Twenty two- Horse back riding
Liam's Pov
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kagabi.
Grabe pala magalit ang isang Liam Monte Carlo.
Nakita ko din ang gulat sa mga mata ni Scarlett.
Haha. Nawala ata ako sa sarili ko.
"Hoy Mr. Monte Carlo. Why so quiet?"
Tinawag ako ni Alodia.
"Ahehe. Wala po Ms. Casafierre." with matching smiley.
"Nathan san ba tayo pupunta? Ikaw lang naman kasi itong nagaya."
"Basta. Surprise nalang siya."
"Ay ewan ko sayo! Ang hilig mo sa mga surpresa." sabay binatukan siya ni Jaden.
"Araaaaaay."
15 minutes na ha.
Wala parin kami sa pupuntahan. Parang ang layo naman ata nung place.
"Wow. Ang ganda ng horse back riding oh." tinuro turo pa ni Scarlett.
"Ngayon mo lang nakita yan?"
"Ngango! Hindi no. Sawang sawa na nga ako mag bakasyon dito sa baguio eh."
"Edi sana di kana sumama. Yun lang naman pala eh."
"Ang init init kaya sa QC. Lamig lang naman habol ko here eh."
Hinawakan na ni Nathan yung handbreak.
"Ay sa wakas. Andito na tayo."
Isa siyang malaking field na paikot sa buong village well kaonti lang din ang mga bahay na nakikita ko.
"Ano gagawin natin dito?" tanong ni Heidi kay Carven.
"Don't know." sabay tinaas niya yung balikat niya.
"Guys. Follow me!"
Pumunta kami sa isang barn.
At andoon lahat naka stock yung mga kabayong alaga ni Nath.
"Remember?"
"Oo pare! Sayang wala pa si Jaden nun."
"Haha. Wala pa nga eh."
"Meron ditong excatly 9 horses na alaga ko. Feel free na pumili kung anong sasakyan niyo at kunin niyo nalang yung saddle sa kwartong yun 12 naman yun eh."
Isa isa kaming kumuha ng sari-sarili naming kabayo.
I picked a Black Thoroughbred.
Siya si Fraser. Inalagan ko din to nung mga times na madalas kaming pumunta dito.
Gladly, maayos pa naman ang condition niya.
Nakita ko si Scarlett na nakasakay sa isang White Lipizzaner.
"Masyadong matangkad yan. Di ka ba maa-out balance?"
"Heloooo. I've been racing horses with my dad since I was a kid so to be exact marunong ako nito."
"Sorry. Well, her name is Heart."
"Ohh. Ang ganda niya no?"
"Yep!"
Parang ikaw lang.
"Game! Let take out these horses." -Nath
Pinatakbo na namin yung mga kabayo at si Scarlett ay nag insist na mag race daw kaming lahat since lahat naman daw ay marunong mag handle.
"Hyaaaaaaaah!"
"Woooohooo!"
Nakakamiss pala ang ganito sabay kasama mo pa yung babaeng gusto mo.
Nathan was handling Cyclone.
Tas kay Jaden ay si Athena.
Kay Gavin si League.
Kay Alodia si Cupid.
Kay Carven si Dredd and kay Heidi si Blu.
Guess what. Natalo pa kami ng isang babae sa race.
Scarlett won! -_-
Alodia's Pov
"Whew. Nakakapagod and at the same time ang saya mag horse back riding."
At this time pa-uwi na ulit kami since napagod ata sila sa activity namin kanina.
Well, twas fun naman tas ang cute pa ng nga horsey.
"Yea. Next time na ulit niyo yan makikita." -Nath
"Kung pede lang mag uwi sa QC ginawa ko na eh." -Heidi
"I know right." -Scarlett
Nag apir pa sila ni Heidi.
"You tired?" -Gavin
"Kasasabi lang kanina diba."
"Taray mo nanaman ha."
Ay! Papakiligin nanaman ako ni Mr. Royale. :""">
"Hahahaha. Ganyan talaga eh."
"Gusto mag rest sa shoulders ko?"
"No thank you."
Nag pout siya. :x
"Ok."
Wow! For the first time ngayon lng siya di nagpilit.
Maya maya. Hinawakan niya yung ulo ko at inilalapit sakaniya.
"Sigi naman na oh. Rest on my shoulders. Please."
"Ang kulit. Sabi ngang ayoko eh."
Lahat sila ay nagtatawanan na dahil sa kalokohan nanaman ni Gavin.
"Dali na Alodia."
"Ayoko."
"Wag na kasing mapili Gavin." -Carven
Oo. Tama tama.
"Bahala ka nga diyan kung ayaw mo. Ayoko na."
Hala. Nag tampo ang loko.
What do he mean na ayaw na niya? Yung pagiging MU namin?
Yung pagiging sweet? Yung pagiging makulit sa isa't isa? Yung mukhang kami pero di naman? Lord! Wag ganun. Pag antayin niyo pa siya ng kahit onting oras promise makakamit na niya yung matamis kong OO. Ayokong pagsawaan ako ng mahal ko. Konting effort pa Gavin Royale. Swear! Tayo na.
Nagpapakipot lang naman ako ng konti eh. -_-
Ala naman! Wag kang umayaw. Never give up nga daw diba. Aja aja fighting.
Paano pa papabain ang sumpong nitong loko na to?
Maging sweet ako.
Well kung tutuusin. Turn ko naman maging sweet sakanya.
Alam kong isa siyang cassanova. Medyo di pa ako sure kung seseryso siya. Nakakatakot kasi siyang mahalin.
Full package deal na yang si Gavin eh. Sayang naman kung papakawalan ko diba.
Hayy kung sa bagay. Namimiss ko na ang pagiging sweet sakanya.
Tinignan ko siya at naka-lean siyw doon sa may bintana. Pinagmamasdan yun view.
Unti -unti kong ibinaba yung ulo ko sa balikat niya.
"I'm tired."
Ngumiti lang siya at inikot niya yung kamay niya sa waist ko without saying any word.
Okaaaaaay. Eto nanaman akong kinikilig kilig ng todo!
Pinikit ko mga mata ko at natulog nalang sa shoulder niya.
Plus, nakangiti pa ko. Yung kinikilg na ngiti.
Ikaw ba, mahawakan ka sa bewang ng lalakin mahal mo di ka ba kikiligin.
Lalo na kung isang Gavino Royale ang hahawak niyan. Baka mamaya di ka makatulog sa sobrang kilig vibes.
Ooops! Walang aagaw sakanya. Akin lang siya. Gets? :"""">
A/N
END OF THIS CHAPTER NA.
AYAN HA! PINAKILIG KO NANAMAN KAYO SA ISANG AL-VIN MOMENT. :"'">
EH KAHIT NAMAN KASI AKO KINIKILIG DUN SA DALAWANG YUN. IKAW BA NAMAN MAKA-EXPERIENCE NG GANYANG SITUATION. WHOOOOO.
ANYWAYS, KEEP ON VOTING THIS CHAPTER AND THE FULL BOOK.
LEAVE SOME COMMENTS DOWN BELOW THE COMMENT BOX AND JUST SUPPORT MY STORY.
HINDI BA ITO TAPOS AND MAGPAPABASA PA AKO SA INYO NG MGA KAKILIG NA CHAPTERS. EXCITING NA CHAPTERS. NAKAKA-IYAK NA CHAPTERS. MGA FULL REVELTION MODE! BASTA ANTAY ANTAY LANG AT SUPPORTAHAN NIYO PARA DI AKO TAMARIN MAG SULAT.
TO SEE MY STORY ON FULL READS AND FUL VOTE AND A FEW COMMENTS REALLY MAKES ME BETTER THAN EVER.
ACHIEVEMENT YUN EH! SO GOODLUCK AND TOOOOOODLES! -MENGCHIIIIIII