I Hate You, Sir! (SOON TO BE...

By ladyvengeance23

2.4M 27.3K 4.4K

They say, 'the more you hate, the more you love'. Is that possible?to fall inlove with someone you loathe? I... More

I HATE YOU SIR!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
ANNOUNCEMENT ^_^
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Bonus Chapter (Kairie, Elie and Chance) ♥
Chapter 58
Chapter 59
EPILOGUE
TO PUBLISH OR NOT? (JUST A LITTLE SURVEY)
This is it!!!

Chapter 60

28.7K 258 38
By ladyvengeance23

After 3 months...

"Baby,just call me if you need anything okay?" ang totoo kanina pa siya pabalik balik dito sa kwarto ko para silipin ako . Kung tapos na ba ang pag aayos sa akin.

"Opo Daddy, bababa na po ako. Sandali nalang po ito" tapos ay ngumiti ako kay Daddy na unti unting naglalakad papunta sa akin. Huminga lang ako ng malalim at saka muling tumingin sa salamin.

"Don't worry Mam,sandali nalang po at matatapos na itong pag aayos sa buhok ninyo" pagsisiguro ni Jay sa akin. Siya yung ipinadala dito para ayusan ako. Simple lang ang ginawa niyang ayos ng buhok ko, pati yung make-up na nilagay niya.

"You look beautiful baby.." lumapit sa akin si Daddy at hinawakan ang magkabilang braso ko. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdam ng kaba.

"Thank you Dad,ikaw din po" pagsagot ko kay Daddy habang hawak yung kamay niya. Kitang kita ko sa mukha niya yung 'excitement' . Ewan ko ba dito kay Daddy, kagabi umiyak pa yan. Pero ngayon mas excited pa samin.

"I'll wait for you downstairs baby. Ikaw na ang bahala sa kanya okay?" pagpapa alam niya sa akin at doon kay Jay.

Halos limang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay natapos na din ang pag aayos sa akin. 

Isinuot ko ka agad ang gown na nasa kama ko.

"You look stunning girl, I'm so proud of myself." pagpuri sa akin ni Jay paglabas ko palang restroom.

"Salamat sa'yo. Ikaw na talaga!" tapos inakap ko siya. 

Iniabot niya naman agad sa akin yung bulaklak na nakalagay sa side table.

"Dalian mo girl,kanina ka pa inaantay sa baba." excited niyang sagot habang naka akap pa sa akin. 

 Isang mahalagang araw ito hindi lang para sakin,kung hindi para sa buong pamilya ko. Ngayon na yung araw na pinaka aantay naming lahat. Isang okasyon na matagal din naming pinangarap noon nila Ate Harmony at Mommy. Sayang nga lang at wala siya dito para makita ang kasal ng isa sa mga anak niya. 

 Dumiretso agad ako sa labas ng bahay namin kung saan ako hinihintay ni Dad. 

"Baby ka pa ba talaga? you're such a fine lady Melody" pang aasar sakin ni Daddy. Hindi daw siya sanay makita akong naka gown at naka ayos ng ganito.

"Ewan ko sa'yo Dad. If I know, kinakabahan ka din. Uyyy, wag kang kabahan Daddy, gwapo mo kaya!" tapos hinawakan ko siya sa braso.

"Naglolokohan na tayo dito baby. Halika na,kanina pa nila tayo hinihintay doon sa simbahan" tapos pinagbuksan ako ni Dad ng pinto at inalalayan makapasok sa loob. Ganyan yan eh,pero halata talaga sa mukha niya yung kaba, at the same time excitement.

Habang nasa byahe kami, naramdaman ko nalang yung biglang pag vibrate ng phone ko. Ang totoo,ayoko munang i check yung phone ko kanina pang umaga. Paano kasi panigurado puro text lang ng mga bestfriends ko yun. Yes,pare pareho kaming excited sa araw na 'to.

From: Man-of-my-dreams ♥

Can't wait to see you. I love you :* and please be quick :)

Isa pa 'tong taong 'to. Ang aga aga,pinapakilig ako! . Simpleng text pero para akong dinaluyan ng kung anong kuryente sa katawan ko. Ganyan siya,hindi siya nagsasawang iparamdam sa akin araw araw kung gaano niya ako kamahal. At kung gaano siya ka 'thankful' na dumating daw ako sa buhay niya.

Ibinalik ko nalang agad yung phone ko sa pouch ko at baka matunaw na yun kakaulit kong basahin ang text niya sa akin. Magkikita na din naman kami maya maya lang.

Habang nakatingin ako sa labas,di ko maiwasang mapangiti. Ang sarap lang kasi isipin na, totoo pala talagang kahit anong mangyari sa dalawang taong nagmamahalan, basta sila talaga ang nakatadhana sa isa't isa, gagawa at gagawa ng paraan ang panahon para magkasama sila.

Na kahit sobrang nasaktan man noon, na kahit sobrang dami ng hirap na yung pinagdaanan, nandoon pa din palagi yung 'pagmamahal' . Sabihin man natin na, nabawasan kahit papaano sa paglipas ng panahon,pero kapag kasi makita mo ulit yung taong talagang mahal mo, halos lahat ng sakit at saka hirap,unti unting maalis yun. 

"Baby?we're here" bigla nalang akong nabalik sa huwisyo ng hawakan ni Dad ang kamay ko. Nandito na pala kami sa harap ng simbahan.

Naunang bumaba si Daddy at pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pintuan. Inalalayan niya akong makababa ng sasakyan.

"Muff/Kapatid/Fudge!!" nagulat ako nung sabay sabay na sabi nung tatlo kong bestfriend. See?masyado silang excited.

"Maka sigaw nanaman kayo ah?Okay lang ba suot ko?Sabi kasi ni Ate Harm--

"Ano ba! Maganda ka no! Nahiya nga kami sa mga itsura namin eh" Kairie

"Oo nga,parang hindi naman tayo pare parehong---

"Ep! Tama na yan nag away pa. Basta maganda tayong lahat. Hala dali guys,papasok na tayo sa loob.Andiyan na daw yung pari" pag aaya saamin ni Yannie.

Yung labas palang ng simbahan sobrang ganda na. Kita mo na din agad yung mga tao sa loob,pati yung mga rose petals na nakakalat dun sa isle ng simbahan.

Maya maya,nagsimula na ang wedding ceremony. Isa isa na kaming pinalakad sa isle. At aminado ako,ramdam ko yung kaba ko. Yun bang pakiramdam na sa bawat hakbang mo,lahat ng tao sa loob,nakatingin sa'yo. Buong atensyon nila, sa'yo lang. At sa dulo ng lalakaran mo,matatanaw mo pa yung taong gusto mong makita . :)

Yun ang pinakamasarap sa pakiramdam,yung habang naglalakad ka sa gitna ng madaming tao,makikita mo siyang nandoon at nakatingin ng diretso sa mga mata mo.

Mommy,sana talaga nandito ka ngayon.

Nagsimulang magsalita ang pari ng makarating na ang lahat sa unahan. Naging tahimik at payapang nakikinig ang lahat habang sinasabi isa isa ng pari ang mga dapat gawin ng mag asawa. Kung ano ano ang mga gampanin at responsibilidad sa isat isa. Lalo na kung gaanong pagmamahal ang dapat iukol sa magiging kabiyak mo.

Iba talaga ang pakiramdam kapagka nasa ganito kang seremonya. To think,sa dinami dami ng babaeng nagkalat sa mundo, sa dinami dami ng babae na nakilala ng isang lalaki,ikaw yung pinili niyang aalagaan niya ng mabuti kapagka may sakit ka, Ikaw yung pinili niya na magiging ina ng mga anak niya, pati na yung pagta trabahuhan niya ng mabuti ang lahat para sa pamilya ninyo. At higit sa lahat, sa'yo niya piniling magpatali habang buhay. Weird pero diyan ako sa part na 'yan nato touch.

Pagkatapos ng mga ilang minuto,dumating yung parte na halos inaabangan ng lahat....

"... will you take this woman to be your lawful wedded wife, to live together in this holy state of matrimony, do you promise to love, honor and cherish, in sickness and health, riches or poverty, and will forsake all others and cleave thee only unto her as long as you both live?" tanong ng pari sa groom.

Unti unti ng bumabagsak ang luha ko sa sobrang saya na nararamdaman ko. Hindi ko alam pero ramdam na ramdam ko yung pagmamahal,yung saya,yung excitement lalong lalo na yung pagmamahal--

"Hoy fudge,nauna ka pa umiyak kay Ate Harmony,parang ikaw yung ikakasal ah?" bigla nalang akong siniko ni Kairie ng palihim habang naka upo kami doon sa gilid.

"Wag kang ano kasi diyan. Bakit kasi umiiyak si Kuya Mark,di 'ba dapat si Ate ang mauna kasi sweet yun?" nacu curious kong tanong kay Kairie habang pinupunasan ko unti unti yung luha ko.

"Fudge,wag kang pakielamera ng feelings at emotions ng iba. Tsk,oh tissue, para kang ano diyan,feeling ikaw ikakasal teh?!" tapos sinamaan lang ako ng tingin ni Kairie at balik ang atensyon niya doon kay Kuya Mark.

Halos ang tagal tinignan ni Kuya Mark si Ate ko bago niya sabihin ang..

"I do" ramdam na ramdam ko yung kilig ni Ate! Ayoko na,naiinggit ako.

Kitang kita ko yung pagbagsak ng luha ni Ate nung pagsagot ni Kuya. Syempre matagal din niyang inantay 'tong moment na to.

"Harmony Venice Aguilar, will you take this man to be your lawful wedded husband, to live together in this holy state of matrimony, do you promise to love, honor and cherish, in sickness and health, riches or poverty, and will forsake all others and cleave thee only unto him as long as you both live?" tanong naman nung pari kay Ate.

Huminga muna ng malalim si Ate at saka ngumiti kay Kuya Mark,at pagkatapos ay...

"I do" pagsagot ni Ate Harmony.

Dun palang. Dun palang sa moment ng pagsasabi nila ng mga salitang yon, parang may kung ano sa akin na sobrang saya ko para sa Ate ko. Kasi finally, sa lahat lahat ng pinagdaanan nila ni Kuya Mark, sa lahat lahat ng sakit na naranasan nila lalong lalo na sa masasakit na salitang binitawan nila sa isa't isa...

Babagsak pa din sila sa pagsasabi ng "I do" sa isat isa.

****

Lumabas na muna ako ng simbahan habang busy pa sa pagpi picture taking sila Ate. Ang totoo kasi, kanina pa kung ano ano ang naiisip ko. Kung ano ano pang naiimagine ko. Alam niyo naman ako, madaling mag imagine ng mga bagay bagay. Naiinggit kasi talaga kasi ako kay Ate. 

Buti pa siya may happy ending na,ako kaya kailan pa?

Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa din makalimutan yung napanaginipan ko noong birthday ko. Hanggang ngayon, yun lang ang kaisa isang panaginip na lahat ata ng detalye,naalala ko ng malinaw. Weird ba? oo siguro nga ganun talaga kapagka napaniginipan mo yung taong mahal mo. Gustuhin ko man ipagsiksikan sa bawat curve ng utak ko na nangyari talaga yon, pero pagka gisiing ko kasi noon,nasa kwarto na ako at katabi ko na si Ate Harms. 

Kaya, wala talagang pag asa na magkatotoo yun. Isa pa, imposible naman na sabihin sa akin ni Kris ang mga bagay na yun :/ . sobrang imposible. Hindi naman niya ako minahal eh di ba? napagkatuwaan lang niya ako.

Minsan nga sa pinapanalangin ko pa na sana maulit ulit yung panaginip na 'yon. Kasi kahit dun lang, kahit dun lang naging sobrang saya ko. Kasi nakasama ko ulit siya.

Ilang buwan na kasi lumipas. Napaka daming nangyari. Nag stop ako sa pag aaral ko dahil sa issue sa school. Kaya nga hanggang ngayon, iniisip ko na kung sasama ba ako kay Daddy kapagka umalis siya. Ayoko na din kasi dito, pakiramdam ko napaka sama ng tingin ng ibang tao sa akin.

At si Kris? Hanggang ngayon wala akong balita sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan siya,kung sino ang kasama niya,kung sila pa noong babaeng nakita kong kahalikan niya. Lalo na kung, mahal pa ba niya ako. Kahit si Dean, umalis na din daw sa school sabi nila Yannie, kaya ngayon, pakiramdam ko iniwan na nga lang niya ako ng basta basta talaga.

Ang unfair ng buhay noh? Nagbigay ka ng sobra sobrang pagmamahal sa iba, pero ang kapalit? eto...yung iiwan ka nalang nila basta. Kulang nalang sila na mismo sumaksak sa 'yo kasi para kang pinapatay unti unti ng ginagawa nila.

Muli akong napatingin sa kalangitan. Napaka ganda ng panahon,malakas yung hangin. Ano kayang ginagawa niya ngayon?

"Pst,miss beautiful" napatingin naman agad ako sa kung saan nanggagaling yung sumisitsit sa akin. Grabe akala mo wala akong pangalan kung maka 'pst' sakin. Kung hindi ko lang 'to gusto talaga eh.

"Pst din pogi,ang gwapo natin ngayon ah?" pabiro kong bati sa kanya. Pero totoo yung sabi kong gwapo siya. Gwapo naman talaga 'to eh.

"Lumabas ka kaagad?! Di pa sila tapos sa loob, ms.maid-of-honor ha?" tapos ipinulupot nanaman niya yung braso niya sa bewang ko. Kaya ito nanaman yung kaba ko, ito nanaman yung parang may kung ano sa tyan ko.

"Eh ano,naiinitan kasi ako sa loob" pagdadahilan ko sa kanya.

Kinuha niya agad yung panyo sa bulsa niya at ipinunas ng marahan sa mukha ko.

"Ayan,okay na po ba?" tapos ngumiti siya sa akin.

Ang totoo lang, sa araw araw na lumilipas, mas lalo kong nararamdaman kung gaano din ako ka swerte na dumating itong taong 'to sa buhay ko. Na kahit sobrang nasaktan ako sa 'first love' ko,pinapa realize niya sa akin na di pa tapos ang lahat. At napaka dami ko pang rason para maging masaya. At aaminin kong isa na din siya sa mga nagpapasaya sa akin ngayon.

"Naiinggit ka sa Ate mo 'no?"tanong niya sa akin.

"Hmm,konti?paano mo nalaman?. Ang swerte kasi ni Ate--

"Susunod na tayo sa kanila,wag ka mag alala" bigla niyang pagputol sa dapat sasabihin ko. Dyuskopo, wag po sana niyang mahalata na sobra na akong kinikilig. Please lang.

"Ba--bawal magsinungaling sa harap ng simbahan Adam Fenton Mercado." tapos yumuko ako ng kaunti para di niya makita ang unti unting pamumula ng mukha ko.

"Why would I joke about that? I'm dead serious Ms.Aguilar." seryoso niyang ngang sabi. 

Ms.Aguilar?d*mn siya nanaman naalala ko. Yan ang madalas niyang itawag sakin bukod sa MMDA. Okay nasabi ko lang.

"Ito talaga ha-ha m-masyado kang ano diyan..." napalo ko pa siya ng mahina sa dibdib niya. Kasi naman kung mag joke eh. Kinikilig ako! Oo! mas mapula pa ata ako sa kamatis ngayon!

"I want to marry you someday and call you My Mrs. Mercado. Will you let me do that Melody?" nakatingin pa siya ng diretso sa mga mata ko habang binibitawan ang bawat salita na yan. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Oo ba?pero kasi di ba ang bilis? bakit ganon? Ni hindi pa nga siya nagpo propose tapos ganyan na agad siya magtanong. Tapos ang bilis bilis pa ng---

"I'll take that as a yes. Silence means yes ang policy ko Ms. Aguilar" tapos mas lalo niyang hinigpitan yung parang pagkaka akap sakin.

"Wala pa nga akong sina---

Pero imibs na hintayin ulit ang sagot ko, hinalikan niya ulit ako. Halik na puno ng pagmamahal at sinseridad. 

Palihim akong napangiti sa pagitan ng mga halik namin. Sana talaga.....sana sa pagdaan ng panahon... 

..mas lumalim pa ang nararamdaman ko para sa taong 'to. Kasi alam ko siya,iingatan yung tiwalang ibibigay ko.

"I love you Melody... so much.. I love you" he said between our kiss. 

"I love you too Adam" diretso kong sagot sa kanya. Yung sagot na walang halong pag aalinlangan. Because yes, i'm slowly falling for this guy. 

Hinawakan niya yung magkabila kong pisngi at muli akong hinalikan. Pero this time,quick kiss nalang.

'Thank you,marinig lang yan galing sayo,kumpleto na araw ko" tapos nagbu blush pa siya! Hala ang cute!.

"Hoyyy! Kuya! Muff! Kasal niyo?kasal niyo?maka kissing scene kayo diyan ah! Wow talaga!" nagulat nalang kami sa biglang pagsigaw ni Cheska mula dun sa pintuan ng simbahan. Kasama pa niya yung buong barkada pati sila Daddy. Dyusko kill me now,nakakahiya! Lamunin na po ako sana ng kalupaan.

Bigla naman napabitaw ng akap sa akin si Adam at pagkatapos ay inakbayan nalang ako. Naramdaman din niya yung hiya,buti naman.

Napangiti nalang ako sa ginawa namin ni Adam kahit na sa loob loob ko gusto ko ng magpabaon sa kailaliman ng lupa dahil sa kahihiyan. Hello?complete family tapos ganon makikita nila? huhu.

"Pasok na tayo sa loob?" pag aaya sa akin ni Adam.

"Sige po" then I smiled again. Kinurot naman agad niya yung pisngi ko tapos hinalikan din agad. amp.

Masaya ako ngayon aaminin ko. Masaya dahil kumpleto ang pamilya at mga kaibigan ko. Bonus pa 'tong taong minamahal ako ng totoo.Pero...

pero siya kaya? Masaya din na kaya siya? Nakalimutan na kaya niya ako? Ni minsan kaya ni hindi ako pumapasok sa isip niya?

 

Napalingon ako sa labas ng simbahan. Hindi ko alam kung anong mayroon pero  biglaan nalang siyang pumasok sa isip ko.

Tanga mo Melody,kailan nga ba na hindi mo siya naisip?

Napabuntong hininga nalang ako habang unti unting pumapasok ng simbahan. Kris, ang nag iisang KK ko. Sana masaya ka na ngayon. Kasi...ako?

 

pipilitin ko na din tuparin lahat ng mga pangarap ko noon at magpakasaya kahit wala ka sa tabi ko.

*******

Yung mukha niya,halos walang pinagbago. Napaka ganda pa din niya. Kung titignan mo talaga siya,di mo nalang mamamalayan ang sarili mo na unti unti ka na palang ngumingiti. Para ka kasing nakakita ng isang anghel. Oo anghel. Kaso nung ibingay s'ya sa akin, di ko siya napakaingatan. Napaiyak ko yung anghel na ipinahiram sa akin.

"Tapos ka na bang panuorin sila? Kasi kung oo,umalis na tayo. At kung hindi pa,ako na mismo sasaksak sa dibdib mo para di mo kinakawawa mismo yang sarili mo" masungit na sabi sa akin ni Monique habang nandito kami sa loob ng sasakyan...

at habang tinatanaw ko lang siya sa malayo. Ang mas malala pa,yung ibang tao ang kahalikan niya.

Ako lang dapat yun di'ba? ako lang dapat yung nandoon at akap akap siya? Yung tao na nakakayang ipakita sa lahat ang pagmamahal ko sa kanya. Ako lang dapat yun eh! Pero ang g*go lang at hindi ko kayang gawin yun lahat para sa kanya.

 

Mahina kasi ako. Sobrang hina ng loob ko. Hanggang salita ko lang kayang sabihin yung nararamdaman ko. Ang laki kong duwag.

"Monique..." mahina kong sabi habang patuloy pa din na nakatingin sa kanila. hindi ko alam pero gusto ko ng umalis at ipikit nalang ang mata ko. Pero parang may kung ano sa akin na gusto ko pa din siyang makita ng matagal. God, knows how much I missed her. And how much I will miss her.

 

"Wag pangalan ko ang banggitin mo Kris,hindi ako ang kailangan mo. Yang babaeng tinatanaw mo ang kailangan mo" Monique.

Oo nga pala, siya pa din pala ang mahal ko. Kailan ba nagbago yun? ang tanong, magbabago pa nga ba?

 

Unti unti kong pinikit ang mata ko at sinara ang binatana ng sasakyan.

 "I'm sorry Monique" 

"Ngayon palang nagso sorry ka na?" tapos isiunot niya yung shades niya.

"Alam ko kasing--

"Tsaka ka na mag sorry pag kinasal tayo Kris. I don't need those words right now" at kinuha niya yung libro na binabasa niya pa kanina.

"Basta, I'm sorry. Let's go" tapos pasimple kong pinunasan ang mga mata ko at umayos ng pagkaka upo. D*mn this feeling. Kung pupwede ko lang siyang itakbo at siya ang isama ko papalayo, gagawin ko. 

"Manong airport na po, baka ma late na kami sa flight. Kanina pa nagtetext ang Lolo mo sa akin. Kung hindi pa daw tayo pupunta don, siya na daw mismo susundo sa atin" Monique.

Tumango lang ako sa kanya at tuluyan ng umandar ang sasakyan namin. Muli kong tinignan ang singsing na suot ko......

MMDA, I love you. And I always will..... hope you will never give up too My love.

 

"Please wait for me....." I whispered.

*******************

A/N.

Bitin?Oo bitin. Kasi may hinanda pa kong isa para sa inyo :) thank you guys. Basahin niyo mabuti yung a/n ko sa EPILOGUE nitong IHYS :) ♥ love you all.

Continue Reading

You'll Also Like

164K 2.7K 27
Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para piliin mong mamatay? Ang tanong, susug...
468K 6.5K 16
[R-18] Ipinaglaban nina Ysabella at Fernan ang kanilang pagmamahalan at tila naging kapalit niyon ay ang pagkamatay ni Fernan matapos ang kanilang ka...
1.4M 19.7K 20
'Ikaw. Ayoko sayo.' sabi ni EDRIK sa Bestfriend ng kapatid niyang si Colyn. Pero ng dahil sa isang pagkakamali nagbago ang ihip ng hangin..
1.4M 56.3K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...