From A Distance

By hunnydew

1.3M 24.2K 12K

From the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the... More

Prologue: Laging Nakatanaw
1. Taga-hanga
2. Basketball
3. Idol
4. Kamangha-mangha
5. Crush
6. Yakap
7. Lakad-Takbo
8. Mabuting Kaibigan
9. Libreng Pakain
10. Kulog at Kidlat
11. Ulan at Luha
12. Selos
13. Ligaw
14. Inis
15. Tuliro
16. Punong Abala
17. Kaguluhan
18. Napagtanto
19. Pagtatapos
20. Bakasyon
21. Kaibigan o Kaaway?
22. Karibal
23. Asaran
24. Pagbabago
25. Pakikipag-Usap
26. Makita kang Muli
BONUS: Pelaez Brothers' Bonding Time (PBBT)
27. Maligayang Kaarawan
28. Ngiti
29. Parada
30. Husay
31. Emergency!
32. 'Di Kapani-Paniwala
33. Louie Antoinette Kwok
34. Unang Hakbang
35. Ayos
36. Hamon
37. Habilin
38. Paglabas
39. Susubukin
40. Pagsasanay
41. Pasado kaya?
42. Pamilyang Pelaez
43. Usapang Ligawan
44. PPP: Panliligaw sa Paraan ng Pelaez
45. Tama Na
46. Pangamba
47. Tulungan
48. Nakakailang
BONUS: PELAEZ BROTHERS AGAIN (PBA)
49. Hayaan Muna
50. Ang Plano
51. Sanayan Lang
52. Pag-aalala
53. Puyatan
54. Gulatan
55. Sorpresa
56. Regalo
57. Pag-aalinlangan
58. Pagtitipon
59. Unang Pag-Ibig
60. Pagkakataon
61. Road Trip
62. Kakaibang Saya
63. Pinagkakaabalahan
65. Pamamaalam
66. Stalker
67. Sapio Girl
68. Paghihintay
69. 'Di Inaasahan
70. Pakikiramay
71. Biglaan
72. Pelaez Brothers Emergency Meeting
73. Panunùyo
74. Hudyat
75. Talento
76. Kasa-Kasama

64. Mga Alinlangan

6.6K 290 123
By hunnydew

Sinalubong si Mason ng sala-salabat na tanong nang makauwi siya sa tahanan ng mga Pelaez pagsapit ng Biyernes ng hapon. Sinubukan niya namang ipaliwanag sa pamilya ang tungkol sa Chartered Finance Analyst competition. Tinulungan din siya ni Chino upang mas madaling maintindihan ng pamilya na hindi iyon simpleng tagisan ng talino. Ayon sa mechanics ng patimpalak na iyon, magbibigay ng case study ang isang sponsor at ang bawat grupo ng mga kalahok ay kailangang aralin iyon, magsagawa ng in-depth analyzation kung gaano kalaki ang gagastusin o kikitain ng kumpanya sa loob ng dalawampung taon. Kailangan din nilang magbigay ng mga suhestiyon kung paano iha-handle ang mga predicted challenges.

Gadgets, cash prize, posibleng scholarship program abroad ang mapapanalunan ng kupunang makapagbibigay ng pinakamahusay na analysis. Bukod pa roon ay maaaring isagawa rin ng kumpanya ang naging resulta ng pagsasaliksik at agad na kuning empleyado ang mga miyembro ng kupunan sa oras na magtapos sa kolehiyo.

"Sabihan mo lang kami 'Toy, kung may gusto kang ipaluto, ipapadala namin doon," sabik na saad ni Matilda.

"'Yung mga maruruming damit mo, iuwi mo na lang dito, kami na lang ang maglalaba para makapag-concentrate ka sa pagpe-prepare mo," wika naman ni Chad.

"O, si Chad daw ang maglalaba ah," natatawang dugtong ni Mark bago ito kumambiyo. "Basta pag kailangan mo ng kotseng pang-date kay Sapio Girl, sabihan mo ako."

"Diyan! Diyan ka talaga magaling," nandidilat ang mga matang puna ng ina. "Basta usapang date, nangunguna ka talaga. Nakita mo na ngang inaabisuhang mag-aral nang mabuti si Totoy."

"Ma, hindi rin naman po magandang puro aral lang. Balanse dapat! Siyempre, kailangan ding magpahinga paminsan-minsan, diba 'Pa?"

"Dinamay mo pa talaga ako," umiiling namang pakli nang ama. "Pero 'wag isa-sacrifice ang tulog. Next year pa naman 'yan. Kailangan din ng utak at katawan mo ang magpahinga. Macoy," baling ni Charles sa panganay. "May maire-reseta ka bang vitamins o kaya supplements para sa kapatid mo?"

"Sige po, Pa. Manghihingi na rin ako ng prescription sa residente namin para pwedeng ipa-reimburse ni Mac-Mac."

"De, in Mac's defense, magrelax din paminsan-minsan. Reward yourself ba. Or to simply get your mind off your studies temporarily. Mas madaling makaabsorb ng bagong learnings kapag di ka stressed," pagsang-ayon naman ni Chino.

"O, attorney ko na ang nagsalita. See? May point ako."

Hindi namalayan ni Mason na naubos na niya ang pagkaing nasa plato habang nakikinig sa usapan. Mabuti na lamang at umuwi siyang nataon pang kumpleto ang pamilya. He was happy to be home. Although he normally disliked noise, hearing the rowdiness of his siblings gives him a weird sense of peace. Anumang alalahaning dinadala niya ay agad napapawi nang mga ito.

Naaalala niya noong nagre-review para sa Physicians Licensure Exam si Marcus at sinundan naman ni Chino para sa Bar exams, halos hindi rin nila inabala ang mga ito sa pag-aaral. Nais kasi ng mga magulang na ang paghahanda lamang para sa mga pagsusulit ang intindihin. They were very supportive like that.

"Ikaw, Prinsesa? Anong maiaambag mo?"

Inangat ng bunso ang tingin mula sa taimtim na pagtatanggal ng tinik ng bangus sa plato. "Hm? Nasabi niyo na lahat eh. Pero ano...kapag iniistorbo ka ni Lark, ako na lang ang mag-aalaga, hehe."

"De...ayain mo na lang si Louie na ire-view si Mase."

Nanlalaki ang mga mata ng ibang kapatid na lalaki nang balingan ang nagsalita na namang si Mark. Sa ilalim ng mesa ay bahagyang sinipa ni Mase ang binti ng kuya subalit hindi siya pinansin nito.

"O? Bakit? Di ba si Louie ang nagrereview kay Prinsesa noon? Baka matulungan din si Totoy at mas ganahang mag-aral." Kinindatan pa nito si Mason kahit mas napalakas na ang pagsipa niya rito.

Umiwas siya ng tingin nang harapin siya ng bunso at gitlang nagtanong: "Weh? Kailangan mo pang magpareview kay bespren? Parehas ba kayo ng subjects? Diba Engineering siya tas Accountancy ka? Pede ba yun?"

Bahagyang umubo si Mason bago sumagot. Batid niyang sa ibang pamantasan tulad ng Uste, mga mag-aaral lamang sa parehong kolehiyo ang maaaring maging magkaklase. "Pwede yun sa UP," maikling sagot niya rito kahit damang-dama ang pagkalabog ng dibdib. Maaari ngang maging magkaklase ang mga mag-aaral mula sa iba't-ibang kolehiyo o kurso sa UP, subalit iyon ay para sa General Education subjects lamang. Bihirang mangyari iyon sa isang major subject. And engineering was in no way related to Accountancy.

"Waaaaw! Grabe naman ang utak ni bespren! Ang hirap na nga ng Engineering, pinatos pa pati Accounting!" papuri nitong nakatuon na naman ang pansin sa pinggan at patuloy na naghihimay ng isda kaya hindi nito napansin ang paghagikgik ng mga nakatatandang kapatid.

"O di sabihan mo na si best friend mo."

"Bakit ako? Hindi naman ako ang may kailangan," kunot-noong tanong ng bunso bago muling hinarap si Mase. "Tanungin mo lang kasi si bespren kung pede kang magpaturo. Wala namang masama sa pagtatanong. Tsaka para mas mapaliwanag mo rin kung bakit kahit matalino ka na, kailangan mo pa rin ng tulong niya."

"Oo nga naman. Edi tawagan mo na, 'Toy! Ayos lang naman pala kay Charlotte eh!" ngiting-asong udyok ni Mark.

Tila ba huminto ang paghinga ni Mason.

Admittedly, Charlie was one of the main reasons why he was delaying asking Louie out. Naaalala pa rin kasi niya ang hindi pagsang-ayon ng bunso kung isa sa mga kapatid nila ang manliligaw sa matalik nitong kaibigan.

Ibig bang sabihin ay pumapayag na ito? O baka naman nakalimutan na ng bunso ang naging kumento nang minsang pabirong inabisuhan ni Mark na ligawan na ni Mason si Louie? Pagkatapos iyon ng una't huling sleepover ng dalaga sa kanilang tahanan. Mase would prefer the latter at wala rin siyang balak ipaalala sa kapatid upang kumpirmahin iyon.

He might as well grab this rare chance.

Nagpakawala muna nang hininga si Mase bago sumagot. "S-Sige." Siya namang sunud-sunod na pagsipa sa kanya ng mga kapatid na lalaki sa ilalim ng mesa na hindi pa nakuntento sa mapanudyong mga ngiti.

"Magpaalam ka rin kay Tita Louise mo ah," nakangising saad ng ama nila at mas lalong lumakas ang sipaan sa ilalim ng mesa.

"Opo."

"Ha? Bakit kailangan pang magpaalam kay Tita Louise? Makikitulog din ba si Mason kina bespren?" takang tanong ni Charlie bago nagsubo ng kutsarang punung-puno ng kanin.

"Pwede rin, hahaha!"

"Somo oko!" sabik na dagdag pa nito kahit puno ang bibig.

"Wag ka na! Makakagulo ka lang sa pagrereview nila eh!"

Halos maubo si Charlie nang subukang lunukin ang nasa bibig nito at nagtanong muli. "Babantayan ko lang naman si Mase!" Sa sinabing iyon, tumahimik ang buong paligid habang nakatingin ang lahat dito na wari'y nagtatanong kung anong ibig nitong sabihin. "Kasi diba, nililigawan na ni Mase si Sapio Girl?"

"Nililigawan mo na siya?!"

"Kailan pa?!"

"Bakit di ka nagsasabi?!"

"Sinagot ka na ba?"

"Alam niyo," pagpagitna ng ina sa kaguluhan at sandaling natigil ang pagkuyog kay Mase. "Patapusin niyo munang magsalita 'yang kapatid niyo. Baka mamaya, iba na naman ang pagkakaintindi niya. Kilala niyo naman 'yan."

Agad namang tumalima ang magkakapatid na interesadong hinihintay magsalitang muli si Charlotte.

"Ayun na nga. Gusto kong bantayan si Mase kapag tinuturuan na siya ni bespren para siguraduhing 'di niya niloloko si Sapio Girl."

Napatapal sa mukha si Mason at napalatak na lamang ang iba pang mga kuya kasabay ng paghalakhak ng mga magulang nila. They were indeed very supportive like that.

But how Charlie would react sa oras na malaman nitong si Sapio Girl at ang best friend nitong si Louie Kwok ay iisa, was something Mason was going to set-aside for now.

He, however, has to keep moving in order to get closer to Louie.

---

Nakakapanibagong huling nagising si Mason kinabukasan, bandang alas-otso ng umaga. Wala na rin siyang masyadong naitulong sa gawaing bahay dahil kung hindi man patapos na ang paglilinis, inabisuhan na lamang siyang magpahinga. Maging si Lark ay napakain at napaliguan na rin.

"Si Charlotte?" naitanong niya habang kumakain ng agahan. Madalas kasi ay ang kaingayan ng kapatid ang gumigising sa kanya.

"Nasa ROTC. Every other Saturday yun ng umaga. Tanghali na uuwi," paliwanag ni Chad na naghahanda ng lesson plan sa hapag-kainan.

"Wala siyang practice sa varsity?"

"Di naman kasi siya kasali sa line-up this year dahil nga sa grades niya. Edi pasok din siya sa regular students na kailangang mamili kung LWTS, CWATS o ROTC."

Ibig sabihin ba noon ay walang lakad ang magkakaibigan sa pagkakataong iyon? Sinubukan niya kasing tawagan si Louie noong nakaraang Sabado upang ayain sana itong lumabas kasama si Lark. Subalit ayon sa ina nito na siyang nakasagot ng telepono ay tulog pa ang dalaga. Libre kaya si Louie sa pagkakataong iyon?

"'Lalim ng iniisip mo ah. Ubusin mo na muna 'yang kinakain mo. Tapos tawagan mo na si Louie," may himig-panunuksong saad ng kapatid kahit hindi ito nakatingin sa kanya.

"Speaking of Louie," singit ni Mark na katatapos lang magdilig ng mga halaman. "Di ko yata nasabi sa'yo. Tumawag siya noong nakaraang Sabado."

Nagpanting ang tenga niya't napaupo nang tuwid. "Ano'ng sabi?"

"Akala ko nga ikaw ang hinahanap eh. Si Charlotte ang kinausap. Tapos lumabas silang magkakaibigan."

Tumango-tango naman si Mase at ipinagpatuloy ang pagkain.

"What's the score between you and Sapio Girl?"

"We're not playing a game, so there's no score to talk about."

"Ang aga-aga, bad mood ka. You know what I mean. What's the status between you and Louie?" paglilinaw ni Mark na umupo sa kabisera. Maging si Chad ay huminto sa pagsusulat at mataman siyang tinignan.

"Minsan magka-text," pag-amin niya rito.

"Pa lang? Aba 'Toy...anong petsa na? High school pa lang kayo, sinisinta mo na si Louie. Nasa iisang university na nga kayo, wala ka pa ring ginagawa?" dismayadong tanong ni Mark.

"Baka naghihintay lang ng right timing," depensa naman ni Chad para sa kanya.

"There is no right timing. The time to act is now. Every second you waste waiting for that perfect moment is a chance for somebody else to win her over."

Humigpit ang hawak ni Mase sa kubyertos sa kawalan ng maisasagot. Ganoon kasi siya naungusan ng kaibigang si Ray.

"De, di lang siguro priority ni Mase ang pakikipagrelasyon."

"Stop giving him reasons to delay his next move, Chad. Alam naman nating di siya nagpapabaya sa pag-aaral. All I'm saying is that it is clear that he likes her. I mean, anyone could tell he likes her too much. Kung assumera lang siguro si Louie, mahahalata niya na rin eh. So what's holding him back?" Binalingan siya nito at seryosong tinignan. "What is holding you back?"

Ibinaba ni Mason ang kubyertos at nagpakawala ng buntong hininga. It was about time to come clean. "Fear of rejection."

Tila may bumara sa kanyang lalamunan nang sa unang pagkakataon ay inamin niya iyon lalo na nang makita niya ang pagkagitla ng dalawang kausap kaya nag-iwas na lamang siya ng tingin.

"And Atychiphobia," dagdag pa niya. A can of worms has been opened. Might as well spill everything now.

"Ano yun?"

"Fear of failure."

"Seryoso?" bulalas ni Mark at binatukan ito ni Chad at pinandilatan.

Tumango lamang siya nang bahagya at tuluyan na ring nawalan ng ganang kumain. That was why he was doing his best in school at hindi ipinapaubaya sa eidetic memory ang kanyang pag-aaral. He couldn't allow himself to be complacent. Dahil alam niyang kung magkamali man siya, hindi lang siya ang masasaktan kundi maging ang mga magulang.

Mason knew it was a bad combination. He has not experienced getting rejected or failing at something he was passionate about. Kaya mas pinipili niyang manatili sa safe zone at doon mag-excel.

It was the same for what he was feeling for Louie. Tulad nga ng tinuran ni Mark, masyado nang halata ang nararamdaman niya para sa dalaga. He was just careful not to show her how much she affected him. Or better yet, takot lang siyang ipakita iyon sa dalaga. Sa katunayan, nasaktan na siya noong ilang beses niya itong inayang lumabas subalit sa kung anong kadahilanan ay hindi sumagot ang dalaga. He didn't like the feeling at all. At ayaw niyang maramdaman ulit iyon. He was scared to be hurt that's why he is hiding under the pretense of a calculating person.

"That goes to show na tao ka lang, Mase, may mga kinatatakutan din." Si Chad ang nagsalita at bahagyang nakangiti ito sa kanya na tila ba naiintindihan nito ang kanyang pinagdaraanan. "Normal lang naman 'yon."

"Tama. Take it from my this guy who's holding the crown for most number of rejections," natatawang dagdag ni Mark. "Ano na ba ang record mo? Fifteen?"

"Ulol. 12 lang, wag mo 'kong pangunahan!" tumatawang balik din ng isa.

"Try and try until you succeed, 'no?"

"Wag ka na nga! I'm trying to give him a good advice, Mac. Wag kang ano, hahaha."

"Fine. 'Ge, say your piece. Baka may mapulot din ako."

Umiling-iling si Chad bago ito tumitig kay Mase. "Okay lang yang may kinatatakutan ka. Pero one way or another, you'll have to face your worst fear. How you will handle it will determine if you learned something. It wouldn't make you less of a man. Minsan, Mase, di kailangang pairalin ang utak kung damdamin ang dapat magdesisyon. Kailangan mo ring itaya ang puso mo."

"Ay putspa...hugot!" Pumapalakpak na papuri ni Mac na nakatayo pa habang natatawa ring tumango-tango si Mase.

"Ubusin mo na nga 'yang kinakain mo dahil lalabas daw tayo pagbalik nina Mama at pag nakauwi na si Charlotte!" namumulang pag-iiba naman ni Chad.

Tama nga ang amang si Charles nang sabihing maraming maitutulong ang mga kapatid niya pagdating sa ganoong bagay. Maloko nga, subalit marami siyang nalalamang bago, and this time, he got the best advice unexpectedly (again) from his brother who had gone through so many failures and rejections.

And yes, he has to quit stalling.

---

Mabuti na lamang at nakisama ang schedule niya pagsapit ng sumunod na linggo. May isang convention na kailangang puntahan ang kanilang coach kaya naman isang linggo silang makakapagpahinga.

Kaya niluto na rin niya ang pinamiling kikiam, fishball at kwek-kwek. Sa tulong ng mga payo ng mga kuya ay nabuo na ang loob niyang ayain si Louie na kumain kahit sa may Sunken Garden lamang.

Tama si Mac. Minsan, walang tamang panahon lalo na't kung tutuusin ay ilang 'tamang panahon' na rin ang pinakawalan niya. Baka sa susunod ay hindi na siya pagbigyan ng tadhana.

Miyerkules iyon at inabangan niya si Louie sa labas ng Melchor Hall at sa AS kung saan niya minsang nakita ang dalaga subalit hindi niya nakita ito buong araw. Kung sabagay, hindi naman kasi niya alam ang schedule nito. Mas mainam siguro kung tatawagan na lamang niya ang dalaga para tanungin kung anong oras ito malilibre. Hindi naman sila magtatagal. Kahit sa Sunken Garden o sa Lagoon lang nila kainin ang mga-

Naputol ang pagmumuni-muni ni Mason nang makapasok sa apartment at nakita si Mark.

Prente itong nakaupo't tumatawa habang nanonood ng kung ano sa laptop ni Chino.

Habang maganang nilalantakan ang mga niluto ni Mason para kay Louie.

----
A/N: 

Ayon kay humigad na opismeyt ko lelelels

LTS: Literacy Training Service - mga nagtuturo sa indigenous communities 

CWATS: Civic Welfare Training Service - mga tumutulong sa paggawa ng mga classrooms at bahay sa mga indigenous communities.

***

alam ko bitin. Pero at least mas nakilala natin ngayon si Mason. Normal lang din siya tulad natin huehuehue. Namiss ko rin kasi ang Pamilyang Pelaez kaya sila muna ang nasa chapter na ito :)

Next chapter na ang picnic date! Sisikapin kong bilisan ang pagta-type habang magaan ang trabaho :)

Salamat ulit. Sana kahit papaano, nasiyahan kayo rito.

Yung iba palang nagpapadedic ng chapters na nagbago ng username, pakiabisuhan po ako, marami ang 'user not found' kasi huhu.

-Ate Hunny

Posted on 5 October 2015, Monday


Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
45.8K 2.2K 29
- refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbidden. 05 | 15 | 24
598K 15.3K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...