I Love You, Karibal (EXO)

By Yeolnee143

1.5K 74 33

Meet Lacey/Ace Fierro, ang that's my TOMBOY ng Northvale High School, na pinagkakaguluhan ng mga kababaihan... More

I Love You, Karibal
Chapter 1: Meet Ace :)
** IMPORTANT NOTE **
** IMPORTANT NOTE **

Chapter 2: Kai Silvestre

359 19 8
By Yeolnee143

II.

___________________

"Ah okay" tanging sagot ko sa kanya tsaka ako tumayo


Masasabi ko na new student siya rito kasi ngayon ko lang nakita 'yung mukha. Honestly, I don't feel him. He looks like a bad boy and feel ko magdudulot lang siya ng hindi maganda sa school



Isa pa, para siyang isang malaking banta sakin. Hindi ko alam kung sa kagwapohan ba o sa pananamit. Basta- hindi ko alam kung san' banda



"Ikaw? Anong pangalan mo?" tanong niya habang inaayos 'yung buhok niya


"You don't need to know" I answered at akmang aalis na nang muli siyang magsalita



"Ang daya mo naman! Ikaw tinanong mo pangalan ko at sinabi ko naman sayo, Eh ikaw-"



"Ace, Ace Fierro. Tss! Ang drama mo naman" I answered. Akala ko titigil na siya since nakuha na naman niya 'yung pangalan pero hindi pa pala



"Ace? Yan talaga pangalan mo?" tanong niya ulit. I find it annoying dahilan para lumingon ako sa kanya pero sana pala hindi ko nalang ginawa 'yun. Paano ba naman kasi, pagharap ko ay mukha niya kaagad ang bumulantang sa harap ko



Our eyes met in gazed and our face are just an inch apart dahilan para makita ko ng malapitan 'yung mukha niya. I admit it, he's handsome, matangos ang ilong at singkit ang mga mata pero mas pogi talaga ako sa kanya XD



I went back on my senses when he smiled at me. "Hoy!" I yelled saka siya tinulak palayo. "Ba't ba ang dami mong tanong? I told you its Ace, mahirap bang intindihin 'yun?" sigaw ko ulit sa kanya



"Hey chill! Ganyan ba kayo mag welcome ng new student?" he asked and I just shot him a glare, a deadly glare to be exact


"Whatever!" I shouted at saka ako umalis na ng tuluyan. Tsk! Nakakainis talaga 'yung lalaking 'yun ah! Bad mood na nga 'yung tao eh, pinapalala pa. Aissssh! Amp**a



Kinuha ko 'yung cellphone ko at laking gulat ko ng makita ang 15 missed calls. Dalawa galing ky Kuya Lance and the rest was from Alexa. I texted Kuya Lance that I'm okay and I called him dahil sinubukan ko lang kung may load pa ako. Tsk! What a lame reason. I'm such a liar though


Suddenly, I received a text from Alexa **


From: Boo ;*

Hey Ace! I already ate my lunch. Where are you boo? You're not answering my calls. Im worried now -,-



This is the reason why I'm attracted to Alexa. She's a nice girl. Super caring, mabait at higit sa lahat maganda pa. Minsan nga, napaisip ako na, Alexa was too perfect for me and I don't deserve her. I mean, hindi siya bagay sakin kasi she's the type of a girl which a man needs but I can't let her go, I need her. I need her in my side

To: Boo ;*

I'm sorry boo. Don't worry about me bc I'm fine. Nakatulog lang ako that's why I missed your calls ;3


✔ sent



"Uyyyy!" Muntik kong maitapon 'yung cellphone ko 'nung marinig ko bigla ang boses niya sa likod ko



"Gago ka! Ba't mo ko ginulat?" Uuugh, nakakainis talaga siya. Feeling close ng p*ta



"Ay! Nagulat ba kita? Sorry, akala ko kasi hindi ka magugulat" saad niya habang nakangisi. Like duuuh~ akala niya siguro madadala niya ako sa charm niya. Tss~ as if naman, maliban nalang kung babae siya



"Gago ka pala! Sino ba ang hindi magugulat 'nun eh bigla ka nalang nagsasalita dyan sa likod ko" inis kong sagot sa kanya pero tinawanan niya lang ako


"Bakit ka tumatawa?" inosente kong tanong



"Ang cute mo kasi eh para kang babae" sabi niya with matching smile, pero parang may problema sa sinabi niya, parang babae?


"What did you say? Parang babae?" I queried


"Oo parang babae- Wait! You're gay right?" sabi niya dahilan para dilatan ko siya ng mata. Seriously? All this time, akala niya bakla ako? Tangina, mukha ba akong bakla?



"Whaat the f*ck! Hindi ako bakla!" sigaw ko sa kanya. Tapos nag'peace sign siya sakin. Letse talaga siya. Uuuugh



"Hindi ka bakla? Eh ano ka? Oh! You're le-"



"Lesbian!" saad ko. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang siya naman ay sunod ng sunod sakin. Tss~ para siyang linta



"Oh! Actually, kanina sa rooftop akala ko lalaki ka talaga kaso 'nung nagsalita ka, nagduda na ako kaya nilapitan kita. Sakto naman na humarap ka sakin kaya mas naliwanagan ako na, bakla ka or kung hindi man gay ay lesbian" sabi niya habang nakasunod pa rin



Nang makarating ako sa may cafeteria ay agad akong umorder ng pagkain, tapos laking gulat ko 'nung binayaran niya 'yung mga order ko



"Hoy! Kaya kung bayaran 'tung mga pinamili ko" sabi ko sa kanya habang kumukuha ako ng pera sa bulsa ko



Lumingon siya sakin at nag'smile ulit. "You're welcome" sabi niya

"Tss! Bahala ka!" sigaw ko tsaka naghanap na ng mauupuan. "So, ano ba talaga ang real name mo?" tanong niya ulit



Akmang magsasalita ako 'nung may dalawang babaeng bumati sakin. "Hello Ace!" sabay nilang bati at agad naman akong nag'smile sa kanila, then napansin ko na pagkatapos kung mag'smile ay lumanding 'yung mga mata nila kay lalaking bwesit na feeling close sakin



Pagkatapos 'nun ay umalis na sila at umupo sa likuran ko


Sino kaya 'yung kasama ni Ace?


Oo nga. Sheeemz! Ang gwapo niya bes


Oo nga. New student kaya siya dito sa Northvale?


Hmm~ siguro


Iyon 'yung narinig kong kilig na kilig na conversation ng dalawang babae sa likod ko. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng galit dahilan para mawalan ako ng gana sa pagkain


Agad akong tumayo at naglakad ng diretso, narinig kong tinawag niya ako pero hindi ko siya nilingon


Kai's POV

"Ace! Ace!" paulit'ulit kong sigaw sa kanya pero hindi niya talaga ako pinansin. Tss~ siguro nainis na siya sakin kaya umalis na


Anyway, ako nga pala si Kaizer Louis Silvestre but they usually call me Kai. College na sana ako ngayon kaso natigil ako sa pag'aaral when I was in Elementary due to financial problems. Na bankrupt kasi ang company namin at na'depress si Dad dahil dun pero after a year, nakarecover din kami because of my Aunt



I transfered here in Northvale dahil sa kagustuhan ng parents ko. Medyo malayo rin kasi 'yung dati kong paaralan sa bahay namin



"Hey!" malanding bati sakin 'nung babae na kanina ay bumati rin kay Ace



Ngumiti lang ako sa kanya pero laking gulat ko ng tumabi silang dalawa sakin. "Dito ka naba sa Northvale mag'aaral?" tanong nung isang babae at tumango lang ako sa kanya



"So, what's your name?"


"Kai" I answered



"Hello Kai! I'm Sasha and this is my bestfriend Katrina. Nice to meet you" she said



"Same" maikli kong sagot sa kanila


"Alam mo you-"



"Ahm~ can I ask you something?" I asked then she smiled. "Do you know Ace?" I asked



"Ofcourse. He's- I mean she's popular here in our school. Maraming babae rin ang nagkakagusto sa kanya kahit na tomboy siya" she answered. Ah kaya pala



"I thought your friends. Hindi pala?" tanong naman 'nung girl na nagngangalang Katrina



"Bes, we all know na walang kaibigan na lalaki si Ace because they all hate her" saad naman ni Sasha


"Ah, hindi pa talaga kami friends pero dun rin naman ang punta namin" I said and smiled at them. "Ano nga pala ang real name niya?"


"Lacey Olivia Fierro"

Ace POV


Pagkatapos ng klase ay nagpasya muna kaming mamasyal ni Alexa sa mall at doon na rin kumain ng dinner. Wala rin kasi akong ganang kumain ng dinner sa bahay kasi for sure si Kuya Larry at Daddy ang makakasabay ko. Late kasing uuwi si Kuya Lance ngayon.

"Alexa, nandyan na 'yung driver mo. Goodbye" I said and gave her a smile



"Goodbye boo! I enjoyed this night" sabi niya at pumasok na siya sa sasakyan nila



Maya'maya ay dumating na rin si Manong Ervin at laking gulat ko na nandun si Kuya Larry

"What are you doing here?" tanong ko 'nung makapasok na ako sa sasakyan


Ngumisi muna siya at agad nagsalita. "Bakit? Hindi ba pwede. This car isn't yours, wag kang feeling" saad niya



Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong mag'aaway lang kami



"I saw you and Alexa together" he said then he looked at me. "Maghiwalay na kaayo kasi wala rin namang patutungohan ang-"



"Walang kami" I cut him off and shot him a glare



"So, ano kayo? Friends with Benefits?" He queried



"Kuya ano bah-"



"Kadiri ka Lacey, pumapatol ka ng kapwa mo babae. Tss! Nakakahiya ka talaga!" sigaw niya sakin. "You're a shame" dagdag niya, ramdam ko ang matinding kirot sa puso ko dahil sa sinabi ni Kuya pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak



Pagkarating namin sa bahay ay agad akong pumasok sa kwarto ko. Pagkatapos ay naghilamos ako at nagbihis. Medyo nabawasan na rin 'yung naramdaman kung hinanakit kanina



Nag'facebook muna ako at laking gulat ko 'nung makita ko ang pangalan niya



Kai Silvestre sent you a friend request


MYGHAAAAD! Hanggang kailan niya ba talaga ako tatantanan. Jusko!

Agad kong pinindot 'yung IGNORE at pinagpatuloy ko nalang 'yung pagbabasa sa mga notifications ko

Maya'maya namay lumitaw na naman ang pangalan niya sa Chatbox ko


Kai Silvestre: Uyy! Accept mo na friend request ko :)


Ace Fierro: Ayokong makipag'friend sayo!!!


Kai Silvestre: Grabe ka naman. Huhuhu ㅠ.ㅠ


Ace Fierro: Kpag ba ina'accept ko titigil kna sa pangungulit sakin?


Kai Silvestre: Oo? :)


Agad kong tiningnan 'yung friend request ko at nandun nga ulit ang pangalan niya. I then click, ACCEPT


Kai Silvestre: Thank you Lacey ;D


WAIIITTTT! Lacey? Paano niya nalaman eh, Ace ang pangalan ko sa facebook


Ace Fierro: Lacey? How did you know my name?

Kai Silvestre: Let's just say na, niresearch ko 'yun sa Google :p


Ace Fierro: Grabe! Ganun ka talaga ka interesado sa pangalan ko at niresearch mo pa?!


Kai Silvestre: Oo? Well, hindi lang naman sa pangalan mo. Actually, I want to know more about you Lacey Olivia Fierro :)


** TO BE CONTINUED **



Hello! Sorry kung lame 'yung update :3 Anyways, thank you pa rin sa pagbabasa :)


Vote at mag'Comment naman kayo para ma'inspire si Author :D

Continue Reading

You'll Also Like

185K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
1.2K 93 20
Maria Nicolette Vergara is a famous idol and known as a short tempered person. Jhoanna Christine Robles is a blind girl and she idolize Colet's group.
1.1K 271 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
9.3K 286 18
AshMatt fanfic