*******
Gelay's POV
Huhuhu. Malapit na ako umiyak. :((((( Recess time na namin ngayon. Nasa canteen kami nila Ariana, Margie, Mikay, at Jennilyn. Hindi pa rin ako maka-get over na andito si Kokiyo. 'Di ba nasa Japan na siya? Yun yung sabi niya saakin eh.
"Uiy 'teh. Kung iiyak ka, dun ka sa cr para hindi ka mag-skandalo diyan." sabi saakin ni Mikay.
"Ewan ko sa'yo. Pssst. Ayun si Mattheo oh." sabay turo sa sulok ng canteen. Nandoon sila Kokiyo at ang barkada niya.
"Alam ko, alam ko. Si Kokiyo din oh." sabi ni Mikay
"Heh! Manahimik ka!" sagot ko sakanya.
"Gurl, mamaya magsabunutan pa kayo diyan." awat saamin ni Jennilyn.
"Sorry po nanay" sagot ni Mikay sakanya.
"Nanay ka dyan! Sa kasexyhan kong 'to, nanay itatawag mo saakin?!" angal ni Jennilyn. Sabagay, sexy naman talaga siya. Hot na kung tawagin.
"Oo na! Ikaw na sexy!" sabi ko.
"Ano ba?! May plano ba tayong kumain?!" sigaw ni Ariana. Mukhang pagkain talaga 'to.
"Meron naman. Pila na tayo?" aya ko sa kanila.
"Sige."
*U* Grabeeee. Ang sarap talaga ng mga pagkain pag first day of classes! ^_____^ Carbonara, barbeque, pizza, lasagna.
Carbonara yung napili ko. Nang bumalik kami sa upuan namin, may nakita akong isang box ng pizza. Nakatapat yun sa upuan ko kanina.
"Uiy, kanino yan?" tanong ko. Gusto ko rin sana ng pizza eh. ^____^
"Sa'yo!" sigaw ni Margie.
"Ha?! Wala naman akong binili na pizza eh."
"Kung tingnan mo kaya yung nakasulat sa box." sabi ni Ariana.
At tiningnan ko nga. Ang nakalagay: "TO: GELAY"
*FLASHBACK*
"Ano ba! Saan mo ba ako dadalin? At talagang kailangang nakatakip mata ko?" tanong ko kay Kokiyo.
"Malapit na." tapos tumawa siya.
Wala na akong ginawa at nagpahila nalang.
"Ready ka na?" tanong niya sa'kin.
"Para sa'n?" tanong ko pabalik.
"Para dito." tapos tinanggal niya ang takip sa mata ko.
Nasa park kami ngayon, at may malaking table na puro pagkain ang nasa ibabaw. Yung tabble cloth, may nakasulat na 'TO: GELAY. HAPPY BIRTHDAY! FROM: KOKIYO'
"Nagustuhan mo ba?" tanong niya.
"OO KOKIYO!" tapos niyakap ko siya. Sobrang saya ko ngayon. Ito na ata ang pinakamasayang birthday ko. Niyakap niya ako pabalik. "Salamat. Salamat talaga, Kokiyo." bulong ko sakanya. "Sus. Wala yun." bulong niya pabalik.
Bumitaw na kami sa yakap. "Ano? Kain na tayo?" aya niya sakin. "Okaaaay!" sabay ngiti.
*END OF FLASHBACK*
"Hala. Sino naman nag lagay niyan diyan?" tanong ko sa kanila.
"Baka si Kokiyo." sabi ni Jennilyn tapos siniko ako. Lahat naman sila ngumiti ng nangangasar. Tiningnan ko sila ng masama.
"Manahimik nga kayo! Imposible naman yun noh. Baka nilagay niya yung pangalan sa loob." Tapos binuksan ko. Pagkabukas ko, lahat sila nagsitilian pwera nalang saakin.
Pagkabukas ko kase, may mga Nips na chocolate na nag f-form ng word na 'SORRY' tapos, 'di ko alam kung imagination ko lang ba yun or sinadya nung nag bigay, pero yung mga pineapple, nag form ng '-K'.
Kokiyo's POV
Alam ko ang iniisip ninyo, pero hindi po ako ang 'bad guy' talagang napilitan ako na iwan si Gelay. Yung panaginip niya? Napanaginipan ko rin yun. We both had the same dream at the same time. At totoo ang mga sinabi ko doon sa dream na 'yun. Sayang nga yung huli eh. Muntik na yun! :))
Ako yung nagbigay ng box ng pizza at kasalukuyan 'kong pinagmamasdan ang magiging reaksyon ni Gelay. Natawa nga ako sa reaksyon ng mga kaibigan niya eh. XD Pero bakit ganun, 'di maipinta ang reaksyon ni Gelay. Matalino naman siya eh, sana napansin niya yung finorm ng mga pineapple.
"Oi Kajuma. Matunaw pa yan. Kala ko ba Isabel ka na?"
Natauhan naman ako nung tinawag ako ni Mattheo.
"H-ha? Ah. Oo nga. Napatingin lang ako kase may mga sumigaw." sabi ko sakanya.
"Pre, kay Isabel ka na ba talaga? Eh parang may nararamdaman ka pa kay Gelay eh." sabi saakin ni Alvin Bariuad. Ang hari ng katorpehan. May gusto na nga kay Jennilyn, ayaw pa sabihin.
"Oo nga. Kay Gelay? Sus! Ayoko na dun noh. Mas maganda si Isabel." pagtatanggi ko.
"Sigurado ka ba? Eh sa tagal nating magkaibigan, kilala na kita. At hindi mo naman type yang si Isabel eh. Oo, mabait, maganda. Pero hindi mo naman type ang tahimik, pre eh." sabi ni Mattheo saakin.
"Ano ba problema mo? Sabi nang si Isabel gusto ko eh!" medyo naiinis ko nang sinabi.
"Gusto mo nga si Isabel, pero mahal mo pa rin si Gelay." sabi saakin ni Alvin.
Napatigil ako doon. Tama siya eh. Bago pa mangyari ang gulong ito, may gusto na talaga ako kay Isabel. Hindi ko lang masabi kay Gelay kase selosa yun.
"H-ha?! H-h-hindi a-ah! Hindi k-ko na s-siya m-m-mahal." nauutal kong sinabi.
Nagtinginan muna sila Mattheo at Alvin. "Pre, aminin mo na kase sa sarili mo na mahal mo pa rin si Gelay" sabi saakin ni Alvin.
"Sus. Magpapayat ka muna." sabi ko kay Alvin.
Pagkatingin ko kayla Gelay, wala na sila sa kinaroroonan nila. Naiwan ang pizza box sa lamesa. Ibig sabihin, hindi niya tinatanggap ang sorry ko. :( Ineexpect ko naman yun eh. Alam kong ginago ko siya, at hindi niya ako agad agad maipapatawad.
Gelay's POV
Hindi ko alam kung ano ba dapat ang magiging reaksyon ko. Kung magugulat, maiinis, magagalit, or matutuwa. Iniwan ko nalang ang pizza box sa lamesa at tumaas na sa classroom. Doon nalang ako kakain ng carbonara. Gutom na kaya ako. TT________TT
"GUUUURL!! ANONG KAECHOSAN YUN?" sigaw ni Jennilyn.
"Huiy! Anong nangyari sayo?" tanong ni Margie.
"Nako 'teh, haba ng hairlalu mooooo!!" sabi ni Ariana.
"ANGELAAAAA!! Si Mattheo tumitingin sayo kaninaaaaa!! Langya kang babaitang ka!!" sigaw ni Mikay.
Hindi ako umimik. Kumakain ako eh. Patapusin niyo muna ako. Gutom ako eh. T^T
"HOOOOIIIIY!!" sabay sabay nilang sigaw.
"MANYAHIMICH NYA CHAYO!!" tapos nilunok ko ang nginunguya ko. "KITA NIYO NANG KUMAKAIN YUNG TAO EH!! Pwede ba?! Manahimik muna kayo! Kumain nalang din muna kayo."
At hayun na nga. Tumabi sila saakin at kumain na din.
Nang matapos kaming lahat...
"Gurl, magkwento ka na. Ano na bang meron sainyo ni Kokiyo?" tanong saakin ni Ariana.
"Wala! Seryoso, wala nga." sabi ko.
"Wala?! Eh anong meron dun sa pizza na yun?" tanong ni Jennilyn.
"Aba'y ewan!"
"Gelay ah, may tinatago ka saamin." sabi ni Margie.
"WALA!! Wala akong tinatago. Mamatay man kami ni Kokiyo. Pramis talaga, wala akong tinatago sainyo."
"Oo na nga lang." sabi ni Mikay.
Natapos ang recess at nagklase na ulit...
"Class, this will be your permanent seating arrangement for the first semester."
K.
"Mr. Kajuma, you will be seated next to Ms. Mendoza."
O___________O
what the fudge
"MA'AM?!" hindi ko sinasadyang sigaw.
"Yes Ms. Mendoza? Is there a problem?" tapos tinaasan ako ng kilay.
"U-uh. Nothing." napayuko nalang ako. Buti nalang at katabi ko pa si Ariana. Pinipisil ko ang kamay niya na nasa ilalim ng desk. Tumabi na saakin si Kokiyo ng walang ka-imik-imik.
May sinulat si Ariana sa isang papel tapos binigay saakin. Ito yung nakasulat:
'Oks ka lang?'
Nagsulat ako sa likod ng papel. Maliit lang yun eh. Pinunit lang niya sa notebook niya.
'Tingin mo? =__='
Binalik ko sakanya. Tumingin siya saakin at umiling. Good. Buti alam niya.
"Again, that will be your permanent seats for this semester." tapos na pala ang pag-arrange. Si Mikay, katabi si Mattheo. Ayun, ang lawak ng ngiti. Si Jennilyn, sa right niya si Margie, sa left naman niya ay si Alvin.
Nang matapos ang araw na puro pagpapakilala, dumiretso kaming magkakabarkada sa tambayan NAMIN. As in, amin lang talaga. Since elementary, dito na kami tumatambay. Ayun, kwentuhan. Tapos biglang dumating yung taong mahal ko pa rin hanggang ngayon.
"Oh? Kailangan mo?" sabi ni Ariana sabay irap.
"Pwede ko bang makausap si Gelay?" tanong niya saamin.
dugdug. dugdug. Ako? Bakit ako? Ano paguusapan namin? Bakit niya ako kailangan kausapin?
"Pano kung ayaw namin?" sabi ni Mikay.
Kokiyo's POV
Ang taray naman ng mga 'to. =_____= Kakausapin ko lang naman si Gelay ah. Anong masama dun?
"Pano kung ayaw namin?" sabat ni Mikay.
"Sige na. Sandali lang. May pinapagawa lang si ma'am." pagsisinungaling ko. Ang totoo niyan, tatanongin ko lang siya tungkol dun sa pizza. Kung kilala niya kung kanino yun galing. Siyempre, magmamaang-maangan muna ako.
"Okay lang, Ariana." sabi ni Gelay. Hay salamat. Pumayag siya.
Pumunta ako sa gilid at hinintay si Gelay. Nang dumating siya...
"Ano na?" tanong niya saakin.
"A-ah. O-oo. Yung totoo, walang pinapagawa si ma'a--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"ANO?! Kung ganun, ede aalis na ako." tatalikod na sana siya, pero hinawakan ko ang wrist niya.
"Teka lang, gusto lang naman kita makausap. Kahit sandali lang."
"Ano naman paguusapan natin?" tanong niya saakin.
"Ah. eh. Yun ano, tatanongin ko lang sana kung kanino galing yung pizza kanina. Iniwan mo lang sa canteen eh. Sayang naman." pagpapaliwanag ko.
Bigla namang umiba ang mukha niya.
"H-hindi ko a-alam e-eh. N-nakita ko lang s-sa lamesa." nauutal niyang sinabi.
"Ah. Eh, may idea ka ba kung kanino galing?"
"W-wala e-eh."
Wala? :( Ibig sabihin, hindi niya napansin yung finorm nung mga pineapple.
"Ah. Sige. Yun lang naman." tapos nag half-smile ako at umalis na.
*******
v o t e ?
c o m m e n t ?
I love you, my readers. Kahit silent lang kayo. ♥