His BABYsitter (Complete)

By Eilramisu

7.5M 71K 3.5K

On-going revision.... More

Prologue
One
Two
Three
Four
*Private Chapter*
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
*Eleven*
*Twelve*
*Thirteen*
*Fourteen*
*Fifteen*
*Sixteen*
*Seventeen*
*Eighteen*
*Nineteen*
*Twenty One*
*Twenty Two*
*Twenty Three*
*Twenty Four*
*Twenty Five*
*Twenty Six*
Babysit ~ Twenty Seven
Babysit ~ Twenty Eight
Babysit ~ Twenty Nine
*Special Chapter*
Babysit ~ Thirty
Babysit ~ Thirty One
Babysit ~ Thirty Two
Babysit ~ Thirty Three
Babysit ~ Thirty Four
Babysit ~ Thirty Five
*Special Chapter*
Babysit ~ Thirty Six
Babysit ~ Thirty Seven
Babysit ~ Thirty Eight
Babysit ~ Thirty Nine
Babysit ~ Forty
Babysit ~ Forty One
Babysit ~ Forty Two
Babysit ~ Forty Three
Babysit ~ Forty Four
Babysit ~ Forty Five
Babysit ~ Forty Six
Babysit ~ Forty Seven
Babysit ~ Forty Eight
Babysit ~ Forty Nine
Babysit ~ Fifty
Epilogue

*Twenty*

130K 1.2K 41
By Eilramisu

Lumabas si Ate Claire at si Hanzen. Siguro naramdaman nila na may importante kaming dapat pag usapan ni daddy. I know it's not appropriate to talk some serious matter with dad's situation? May sakit siya eh. Pero kailan pa? Minsan may mga dapat talagang pag usapan kahit wala sa tamang oras at panahon.

"Bago mo sagutin yung tanong ko sa'yo. I-explain mo muna sakin kung sino yung kasama mo."

"Dad!"

"I'm waiting, young lady." Alam ko naman na di papatinag to si daddy. Sa kanya ko ata nakuha ang katigasan ng ulo.

"H-he's Hanzen. Hanzen Miguel Monteverde."

"Monteverde. Sounds familiar."

"He's the president of Monteverde Shipping Line, and Monteverde Royale Inc." Si daddy naman tumatango tango lang.

"Tell me more about him princess." I just sigh in defeat.

"He's 26. Too make the story short, he's my employer."

"You worked for him? Alam ba nila o ng company nila ang tungkol sa mga ads?"

"He does. Pero hindi naman ako nag ta-trabaho sa company nila eh." Napayuko ako, nahihiya kasi ako eh. Dean's lister kasi ako nung nag aaral pa ko. Pero sa pagiging yaya lang ang bagsak ko. Pero, thankful ako kasi nakilala ko si Hanzen.

 "Then where?"

"I'm his babysitter."

 "BABYSITTER? Jusmiyo, Maria. Hindi ka nag aral para maging babysitter."

"Hindi rin naman ako nag aral para mag asawa lang kaagad." Natigilan siya. Nakita ko ang lungkot sa mukha ni daddy nung sinabi ko yun. May tampo pa rin ako sa kanila, kahit na okay na kami.

"Ciara... alam kong ang laki ng kasalanan ko sa'yo. Pero sana, mapatawad mo na ko sa pag ma-manipulate ko sa buhay mo. Sana pakinggan mo muna ko."

"Kaya nga po ako nandito ngayon para makinig sa inyo. Kasi kailangan niyo talagang mag paliwanag sakin! Bakit daddy? Bakit gusto mo kong ipakasal agad? Wala ka bang tiwala sa kakayahan ko na makapag trabaho sa company natin? Kailangan ba magna cum laude ako gaya ni ate, para makapasok sa mundo niyo? Ganun na ba kabigat ang tingin niyo sakin kaya gusto niyo na kong ibigay sa iba? Kulang pa ba lahat ng achievements ko? Hindi pa ba ko maihihilera kay ate?"

"Kia... hindi ganon anak..."

"Kung hindi, ano? Nag hihirap na ba ang tayo? Bagsak na ba ang negosyo natin kaya kailangan niyo kung ipakasal kay Jorgen? Gusto niyo bang makipag merging sa kanila?!"

"Ciara, without anyone's company, kayang kaya ng kumpanya natin na makipagsabayan globally. Hindi kita gustong ipakasal para lang sa merging. Nung napag desisyunan namin ang kasal, hindi sumagi sa isip namin ng mommy mo ang kalagayan ng kumpanya. Gusto ko lang naman na... na may mag po-provide ng pangangailangan mo ng hindi na nag tatrabaho. Ikaw ang prinsesa ko, Kia. Ayaw kong uuwi ka ng late dahil nag over time ka sa kumpanya. Ayokong mapuyat ka sa pag gawa ng presentation. Ayokong malipasan ka ng gutom dahil sa mga paperworks na nakatambak sa table mo. I wanted to spoil you in every way you want. Pero, na-realize ko na, you've grown up. Sa pag ma-matured mo, naiwan ako. Hindi ako nakasabay. Sorry for everything, princess."

Naiyak lang ako sa sinabi ni daddy. Naaalala ko nung nasa grade school pa lang ako, pag nag ta-tantrum ako, grabe talaga. Siguro nasa grade two ako nung nagising ako ng madaling araw. Sinumpong talaga ko nun ng sobra. Nung nag iiiyak ako, nagmamadaling pumasok si daddy sa kwarto, may dalang baseball bat, tarantang taranta siya nun. Akala niya kasi may mag nanakaw, bigla na lang akong nag sisisigaw ng ice cream. Pinapatigil ako ni mommy, kasi nambulahaw pa ko para lang sa ice cream. Hindi na daw ako toddler. Nag kataon pa na naubos na yung stock namin na ice cream sa ref. Sarado pa ang mga groceries, kasi nga madaling araw pa lang. Hindi nila ko mapatigil, kaya naman kinuha ni daddy yung susi ng kotse sa kwarto nila at umalis kaming dalawa. Buti merong ibang 24 hours na mini groceries, pero malayo pa sa village namin. Kaya nakabalik kami, sikat na yung araw. Hindi na nga nakapasok si daddy nun sa company kasi napagod siya at puyat na din. Bumili na nga din siya nun ng ilang gallon ng ice cream eh.

Dahil ang siba ko sa ice cream, namaga yung tonsil ko. Inaway pa ni mommy si daddy, dahil pinabayan akong kumaen lang ng kumaen. Na-confine pa ko nun sa hospital, kaya sorry ng sorry sakin si daddy habang umiiyak. Hindi pa kami gaano ka close nun ni ate Claire, may time nga na kinurot ko siya, ginantihan ako, tapus nag iiiyak ako, pinagalitan agad siya ni daddy. Naawa ako sa kanya, kaya nag sorry ako. Dun din kami naging ultimate bestfriend.

"Dad, I won't promise that I'll return. I'll consider it, maybe. But not now, and if it's gonna happen, I have two conditions."

 "Anything, Ciara."

"Second is, I wanted to work in our company.."

"What about the first condition."

"I'll tell you later. May itatanong lang ako... totoo ba yung sinabi ni ate Claire na ayaw mong mag pa heart transplant?" Umiwas lang ng tingin si daddy, bumuntong hininga siya at tumango tango. "Why? Don't you have any donor?"

"Meron Ciara. Tatlong puso ang nakareserve sakin, kung sakali mang mag pa opera na ko."

"Then why do you have to delay it?"

"I'm scared."

"Don't tell me, the great Monchito Elizalde is scared?"

"Not in the operation, princess."

"Eh saan? Sa death?" Umiling lang si daddy.

"Death is merely not the reason. Natatakot ako sa operation... yes! Baka hindi maging successful ang operation. Natatakot akong mamatay nang hindi man lang kita nakikita at nakakausap para makahingi ng tawad sa'yo..."

"D-dad!" Hindi ako makapag salita sa mga sinasabi niya. Hangin na lang ata ang lalabas sa bibig ko pag nag salita ako.

 "...ayokong mawala sa mundong to nang hindi tayo nagkakaayos. Mahal na mahal kita Kia, pati na rin ang mommy mo at ate mo. Pero hindi ko kayang mamatay ng hindi ko man lang matititigan ang mukha mo. Kuhang kuha mo ang mga mata ko. Ang ilong mo, ang labi mo..." Marami talagang nag sasabi na kamukhang kamukha ko si daddy. Si ate Claire kasi, hati, merong kay mommy ganon din kay daddy. Kilay, shape ng mukha at cheekbones lang ang nakuha ko mommy. "...lahat yan nakuha mo sakin. Naaalala ko sa'yo ang yumao kong kakambal." May kakambal si daddy??

"Dad? Sinong kakambal??"

"Si Monicara. She's so jolly. Hindi na namen napag usapan to ng mommy mo, dahil masakit pa din para samin ang pag kamatay ni Monicara. Siya ang dahilan kung bakit ko nakilala ang mommy mo. They're best of friends." Hindi ko man lang nakilala si Tita Monicara.

"Anong kinamatay niya daddy?!"

"May ginanap na salu salo sa resthouse natin sa Antipolo. Pero nagkasunog. Kasama namin ang mommy mo. Akala ko, nakalabas ang kakambal ko sa bahay, pero naiwan siya dun. Nag sisisi ako kung bakit hindi ko siya iniligtas. Pero wala na, huli na. Sa kanya ko Kinuha ang pangalan mong Ciara. Sabi niya noon, ang pangit pangit ng pangalan niya, pero kabaliktaran naman ang tingin ko. Monicara... hawig na hawig mo siya Ciara."

"Daddy, another condition."

"What is it?"

"Please, let's schedule your operation, as soon as possible. Para pag magaling ka na, dadalaw tayo kay Tita Monicara. Please dad." Tumango lang si daddy. Napansin ko na may naglandas na palang luha sa mga pisngi niya, kaya pinunasan ko yun. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Ayaw mo ba kay Jorgen? Mabait siya, Ciara. Trust me. Hindi ka niya sasaktan. Pwede nating ipa-schedule ang kasal niyo." Napailing ako sa sinabi ni daddy.

"That's my first condition dad. I don't wanna get married. Not with Jorgen, daddy. Not with him."

"Maaalagaan ka niya Ciara. Maibibigay niya lahat ng pangangailangan mo. Sigurado akong kahit anung hilingin mo, kaya nyang ibigay."

"No daddy, I don't love him."

"Matututunan mo rin yun, princess."

"Dad, I'm sure, hindi niya rin ako gusto. Sino ba naman ang maghahangad na maikasal sa isang tao na tinakasan ka sa gabi ng engagement party?"

"Iba si Jorgen. He's willing to wait for you."

"Daddy... I love someone else, okay?" Nabigla si daddy sa sinabi ko. Sino bang hindi? Eh hindi nga niya nabalitaan na nag ka boyfriend ako eh.

"Maria, sino siya? Matino ba siya? Mapagkakatiwalaan? Kaya ka ba niyang gawing reyna? Higit pa ba sa kayang ibigay ni Jorgen ang kaya niya?"

"Daddy! Hindi mo muna siya makikilala ngayon. After the operation. Kailangan mong mag palakas."

"NO! I wanna meet him. Right here, right now." Juskoo, eto nanaman si daddy. Nagiging bossy nanaman siya.

"Sir, nandito po ako." Bigla akong napalingon sa nagsalita, tapus titingin ako kay daddy na halatang gulat din. Babalik nanaman ang tingin ko sa kanya. Tumayo ako at nilapitan siya. Binulungan ko pa siya.

 "Hanzen!! What the hell?"



(c) Eilramisu

Ooopss. Bibitinin ko ulit kayo. Mwahahahaha. 100k+ reads na. Salamat po sa inyong lahat. Wag po sana kayong mag sawa sa pagsuporta nitong HBs.


Kung gusto niyo po mag pa dedicate, just pm me, or kaya sa mb. Wag na po sa comment. Baka di ko mapansin. Sa cellphone lang po kasi ako o-open ngayon. Pagtyagan po ulit ang update ko na magulo. Lol xD. Haha. Mahal ko talaga kayo. Hindi man po ako maka reply lahat sa mga comments niyo, nababasa ko naman po yun. Minsan nga lang, pero nag re-reply po ako pag sa desktop ako nag wa-watty ^__^


Ang feelingera ko ba? Anw, yaan na. Love ko naman kayo <3

Continue Reading

You'll Also Like

84.1K 1.7K 59
The most heart warming thing to a student like Christine is marching on the middle of the stage, having her diploma in her own hands and setting her...
562K 4.6K 22
BEWARE: Contains scenes, words and ideas that are not for UNDERAGE and INNOCENT MINDS
2M 136K 48
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...