I'm his TUTOR

By NerdyIrel

55M 775K 224K

She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books... More

I'm His Tutor
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue
Author's Note
WATTPAD PRESENTS: I'M HIS TUTOR
Special Chapter

Chapter 23

998K 13.2K 5.4K
By NerdyIrel

Chapter 23

 

Mikay’s POV

 

“Ano mikay? Okay ka na ba?”

Inihatid kasi ako ni Gino dito sa bahay.

Andito kami ngayon sa loob ng kotse niya.

“Ewan ko…” Bulong ko.

Simula kasi kanina, di na ko naging maayos.

Ayokong magsalita.

Ayokong makita si Jerome.

“Gusto mo samahan kita sa bahay niyo? Dito lang naman yung bahay ko sa tapat”

Tumingin ako kay Gino.

Buti nandyan siya.

Kasi kanina, iyak ako ng iyak.

Lahat ginagawa niya para umayos yung pakiramdam ko.

Siguro naaawa na siya sakin.

 

“Gino, bakit sila ganun?”

Ayokong mag-break down na naman sa harapan niya pero di ko matiis.

Para bang gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.

“Ssh...magiging okay din yan…”

Humagulgol na ulit ako.

“P-paano? P-paano magiging o-okay?”

Di nagsalita si Gino.

Para naman kasi akong timang.

Bakit siya yung tinatanong ko?

Kung tutuusin, di niya rin naman alam ang gagawin.

 

“Sorry” Sabi ko ng mahina sabay punas sa mga luha ko.

“Mikay, kausapin mo muna sila”

 

“Gino, ayoko! Ayokong kausapin sila kasi tingin ko, puros kasinungalingan na lang yung sasabihin nila! Malinaw naman yung picture ah! Kitang-kita kong naghahalikan si Joyce at si Jerome! Kaya nga siguro ako iyak ng iyak! Kasi sarili kong kapatid, inaahas ang boyfriend ko! Oo, di kami magkadugo pero sana man lang, nirespeto niya ko!”

Tapos umiyak na naman ako.

Di naman talaga nakita sa picture na magkadikit lips nilang dalawa.

Nakatalikod kasi si Joyce.

Pero kitang-kita  na hawak-hawak ni Mome yung magkabilang pisngi ni Joyce.

 

“Mikay, wag ka na umiyak please” Tapos pinunasan niya yung mga luha ko.

Napatingin ako sa kanya.

Bakit siya magmamakaawa na tumigil ako sa pagiyak?

Nasasaktan din ba siyang makita akong ganito?

Or ayaw niya lang may nakikitang umiiyak sa loob ng kotse niya?

“Tsk. Alam ko na magpapasaya sayo”

Bigla siyang nag-drive.

Nagulat nga ako eh.

Pano, nandito na kami sa tapat ng mga bahay namin tapos bigla pa kaming umalis.

 

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko sabay punas ng luha ko.

“Basta” Then he smiled at me.

Gino’s POV

Nagwo-worry ako.

Kanina pa siya tahimik.

Para nga akong walang kasama ngayon sa kotse.

May hindi nga nagpumilit na itanong kung saan kami pupunta.

Shet kasi yang boyfriend niya.

Swerte swerte na nga ni Jerome na nakuha niya sa mikay tapos ano?

Sasaktan niya lang?

Sarap upakan.

Tsaka nakakainis siya.

Wrong timing.

Paano ko ngayon sasabihin kay Mikay na ako yung ka-chat niya?

Eh kitang ang lungkot lungkot niya.

Dadagdag pa ko?

Bwisit!

“Mikay, gutom ka?” Tanong ko.

“Hindi” Tipid niyang sagot.

Wala talaga siya sa mood.

May hindi nga siya tumingin sakin.

>_<

Tinigil ko na yung kotse sa gilid sabay baba.

Pinagbuksan ko siya ng pinto pero di siya lumabas.

 

“San ba tayo pupunta?” Tanong niya.

“Dito”

Sabay turo sa likuran ko.

“Sa carnival?”

“Hindi. Sementeryo yan” Pagbibiro ko para tumawa siya.

Kaso hindi.

Tumingin lang siya sakin then bumaba na ng kotse.

“Dapat di na tayo pumunta dito. Naka-uniform pa tayo oh”

“Mikay, saglit lang toh. Tara”

Hinawakan ko na yung kamay niya tapos nagbayad na ko sa entrance.

Simple lang yung carnival dito.

Bago pa lang kasi.

Pagpasok, ngumiti ako sa kanya.

“Anong unang ride gusto mong punatahan natin?”

Umiling siya para sabihing ayaw niya.

T^T

Pahirapan toh.

Pumunta nga kami dito para mapasaya ko siya pero parang walang effect.

GO GINO!

WAG SUSUKO!!

Hinila ko siya papunta dun sa isang standee.

Tapos nagbayad ako.

Madali lang naman ang gagawin.

Babarilin yung mga balloons.

Pag nabaril, may mga stufftoy na gift.

“Oh ikaw muna” Iniabot ko kay mikay yung baril pero umiling siya.

“Ayoko. Ikaw na lang”

(-_-)

Wala talaga siya sa mood.

Paano toh sasaya?

“Sige. Panuorin mo kung gaano ako kagaling!!”

Nagpakitang gilas ako.

Madali lang naman yan.

Palagi kasi akong naglalaro ng baril-barilan nung bata ako.

Pellet gun yung nilalaro ko dati.

May na-missed akong isa pero natuwa ako nung nakita kong isang malaking dolphin pa rin yung nakuha ko.

 

“Thanks ho!” Sabi ko dun kay manong.

Humarap ako kay Mikay sabay pa-cute na ngiti.

“Oh para sayo”

Di siya ngumiti.

Nakatitig lang siya.

“Bakit?”

“Anong bakit?”

Nagkamot ako ng ulo.

Di ko kasi siya ma-gets.

Bakit niya ko tinatanong ng BAKIT?

“Bakit mo ko binibigyan niyan?”

“Wala lang. Masama ba?”

Iniabot ko na ulit yung dolphin na kasing laki nung batang dumaan.

“For you!!”

Thankfully, kinuha naman niya.

Pero kita kong di siya sumaya.

Siguro iniisip niya pa rin si Jerome.

“Thanks” Mahinang sabi niya.

 

“Ah…dun naman tayo sa isa. This time, maglalaro ka rin ah”

Naglakad na kami papunta sa ibang standee.

Tapos tumigil kami dun sa may parang Frisbee game.

Madali lang din yung gagawin.

Dapat matumba yung bote gamit yung Frisbee.

 

“Try mo” Pagyayaya ko kay Mikay.

Di siya nagreklamo.

Kinuha niya yung Frisbee tapos nag-try.

Kaso parang wala naman siyang energy.

May hindi nga umabot sa gilid ng mga bote yung Frisbee.

 

“Sige pa. Try mo ulit” Sabi ko, trying to cheer her up.

She tried pero ganun pa rin.

Si Manong napakamot na ng ulo.

“Nyeh. Ano kaya yun mikay. Matatalo tayo niyan eh. Sige, ako na ulit”

Di siya nagsalita at hinayaan na ko.

In the end, may nakuha naman kami.

Pero dalawang maliit na keychain lang.

Nakasabit dun yung dalawang stufftoy na teddybear.

Magkahawak ng kamay yung dalawa pero ang astig dahil napapaghiwalay din.

 

“Akin itong blue, sayo yang pink ha. Wag mong iwawala. Gift ko rin yan” Sabay bigay sa kanya nung pink.

 

“Ang cute” Sabi niya.

Pero poker face.

May hindi man lang yata natuwa.

>_<

Luhh.

Di ko na alam gagawin ko kay Mikay.

Nagwo-worry na talaga ako.

“Dun tayo” Then hinila ko na siya ulit.

Yakap yakap niya lang yung dolphin na stufftoy.

“Ito, mukhang astig”

Dapat kasi pupukpukin yung mga ulo ng monkey.

Alam niyo yung larong yun?

Yung may malambot na hammer?

Basta yun.

Bumili na ko agad ng token habang walang tao then naglaro na ko.

“Gusto mo ikaw din?” Tanong ko kay Mikay.

“Hindi na. Ikaw na lang…”

Hayyy…

Nag-start na yung game.

Nung una, sobrang dali.

“Wew. Ano ba itong game na ito. Sisiw! Kahit nakapikit siguro ako, kaya ko”

Ang bagal kasi ng paglabas ng ulo ng mga monkey.

Kaya lahat napupukpok ko.

2nd round, ganun pa rin.

Medyo bumilis lang ng kaunti pero madali pa rin.

“Hay naku! Pang elementary yata ito! Haha”

Nung 3rd round, medyo nag-focus na ko kasi sabay-sabay na tapos medyo bumilis na.

“Sisiw pa rin!” Pagmamayabang ko.

4th round, na-challenge na ko.

Ang bilis na kasi.

 

“Ay lintek-----Oy duga naman oh----Luhhh----ayos!----huli ka!!!”

Tuwang-tuwa na ko kasi nahihirapan na ko.

Nung 5th round, nagulat ako.

As in sobrang bilis nung laro.

“OY!!----ABA-----YES!---NO!!!-----Bwisit!!------Ayun!!----Astig!-----Shet---AAAAAAAAAAHHHHH”

Napapasigaw na ko sa bilis.

Di ko maintindihan kung ano dapat kong unahin.

Naririnig kong tumatawa na yung mga tao sa paligid ko.

Mukha siguro akong timang dito.

Bakit ba? Nage-enjoy ako eh.

“Huli ka balbon----leche!----balik dito-----asan ulo mo----Gagi hirap naman!!!”

Nung natapos yung 5th round, napasandal ako dun sa machine.

“Wew!! Kapagod!!!”

Pinalakpakan ako ng mga tao kasi may binigay yung manong na isang malaking teddy bear.

Kalahati ko siguro yung tangkad.

Tapos ang cute!

 

“Ayos ah. Galing brad” Sabi niya.

“Salamat!”

 

“Hahahaha sira ka talaga Gino!! Tuwang-tuwa ka! HAHAHAHA”

Napatingin ako kay Mikay.

Nagulat ako.

Natawa kasi siya.

O___O

TOTOO TOH?

YESSS!

MISSION ACCOMPLISHED!!

DI NA MALUNGKOT ANG PRINSESA KO!!

WHOOO!!!

“Tuwa ka naman! Eh sa ang hirap kaya. Try mo” Sabi ko.

“Wag na! Ayokong matulad sayo! Hahahahaha dapat pala vinideo kita, mukha kang timang! hahahaha”

Natawa na rin ako.

Tuwang-tuwa kasi siya.

 

“Kuya! Ang panget mo kanina!” Sigaw nung batang lalake.

Napatingin kami ni Mikay.

“ANO?” Tanong ko.

“SABI KO PANGET MO! BINGI PA! BLEEEHHHHH!!!”

Biglang tumawa si Mikay. “Sabi ko sayo eh! HAHAHAHA PANGET KA TALAGA HAHAHAHA”

“Aba! Talagang pinagtulungan niyo pa ko! Naku, lika ditong bata ka! Lagot ka sakin”

“Habulin mo muna ako!”

Tapos bigla siyang tumakbo.

“HOY! BUMALIK KA DITO! AKALA MO DI KITA HAHABULIN AH!! ANDITO NA KO WHOOOH!!!”

Bigla akong tumakbo.

“LUH GINO! HAHAHAHAHAHA” Sigaw ni Mikay.

Basta hinabol ko yung bata.

Nung nahabol ko siya, binuhat ko sabay kiniliti ko ng kiniliti.

“HAHAHA KUYA TAMA NA! HAHAHAHAHA”

“Ano muna sabi mo? Ako panget?”

“HAHAHA DI PO HAHAHA SOBRANG PANGET LANG HAHAHAHA”

“Ah ganun! Oh ito, super duper kiliti powers!! Whooohhhh tumawa ka! hahaha”

 

“HAHAHA KUYA TAMA NA! HAHAHA DI NA KO MAKAHINGA! HAHAHAHA”

Tuwang-tuwa ako dun sa bata.

Ang cute cute cute niya kasi!

Oo, tatlong cute yun! Haha.

Nung napagod na kaming dalawa, tumigil na rin kami.

Ngayon ko lang napansin na nakaupo pala kami sa sahig at pinagtitinginan ng mga tao.

Yung iba natawa na rin.

“Ang kulit nila oh”

“Astig nga eh!”

“Magkapatid siguro”

“Cute nung bata”

“Mas cute yung binata”

Natawa ako dun sa mga babaeng dumaan.

“Ano? Pagod na kayo? HAHAHA” napatingin ako kay Mikay.

Parang hingal na hingal siya.

“Anyare sayo?” Tanong ko.

“Iniwan niyo kaya ako! Malamang tumakbo ako para mahabol kayo! Haha”

Natawa rin ako.

Nakalimutan ko kasi siya. Hehe.

 

“Kuya, may naisip ako” Sabi nung batang lalake sakin.

“Ano yun?”

Bigla siyang bumulong sakin. “Si Ateng girlfriend mo naman kilitiin natin”

 

Napangiti ako. “Geh ba!”

Tumayo na kaming dalawa.

Tapos ngumiti kami nitong bata kay Mikay.

 

“Hoy, ano yang mga ngiti niyo? HOY! May binabalak ba kayo?”

“OO MERON! SUPER GINO AND BATA POWERS!! BOLT IN!!”

Tapos kiniliti na namin sa tiyan si Mikay.

“WAHHH OY! NAKAKAHIYA! HAHAHAHA ITIGIL NIYO NA!! HAHAHAHA”

Napaupo kaming tatlo sa sobrang kulit ni Mikay.

Tawa siya ng tawa kaya lahat kami natatawa.

“SABI NG ITIGIL EH! HAHAHAHA STOP! HAHAHA”

Pinagtutulak na ko ni Mikay habang tawa siya ng tawa.

Siguro ako lang tinutulak niya kasi baka masaktan niya yung bulilit.

Bigla kong nasanggi yung isang babae kaya napatigil kami.

“OUCH!”

 

“Ay sorry miss!” Sabi ko agad sabay tinulungan ko siyang tumayo.

Nadapa kasi siya nung nasanggi ko.

 

“Kasi naman ano bang ginagawa niyo diyan?---Gino? Mikay?”

“Maddie?”

Si Maddie pala yung nabangga ko.

Yung dating nangbubully kay Mikay.

 

“B-bakit kayo magkasama?” Tanong niya sakin.

“Masama? Sus”

Tumalikod na ko.

For sure kasi kung ano-ano na naman tumatakbo sa isip niya.

Ipagkakalat niya for sure na magkasama kami ni Mikay.

 

“Sungit. Akala mo naman kung sino…” Rinig kong sabi niya sabay alis.

Tinulungan ko ng tumayo si Mikay at yung bata.

“Nu nangyari kay Maddie?”

“Wag mo na pansinin”

“Ay oo nga pala, leche ka! Kasi naman Gino! Kulit mo! Pati itong bata, dinamay mo!”

“Saya nga eh hahaha”

 

“Ate! Kuya!! Aalis na ko! Baka hinahanap na ko ni Mama”

Lumuhod ako sa harap niya.

“Sige. Bad yang lumalayo sa Mama mo. Baka mawala ka. Wag mo na ulitin ha”

“Opo Kuya. Ano nga po pala name niyo ni Ate?”

Ngumiti si Mikay sa kanya. “Ako si Ate Mikay. Siya naman si Kuya Gino mo. Ikaw? Ano name mo?”

 

“Izzy po. Lagi akong nandito kasi dito nagtatrabaho si mama ko”

“Ahh. Oh sige na Izzy. Kita na lang tayo next time! Bye na!”

Nag-wave na si izzy tapos tumakbo bigla.

Humarap naman ako kay Mikay.

“Gutom ka na?”

“Oo. Uwi na tayo?”

“Hindi. Wag muna. Kain na lang muna tayong dinner. May malapit na resto dito, libre na kita”

“Okay sige. Tara?”

Pinulot niya na yung stufftoys na nalaglag naming dalawa.

Tapos inayos yung damit niya.

Nagkanda-lukot lukot na kasi.

Pati buhok niya inayos niya.

“Tara na!!! Tagal oh! Natunog na tiyan ko! HAHAHA”

Tapos hinila ko na siya.

Tatawa-tawa siyang naglakad.

 

“Ano kakainin natin?” Tanong niya habang naglalakad kami papunta sa kotse.

“Pagkain. May nakakain bang bagay?”

Tumawa siya bigla. “Corny mo!”

“Love mo naman!” Pangaasar ko.

“In your dreams!”

Tumawa na lang ako tapos sumakay na kami sa kotse ko.

Saglit lang ako nag-drive since malapit nga lang yung restaurant.

Pagpasok namin sa resto, umupo kami dun sa may pinakadulo.

Yun na lang kasi yung available table na meron.

Daming tao eh.

 

“Good evening Sir, Ma’am. What can I do for you?” Tanong nung waitress.

“Meron ba kayong kapayapaan, pagkakaisa at pagmamahal?” Biro ko.

Natawa si Mikay pati na yung waitress.

“Loko-loko mo Gino!! Ayusin mo!!”

“Si sir naman, lakas magbiro”

Napatingin si Mikay dun sa waitress.

Pano yung boses, parang nagfi--flirt.

“Hehe. Anyway, yung pinakamasap niyong food, i-serve niyo samin”

“Lahat po masarap sir”

(-_-)

“PINAKAmasarap nga”

“Ay Pata Tim po?”

“Sige yun na lang tapos mango shake dalawa. Mikay, anong gusto mo?”

“Madami na yung pata tim sating dalawa. Okay na yun”

Tumingin ako ulit dun sa babae.

“Java rice tapos chopseuy! Hihihi”

Natawa yung waitress sa tawa ko then inulit niya yung inorder namin tapos umalis na.

 

“Flirt yung babae” Mikay mumbled.

“Huh?”

“Grabe makatitig sayo. Para kang kakainin”

“Selos ka naman? Ayieee ikaw ah!”

Bigla siyang tumawa.

“Whatever! Haha”

Tumayo ako sabay umupo sa tabi niya.

“Bakit?”

“Picture tayo. Remembrance”

“Ay gino----”

“Don’t worry. Sa phone ko lang ito”

Ngumiti na lang siya tapos nagpicture na kami.

Tinignan namin yung shot.

Napangiti ako.

“Gwapo ko talaga”

Pero ang totoo, si Mikay yung dahilan kung bakit ako ngumiti.

Mukha kasi siyang masaya right now.

Sana wag niya  muna maalala si Jerome.

“Sus. Yabang!”

“Totoo kasi! Diba diba?” Sabay lapit ng mukha ko sa mukha niya para makita niya ng maayos yung itsura ko.

 

“Ihhh Gino naman eh! Lumayo ka nga! haha” Sabay tulak sa mukha ko.

“Kilig ka naman! haha”

“Weh! Bumalik ka na sa upuan mo! Hahaha”

Natatawang tumayo na ko tapos umupo na ulit sa kaninang upuan ko.

Dumating na rin yung food at kumain na kaming dalawa.

Sa sobrang gutom namin, di namin namalayan na naubos na namin yung pata tim.

Hahaha.

 

“Ah! Busog!” Sabi niya.

“Oo nga! Grabe! Sarap”

Napatitig ako kay Mikay habang umiinom siya.

Gusto ko na talagang sabihin sa kanya na ako si Gerald.

Okay kayang sabihin ko sa kanya ngayon?

“Mikay, yung tungkol sa gusto kong sabihin kaninang hapon”

Napatigin siya sakin bigla.

“Oh? Ano nga pala yun?”

Napalunok ako.

Kinakabahan ako.

I know she’ll be upset.

“I’m sorry”

“Bakit?”

“Kasi di ko agad sinabi sayo yung nalaman ko. 4 months ago, dapat magkita tayong dalawa sa prom para magkakilala. As Gerald and Ela”

She stared at me with wide eyes.

“4 months ago, may usapan tayo. Hinintay kita at dumating ka. Nagulat ako. Ikaw pala si Ela…Pero ang tanga ko mikay. Kasi itinago ko sayo na ako si Gerald”

 

“Gino, ano ba yang sinasabi mo? Pwede ba-----”

 

“Mikay I’m sorry! Nagtago ako! Nawala ako na parang bula! Natakot ako na baka magbago yung tingin mo sakin kapag nalaman mo na ako at si Gerald ay iisa! Sorry! Sorry talaga”

Hinintay kong magsalita siya pero nakatitig lang siya sakin.

“Mikay, di ko gustong ilihim sayo lahat….”

Bigla siyang uminom at tumayo.

Pati tuloy ako, napatayo.

For a moment, nakita kong napaluha siya pero pinunasan niya agad yun.

Tapos tumawa.

“Baliw ka na. Haha…tara na”

Tapos tumayo siya at dire-diretsong naglakad palabas ng restaurant.

Napayuko ako.

Ang tanga ko kasi.

Tama nga yung sabi nila.

Nasa huli ang pagsisisi.

Alam ko…naguguluhan pa si Mikay.

Siguro nagulat.

Pero once na marealized niya ang ginawa ko, magagalit siya.

Baka layuan niya na ko.

Lumapit na yung waitress nung tumayo ako.

Inabot ko na lang yung pera without asking kung magkano.

“No change” Sabi ko na lang sabay alis.

Paglabas ko ng restaurant, nakita kong nakasandal na si Mikay sa may hood.

Di na ko nagsalita, pinagbuksan ko na lang siya ng pinto ng kotse.

Sumakay naman siya without saying something.

Natatakot na talaga ako.

Kasi alam ko, I’ll face the consiquences now.

Ang sama ko ba?

Pinasaya ko siya sabay pinalungkot ko ulit?

Ayoko na kasi.

Mahirap na may nililihim ako.

Mahirap din ilihim sa isang tao ang bagay na dapat niyang malaman.

Habang nagda-drive pauwi, walang umiimik saming dalawa.

May hindi ko nga binuksan yung radio kaya nakakabaliw na yung pagiging tahimik namin.

 

“Mikay…”

Di ako nakatiis.

Gusto kong malaman yung iniisip niya.

Galit ba siya?

Malungkot?

“Bakit?” mahinang sabi niya.

“Okay ka lang?”

“Di ko alam…”

Di na ko nagsalita after nun.

I know what she meant.

Masasaktan lang ako kapag nagsalita pa ulit ako.

Pagdating sa village, itinigil ko na yung kotse sa gilid ng bahay nila.

Napansin kong nandito yung kotse ni Jerome.

At nakaupo siya sa hood ngayon.

Nakatingin saming dalawa.

Hinawakan ko bigla yung kamay ni Mikay.

She looked at me.

Surprised.

 

“Mikay, kaya mo yan” Sabi ko.

Nakita ko kasing parang naiiyak siya.

Siguro nga galit siya sakin at ayaw niya rin akong makita pero…

Di ko kayang masaktan siya ng ganito.

 

“Okay”

Kinuha niya na yung mga stufftoy tapos lumabas na ng kotse.

Ako naman, lumabas din.

Napatingin sakin si Mikay.

Nagulat yata.

Akala niya siguro ipa-park ko na yung car sa garage namin pero hindi.

Ayokong iwan siya magisa.

Baka kung anong mangyare sa kanilang dalawa.

Naglakad na si Mikay papunta sa gate nila.

Bigla namang lumapit sa kanya si Jerome.

 

“Pwede bang magusap tayo?”

 

Mikay’s POV

 

Ang kapal ng mukha niya.

Nagpakita pa talaga siya dito?

 

“Pagod na ko. Papasok na ko sa loob”

“Tinatawagan kita. Di ko ma-contact phone mo” Hinawakan niya bigla yung wrist ko.

 “Nabagsak ko phone ko. Sira siguro”

“Mellow, di ka daw umattend ng practice? Bakit?”

Di ako umimik.

Nakatingin lang ako sa gate.

Siya rin naman ah.

Para ano?

Makipagkita sa step sister ko?

Nadidiri ako sa kanya.

“Tsaka bakit mo kasama si Gino?”

Tumingin ako sa kanya nung tinanong niya yun.

“Masama? Bawal na ba kong lumapit sa ibang lalake kasi boyfriend na kita?”

Nagulat siya sa tono ng boses ko.

Siguro dahil na rin sa itsura ko.

Makiramdam naman sana siya.

Sana malaman niyang GALIT ako sa kanya.

“Hindi naman mellow. Syempre pwede pa rin pero sabay daw kayong umalis ng school. San kayo nagpunta?” Mahinahon niya pang sabi.

“Nagdate”

He frowned at that.

Finally!

“Pero----”

“Pero may boyfriend na ko. Pero boyfriend na kita. Kaya bawal makipagdate?”

“Mikay naman…”

“Ikaw lang ba may karapatan makipagdate at makipaghalikan sa iba? Huh? Pwede ba, umalis ka na! Magsama kayo ni Joyce!”

Sabay tabig sa kamay niya at takbo papasok ng gate.

“Ano? Mikay! Ano bang sinasabi mo?”

“GO TO HELL!” Sigaw ko sabay lock ng pinto ng bahay.

Nagtatakbo ako kaagad papunta sa kwarto ko.

“Hey!”

Napatigil ako nung may nagsalita bago ako makapasok sa room ko.

Paglingon ko…

Si Joyce.

“Ano!?”

“Wow! Sungit mo ah! Anong problema mo?” Tanong niya.

PAINOSENTE KA PA?

LANDE MO!

Gustong-gusto kong sumigaw sa kanya kaso biglang lumabas ng room niya si Mama.

“Uy Mikay, andito ka na pala. Bakit ginabi ka?”

Di ako nagsalita.

Pumasok na lang ako sa room ko sabay bagsak ng pinto.

Then ni-lock ko.

Tumakbo ako sa kama ko.

Tapos umiyak ako ng umiyak.

Paano nila nagagawa yun?

They’re acting as if wala silang ginawa!

Kaya siguro ang bait bait sakin ni Jerome!

Kasi siya mismo, may ginagawang iba sa likuran ko!

STEP SISTER KO PA!!

Ang sakit!!

Akala ko ba mahal niya ko?

Tapos…

Si Gino..

At si Gerald, iisa?

Wow lang!

Parang di ako makapaniwala!

Pero habang naaalala ko yung mga sinasabi niya kaninang hapon…

Sobrang nasaktan ako.

Bakit niya nilihim sakin yun?

Gino’s POV

 

“Pare, layuan mo na si Mikay” Sabi ko.

Tumingin sakin si Jerome.

“Brad, wag kang mangielam samin”

“Wag? Grabe Tol! Pagkatapos mong saktan si Mikay, tingin mo hindi ako mangingielam?”

“Ano bang pinagsasasabi mo?”

“GAGO KA! YUN YUNG SINASABI KO! KUNG TUTUUSIN, ANG SWERTE SWERTE MO NGA DAHIL NAPASAYO SI MIKAY TAPOS ANO? SASAKTAN MO LANG SIYA!”

Napasigaw na ko sa inis ko dito sa hayup na toh.

“Hoy tarantado! Wala akong ginagawa! Tsaka wag kang mangielam kasi ano ka lang ba sa buhay ni mikay? Ha? Hindi ka naman pamilya ni mikay! Epal ka!”

Lumapit ako sa kanya sabay sinuntok ko siya.

Nagulat siya kaya hindi niya ko naiwasan.

Napaupo siya sa sahig at may dugong lumabas sa ilong niya.

“Epal na kung epal pero atleast ako, hindi grabe yung ginawa ko sa kanya! KUNG MAHAL MO PA SI JOYCE EH DI MAGSAMA KAYO! HINDI YUNG SINASAKTAN MO SI MIKAY!”

 

“A-ano? Si joyce?”

Uupakan ko na siya ulit nung biglang may pumigil sakin.

Seth: “Tama na pare!”

Kats: “Ano ba toh?”

Les: “Bakit kayo nagaaway?”

JC: “Kuya tigil niyo na!”

“Bitawan niya nga ako” 

Iba siguro tono ng boses ko kaya binitawan nila ako kaagad.

Les: “Bakit ba?”

Seth: “Pagusapan niyo ng maayos”

Kats: “Hindi yung nagbubugbugan kayo”

JC: “Nagugulo mga kapitbahay”

Tinignan ko ng masama si Jerome.

“Pare, ito lang masasabi ko sayo. Kung sakaling magkaayos pa kayo, wag na wag mong sasaktan ulit si Mikay dahil sisiguraduhin kong hindi ka na makakalapit sa kanya. Aagawin ko na siya sayo!”

Lintek!

Nagiinit dugo ko sa pagmumukha niya!

Seth’s POV

 

 

“Pare, grabe naman pala yang Jerome na yan. Dapat di ka na namin pinigilan”

  

Kinuwento kasi samin ni Gino lahat-lahat.

Astig nga eh!

Di naman siya masyadong open sa tropa dati.

Pero ngayon, lahat sinasabi niya.

Ultimo brand ng brief niya, nalaman ko na.

Hinde joke lang. HAHAHA.

Katsumi: “Pero pare grabe si joyce”

Lester: “Hanggang ngayon? Wow lang!”

JC: “Akala ko maayos si ate Mikay at Jerome, di pala”

“Eh tarantado nga kasi yung hayup na yun. Inaalala ko tuloy si Mikay. For sure iyak yun ng iyak. Ayoko namang puntahan dahil alam kong, baka isa ako sa iniiyakan niya. Tingin ko, masama din loob niya sakin” Sabi ni Gino.

“HAHAHA Masama talaga loob nun sayo!”

Katsumi: “Tawa pa seth!”

Lester: “Saya mo masyado!”

JC: “Imba!”

Si Gino umiling na lang.

“Sana lang…maging okay na siya. Dapat siguro di ko muna sinabi yung tungkol kay Gerald at Ela. Eh di sana ngayon, ka-chat ko siya. Napapagaan ko loob niya”

Tinignan ko ng masama si Gino.

“Tanga ka? Pare, pag okay na siya, tsaka mo sasabihin? Eh di kawawa naman yung tao. Doble doble yung sakit na mararamdaman. Okay na yung ginawa mo. Atleast isang bagsakan. Kung may iiyakan man siya, yun ay dahil kay Jerome at Joyce”

Katsumi: “Naks Sed! Words of wisdom!”

Lester: “Ikaw ba talaga yan?”

JC: “May utak ka pala! WOW!”

Binato ko nga ng unan itong mga mokong na toh.

 

“Makapagsalita naman kayo akala niyo kayo merong utak! Nangarap pa kayo!”

Nagtawanan kaming apat.

Pero tumigil din kami nung napansin naming di natawa si Gino.

Parang ang lalim ng iniisip niya.

Nakatitig lang siya sa cellphone niya.

 

“Brad, magiging okay din yan” Sabi ko.

Katsumi: “Onga pare! Kaya yan ni mikay!”

Lester: “Gusto mo kami magpagaan ng loob niya?”

JC: “Kaya namin yun”

Tumingin siya samin.

“Ano?”

Me: “Kung sakaling galit siya sayo at kay Jerome, malamang dapat di niyo muna siya lapitan”

Katsumi: “Give her chance to think”

Lester: “Pero kami, pwede naming siyang lapitan”

JC: “Para pasayahin siya!”

 

“Gagawin niyo yun?”

Me: “Pare, tropa nga diba?”

Katsumi: “Tulungan dapat!”

JC: “Nagkakaisa!”

Lester: “At share sa girlfriend!”

Natawa kami sa sinabi ni Les.

“Tado ka pare! May balak ka palang iba!” Tawa ng tawa kong sinabi.

Katsumi: “Naku, wag mong subukan Les. Magiging tigre si Gino”

JC: “Walang talo-talo! Tropa nga diba?”      

Gino: “May girlfriend ka na pare! Tama na ang isa!”

 

Natawa si Lester nun.

“Oo naman! Faithful kaya ako! Hahaha”

 

“Basta mga brad, kayo muna bahala kay Mikay habang galit pa siya sakin. Ramdam ko kasing galit siya”

Biglang sumeryoso si Gino.

Ang complicated naman kasi ng lovelife nito.

Dun pa nagmahal sa may boyfriend na dating single pero di niya pinormahan.

@_@

Dindi’s POV

 

“Kiko, galit yata si Ate sa kuya mo”

Andito kasi kami sa garden.

Narinig namin lahat.

Pati away nila Kuya Gino.

May kinalaman kay Ate Joyce.

Tsk.

Ano naman kasing ginawa nung babaeng yun?

 

“Kaya nga eh. Malay mo naman, misunderstanding lang”

“Siguro may ginawa yang si Ate joyce at Kuya Jerome na ikinagalit ni Ate Mikay. Ano kaya yun?”

“Pero kilala naman natin si Kuya. Di naman yun babaero…”

“Eh diba, ex niya daw si Ate Joyce? Malay mo naman mahal niya pa”

“Alam mo dhie, wag ka na mamroblema diyan. Relationship nila yan. Sila din ang dapat umayos niyan”

“Oo nga khie, pero nagaalala lang ako kay Ate…”

Dhie and Khie kasi tawagan namin.

Dhie kasi DIndi.

Khie kasi KIko.

Haha.

“Yaan mo Dhie, kakausapin ko si Kuya”

Niyakap ko na lang siya.

“Thanks”

“Wala yun…”

 

“Ikaw ah! Promise mo sakin, di mo ko papalitan!”

“Naman! Ikaw papakasalan ko eh!”

Sabay ngumiti siya sakin.

Mga lalake kasi, iba ang sinasabi sa ginagawa.

Not that I doubt kiko.

Si Kuya Jerome ang iniisip ko.

Sana hindi niya niloko ang ate ko.

Ella’s POV

 

“Honey, tingin mo? Okay lang kaya sila Ate Mikay?”

Andito kami ngayon sa bahay ni Francis.

Nagtext kasi si Dindi.

Mukhang may nangyare yatang away sa bahay.

“Sana…Ay Bee, oo nga pala. Date tayo bukas ah!”

Napangiti ako bigla.

Did I mentioned na HONEY-BEE ang tawagan namin?

Yeah. We’re sweet. Haha.

 

“Oh? Bat naman?”

“Anong bakit naman? Kailangan ba ng occasion? Diba pwedeng ilabas ko paminsan-minsan ang girlfriend ko ng walang dahilan?”

I smiled.

Ngayon na lang kasi kami nakakalabas ng hindi nagtatago.

Before, takot akong aminin kay Papa na may boyfriend ako.

Dahil na rin kay Ate Joyce.

Ayaw niya pa kong mag-boyfriend.

Pero nung naging family na namin si Ate Mikay, Dindi at Mama Stella.

Lumakas yung loob ko.

Ayun, napakilala ko kay papa at sa pamilya si Francis.

Tapos naging official kami.

Nakakatuwa nga kasi, maipagmamalaki ko na siya.

Maipagmamayabang ko na sa mundo na boyfriend ko siya.

Ang saya lang.

“Sabi ko nga diba? Di na kailangan ng reason haha”

“Mahal na mahal kita Ella”

I smiled at him.

I feel like I’m floating inside everytime he said those words.

“I love you too. Let’s stay forever okay?”

Hinawakan niya bigla kamay ko.

“Forever”

Mikay’s POV

50 missed calls from Jerome.

Sa totoo lang, di naman talaga sira yung phone ko.

Na-low batt lang kanina pero nung chinarged ko at inopen ko…

Sunod-sunod na yung pagtawag ni Jerome.

Why is he even  bothering me?

Shouldn’t he be happy na nalaman ko na yung tungkol sa kanila ni Joyce?

He could break up with me then be with her.

Why is he making things complicated?

If he still loves Joyce, then he should leave me alone.

Hindi yung ginugulo niya pa ko at pinapaasang mahal niya pa ko.

Alam ko, ex-girlfriend niya si Joyce at may pagasa talagang bumalik ang feelings niya kay Joyce.

“Stop calling me please” Sabi ko na lang habang nakatingin sa phone ko.

Punong-puno na rin yung inbox ko sa mga text message niya.

Let’s talk please.

Ayusin natin ito.

I love you.

Mikay please.

Puros ganyan ang message niya.

Naiyak na lang ako.

Naguguluhan na kasi ako.

Mahal niya ko pero niloko niya ko?

Bakit?

 

*sniff*

 

Dinelete ko na yung inbox ko.

Ayokong mabasa lahat ng yun.

Biglang nag-vibrate phone ko.

New message received from Gino.

I stared at it.

Isa pa toh.

Siya pala yung matagal ko ng ka-chat tapos nilihim niya pa?

Bakit di niya sinabi?

Dahil natakot daw siya?

Unfair.

Di ko alam kung bakit pero I opened his message.

From Gino.

3:00 am.

 

I know you’re mad at me and I understand that.

I just hope you’re not crying right now.

Sana tulog ka na.

 

I’m sorry.

Gising din siya?

At iniisip niya ko?

Bakit?

Baka naman nakokonsensya kasi siya dahil sa ginawa niya sakin.

I wanna be angry at you Gino.

Pero why do I feel like…I’m not angry.

Like I’m just mad at you.

Na para bang nagtatampo lang ako kasi di mo sinabi kaagad sakin.

Na maraming dapat nangyare na hindi nangyayare ngayon kung sinabi mong ikaw si Gerald.

Honestly, nagulat ako.

Kasi kahit kelan, di ko inisip na ikaw yun.

Pero ngayon, naaalala kong ikaw nga talaga si Gerald.

Nagtugma lahat ng kwento mo sa pagkatao mo.

Medyo natawa ako bigla.

“Di nga yata ako galit sayo. Bakit ganun? Paano mo nagagawa yun?”

Tapos bigla ulit akong napaiyak.

Baliw nga siguro ako?

Tatawa tapos iiyak.

Pero may narealized kasi ako.

Siguro kung 4 months ago, hindi lumayo si Gino at nagpakilala siyang siya si Gerald, siguro maco-compare ko na talaga yung feelings ko sa kanya at kay Jerome.

Oo, mahal ko naman si Jerome.

Pero tingin ko lang…

Hindi siya pipiliin ko kung sakali.

Dahil sa thought na yun, napaiyak lalo ako.

Bakit ngayon ko lang narealize ito?

May nararamdaman din pala ako kay Gino..

Noon pa.

Kaya siguro hinayaan ko siyang halikan ako nung prom.

Kaso binalewala ko yung feelings na yun dahil binalewala niya rin ako.

 

“Maduga ka kasi Gino. Dapat sinabi mo agad” Sabay punas ko sa mga luhang pumapatak.

Di naman sa sinisisi ko siya pero siguro kung nalaman kong siya si Gerald, at naging kami…

Di ako masasaktan ng ganito.

Minahal ko na rin kasi si Jerome.

Di naman ako iiyak kung di ko siya mahal.

Pero totoo pala yun?

Akala ko sa mga movies lang yun.

May mga tao pala talagang nagmamahal ng dalawang tao.

Oo.

Mahal ko si Gino.

Di ako magdedeny kasi yun ang totoo.

Kaya masaya ako kapag kasama ko siya.

Madali akong tumawa…at kahit na may boyfriend na ko months ago, iniisip ko rin siya.

Kasi nga mahal ko siya.

Pero mahal ko rin si Jerome.

Nadevelop siguro yung feelings na yun dahil sa pinagsamahan namin.

Sa mga bagay na ginawa niya para sakin.

At siguro ganun din si Mome.

He loves me…and joyce.

He loves me dahil na-attract siya.

At dahil dun niligawan niya ko.

Minahal niya ko dahil nakilala niya ko.

Pero mahal niya pa rin pala yung ex niya.

Hindi pa pala siguro nawawala yung feelings niyang yun for Joyce.

------------------------------------------------------------------

Sana…DALAWA ANG PUSO KO…Hindi na sana….charot.

Haha leche. Kumanta bigla si author!

Pagpasensyahan, sintunado! HAHAHAHA

Pero atlast, narealized na ni Mikay! She loves Gino and Jerome!

Pero ang tanong, SINO ang mas mamahalin niya? Haha.

Tanong ko lang, nagmahal na ba kayo ng dalawang tao?

Malamang tao. Alanga naman, bagay. Haha.

Continue Reading

You'll Also Like

112K 3K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
279K 900 2
(Action&Romance) (Completed) Vera's mission is to bear a CEO's kid to gain power and money. What if she bed the wrong guy? On top of that, she slept...
6.7K 301 7
"Hindi ka ba makatulog? Gusto mong patulugin kita? Habangbuhay..." ________________________________ All Rights Reseved Lena0209 July2015
179K 776 4
Also available in Dreame. Former Ways To Break a Bad Boy's Heart Quency Ezrai Santos is not a bad bitch. She just fell in love with the wrong man who...