Nang makabalik na sila sa Pilipinas ay inihatid muna ni Pogi si Kurba sa kanilang tahanan bago ito dumeretso sa kanyang bahay. Pag dating ni Vice ay agad niyang nasabi kay Tetay ang magandang balita galing Singapore. Matapos magchikahan ay ibinigay ni Tetay kay Vice ang regalong pinapaabot sa kanya ilang araw pa lamang ang nakakalipas..
Tetay: Ser may nagpapabigay po pala. :D *abot ng box kay Vice*
Vice: *napataas ang kilay habang tinitingnan ang hawak na regalo* Kanino daw galing? O.o
Tetay: Si ano po Ka.. Karen? *napakamot ulo at pilit inaalala* ay hindi, si ano po.. si.. Ka..
Vice: *sumeryoso bigla ang mukha* Kathy? si Kathy ba?
Tetay: Ayun! opo ser, siya nga po. Si Kathy na nakalimutan ko na po ang apelyido. ehehehe. *kamot ulo* sa kanya daw po galing sabi nung nagdala niyan dito. ^___^
Vice: Ahh.. sige. (ano nanaman kaya 'to? -.-) *napabuntong-hininga* Te, akyat muna ako sa kwarto ha? borlog muna 'ko. 'kaw na bahala sa dinner, kahit anong lutuin mo keri lang te. Salamat :) Ay sandaliii.. *lingon ulit kay Tetay* si Queso nga pala asan?
Tetay: Nasa kwarto mo po ser, nanunuod ng Praybeyt Benjamin. ^___^
Vice: *natatawang sinakyan na lang ang trip ni Tetay* Talaga? sobrang miss na siguro ako ni baby bola noh?
Tetay: Opo, naman po! miss na miss ka na nun ser. Sa sobrang pagka-miss nga po ni bibi dog sa'yo, yung baksers mo ser.. (ay lagot ba't ko nasabi yun. itutuloy ko ba? huhu. bibi dog naman kasi ba't mo yun binutasan e peyborit yun ni daddy mo @___@)
Vice: Oy te, ba't tulaley ka na jan? Anong boxers ang chinichika mo?
Tetay: Ay wala po ser, sige po ser pahinga ka na po mukhang pagod na pagod ka po sa byahe. ehehehe. handa ko na po hapunan mo. *turo sa kusina at nagmadaling pumunta dun* ehehehe ^____^"
Vice: *pinagmamasdan si Tetay habang naglalakad* para nanamang na-overdose sa cough syrup si Te. Kinakausap sarili, may mga nakikitang hindi ko nakikita.. O___O
Iniwan muna ni Vice ang box sa center table ng sala saka umakyat sa kanyang kwarto upang magpahinga. Laking gulat niya pagpasok dahil nakabukas ang T.V. at palabas nga ang Praybeyt Benjamin. Napalingon siya sa kama at dito nasilayan ang tulog na si Queso. Napangiti si Vice, agad niya itong tinabihan at bumorlog din. Makalipas ang ilang oras ay nagising si Vice..
Vice: (ba't ang init bigla?) -.o *kinapa ang tabi niya na biglang gumalaw*
Q: RARRF! ARF! ARF! RARFF! (Daddey! Daddey! yey! yer back Daddey! ^____^) *dinamahan ang dibdib ni Vice while wagging his tail saka dinilaan ang mukha nito*
Vice: *nakapikit pa rin pero napangiti* Na-miss mo si Daddy? hmmm? *hinahaplos ang ulo ni Q na patuloy pa rin sa pagdila sa mukha niya* ahaha! oo na, babangon na 'ko baby. Ikaw talaga manang-mana ka sa Mommy mo, best in pang-gising awaaard.
Bumaba ang dalawa upang kumain. Matapos mag-dinner ay tumambay muna ang dalawa sa sala. Nakita ni Vice ang iniwang regalo at nagdadalawang-isip kung bubuksan ba ito.
Vice: *kinuha ang box* (haay, nako Kathy. ano nanamang payugyog 'to -.-) *tiningnan munang maigi ang box bago ito dahan-dahang binuksan*
Nang mabuksan ang box ay tumambad kay Vice ang isang mamahaling relo. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya, isa kasi ito sa pinakamamahaling relo na na-feature sa isang T.V. program nang minsang nanonood siya.
Vice: W-wow.. :O my God, isang kotse na katumbas ng relong 'to. *napalunok habang nakatitig sa relo* Kathy.. *napailing siya at agad isinara ang box saka pinatong sa table* bakit naman niya ako reregaluhan? at ganito pa ka-bonggang regalo ha..
Ilang minuto ring tulala si Vice sa box. Iniisip pa rin ang mga posibleng dahilan ng pag-regalo sa kanya ni Kathy. Inispeksyon niya pa kung merong kalakip na card o mensahe man lang ngunit wala siyang nakita. Makalipas ang ilang saglit ng matinding pag-iisip ay dinalaw na muli ng antok si Vice kung kaya't nagpahinga na rin siya.
Kinabukasan...
Sa Showtime..
Eruption: ..at eto na ang mga kasalo niyo tuwing tanghalian..
Vhong Navarro..
Anne Curtis..
Billy Crawford!!
Welcome back, Kaaaaarylle!!
Kuya Kim!!..
Jugs and Teddyyyy..
Jhong Hilariooo..
And Ryan Bang and Colleen Garciaaaa..
Hindi natawag ang pangalan ni Vice kung kaya't akala nila ay absent pa rin ito. Ngunit sa opening..
Anne: Good afternoon to my super duper beautiful, handsome, sexy, and machong.. Madlang people!!!
Vhong: Yun oh.. taas ng energy ng madlang pipoool!!
Billy: Sandali lang guys, kasabay ng pag-test ng energy ng madlang pipol eto ah.. i-welcome back muna natin ang na-miss natin. Na-miss ng madlang pipol, at sigurado akong sobrang na-miss ng tume-trending nanaman na ViceRylle fans. Sabay-sabay tayo.. in 1, 2, 3..
ST hosts and M.P.: Welcome back K/Karylle!!!!
Anne: Welcome back, girl! ;)
Jhong: We.. *hindi natuloy ang sasabihin nang biglang naghiyawan ang madla*
K: *napalingon*
Anne: Late ka nanaman wakla! Welcome back!
Vhong: Siya lang dito yung late pero laging grand entrance. Ikaw lang yan brad, welcome back! XD
Vice: *dahan-dahang tinanggal ang shades*
Billy: Naks pogi, *napansin ang tinatago sa likod ni Vice* mga style mo ah! ahaha! welcome back Vice!
Naghiyawan ang madla nang makita ang biglang pagdating ni Vice na may dalang boquet..
Vice: Babawi ako direk! hahaha! *medyo hinihingal pa pero nakahawak-bewang agad kay K saka iniabot ang flowers* Welcome back K, we miss you! *sabay yakap ng mahigpit kay K at bumulong* i love you. kala mo wala 'ko noh? ahaha!
K: *ngiti-ngiti lang habang kinikilig* Thank you. Daya mo, akala ko aabsent ka na talaga. *hampas balakang kay Vice*
Vice: Ano ka ba, Kurba. Hindi ako aabsent kasi alam kong nandyan ka ;) *sabay hatak ulit sa bewang ni K*
Jugs: yihiee :'D *talon talon sa gilid*
Kim: Teka lang, si Karylle yung sinabihan pero bakit parang si Jugs yung kinikilig? Ano nangyari Jugs?
Vice: Ay nako Kuya Kim sinasabi ko sa'yo matagal na 'kong bet niyan ni Jugs.
*BM(Barney): I love you.. you love me..*
Patuloy na nagkamustahan ang hosts ngunit naputol ito nang may sumesenyas na staff..
Billy: Ahaha! hi tita elvie! XD at dahil kababalik mo lang Vice, sa'yo na yaaan!!
Vice: Wag nang magpatumpik-tumpik pa, pagpatuloy na natin ang kasiyahan at tawanan karakaraka. At dahil babawi ako kay Direk, masaya 'to.. TARA! this is.. Showtime!
Sine Mo 'To..
Sa pagpapatuloy ng ating istorya..
Billy: Hindi hinayaan ni Jose(Vice) si Virgilio(Jhong) na lapitan ang kanyang bestfriend na si Ana(Karylle) kaya naman makakaisip ng bright idea si Virgilio... basa.
Jhong: *tumbling then split, ting!* Ang mabuti pa, daanin ko sa kahinaan niya itong si Jose para makapag-tapat na ako kay Ana. Kailangan ko ng paborito niyang seaweeds para mapapayag siya.
Billy: At dahil ikaw nakaisip kuys, ikaw din ang maghahanap. Ang hinahanap na madlang seaweeds ay grupo ng bruskong lalaki pero magagaling kumanta at sumayaw.
Habang naghahanap si Jhong ng madlang seaweeds ay may sariling mundo naman sa stage si Vice at K sa gilid. Si Vhong naman ay kausap si Anne na nakaupo sa props na bangka. Matapos makahanap ng madlang seaweeds ni Jhong..
Billy: Makikita ni Jose na paparating si Virgilio kaya haharangin niya ito at hindi palalapitin kay Ana..
Vice: *chumichika kay K at hindi narinig si Billy*
Vhong: At hindi nakikinig si Jose sa tagapagsalaysaysay. XD
K: Vice..
Vice: *napalingon* Aneyen? *tingin sa prompter* Ay sorry, ako na pala. Chika ng chika kasi 'tong si K eh :)
K: *smiles* Ikaw kaya..
Vice: *naglakad papunta sa gitna at binasa ang linya* Virgilio! Anong ginagawa mo dito? Diba sinabi ko na sayong huwag na huwag kang lalapit sa bestfriend kong si Ana?!!
Billy: At para mapa-payag si Jose ay dadalhin ni Virgilio ang mga madlang seaweed at pasasayawin sa harap ni Jose ng sexy dance habang kumakanta ng 'Under the Sea'.
Madlang seaweeds: *pinalibutan si Vice at sinayawan ng sexy dance habang kumakanta*
Vice: *poker face* Ay, sorry.. *wagwag ng hintuturo* wala na sa 'king epekto. I'm a changed person, iba na ang gusto ko ngayon.. *ngiting tagumpay*
Jhong: Mukhang nagbago ka na nga. haha! Kaya babaguhin ko rin ang plano ko. Halika dito.. *dinala ang madlang girl kay Vice* At aaliwin ng madlang kabibe si Jose..
Madlang Kabibe: *lapit kay Vice habang nagssexy dance*
Vice: *itsurang nandidiri pero biglang napangiti *
Anne: Oyy girl, iba yang ngiti mo ah..
Madlang Kabibe: *sobrang lapit na kay Vice at patuloy na sumasayaw*
Vice: *napapikit* Sandali!!! Ate, wag mong masyadong dinidikit sa 'kin ang kabibe. Nagagalit siya.. *tingin kay Junjun at lumayo kay madlang girl* (*_*)
Billy: ahahaha! XD
Anne: Eww!! :0
Jhong: hahaha! Tagumpay ang plano ko.. XD
Billy: Hindi mapipigilan ni Jose at sasabayan niya sa pagsayaw ang madlang kabibe..
Vice: *dahan-dahang tinanggal ang costume* ang init.. *seryoso ang mukha at ipinatong ang isang kamay sa balikat ng madlang girl at sinabayan ito sa pagsexy dance*
Habang naghihiyawan ang madlang people ay bigla namang sumingit si Vhong..
Vhong: Sandali!! sandali! *biglang lapit at tinuro si K* Uyy, may nagseseloooos..
K: hindi, ok lang. mukhang nag-eenjoy naman..
Vhong: Hala ka brad..
Anne: *nakupo pa rin sa bangka* Uyy nagseselos rin ang ano.. mga ViceRylle fans!
Vice: Sinasabi ko na nga ba, ikapapahamak ko ang kabibe na yan! XD *nagmadaling lumapit kay K at niyakap ito sa likod* Wag ka nang magselos Kurba.
K: bet na bet mo eeh..
Vice: *iniharap sa kanya sa K* Hindi, hindi ko yun gusto! *hinawi ang buhok at tiningnan siya sa mata* Ikaw lang ang gusto ko.
Anne: Yiee.. :">
Vhong: Bawing-bawi ah.. :D
Billy: Uyy ViceRylle.. *sinenyasan ng staff na bilisan na raw* Ok, balik sa istorya. Dahil sa madlang seaweeds, ay madlang kabibe pala.. ay mapapaya..mapapa..
Vice: Ano talaga?
Billy: ahaha! ma-pa-pa-pa-yag. ayun! si Jose at hahayaan na niyang maka-lapit si Virgilio kay Ana..
Vice: *humarap kay Jhong* Virgilio! Labag man 'to sa kalooban ko pero sige, pumapayag na ako sa gusto mo.
Billy: Lalapitan ni Virgilio si Ana at ipagtapat ang kanyang pag-ibig.
Jhong: Ana..
Vice: overtime.. -.-
Ana: Ano yun Virgilio?
Vice: *punta sa likod at nag-busy-busyhan sa props*
Jhong: Matagal ko na 'tong gustong sabihin sa'yo Ana.. mahal kita.
Billy: Hahawakan ni Virgilio ang kamay ni Ana at..
Vice: at tatangayin ng madlang alon at dikya si Virgilio papunta sa kabilang isla *tulak ng slight sa dalawang madla papunta kay Jhong*
Billy: haha! at magkakatinginan sila sa mata.. XD
Jhong: *dahan-dahang tinanggal ang shades at lumapit lalo kay K*
Billy: Hahaplosin ni Virgilio ang mukha ni Ana ngunit..
Vice: ngunit masasabugan siya ng dinamita! *hagis ng props kay Jhong*
K: *natatawa sa pinag-gagagawa ni Vice sa likod*
Vice: *kuha ng lambat at nagbabantang ihahagis rin*
Billy: Ngunit pipigilan ni Ana si Virgilio at may ipagtatapat rin dito.. basa.
K: Patawarin mo 'ko Virgilio pero hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo. Dahil ang totoo niyan.. *napasulyap kay Vice sa likod ni Jhong* may nagmamay-ari na ng puso ko.
Billy: Freeze! Sino nga ba ang taong nagmamay-ari ng puso ni Ana? Malalaman natin yan bukas sa pagtatapos ng ating istorya sa.. Sine Mo 'To.
After ng Showtime, sa DR..
K: *kumakain ng prutas habang pinagmamasdan si Vice na busy-busyhan sa pagte-text*
Vice: *lingon kay K at inakbayan ito* K.. baby, kailangan ko nang umalis. May aasikasuhin akong importante eh. Gusto mo na bang sumabay? Hatid na kita.
K: Mauna ka na mahal, I have to meet Iza eh.
Vice: Sorry hindi kita mahihintay ah, baby?
K: *smiles* It's ok Vice. Sige na, mauna ka na mahal. Ingat sa pagddrive ha. *kiss sa cheeks ni Vice*
Vice: Thank you, I love you. :') *hugs K at hinalikan ito sa noo*
Sa isang coffee shop nagtungo si Vice upang makipagkita sa isang kaibigan. Masinsinan nilang pinag-uusapan ang property na gustong bilhin ni Vice. Lingid sa kaalaman niya ay mapapadaan pala dun sila Iza at K. Habang naghahanap ng mauupuan..
Iza: Wait cuz, I'll just answer this phone call.
K: Ok, hanap lang ako ng seats. :)
Habang nag-uusap si Vice at Shanelle..
Vice: Te, seryoso ako. *hinawakan ang kamay ni Shanelle sa table* Gusto ko talagang mabili yun. Please, sana magawan mo ng paraan. I swear, I owe you bigtime. Kasi hindi lang naman yun para sa 'kin e. Para rin yun kay K at sa magiging anak namin. *hinaplos ang kamay ni Shanelle na hawak pa rin niya* Please?
Shanelle: Ginagawa ko naman ang lahat. Maayos kong pinakikiusapan yung may-ari kaya lang ang labo niyang kausap minsan. Pabago-bago siya ng isip e. Teka, bakit ba kasi nagmamadali ka. Akala ko ba ok lang sa'yo na ma-delay yun?
Vice: Iba na kasi ngayon, diba sinabi ko na sa'yo hindi lang 'to para sa 'kin. Para na rin 'to kay Karylle at sa magiging anak namin.
Shanelle: ha?! sandali.. wag mong sabihing tama ang nasa isip ko. Imposible! imposibleng.. *nagkatinginan sila sa mata*
Vice: *tumango at napangiti*
Shanelle: OH MY GOD!!! Naka-naka-buntis ka??!! IKAW?!! NABUNTIS MO SI KAR..
Vice: *agad tinakpan ang bibig ni Shanelle saka nilapit ang mukha niya dito at bumulong* nakakaloka ka te, kelangan talaga ipagsigawan?
Shanelle: S-sorry. H-hindi lang t-talaga ako makapaniwala.. :O
Vice: Bakit naman? ano ba tingin mo sa 'kin, baog? hahahaha! o baka naman minamaliit mo 'tong equipment ko? ha?
Shanelle: Ewan ko sa'yo! hahaha! *hampas sa hita ni Vice*
Vice: Aray! kung makahampas naman te! haha!
Shanelle: Oops! sorry, masakit ba? *kindat sabay hagod ng kamay mula tuhod pataas sa hita ni Vice*
Vice: Huy! siraulo ka talagang merlat ka. hahaha! *biglang nag-crosslegs*
Habang pinagmamasdan si Vice at Shanelle ay walang ibang naramdaman si Karylle kundi pagseselos. Kaya naman hindi na niya nakayanan at umalis na siya sa lugar na yun..
Iza: *nakasalubong si K* Oh couz, san ka pupunta?
K: Sorry, I really have to go na. I'll just talk to you soon couz. *beso kay Iza saka nagmamadaling umalis*
Hindi na tumuloy pa sa pagpasok si Iza dahil umalis na rin naman si K. Samantala, makalipas ang ilang minuto ay natapos rin ang pag-uusap ng magkaibigang Vice at Shanelle. Nakalabas na ng coffee shop si Vice ngunit bumalik siya sa loob nang mapagdesisyonan niyang bumili ng favorite doughnuts ni K at i-surprise visit ito sa condo niya. Sa condo ni K..
*bzzzzzzzzzzztt*
Agad pinagbuksan ni K si Vice ng pinto at pinapasok ito sa loob..
K: *derederetso sa sala at umupo sa sofa*
Vice: (teka, ba't parang hindi siya na-surprise? wala man lang hi-hello? wala ring kiss :/ ) *sinundan si K at umupo rin sa sofa* Baby, yung favorite doughnuts mo oh.. ^___^
K: *nagpaka-busy sa pagbabasa ng novel at hindi pa rin pinapansin si Vice*
Vice: *lumapit kay K* masama ba pakiramdam mo K? *dinama ng kamay ang noo ni K*
K: *hindi umiimik at dumistansya kay Vice*
Vice: A-anong problema? galit ka ba sa 'kin baby? anong nagawa ko? *lapit ulit kay K at akmang yayakapin ito*
K: Don't you dare touch me! >.
Vice: *napalunok at napaatras ng konti* (Lagot, ano nanaman kayang nagawa 'ko @__@) K..
K: Umalis ka na.. *pinunasan ang luha* I don't wanna see you. Just go. *tumalikod kay Vice*
Vice: K, hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung anong nangyari. Kung bakit ka galit. Ano ba kasing nagawa 'ko?
K: ...
Vice: K, wag naman ganito.. kausapin mo naman ako ng maayos. Hindi ako manghuhula, I have no idea kung bakit ka nagkakaganyan. K, please.. *touches her arm*
K: *nagpumiglas mula sa hawak ni Vice at niyakap ang isang maliit na unan habang umiiyak*
Vice: K, please.. I'm sorry kung ano mang nagawa ko kaya ka nagkakaganyan. I'm sorry. Wag ka na umiyak please, masakit rin para sa 'kin nakikita kang lumuluha. Karylle..
Naghintay si Vice ng response mula kay K ngunit hindi pa rin ito umiimik. Inakala ni Vice na hindi na siya kakausapin ni K ngunit makalipas ang ilang sandali..
K: Ang hirap kasi sa'yo masyado kang habulin! And I knew it from the start, kaya akala ko masasanay na lang ako. But I just can't, at kahit kelan hindi ako masasanay sa pagkakaron mo ng maraming babae. So just go, leave me at dun ka nalang.. mag-sawa ka sa pakikipagharutan sa mga babae mo! *punas luha*
Vice: Ano?!!! Kurba naman, umandar lang nanaman yang pagka-selosa mo e.
K: Kasi babaero ka! *hikbi*
Vice: Hindi ako babaero. Kelan pa 'ko nang-chicks?
K: Ha! gusto mo bang isa-isahin ko Jose Marie??!!
Itutuloy...