaka abalahan ko sa buhay eh, magagawa na rin niyang ibahin, ugh, ewan ko pero nakakainis lang talaga.

"Hay naku, Nadine. Hayaan mo na lang. Tutal para sa'yo naman ang ginagawa ni ate Lauren. Alam naman natin na kahit kakakilala lang natin sakaniya eh, mabuti siyang tao. Wala siyang gagawin na ikakapahamak mo o kung sino man", sabi niya habang di nagpapatinag habang naglalakad sa daan.

Napansin ko na ang bilis bilis niya maglakad mula nung kaming dalawa ang naiwang magkasama. Hindi rin niya ako tinitignan sa mata. Halos maiwan na nga niya ako, ang hirap maghabol ah!

Hinahabol ko pa din ang malalaki niyang hakbang at nang tuluyan ko siyang mahabol, eh, hinawakan ko siya sa braso at pinigil sa paglalakad.

"Ano ba Andi. Hinay hinay lang sa paglalakad! Ang sakit na ng paa ko ah!"

Tinignan ko siya pero tila iniiwas niya ang tingin sa'kin. Ano ba, may pilit ba siyang tinatago sa 'kin.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nag aalala ako. Kaya ayun, hindi ko maiwasang magtanong.

"Andi. May problema ba?"

Napabuntong hininga na lang ang loko. Ano ba talaga ang problema?

Hinarap niya ako at sabay ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat ko.

"Nadine. Alam mo namang bestie kita diba?"

Hala, ano ba ang nakain nito? Mukhang mag dadrama pa ata.

"Mula highschool hanggang ngayon, naging sandalan natin ang isa't isa. Minsan nga, napagkakamalan na tayong magjowa, nakakadiri nga eh!"

Aba, nakaka insulto na ah!

"No offense, Nadz. Hindi ka panget! Hindi nga lang talaga ako lalaki, okay? Huwag ma hurt ang feelings."

Ahh, mabuti ang malinaw!

Bago uli siya nagsalita, nagpakawala muna ito ng malalim na paghinga. Hmp, ang baho! Charot, hahahaha. Joke lang, mabango naman kahit papano.

"Basta Nadz. Para sa'yo naman 'to eh. Kung anuman ang mangyari, nandito pa din ako. Lagi mong tatandaan na lagi akong nandito, suportado ko lahat ng bagay na makakapag pasaya sa'yo"

Ewan ko pero matapos ng monologue niya eh niyakap niya ako.

"I love you bestie. Alam mo yan, mamimiss kita!"

Ano? Mamamatay na ba ako?
Sa sobrang weird niya ngayon, di ko napigilan na 'di siya paluin. Grabe lang, ang drama niya eh!

"Aray naman bestie! Ang sakit ah! Lately, nagiging mapanakit kana talaga!", pagmamaktol niya habang hinihimas ang bahaging pinalo ko.

"Nakakaloka ka kasi eh! Parang mawawala na 'ko. Makapag drama ka diyan!"

"Heh! Basta! Osige na. Mauuna na 'ko."



"Hoy! Teka. Eh, papasok ako sa bar, kahit ngayong gabi na yung huli!"

Pero wala, umalis na ang loko. Haaaay.

Hindi na rin ako nakapag emote dahil matapos nun eh, tumunog ang phone ko. May nagtext.

FRM: Ate Lauren

Nadine. Nasan ka? Uwi kana. Nandito ako sa condo with James. May sasabihin akong importante.

Hay, sige na nga, Bahala na.

Sasakyan ko nalang lahat ng plano niya.

Andi's POV~

Whoo, Grabe. Buti nalang at napigilan ko ang sarili ko kanina.

Haay, dapat kasi wala nalang akong alam! Dapat kasi nagbingi bingihan nalang ako! Ugh, nang hindi ko nararamdaman ang nararamdaman ko ngayon..

Flashback..

Nasa clinic ako ni Dra. Lauren. Bibisitahin ko siya, tutal madalas 'ko din namang ginagawa 'to at hindi naman siya nagagalit, sa halip, parang natutuwa pa siya.

Nagdala ako ng cake. Nung nakaraang dalaw ko kasi sakaniya, nag cracrave siya dito kaya eto, ngayon na siya kumain nito, haha!

"Hi miss, free ba si Dra ngayon?"

"Ah, opo sir. Pasok po kayo"

Ang bastos ah, tinawag akong sir? Pero sige, pagbigyan.

Papasok na sana ako ng makita kong may kausap pala siya. Hmm, hindi na muna ako pumasok, nakinig nalang muna ako dahil baka busy pala si Dra.

"Pinatanggal ko na siya sa trabaho niya sa mall. Mas mainam na yun para madaling masakatuparan ang plano."

Ha? Sino ang tinutukoy niya?

Nabanggit sa'kin ni Nadine na tinanggal na siya sa trabaho niya sa mall. Posible kayang si Nadz ang tinutukoy niya?

"Ate Lauren. Hindi ba't unfair na yan para kay Nadine?", tanong naman ng kinakausap nito.

Tinanaw ko kung sino ang kasama ni Dra. Nang makita ko, si Yassi. Ang pinsan ni Dra. At tama, si Nadine nga ang pinag uusapan nila.

Nakaramdam ako ng inis. Ano sa tingin nila ng ginagawa nila? Ano 'tong planong sinasabi ni Dra? All this time ba, mali pala ang pagkakakilala namin sakaniya?

Hindi ko alam na unti unti na pala akong dinala ng mga paa ko sa loob.

Halos magulat naman ang dalawa ng makita ako.

"Dra. Ano 'to? May balak kang gawin kay Nadine?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Sobra akong nanghinayang dahil maaaring kaya lang naging mabait sa 'min si Dra. eh dahil may plano siyang gawin kay Nadine.

Gulat pa din si Yassi na tila nabato sa kina uupuan niya habang si Dra ay napa buntong hininga.

"Andi. Maupo ka muna. Ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat"

Ewan ko pero umupo pa din ako.

Pinaliwanag naman niya sa'kin ang lahat. Naging malinaw naman na sa'kin. Mabuti nalang pala at binigyan ko siya ng pagkakataong magpaliwanag.

At ang bruhang Nadine na yan, hindi man lang sinabi na may napagka sunduang plano pala ito kasama ang kapatid ni Dra.

"Pero hindi lang dun natatapos, Andi", dagdag ni Dra.

"Ang alam nila. Isang plain research lang ito. Pero other than that may iba pa akong plano."

"Risky ito at pwedeng in the end eh mauwi lang sa wala, pero we'll never know until we try."

"Gusto ko si Nadine para kay James. At hindi ko naman gagawin yung research kung hindi lang dahil sa naisip ko"

Parang gusto ko nalang mabingi sa pagkakataong ito. Kinakabahan ako sa maririnig ko.

"May nakikita akong possibility na mabago nila ang isa't isa.. and the plan is to make them fall inlove with each other"

Patuloy pa rin akong tulala dahil sa mga nalaman ko.

Nakakagulat. At tila, napaka baliw ng iniisip nilang plano.

"Ibubugaw niyo si Nadine kay James?"

Halata namang nagulat sila sa lumabas na salita sa bibig ko. Eh totoo naman eh. Base sa mga pinaliwanag niya, ganun ang lumalabas.

"Well, parang ganun na nga pero----"

Hindi ko siya pinatapos at tumayo sa pag kakaupo.

"Grabe naman po pala Dra. Hindi ko lubos maisip na gagawin nyo po yan. Oo alam kong dull at tuyong tuyo ang lovelife ni Nadine. Pero ang gumawa ng ganitong kabaliwan para lang magka jowa si Nadz? Aba pambihira. Nakakaloka!"

"Teka nga Andi. Maghunos dili ka. It is not just about that. I'm doing this for the both of them. And specifically, the reason of this insane plan is to help.. is to help my brother."

Brother? Si James?

"Matagal tagal na rin ang panahon ng masaktan si James sa mga nangyari sa kaniya at sa pamilya namin. Because of that, naging cold at halos malayo na ang loob namin sakaniya. Alam kong may magagawa si Nadine. I don't know pero nakitaan ko ng qualities si Nadine na makakatulong sa pagbabalik ng kapatid ko"

"I know that i'm being selfish. Pero kapag nangyari ang plano, kapag naging successful. Hindi lang naman si James ang mabubuo uli, kundi pati na rin si nadine."

"Nadine deserves to have the love that she's been asking for. At probably, all this time, kay James. Kay James pala niya makukuha yun."

Ang hirap pa rin iproseso sa isip ko. Ang hirap talaga.

"Look, I like Nadine. She's very sweet and very caring. She's a tough woman. and in a small span of time, she make me feel na hindi na ako iba sakaniya."

"Maniwala ka man o hindi, Hindi ako gagawa ng pwedeng ika sakit ng loob niya. Kung hindi man mag work, hindi ko ipipilit pero let me try it, please Andi. Please try to understand."

Ewan ko pero sige.
Huminga ako ng malalim at tumango tango sakaniya.

"Sige po. Basta ipangako niyo, hindi masasaktan si bestie."

Ngumiti siya at hindi napigilang yakapin ako dahil sa sobrang tuwa.

"I promise! Thank you Andi! thank you!"

Hmm. Siguro nga, tama lang ito. Baka nga makakabuti ito hindi lang kay James, kundi pati na rin kay Nadine.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap at bigla may sinabi.

"If it's okay Andi. Gusto ko sana na tulungan mo kami. At huwag mo sanang sabihin ito kay Nadine"

Natigilan muna ako saglit. Nag isip kung magandang idea ba na pumayag ako.

Nang maisip ko na ang desisyon ko ay sinabi ko na ito sakaniya.

"Sige Dra. Sabihin niyo lang ang gagawin ko."

End of Flashback..

Ngayon, napapaisip na tuloy ako kung tama ba yung naging desisyon ko.

Hiniling sa'kin ni Dra. na hayaang mag leave si Nadine sa trabaho niya sa bar. May plano kasi siya na siguradong magiging daan para mas mapadali ang proseso ng plano.

Haaay, Nadz. Sorry talaga. Mahal na mahal kita alam mo yan! Kaya kahit siguro magalit ka sa'kin, sige tatanggapin ko lang. Kung magiging kapalit naman nito eh kaligayahan mo.

Sinundan ko ng tingin ang papa alis na si Nadine.

Matapos ko kasing tumakbo eh nagtago ako para sulyapan siya ng hindi niya alam.

Para sayo 'to bestie. Basta nadz, alagaan mo ang puso mo. Kaya mo yan. Go!

James' POV~

"so how was it living with Nadine, James?"

Nandito nanaman si Lauren
I don't have an idea why, but I know, she's up for something.

Ano ba ang sasabihin ko?
Everytime she's here at the house, hindi ko naman siya masyadong kinakausap.

"Living with someone sucks, but as long as she won't bother to annoy me, I'll be fine."

Ang tagal naman kasing umuwi ng babaeng yun. Nasan na ba kasi siya? Tss. I want to rest already.

After a minute of waiting, dumating na din siya and Lauren already invited her to join us.

"Marahil nagtataka kayo bakit ako biglang napadalaw. May gusto lang kasi ako sabihin"

Tss, just say it. Ang dami pang pasakali.

"Nadine, I hope nasabi na sa'yo ni Andi."

"Opo, nasabi na nga po niya kanina sa'kin. Pero, may concern lang po ako."

"Ano yun, Nadz?"


Seriously, They don't need me after all. Tss, so can I go to sleep now?


"Bakit naman pati yung pagkanta ko sa bar ni Andi eh pinag leave niyo 'ko? Ano nalang pong matitirang gagawin ko?"

Poor little girl. Looks like nagiging puppet na din siya sa ilalim ng mga kamay ni Lauren. Welcome to my world, your one of us now, tss.

"Kalma lang Nadine. Meron kasi akong binabalak kaya pati yung pag attend mo sa workshop eh, pina resched ko din"

"Ha? Eh kung ganun, ano nalang ang gagawin ko ate Lauren?"

Ate Lauren? Ate niya? This girl is unbelievable.

"You'll go to a trip with James"













There she goes again. Tss, Surprise! Ugh.

"Ho? Ako? Magbabakasyon kasama ang impaktong 'to?"

Is she deaf? Kailangan paulit ulit? Tss.

"Oo Nadine. Mas maigi na yan para makilala niyo ang isa't isa. Tutal, James will gonna be your manager. Mas maigi na kilala nyo ang isa't isa."

Magsasalita pa sana si Nadine ng sumingit na ako sa usapan nila.

"Okay, enough the chat, saan ba yang trip na yan?"

Nadine: "Ano?! Pumapayag ka?!"

Ugh, this girl has a very loud mouth. She's irritating.

kahit hindi ako pumayag, Do I have a choice? Ipipilit pa rin naman ni Lauren ang gusto niya. Kaya might as well, go with the flow.

"Sa laguna. Dun sa bahay bakasyunan natin. At bukas na ang alis nyo"

Nadine: "Ano?! Agad agad?!"

Ugh, that f*ckin' loud mouth.

"K. You can go now, Lauren. I'll fix my things. We'll go tommorrow."

Napangiti naman si Lauren. She wins again. Pasalamat siya at pagod na 'kong makipagtalo sakaniya.

In fact, si Nadine naman ang kasama.

She maybe have a loud mouth, but It's okay kesa naman ibang clingy girl ang kasama ko.

"Here's your tickets. Have a safe trip! Ciao."

and then she left.

Crap. Looks like I won't have a decent sleep for tonight.




#THPChapter18

(c) Monalou Garcia

Continue Reading

You'll Also Like

339K 7.5K 22
published under PHR 2013 (Modified version) Why did I kiss you? Dahil gusto ko... Because I'm dying to kiss you every time I see you. Batang pasli...
82.4K 1.4K 10
Noon pa man ay naiirita na si Kim kay Mark, ang kapitbahay at pinsan ng kaibigan niya. Sa tuwina na lang na may gusto siya ay palagi nitong kino-kont...
1.4M 33K 48
"Higit sa takot na masaktan at mahirapan, mas takot akong mabuhay na wala ka." Buong buhay ni Jesilyn ay naging overprotective ang kanyang mga magula...
14.9K 749 27
Antipatiko si boy. Nakakairitang personality, nakakabwisit na asal tuwing kausap, sobrang cold at hindi marunong makipagkaibigan. Until mameet nya si...
Wattpad App - Unlock exclusive features