Third Person's POV
"Sino pa mga wala?" biglang pagtatanong ni Suho.
"Bomi, Chorong and Luhan" pagsasagot naman ni Lay habang tumitingin sa mga kasama kung sino pa ang wala.
Napatango naman ang lahat kabilang kina Eunji at Sehun. Pareho silang nag-iisip kung bakit magkasama ang dalawa ng hindi nila nalalaman. May tiwala naman sila kina Chorong at Luhan kaya hindi nila naiisipang linoloko sila.
"We are here guys! Sorry if late kami ha? Anong game 'yan?" masiglang pagtatanong ni Bomi habang tumatakbo papalapit sa kanila. At kasunod niya ay sina Chorong at Luhan na tahimik naglalakad.
"Maupo muna kayo at sisimulan na ang laro." nakangiting saad ni Suho.
Umupo si Luhan sa tabi ni Eunji, at ganon din si Chorong, sa tabi ni Sehun. Medyo may kalayuan nga lang ang pwesto nina Sehun. Napatingin si Luhan kay Chorong. Todong nakangiti ang dalaga pero agad umiwas ang binata, "Are you mad at me?" ang tanong ni Luhan sa liniligawan niya at umiling lamang si Eunji bilang sagot, "I love you." bulong ni Luhan at hinalikan ang noo ni Eunji.
Naglaho bigla ang ngiti ni Chorong, "What's wrong?" napatingin naman siya kay Sehun.
"N-nothing." ngumiti na lamang ang dalaga.
"Attention please! Guys, attention please! Guys--"
"Taehyung! Shut the fuck up! Nakakabingi!" inis na pagsisigaw ni Kris.
"Huwag mo ako pakielaman" tugon ni Taehyung kaya napatawa ang iba.
"I bet all of you are in good mood today, except for Kris. But, let's play Truth or Dare first." nakangiting sambit ni Suho kaya napatango ang lahat.
"Nice! Kaka-excite ang game na 'yan! Usong uso noong bata pa ako hahahahaha!" natatawang saad ni Baekhyun.
"May bote na plastik ako! Ito ang gamitin! Iikot natin!" masiglang sabi ni Hoseok sabay lagay ng plastic bottle sa lamesa na nasa gitna nilang lahat.
"Hyper as always." bulong ni Xiumin na tumayo para tumakas.
Napatungo siya bigla nang makita niya ang puting pusa.
"Shit" bulong niya. Nakikita niya sa peripheral vision niya na papalapit sa kanya ang puting pusa. "Shit. Shit." patuloy na pagbubulong niya. Hindi siya makagalaw sa pwesto niya.
Nang makalapit sa kanya ang pusa, "Meow"
"Alisin niyo ang pusa" sabi niya kaya natahimik ang lahat.
"Nakakatawa pala ang isang side ni Xiumin. Ayoko ang seryosong side niya." pabulong na pagtawa ni Hoseok.
"Itong pusa na naman" naiiritang sabi ni Lay na pilit lumalayo sa katabi niyang si Hayoung na hawak na ngayon ang puting pusa.
"Huwag ka lalapit kay Xiumin, ha? Takot siya sayo." saad ni Hayoung na walang kaalam alam sa katabi niyang takot din sa pusa.
"Okay! Let's sta--" naputol ang sasabihin ni Namjoon nang biglang bumukas ang pinto. Lahat sila napatingin sa bumukas na pinto. At naramdaman ang sobrang lakas na hangin.
"Blue! Hoy!" biglang tumakbong palabas ang puting pusa ng hindi nila nalalaman kung bakit ito tumakbo.
Tatayo sana si Hayoung nang hawakan ni Lay ang kamay niya, "Hayaan mo na" agad agad naman siya napaupo dahil ang binata mismo ang pumigil sa kanya. Umupo nalang siya at hindi maiwasang tumibok ng sobrang bilis ang puso niya dahil lang sa paghawak ni Lay sa kamay niya.
Isinara ni Jimin ang pinto at pasimpleng tumabi kay Namjoo. Nabigla ang dalaga sa biglaang pagtabi sa kanya. Napakunot naman ng noo si Namjoon dahil sa kinikilos ni Jimin sa kapatid niya.
"Don't mind the door, guys. Sadyang malakas lang ang hangin. So, let's start!" masayang saad ni Suho sabay ikot ang plastic bottle.
Hinintay nilang huminto ang pag-ikot. Nang tumigil na, unang naturo ay si Kai. Napasapo naman sa noo si Suho dahil alam niyang wala pakielam sa lahat ng nangyayari si Kai at hindi ito sasagot ng maayos. Hindi niya alam kung bakit ganyan ang pinsan niya. Hindi man lang siyang marunong magsaya. Araw araw siguro siyang nakasimangot at tahimik.
"Truth or Dare?"
"Truth"
"Who's your crush?"
"Jewel" lahat sila nabigla sa agad agad na pagsagot ni Kai. Nagtaka ang dalawa niyang pinsan dahil iniisip nilang hindi papansinin ni Kai ang tanong.
Nakita naman nilang pasimpleng ngumiti si Kai, "Wow" bilib na bilib si Taehyung sa pagngiti ni Kai.
"Hoy. Ngayon ka lang ba nakakitang ngumiti?" sarkastikong tanong ni Tao.
"Nagkaka-crush pala ang uling." sabi naman ni Hoseok. Napatingin naman sa kanya si Kai ng masama kaya, "Binulong sa akin 'yon ni Lay!" sabay turo niya kay Lay. Habang si Lay, napakunot ang noo nito kay Hoseok at umiling iling.
"Okay Kai. Spin it."
Tumigil ang pag-ikot at tumuro ito kay Hayoung, "Ay! 'Bat ako? Huwag niyong itanong sa akin kung sino crush ko ha? Haay!" saad niya sabay pasimpleng tingin kay Lay.
"Hah! Even we don't ask, we already know it na!" pang-aasar na sambit ni Bomi.
"Sige nga! Hulaan niyo!" matapang na saad ni Hayoung.
"Paano kung mali hula namin?" biglang tanong ni Taehyung.
"Hay nako. Bastat katabi ko lang siy--" sabay takip niya ng bibig.
Nanginig ng sobra sa kaba si Hayoung dahil alam niyang narinig ni Lay ang sinabi niya. Nahihiya tuloy itong humarap sa binata ngunit,
"Buti nalang nakatulog." Hayoung said in relief. Nakita niya kasi itong natutulog ng mahimbing.
"You and Lay can be a cute couple. Now, spin." nakangiting sabi ni Sehun.
"Alam ko naman 'yon hehehe." kinikilig na sambit ni Hayoung sabay inikot ang plastic bottle.
Nang tumigil...
"It's you, Eunji."
"Woooo! Si Mrs. Lu!"
"Asawa ni Luhan!"
"Alam kong Truth pipiliin mo! Eto ang tanong ko! Noong sumumpong asthma mo, anong nakita o ginawa mo?" Hayoung.
"Please don't ask that question to her. She will might sc--" pinutol ni Eunji si Luhan.
"No. It's okay. I'll answer." hinawakan nalang ni Luhan ang kamay ng dalaga.
Biglang sumeryoso at nanahimik ang buong paligid.
"I saw an old woman. She is not that old. Mid 40's or 50's I guess. She is a ghost." nangilabot ang iba sa takot, "It was my first time seeing a ghost that's why I got scared." napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Luhan, "But, it most terrified me when I saw her smiling and looking straight into my eyes. Her smile is creepy." pagtatapos niya sa kwento niya.
"Kaya pala sinumpong asthma mo dahil sa takot na naramdaman mo kahapon." Tao stated at tumango si Eunji.
"I'm begging you guys. Huwag niyong tatakutin si Eunji. Baka masipa ko kayo!" saad ni Luhan kaya napangiti ang dalaga.
"Wooo! I ship Eunhan!" pasigaw na sambit ni Jungkook sabay palakpak.
"Me too," sabay sabi ni Baekhyun at tumawa.
"So am I." tugon ni Kyungsoo at lahat sila ay tumawa.
"Okay!" pagsabay ni Suho, "Truth or Dare is finished! Eto ang bagong laro!" nakangiting saad niya at sabay tingin kay Namjoon. At nagsitanguan sila sa isa't isa.
Inisip nila ang laro na ito para mawala na sa isip ng lahat ang nangyari noong dinner kahapon. Para malibang ang lahat sa kasiyahan. Dahil kailangan nilang maging masaya sa pagbabakasyon nila sa lugar na ito.
"What's the next game?"
"Hide the thing and others will seek it."
Lay's POV
"Good mor--" pagkamulat ng mata ko, lahat sila nakatitig sa akin ng masama. Masama na bang matulog?
"Bakit?" pagtatanong ko.
"Ah. Lay? It's already in the afternoon." pagtatama sa akin ni Kris. Hapon na pala? Okay.
"Lay! Maglalaro tayo ng bago! Kaka-excite!" sigaw ni Taehyung.
"Ano naman?" tanong ko at kinusot ang mata ko. Inaantok pa ako.
"Hide the thing and others will seek it." pagsasagot ni Namjoon.
"Masaya ba iyan?" pagtatanong ko at walang tigil pa rin sa pagkukusot sa mata ko. Inaantok talaga ako.
"Ang cute cute talaga ni Lay!" rinig kong pagsigaw ni Hayoung. Katabi ko rin pala siya. "Hindi. Ako pala ang cute." muli niyang pagsisigaw. Ibang klase si Hayoung kaya napangiti nalang ako.
"Of course." sagot ni Xiumin.
"Okay then, I'm in" ang sabi ko, "Kahit ano ba, pwedeng itago?" pagtatanong ko naman at tinignan silang lahat sabay inilibot ang mga mata ko sa buong mansyon na ito.
"Pwede bang kotse ang itago?" pagtatanong ni Taehyung. Napa-iling nalang ako, ganyan talaga ang lalaking iyan. Napaka-baliw.
Nakikita kong tumatawa sina Chanyeol at Hoseok.
"Ganito ang game. We'll form five groups. So, each groups has 5 members because we're total of 25 persons. Magbubunot ang representatives each groups kung sinong mauuna, pangalawa and so on." paninimula ni Namjoon.
"And remember this. Magkalaban kayo kahit na magka-grupo." dagdag ni Suho. Lahat sila kumunot ang noo. Ano ibig niyang sabihin?
"What do you mean?" tanong naman ni Jimin.
"Sa isang grupo, ang tatlong tao ay ang magtatago ng isang bagay habang ang dalawa naman ay ang hahanap. At ang bagay na itatago ay importante sa dalawang taong hahanap." pagpapaliwanag ni Suho.
"So, it means, pwede mong itago ang kwintas ng isang tao as long as importante ito sa kanya?" Namjoo. Tumango lamang si Suho sabay ngiti. Ah, ganyan pala. It's exciting though.
"Paano mo malalaman kung sino ka-grupo mo?" tanong ni Tao.
"Tayong magkakatabi-tabi. Saktong tig-lilima tayo each couch." sagot naman ni Suho.
(a/n:
Group A: Sehun, Chorong, Bomi, Namjoo and Jimin
Group B: Lay, Jungkook, Hayoung, Hoseok and Chen
Group C: Luhan, Eunji, Tao, Taehyung and Xiumin
Group D: Kris, Naeun, Jin, Suga and Chanyeol
Group E: Baekhyun, Kyungsoo, Suho, Namjoon and Kai)
Nagsitayuan silang lahat nang malaman na namin ang mga kagrupo namin. Magsisimula na ba ang laro? Nang tumakbo papunta sa akin si Hoseok, "Groupmates! First tayo! Tayo ang unang maglalaro!" sigaw niya.
Hindi pa ako handa nang biglang kinuha ni Hayoung ang bracelet na suot ko, "Balik mo sa akin 'yan!" padabog na sigaw ni Hoseok. Kinuha naman sa kanya ay yung kwintas niya.
"Halatang importante sa inyo ang bracelet at kwintas na 'to!" tumatawang saad ni Chen.
"Teka lang ha! Bakit kami maghahanap? Pinag-planuhan niyo ba ha!" sigaw ni Hoseok. Ako na naman ang pinagtripan ng mga ito.
"Bilang nakuha na namin mga bagay na importante sainyo, edi kayo na ang maghanap hahahahaha!" wala naman nakakatawa, tumatawa si Jungkook. Problema ng mga tao ngayon?
Pumunta naman sa pwesto namin sina Suho. "Kayo ang una? Pwede ng maghanap ng lugar ang tatlo para itago ang mga bagay samantalang ang dalawa ay maghihintay dito na naka-takip ang mata at hihintaying makabalik ang tatlo tapos magsisimula na ang paghahanap! Sampung minuto lang." tumango nalang kaming lima. Bahala na nga.
---
"Nahanap ko na" sabi ko habang tumatakbo papunta sa kanila. Nahanap ko ang bracelet ko sa ilalim ng carpet. Sa carpet pa talaga tinago.
"It took five minutes. Congrats Lay!" saad ni Namjoon.
"Can we stop this game?" napunta naman kay Chanyeol ang atensyon namin. Bakit naman niya pinapatigil?
"Why? Is there any problem?" ang pagtatanong ko. Wala naman sigurong nangyaring masama kaninang naghahanap ako diba?
"Ah. Ano pala ang kinuha niyo sa kanya?" pagtatanong ni Chanyeol na namumutla kesa sa sagutin niya ako.
"His necklace." sagot naman ni Jungkook.
Napayuko si Chanyeol, "Binigay ko 'yon sa kanya. He's been my bestfriend for almost four years. Bukas na ang 5th anniversary ng friendship namin." biglang saad niya kaya natahimik kaming lahat. Nabigla naman ako sa narinig ko, baka naman sobrang negative thinker lang itong si Chanyeol kaya ganyan siya. Pero, parang masama ang kutob ko ngayong nakikita ko siyang ganyan.
"We're sorry." sabi ni Hayoung.
"N-no! It's okay...i-it's okay." nanginginig niyang saad.
"Anong nangyayari sayo, Yeol? May sakit ka ba?" pag-aalalang tanong naman ni Bomi.
"W-wala. Kinakabahan lang ako. E-ewan kung bakit." sagot niya.
"Don't worry, Chanyeol. Baka nahihirapan lang maghanap si Hoseok kaya natagalan diba? Pabalik na 'yun, tiwala lang." pagpapalakas loob ni Jin sa kanya.
"I hope..."
Pinalakas nalang namin ang loob niya para huwag mag-isip ng kung ano ano. Wala naman sana mangyaring masama kay Hoseok.
---
"Where is he!" sigaw ni Chanyeol at sinipa ng pagkalakas lakas ang upuan kaya nahagis ito. Tahimik lang ang iba sa amin dahil hindi namin alam ang gagawin. Kanina pa kami naghihintay kay Hoseok pero wala pa siya.
"Chanyeol, please calm down." pagpapakalma sa kanya ni Naeun.
"How can I calm down? It's almost three hours!" nanginginig siyang umupo. Pilit akong tumitingin sa paligid kung sakaling makita kong pabalik na si Hoseok dito pero wala.
No sign of Hoseok.
Lahat kami ay naghihintay. Lahat kami ay kinakabahan na, sa hindi pagbabalik ni Hoseok. Lahat kami ay nagtataka kung bakit wala pa siya.
"Chen. Saan niyo tinago ang kwintas?" mahinahong pagtatanong ni Namjoon.
"In the basement. Pero hindi kami pumasok sa mismong basement, it's locked." kinakabahang pagsasagot naman ni Chen.
"H-hindi naman namin tinago sa mahirap na lugar sa basement e." dagdag pa ni Hayoung.
Lahat natahimik nang biglang sumigaw si Chanyeol, "Nasaan siya!" pati ako, hindi na mapakali sa nangyayari
Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang bumukas ang telebisyon na mag-isa. Ano ito!
Pinakita sa telebisyon ang hagdan pababang basement. Lahat kami ay nagtataka kung anong meron at wala namang tao.
"Hoseok?"
LuluGege
multimedia: Hoseok (left) and Chanyeol (right)