Maghihintay Sayo (The Love St...

By Gidgetwitty

46.3K 937 419

Paano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang ma... More

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 (A new beginning)
Chapter 8

Chapter 2

3.4K 91 35
By Gidgetwitty

This chapter is dedicated to YaMargareth.

"Mommy!" Bago pa nakakilos ang lahat ay mabilis na tumakbo at yumakap ng mahigpit si Marion sa mga hita ni Sam.

Parang tuod na napatingin si Sam sa batang nakayapos sa kanya. Nalilitong napaawang ang mga bibig nito sa kabiglaan ng pangyayari.

"Huh, ah sorry po. Nagpagkamalan po yata ninyo ako. Ako po si Samantha Cortes," halos mag-panic si Sam sa tingin sa kanya ng mga kaharap.

"Sandy, my Sandy! Ako ito si Alex, " mahinang usal ni Alex. Parang wala itong narinig sa binanggit ni Sam na pangalan.

"Sir, sorry po talaga. Hindi po____," hindi na naituloy ni Sam ang sasabihin ng walang pag-aatubiling yumakap rin dito si Alex. Halos maipit ang paslit na hindi pa rin lumulubay sa pagkakayakap kay Sam.

"I missed you, Mommy!"

"Sandy, we found you at last. Oh God, you don't know how much I missed you, honey! Akala ko ay tuluyan na along mabubuhay na parang patay.  Oh my God, Sandy." Sunod-sunod na mga halik ang ginawad nito sa buong mukha  niya na parang ayaw na siyang pakawalan.

Halos hindi na makahinga si Sam sa yakap ng dalawang taong hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya. Itutulak na sana niya ang lalake palayo nang maramdaman niya ang init ng luhang sunod-sunod na pumapatak sa mga mata nito.

"I love you so much, Sandy." Halos mabasa na ang buong mukha niya sa mga luhang galing kay Alex.

"Daddy, you are squeezing me," reklamo ni Marion sa ama.

"Sorry, baby. I just missed your mommy so much!"

"Sandy, honey , let's go home. Matagal ka naming hinintay ni Marion."

"Sir, nagkakamali po talaga kayo. HIndi po ako si Sandy. Ang pangalan ko po ay Sam short for Samantha po." Ubod lakas na itinulak niya ang gwapong lalake.

"Alex, she's not Sandy. Kamukha lang niya ang namatay mong asawa," sabad ni Ava, pinagpapawisan ito malamig. Halatang maputla pa rin ito pero medyo unti-unti ng nahimasmasan.

"Will you please shut up for once, Ava.  Siya si Sandy, ang asawa ko. Hindi ako pwedeng magkamali," halos bulyawan ni Alex si Ava.  Bumaling muli ito kay Sam, "Sandy, what's going on, honey. What are you trying to do to us?  If this is a joke, I'm not laughing."  May lungkot na mababanaag sa mga mata nito sa ginawang pag-iwas ni Sandy ng magtangka uli itong yakapin ang babae.

"Anong kaguluhan ito, Sam?" tanong ng medyo mataba at may edad na na babae. Nakasulat sa badge nito ang titulong supervisor at pangalan na Maxima Cruz.

"Sorry po, Ma'am. Mistaken Identity lang po," mabilis na paliwanag ni Sam sa istriktong boss. 

Naramdaman ni Sam na lalong humigpit ang yakap ng batang babae sa mga hita niya. Awang-awa siya sa itsura nito. 

Talagang nami-miss  ng batang ito ang ina niya. Kawawa naman.

"Baby, sorry ha. Pero kailangan ko ng bumalik sa work." Hindi niya magawang sabihan ng direkta ang bata na hindi siya ang ina nito. Parang nadudurog ang puso niya sa nakikitang pagdurusa ito.

"I need to talk to you in my office now," pukaw ng ma-autoridad na boses sa iniisip ni Sam.

"Opo, Ma'am." Marahan na inalis niya ang pagkakayakap ng bata sa kanya.

"Sorry, baby. Babalik na ako sa work." Iyon lang at mabilis ng siyang tumalikod para sumunod sa supervisor.

"Honey, wait. Hanggang anong oras ka dito sa work mo? Maghihintay ako sa iyo dito sa labas."

"Sir, please lang po. Ayoko po ng gulo. Kailangan ko po itong trabahong ito. Hindi po talaga ako ang nawawala ninyong asawa," mahinahon ngunit matatag ang boses ni Sam.

"Basta maghihintay lang ako sa iyo dito, honey."

Napabuntung-hininga ng malalim si Sam sa kakulitan ng lalake. Saka ito tuluyan ng tumalikod ng walang kibo.

"Ava, susunduin kayo ng driver ko para maihatid na kayo pauwi ni Marion. Ako na ang maghihintay sa asawa ko dito," wika ni Alex sa nakasimangot na babae.

"Alex, hindi nga siya ang asawa mo. Kamukha lang ni Sandy ang babaeng iyon. Malala na iyang ginagawa mo.!"

"Ava, kilala ko ang asawa ko. Nasisiguro ko na siya si Sandy," madiin na turan nito.

"Ewan ko sa iyo, Alex. I think sa kagustuhan mong mabuhay si Sandy ay nakikita mo ang gusto mong makita."

Hindi pinansin ni Alex ang kaharap na dalaga. Bumaling ito sa anak na kanina pa tahimik.

"Sweetheart, are you okay?"

"Daddy, why can't mommy remember us anymore?" nanginginig ang mga maliliit nitong labi.

Parang sinuntok ng malakas sa sikmura si Alex ng oras na iyon. Binuhat nito ang anak at mahigpit na niyakap.

"Baby, mahirap ipaliwag ngayon ang situation pero hindi sinasadya ng mommy mo na makalimutan tayo. May sakit lang ang mommy. Pero gagaling din siya at maaalala lahat ng tungkol sa iyo, sa atin."

"Please bring mommy home, daddy." Mangiyak-ngiyak nitong sambit.

"I will, baby. 

Lahat ay gagawin ko para bumalik ka sa amin ng anak mo, Sandy. Pangako iyan. 

"Friendship Sam, ang super yummy naman ng hilaw mong asawa! Kasuwerte mo naman. Kakaloka ka!" Madramang bulalas ni Ria habang nagliligpit sila ng paninda.

"Ria, kawawa naman ang mag-amang iyon 'no! Sa kagustuhan na makasama iyong Sandy pati ako ay napagkamalan," ani niya.

"Sam, paano nga kung ikaw iyong nawawalang Sandy. Di ba, hindi mo maalala ang nakaraan mo?" giit nito sa kaibigan.

"Ano ka ba? Alam mo naman ang nangyari sa akin. Mismong si Ate Amelia ang nagsabi ng tunay kong pagkatao. Hay, sana makita nila ang hinahanap nila balang araw," malungkot na sabi ni Sam.

"Alam mo Sam, may  kasabihan na "truth is stranger than fiction". Paano kung talagang ikaw si Sandy? Paano kung hindi totoo ang kuwento sa iyo ni Amelia?"

"Bakit naman gagawin ni Ate Amelia iyon sa akin. Napakabait nga na taong iyon, parating laman ng simbahan. At saka wala akong maalala ni katiting doon sa lalakeng iyon at sa anak niya."

"Baka naman kaya kambal mo iyong si Sandy! Pwede di ba? Baka isa sa inyo ang pinaampon," excited na bulalas nito.

"Sus Ria, dapat sa iyo magsulat ng mystery novels. Ang galing kaya ng imaginations mo," natatawang tudyo ni Sam.

"Ah basta, iba ang kutob ko. Pakiramdam ko soul mate kayo ni Mr. Yummy!"

"Mr. Yummy! Ibang klase ka talaga, Ria. Ginawa pang pagkain." Naiiling na lang si Sam.

 Please play the music, "Basta't Kasama Kita" by Dingdong Avanzado

Alas nueve pasado na nang makalabas sila sa toy store noong gabing iyon.

"Hoy Friendship, si Mr. Yummy papalapit sa atin," nginunguso ni Ria si Alex na kanina pa naghihintay kay Sam na lumabas galing sa trabaho.

Dismayadong napatingin si Sam sa lalaking nagmamadaling lumapit sa kanila.

"Hi honey, are you ready to go home? O gusto mo munang magdinner bago tayo umuwi?"

"Ikaw na naman! For the last time, hindi po ako ang nawawala ninyong asawa. Sorry po talaga kung sa tingin ninyo ay magkamukha kami pero talagang hindi ako si Sandy," iritadong wika ni Sam.

"Sandy, I don't know what happened to you but I'm absolutely sure na ikaw talaga ang nawawala kong asawa. And I'm going to prove that to you one way or the other."  Determinado ang boses nito.

Bahaw ang ngiting namutawi sa mga labi ni Sam. Kung alam mo lang sana kung ano ang pinagdadaanan ko. Mahirap ang manakawan ng alaala. Pero paano nga kung ako ang sinasabi nitong Sandy? Pero hindi pwedeng mangyari iyon. Pero bakit tila pamilyar ang mukha ng mag-ama. Alam niyang hindi pa niya nakikita sa buong buhay niya ang mga ito pero may mga anggulo ang mga ito na pamilyar sa kanya. Hay, Samantha, pagod ka lang siguro.

"Sandy, Sam pwede ko ba kayong imbitahan mag-dinner," alok ni Alex.

"Thank you na lang pero kailangan na naming umuwi talaga," kalmado ngunti matigas ang boses ni Sam.

"Sana maawa ka naman sa akin, kanina pa ako gutom sa kahihintay dito sa iyo," nagpapa-guilty nitong saad.

"Hindi ko naman sinabing maghintay ka sa akin," mataray na sagot ni Sam.

"Friendship naman, maawa ka naman kay Mr. Yummy este Alex. Wala namang masama sa dinner," sabi ni Ria.

Pinandilatan ni Sam ang kaibigan. Nang biglang magring ang phone nito.

"O ayan na. Sige lalabas na ako," sabi ni Ria sa kausap sa kabilang linya.

"Excuse me, hinihintay na ako ng boyfriend ko sa labas. Sam, pumayag ka na. Kanina ka pa nagrereklamo na gutom ka na. At saka siguradong walang chibog sa apartment, naglakwatsa ang mga kasama natin dahil weekend." 

Pahamak ka talaga na kaibigan, Ria. Lagot ka sa akin mamaya. Ito ang nasa isipan ni Sam.

"That's great, pareho pala tayong gutom na. Alam ko kung saan tayo kakain, honey. Doon sa favorite Italian restaurant mo!"

"Friendship, alam niya na favorite mo ang Italian dishes! Wow as in wow!"

"SIge pumapayag na akong sumamang mag-dinner sa iyo pero hanggang doon na lang iyon, okay? Pagkatapos nitong gabing ito huwag mo na akong kukulitin." 

"Let's go, honey," masaya nitong yaya. HIndi nito pinansin ang sinabi ni Sam.

Ngayon na nakita na kitang muli, hinding-hindi na kita pakakawalan pa, Sandy. Gagawin ko ang lahat para bumalik ang alaala mo. Kahit gaano katagal ay maghihintay ako sayo.


Lihim na napangiti si Alex nang makita niyang ganadong kumain si Sandy. Kahit pa noon ay malakas na itong kumain hindi nga lang tabain. Nag-alala nga siya noong pinagbubuntis nito si Marion dahil halos hindi halata ang tiyan nito dahil sa liit. Mabuti na lang at malusog na batang ipinganak ang anak nila. Kahit ano pang tanggi ang gawin nito na hindi ito si Sandy ay hinding hindi siya maniniwala. Walang nagbago dito kung hindi ang buhok. Kung dati ay maiksi ang buhok ni Sandy ngayon ay lampas baywang ang haba nito.

Kumakain na sila ng dessert nang muli niyang buksan ang paksa tungkol sa pagkawala ng memorya nito.

"Sandy, anong nangyari sa iyo?"

"Mister Alex____," naputol ang sasabihin niya nang mapagtanto na hindi niya alam ang apelyido nito.

"Lagdameo, Alex Lagdameo iyan ang pangalan ng asawa mo," may diin ang pagkakasabi nito sa pangalan.

"Mister Lagdameo, salamat sa dinner pero kailangan ko ng umuwi," tahimik na saad ni Sam.

"Sandy, what happened?" Nakikiusap ang mga mata.

"Sam po ang pangalan ko hindi Sandy," mapaklang sabi ni Sam.

"Hello Alex, fancy seeing you here!" anang boses ng isang lalake.

"Frank!" medyo iritado si Alex sa pagkakagambala ng usapan nila ni Sam.

"Sandy!" nabiglang bulalas ni Frank.

"Excuse me, I have to go to the restroom," nagmamadaling tumayo si Sam. Hindi ko na kaya itong nangyayari na ito. Ako sa Sam, ako si Sam! Paulit-ulit niyang sinasabi sa isipan niya.

"Honey, sasamahan na kita," ginagap ni Alex ang palad ni Sam.

Iniwaksi ito ng babae. "Kaya kong pumunta ng restroom mag-isa."

"Alex, tungkol doon proposal ko___," baling ni Frank kay Alex.

"Frank, please call my secretary to set the appointment. As you can see, I'm quite busy right now," maanghang na sabi ni Alex.

HIndi napansin ni Alex na pasimpleng pumuslit si Sam habang kausap nito si Frank. Lihim na napangiti si Frank nang makitang nagmamadaling tumakas ang babae.

"Miss, pwede bang paki-check sa loob iyong asawa ko. Naka-uniform siya ng navy blue, maganda, chinita, mahaba ang buhok," paglalarawan niya kay Sandy sa waitress na nakasalubong niya galing sa restroom.

"Sir, wala pong tao sa loob. Ako lang po ang huling lumabas," magalang na sagot ng waitress.

"Paki-check mo na lang uli kung pwede, Miss."

"Sige po," sabi nito. Pumasok uli ito sa loob ng ladies room.

Pagkaraan ng ilang saglit ay lumabas din ito. "Sir, wala po talagang tao sa loob."

"Thanks, Miss."  

Nasaan ka na, Sandy? HInding-hindi ako papayag na magkahiwalay pa tayong muli. Lahat ay gagawin ko bumalik ka lang sa amin ng anak mo.  Kahit na dumaan pa ako sa butas ng karayom sa pangliligaw sa iyo ay gagawin ko uli.  Pangako, ibabalik ko ang nawala mong alaala, honey!  Maghihintay ako sa iyo hanggang ikaw na mismo ang sumuko at malunod sa pagmamahal ko.

"Daddy, where is mommy?" salubong ni Marion sa may pintuan.

"Baby, bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na." Kinarga ni Alex ang bata at hinalikan sa pisngi.

"I thought you will bring mommy home," malungkot nitong sabi.

"Sweetheart, please listen carefully. Mommy cannot remember us right now. May sakit siya pero in time gagaling din ang mommy mo. We just have to be patient, baby. Huwag kang mag-alaala, babalik din ang mommy mo dito sa atin. Kailangan mo lang maghintay, okay baby?"

"Daddy, I want to see mommy again. Sooooon please," malambing na yumakap ito ng mahigpit sa ama.

"Yes, baby. I'm going to start working on that." 

Sandy, Sam, humanda ka sa Operation Balik Honey!!!  Tingnan ko lang kung hindi ka uli ma-inlove sa asawa mo.

"Sam, may bisita ka," tawag ni Jynelle mula sa sala. Kagigising lang ni Sam ng oras na iyon.

"Ang aga ng bisita mo ah," tudyo ni Kassey. Nakaupo ito sa kabilang kama habang nililinis ang mga kuko sa paa.

"Wala naman akong ini-expect na dadating," nagtataka niyang sabi habang sinusuklay ang mahabang buhok.

"Samantha, gising ka na ba? Si Mr. Yummy nasa baba," kinikilig na turan ni Ria nang pumasok ito sa kuwarto nila ni Kassey.

Dismayadong napaupo uli sa kama si Sam. "Sabihin mo wala ako dito. Paano kaya niyang nalaman ang apartment natin?"

"Sus, baka nag-hire ng private investigator. Mukhang mayaman si Yummy eh. Bilisan mo na, Sam. May dalang bulaklak at mga naka-gift wrapped na mga boxes. May cake pa nga, ayon mukhang masama ang tingin ni Jynelle sa cake, dinala na agad doon sa kusina," madaldal na kuwento ni Ria.

"Naku makababa na rin para makita ko ang sinasabi nitong si Ria," excited na bulalas ni Kassey.

"Kayo ha, tumigil na kayo. Baka akalain tuloy ng lalakeng iyon na may gusto ako sa kanya," saway niya sa mga kaibigan.

"Tara na sa baba, Sam," yaya muli ni Ria.

"Shh, marinig ka diyan," napipikon na sabi ni Sam.

"Good morning, honey!" nakangiting bungad ni Alex kay Sam. Hawak nito ang tatlong dosenang pulang rosas. Nasa paanan nito ang mga nakabalot na regalo.

"Anong maganda sa morning eh ginising mo ako. Kaunti pa nga lang ang naitutulog ko inistorbo mo pa," mataray na sagot ni Sam.

"Hon, sorry pero if it will make you feel better. Ako rin naman napuyat kagabi sa kakaisip sa iyo."

"Hoy, huwag mo nga akong tinatawag na honey. Mangilabot ka naman!"

"Iyon ang tawagan kasi natin noon pa. Mahirap baguhin ang nakasanayan na," sabi nito sabay kindat sa kanya.

"Bakit ka nandito?" Hindi ngumingiting tanong ni Sam sa kaharap.

"Para mangligaw uli sa asawa ko," simple nitong sagot.

"Nababaliw ka na ba talaga, Mr. Lagdameo? Ilang ulit ko bang sasabihin na hindi nga ako ang nawawala mong asawa. HIndi mo ma-gets? Bakit ba ang kulit mo?"

"Prove it!" hamon nito sa kanya.

"What do you mean?"

"Agree to the DNA testing. Kung lumabas ang resulta ng DNA na hindi ikaw si Sandy Lagdameo ay lulubayan na kita. Pero kung ikaw nga ang asawa ko, which I'm absolutely sure, uuwi ka na sa amin sa amin ng anak mo."

"Are you crazy? Nanglalaki ang mga mata ni Sam sa mungkahi nito. 

"Yes, still crazy in love with you after all these years," seryoso nitong saad.

Dumadagundong ang kanyang dibdib sa matinding kaba na dulot ng mga tingin ni Alex. Bago pa nakahuma si Sam ay bigla siya nitong kinabig at mariing hinalikan sa mga labi. Maya-maya lang ang naramdaman na niya ang pagtugon niya sa mga mapupusok nitong mga halik. Para siyang nawala sa katinuan ng sandaling iyon. 

"I love you, Sandy!" bulong nito sa pagitan ng mga halik.

Bakit parang hindi na bago itong ginagawa namin? Oh my God, what am I doing? SI Xander!

Itinulak niya sa bisig ang lalake. Nabitawan siya nito sa kabiglaan.

"Honey, I'm____," naputol ang sasabihin nito nang mag-ring ang cellphone sa bulsa ni Sam.

Nanginginig ang mga daliring sinagot ni Sam ang tawag ng hindi binasa ang pangalan sa phone screen.

"Xander?"

Hindi napansin ni Sam ang biglang pagdilim ng mukha ni Alex sa narinig na pangalang binaggit nito.

******Sino si Xander sa buhay ni Sam? Ano ang mangyayari sa "Operation Balik Honey" ni Alex?

Ano po ang masasabi ninyo sa chapter 2?

Thank you sa inyong pagbasa.

 @Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)        

Continue Reading