Clash of the Guardians

Από Kisoepi

18.3K 489 65

See how the Guardians battle against the Ghosts. The clash between the Guardian Lord of Balance and the Ghost... Περισσότερα

Author's Note
Prologue
P1: Opposite Forces
P2: Serdin and the Guardians
P3: Mortals
P4: Princess of Air
P5: Amulet of Inner Power
P7: Mysteries
P8: Secrets
P9: Allies
P10: Stranger
P11: Surprises
P12: Buddies
P13: Shadows
P14: Flames
P15: Bad Dream or Sweet Nightmare?
P16: Rendezvous
P17: New Beginning I
P18: New Beginning II
P19: The Unexpected
P20: Anxiety
P21: Fear
P22: Friend & Foe
P23: Light's Assessment I
P24: Light's Assessment II
P25: Conflict
P26: Call to Arms
P27: Touchdown I
P28: Touchdown II
P29: Proclamation
P30: Roots of Darkness
P31: Stage One
P32: Visitor

P6: Alcubra

619 16 2
Από Kisoepi

     Mga ghost ang tawag sa mga kaaway ng guardians. Sila ang eksaktong kabaliktaran ng mga guardian. Makapangyarihan din ang mga ghost, ngunit sila ay masasama. Takot sa kanila ang ibang mga nilalang sa kalawakan.

     Ang mga ghost ay nakatira sa Alcubra, ang Land of Ghosts. Ito ay nababalot ng kadiliman, buong kabaliktaran ng Serdin kung iisipin. Ginawa ito ni Lanaya, ang Queen of Death and Darkness, matagal na panahon na, nang maghiwalay sila ni Lexus. Inipon niya ang kanyang aura at pinorma ito upang maging core. Umihip siya ng itim na usok at pinalot ang core. Unti-unting nagkaroon ng solidong porma ang kanyang planeta. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang bumuo ng iba't ibang anyo ng lupa at tubig. Mula sa kanyang hininga ay gumawa rin siya ng mga mababangis na hayop na maninirahan sa kanyang mundo.

     Saka niya ginawa kanyang mga mamamayan at tinawag silang mga Ghost. Hinati niya ang kanyang mga nilalanang sa tatlong lahi na pinamumunuan ng tig-iisang Infernal Ghost, katapat ng mga Royal Guardian.

     Sa kasalukuyan, iisang lahi na lang nila ang natitira, ang mga Shadow Ghost na pinangungunahan ni Shaiya, ang Shadow Goddess. Ang mga shadow ghost ay mga nilalang ng dilim. Bihasa sila sa black spells at may kakayahang mag-anyong usok o anino. Ang iba pang kaanib ni Shaiya, kasama na si Lanaya, ay nagapi noong Chaos Alpha.

     Ang mga Noise Ghost ay mga maiingay na nilalang. Ang kanilang tinig ay ang kanilang kapangyarihan, katulad ng tinig ni Lanaya. Pinamumunuan sila ni Hera, ang Sonic Priestess.

     Ang mga Sky Ghost naman ay mga mapanirang nilalang ng langit. Sila ay mabibilis na mga mandirigma. Dala nila ang delubyo. Panguna sa kanila ay si Raishin, ang Warlord of Lighting.

     Nang matapos ni Lanaya ang kanyang mundo, tinawag niya itong Alcubra. Ito ang naging mundo na kinatatakutan ng mga nilalang sa kalawakan. Kumurot si Lanaya ng maliit na parte ng kanyang puso, kasi laki ng isang kuko, at ginawa niyang isang kristal. Inilagay ito sa ginta ng kanyang lupain. Tinawag niya itong Vex. "Ito ang magiging kapangyarihan ng Alcubra," bigkas niya. Nagtayo siya ng kastilyo sa paligid ng nito.

     Bagamat nagapi na si Lanaya, ginagabayan pa rin niya si Shaiya sa pamamagitan ng kanyang aura.

"Nakapagtanim na ako ng itim na bulaklak sa Serdin kamahalan. Itinanim ko iyon sa Aeros," wika ni Shaiya sa Vex.

"Magaling," sagot ng boses na nagmula sa kristal. "Ang lupain ng hangin ang tumatayong pinuno ng mga kaharian, tama na doon mo tinanim ang itim na bulaklak. Ngayon ay mababantayan na natin sila," papuri niya kay Shaiya. "Magsimula ka nang maghanda para sa ritual ng aking muling pagkabuhay. Ahahahahahaha!"

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

4.5M 112K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...
4.1M 192K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
7.9K 1K 59
Sa mundo ng Galendray. Isang napakahalagang bagay sa bawat miyembro ng angkan ang magkaroon ng mahusay na cultivator upang ipadala sa White Temple In...
2.5M 186K 109
In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students are divided into four classes: Alpha, B...