Baka Sakali 3 (Published unde...

By jonaxx

39.4M 990K 630K

Ang pag-ibig ay parang nagsusugal. Pag sigurado kang mahal mo ang tao, ibibigay mo ang lahat. Ang problema di... More

Baka Sakali (Book 3 of BS Trilogy)
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Epilogue
Notes

Kabanata 7

976K 25K 8.1K
By jonaxx

Kabanata 7

Childish

"This is not about that, Jacob!"

Kinaumagahan ay sumama ako kay Jacob sa kanilang bahay. Ayaw niya ngunit nagpumilit ako kaya wala siyang nagawa. Kumain ako ng almusal kasama ang kanyang tito at tita nang biglang may tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung sino pero alam kong tungkol sa negosyo ang pinag uusapan.

Umalis si Jacob sa hapag para sagutin ang tawag ngunit medyo matagal iyon kaya sumunod ang Tito Samuel niya.

Si Samuel Buenaventura ay pinsan ni Don Juan Antonio. Napag alaman ko kagabi ang pinagmulan ng negosyo nina Jacob. His great great grand father bought pieces of land for farming. May anak itong dalawa. Ang panganay ang pinagbigyan ng lupain at ang isa naman ay pinag aral sa Maynila. Ang panganay ang lolo ni Jacob. Ang lolo ni Jacob ang nagsimula sa J.A. Foods. Maliit na farm lang ito noon pero dahil kay Don Juan Antonio (Kung saan tunay pinangalan ang J.A.) lumago ang negosyo. Ang Tito Samuel niya ay nakatira na sa ibang bansa bilang isang surgeon sa isang malaking ospital.

Ang nagdadala talaga ng negosyo ay si Don Juan Antonio. At expected na si Jacob ang magmamana dahil siya ang natatanging anak ng Don.

"It's a shame that Juan Antonio died the way Cielo died years ago..." umiling si Tita Lydia sa akin.

Tumango ako at pinagmasdan si Jacob at Tito Samuel.

Nasa cellphone parin si Jacob. Pagkababa niya ay umalis siya doon. Sumunod si Tito Samuel sa kanya dahilan kung bakit umalis din si Tita Lydia sa hapag.

I can't stay there alone and feeling helpless. Umakyat ako at pumunta sa study ng yumaong Don Juan Antonio.

Hindi tuluyang sarado ang pintuan. Siguro ay nakaligtaan na ni Tita Lydia.

"This is not about that. I am not going to take your business away from you. God!" sigaw ni Tito.

"Kaya kong hawakan ang negosyo. Kailangan ko lang ng panahon."

"I will give you time. And hopefully, hindi maubos lahat ng pinaghirapan ng iyong ama sa mga oras na ibibigay ko sa'yo..." ani Tito Samuel.

"Jacob, you're still young and I bet you don't know much about the business. Your father was wrong when he didn't teach you anything about it."

"Tinuruan niya ako kung paano patakbuhin ito-"

"Unfortunately, hindi ka niya tinuruan kung paano patakbuhin ito kahit lumpo na..." ani tito Samuel.

"Samuel, let him handle the business..." ani Tita Lydia.

"All I am asking from you is to let me handle it. Hindi ko babaguhin ang kahit ano, isasalba ko lang."

"Kaya kong isalba ito ng mag-isa!" ani Jacob.

"Kaya mo ito kung sana ay inuna mo iyong negosyo ng ama mo! Inuuna mo pa iyang Trucking. What goods are you going to deliver when you don't have enough plants? Hindi ba dapat iyon ang pagtuonan ng pansin? Tutal ay kung makakabawi ka naman, pwede mo namang bilhin ang Trucking ulit. If you really are confident na mapapaahon mo sa pagkakalubog ang negosyo ninyo, e di ibenta mo ang Trucking pansamantala!"

Humilig ako sa dingding. Ang trucking talaga ang pangunahing problema nila.

"Hindi mo maibenta ang Trucking kasi hindi nakapangalan sa'yo, Jacob?" tanong ni Tita Lydia.

"Hindi ko ibebenta ang Trucking," mariing sagot ni Jacob.

"You can ask Rosie! Maiintindihan niya iyon. Pag binenta mo ang Trucking hindi ibig sabihin noon na hindi mo na siya mahal! I bet she'll understand. You're girlfriend seems a good girl, Jacob."

"Hindi 'yan ang dahilan ko! Basta! Hindi ko ibebenta ang Trucking! Kaya kong palaguin ang negosyo ng mag isa nang hindi binibenta-"

"Sige nga!" Tumawa na ang Tito niya ngunit walang humor. "I just do hope na hindi mo mauubos lahat ng ari arian ni Juan Antonio!

Tumuwid ako sa pagkakatayo para umalis na sana. Isang hakbang pa lang ay narinig ko ang sinabi ni Jacob.

"Kahit maubos pa, hindi ako sasama sa inyo sa ibang bansa..."

Natigil ako sa paghakbang. Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi mabuting iwan mo ang pag-aaral, Jacob. Lalo na ngayong hindi mo alam kung paano patakbuhin ang negosyo n'yo. Tapusin mo muna ang pag-aaral mo. And while doing that, I am going to train you-"

"Paano n'yo ako ma ti-train kung malayo ako sa negosyo? Hindi ba ay nararapat na dito lang ako para matuto ako?"

"Paano ka matututo kung walang magtuturo?"

Kahit gulat na gulat ako ay nagawa ko paring umalis doon. Nanginginig ang tuhod ko pagkababa ko ng hagdanan. Dumiretso ako sa lamesa at napainom ako doon ng tubig.

May planong ganoon?

Bumaba si Jacob ilang sandali ang lumipas. Pumungay ang mga mata niya nang nakita niya ako at umupo siya sa tabi ko.

"Sorry doon. Busy kasi tumawag 'yong kakontrata ni daddy para doon sa mga napesteng maisan..."

Hindi ako nakapagsalita. Nanatili ang utak ko doon sa offer ng kanyang Tito na umalis at mangibang bansa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam kung aaminin ko ba na narinig ko iyon o hayaan na muna ang lahat na mangyari.

Unti unting pinipiga ang puso ko habang tinitingnan siyang naglalagay pa ng isa pang bacon sa aking pinggan.

"Ang ayaw ko talaga ay pag naaapektuhan ang pagkain mo dahil sa modeling na iyan. Kumain ka ng maayos, Rosie," aniya.

Tumango ako at hindi na nakapagsalita.

Kinalimutan ko pansamantala ang nalaman ko. Kahit kay Auntie Precy o kay Maggie ay hindi ko binanggit. Bumalik ako ng Maynila para gawin ang iilang gigs.

"Rosie!" patiling sigaw ni Kira.

Halos mapatalon ako sa harap ng salamin. Tinatanggal ko na ang headress ko dahil patapos na ang pangalawang gig sa araw na ito. May isa pa bukas at sa makalawa, makakauwi na ulit ako ng Alegria.

"O, bakit?" tanong ko.

Sobrang lapad ng ngiti niya at may dala-dala siyang papel.

"I have been invited to send a girl sa pageant sa Tagaytay... Ikaw ang gusto ko!"

Tagaytay? Ito ba iyong binanggit ni Brandon sa akin a month ago? Umiling kaagad ako, nag usap kami ni Jacob tungkol dito at mariin niyang sinabi na hindi ako pwedeng sumali.

"Ayaw ko, Kira. Kumuha ka ng iba..." sabi ko.

"Ano? Bakit? My God! Ikaw ang pinaka bet kong model sa agency kaya ikaw ang kukunin ko! Sige na, please..."

Tiningnan ko siya sa salamin. Nasa likod ko siya at mukhang hinding hindi susuko sa offer niya.

"Ang premyo ay scholarship, Rosie. Sa kahit anong unibersidad at kahit anong kurso! May Trip to Macau pa at one hundred thousand pesos!"

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Kira. Hindi ang luho ang iniisip ko kundi ang scholarship. Nagkatitigan kaming dalawa sa salamin. Nanliit ang mga mata niya. Alam niyang gipit ako.

"Magpapaalam muna ako kay Jacob-"

"Sus naku! Tapos pag di siya pumayag, aayaw ka? Ganoon? E, kailangan mo ng pera pang matrikula, a?"

"Ano ba ang kapalit nito, ha? This can't be just scholarship, right? Paniguradong may kapalit ito..." sabi ko.

"Kapalit nito ang contract under V Malls. You will be one of their models, sa aparell nila. Simple! Model ka naman at gawain mo iyon."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Kira. Gusto ko na agad sumali para sa scholarship pero nagdadalawang isip ako dahil ayaw ni Jacob doon.

"Pag isipan mo 'yang mabuti. Maiintindihan naman 'yan ng boyfriend mo, Rosie. Alam niyang may financial problem ka. Hindi ka naman mangangaliwa, ah? Marangal na trabaho at nakakabuti pa sa iyo. Masyado naman yatang childish 'yang boyfriend mo kung aayaw pa siya gayong para sa ikabubuti mo naman ito..."

Kinagat ko ang labi ko. Paniguradong aayaw si Jacob nito. Lalo na pag nalaman niyang isa si Brandon sa nag suggest nito.

Pagkatapos ng mga trabaho, umuwi ako ng Alegria. Like the usual, kina Auntie Precy ako nauna para makausap sana siya tungkol sa offer pero siya pala itong may kailangang sabihin sa akin.

"Rosie," ani Auntie Precy habang kumakain ako.

Kakatext ko lang kay Jacob na nasa Bahay ni Lola ako at doon na nag dinner. Ang sabi niya ay pupunta na siya dito ngayon.

"Nag bawas na naman ng mga tao sa J.A.," ani Auntie sabay buntong hininga.

Hindi ko na dinidibdib ang mga sinasabi ni Auntie. Parang pinapalabas ko na lang ito sa kabilang tainga.

"Anong sinabi ni Jacob sa'yo?"

"Wala siyang sinasabi..." sabi ko.

"Ang trucking kasi wala na talagang activity. Sa dami ng truck ay dalawa na lang 'yong nag dedeliver ng mga goods galing sa pabrika. Hindi na kumikita ang trucking..."

Binitiwan ko ang mga kubyertos at uminom ako ng tubig.

"I'm sorry. Tingin ko lang talaga ay kailangan mong malaman ang lahat ng ito... Tantya ko'y ilang buwan na lang mas lalong mababaon ng utang ang J.A. Hindi ko maisip kung anong isusuko ni Jacob sa huli, ang Trucking, ang J.A., o ang bahay nila..."

Pumikit ako ng mariin. Hinilot ko ang aking sentido. Binitiwan ko ang pag iisip nito noon pero ngayon ay unti unting bumabalik sa akin ang lahat.

"Auntie, kung ipagbili ko kaya ang Trucking. Tutal akin naman 'yon..."

Nanlaki ang mga mata ni Auntie. "Alam mong magagalit si Jacob..."

"Hindi kaya ayaw niya lang na maramdaman kong sinuko niya ako? I feel like the Trucking symbolizes his love for me. Kaya ayaw niya itong bitiwan. Pero ako, handa ako. Kapag binitiwan ni Jacob ang trucking, hindi naman noon ibig sabihin na hindi niya na ako mahal. I'm not naive to think na batayan iyan sa pagmamahal niya sa akin."

"There must be other reasons why he doesn't want to give the Trucking up..." ani Auntie kahit na alam kong hindi na siya naniniwala sa sarili niyang mga salita.

"What reason? Kasi tingin ko ito talaga ang magpapabagsak sa lahat, Auntie..."

May narinig kaming tricycle. Magsasalita pa sana si Auntie nang may biglang kumatok sa pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Auntie Precy?" ani Jacob galing sa labas.

Nanatiling nakatitig si Auntie sa akin. May naiisip ako at tingin ko ay pareho kaming dalawa.

"Nagtrycicle siya?" tanong ni Auntie.

Hindi ako sumagot. Tumayo ako at dumiretso sa pintuan para pag buksan si Jacob. Sumunod si Auntie sa akin. Pinihit ko ang door handle at isang malaking bouquet ng bulaklak ang bumungad sa akin.

"Happy monthsary!" bati niya sabay yakap ng mahigpit sa akin.

Napangiti ako. Nakalimutan ko na monthsary namin ngayon, pero siya hindi. Bumitiw siya sa akin at nilahad ang kulay pula na mga rosas.

"Para sa'yo..." aniya sabay ngiti.

Ngumiti rin ako at tinanggap iyon. "Thank you. Happy monthsary..."

Mabilis niya akong hinalikan sa labi.

"Kasing pula ng labi mo ang mga rosas na 'yan..." halakhak niya.

Naisip ko tuloy kung saan niya ito kinuha. Ang plantation nila ng mga bulaklak ay nasa Kampo Juan. Hindi na nila pag aari iyon. Hindi na lang ako nag isip.

"Jacob..." hinawi ni Auntie Precy ang kurtina para tingnan ang labas. "Hindi mo dala ang Hummer?"

Doon ko idinirekta ang seryosong tingin ko kay Jacob. Bumaling siya kay Auntie.

"Hindi na. Dito ulit ako matutulog. Auntie, bukas pwede bang doon matulog si Rosie sa amin?" ngumisi siya.

Pilit na ngumiti si Auntie. Kahit alam kong maging siya ay namomroblema sa problemang kinaligtaan ni Jacob.

"Sige... Sige... siya..." ani Auntie.

"Salamat po!" maligaya niyang sinabi.

Kaya habang nasa bahay kami at maganda ang mood niya, pilit kong binuksan ang mga topic na iniiwasan niya. Nakapalupot kami sa kumot habang nasa kawayang silya. Magkasalikop ang mga daliri naming dalawa. Si Auntie ay tulog na sa kanyang kwarto.

"Jacob..." sabi ko, nakatingin sa TV.

"Hmmm..."

"'Yong trucking, ibenta natin..." sabi ko.

"Hay... Hindi na. Kaya kong patakbuhin 'yan, Rosie..." seryoso ang boses niya.

"Pero... sabi... dalawang Truck na lang daw ang bumabyahe..."

"Para sa goods. Ipapa rentahan ko na lang ang iba," aniya.

Ngumiwi ako. Paano ko ba talaga siya makukumbinsi?

"Paano kung ibenta ko 'yon, sakin naman nakapangalan?" sabi ko.

Tumawa lamang siya at mas lalong binaon ang kanyang mukha sa aking leeg. "I missed you..."

Shit.

"I missed you too. Sa inyo tayo bukas? Hindi na ba ulit bumisita ang Tita at Tito mo? Bumalik na ba sila ng ibang bansa?"

"Hindi na sila bumisita. Ewan. Nasa Maynila pa yata..." ani Jacob.

Tumango ako at nanatili ang mga mata sa palabas na pinapanood. "Nga pala... sasali ako sa isang modeling contest sa Tagaytay..."

"Ano na naman ba 'yan, Rosie? Para saan?" hinarap niya ako.

Nagkatinginan kaming dalawa. Kinagat ko ang labi ko. Kira's right.

"Maganda kasi 'yong premyo, alam mo 'yon? Scholarship tapos one hundred thousand pesos! May Trip to Macau pa! Isasama kita, kung sakali..."

"Asus! 'Yon lang? Edi kumuha ka ng passport at ibobook kaagad kita ng papunta doon, kasama ako."

Really? Sinusubukan talaga ako ng lahat ng ito.

Humalukipkip ako. "Hindi 'yong Macau ang habol ko kundi iyong scholarship, Jacob..."

"Ako nga ang mag babayad ng tuition mo next year, hindi ba? Hindi ba nasabi ko na sa'yo 'to?"

"Jacob, hindi ganoon kadali!" iritado kong sinabi.

Nag iwas siya ng tingin sa akin at ramdam ko kaagad ang pagtatampo niya. Pumikit ako ng mariin sa frustration. Ayaw kong mag away kami. Ngayon pa talaga sa kasagsagan ng lahat ng ito?

"Ayaw kong sumasali ka sa mga contest! Kaya kong buhayin ka! Pag aralin! Bakit pa kailangan ng ganyan, Rosie? Alam mo namang ayaw kong sumasali ka..."

"Bakit ba kasi ayaw mo, ha? Pinagdadamot mo ako? Nagseselos ka pag may nakakakita sa akin sa stage, Jacob? Pero alam mo namang ikaw lang ang mahal ko. Kahit na sino pang makakita sa akin-"

"Mahal kita at akin ka lang. Kaya kong bayaran ang lahat lahat para sa'yo, okay? Bukas agad, ihuhulog ko ang pera pang matrikula mo next sem sa account mo."

"Don't. Do. That!" banta ko sabay layo sa kanya. "Binabalaan kita, Jacob!"

"O! Para matapos na 'yang problema mo at hindi mo na kailangan pang sumali sa mga pacontest na 'yan!" aniya sabay taas ng kamay.

"Jacob..." umiling ako. "Please don't be childish. I'm not going to join in that contest para may makakita sa akin na ibang lalaki! Sasali ako para sa amin ni Maggie. Sasali ako para sa pag aaral ko at ayaw kong abalahin pa kita dahil alam kong may problema ka rin-"

"Kaya ko ang problema ko, Rosie. Kaya kitang buhayin kaya hindi mo na dapat pinoproblema ang lahat ng ito."

Uminit ang pisngi ko sa iritasyon at frustration.

"Hindi mo ako pwedeng buhayin kasi hindi mo naman responsibilidad iyon! Isa pa, hindi ako lumpo para magpabuhay sa ibang tao! Kaya kong magtrabaho kaya magtatrabaho ako-"

"Hindi responsibilidad!? I love you kaya ko ginagawa ang lahat ng ito para sa'yo. Para sa'yo, Rosie kaya hindi mo na kailangang mag isip pa-"

"Hindi ako helpless, Jacob. Kaya kong magtrabaho kaya bakit hindi mo ako hayaan?" tumaas na ang tono ng boses ko. "Pride lang 'yan! Ayaw mong masapawan ka ng iba! Ayaw mong may nakakakita ng sa'yo pero hindi maiiwasan 'yan! And besides, sa'yo na nga ako 'di ba? Bakit ka pa mangangamba, ha?"

"Ayaw ko, Rosie! Ayaw kong sumasali ka sa mga ganyan, okay?" giit niya.

"Stop being so childish! Truth is, you really can't put me in a jar and hide me from the world, Jacob. Sa'yo ako body, mind, and soul but I need to do things on my own! For my family! For myself!"

Nalaglag ang panga niya. Magsasalita pa sana siya pero bumaba si Auntie galing sa taas.

"Ano 'yan? Naririnig ko kayong nagtatalo kahit sa taas ah? Tama na 'yan, Jacob, Rosie..."

Hinawakan ni Jacob ang aking kamay. Hinila niya ako palapit sa kanya. Nanigas ako. Ayaw kong magpahila. Ayaw kong lumapit sa kanya. I stand by my decision.

"Rosie..." tawag niya sabay hila ulit.

Nang napagtantong hindi niya ako mahihila ay siya mismo ang lumapit upang yakapin ako. Nag init ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko na alam kung ano pang pwedeng gawin.


Continue Reading

You'll Also Like

107K 5.5K 72
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
4.8M 99.2K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
352K 936 15
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.