I decided to read my old stories and I saw this one. *Edited*
___________________________________________________
Crop here and there, cut, adjust the colors. Done! Panibagong picture na naman para sa 1000 pictures kong kinokolekta.
Isang araw na naman ang natapos at isang picture na naman ang nagawa ko.
Anong oras na ba?
Tinignan ko ang orasan ng laptop ko at nagulat ako na male-late na pala ako sa trabaho ko.
Kung tatanungin niyo kung ano ang ginagawa ko sa buhay ay madali lang 'yan sagutin. Estudyante ako sa umaga at nag tatrabaho sa isang fast food sa gabi, dish washer ako doon. Isa akong college student na sa wakas ay malapit na ring gumraduate.
Niligpit ko na ang mga gamit ko at pinatay ang laptop. Dali dali akong nag half bath at nag bihis. Nang matapos ay agad kong nilisan ang maliit na apartment na inaarkilahan namin ni mama.
Dumating ako sa pinag tatrabahuhan ko at pag pasok ko pa lang sa locker room namin ay bumungad na ang supervisor naming mahilig pumapel.
"Ano na naman 'yan Tina? Late ka na naman!" Pagalit nito sa akin. Muka ng umuusok ang ilong nito at hindi ko alam kung may nauna bang sumira ng araw nito o ako lang talaga ang sumisira sa araw niya.
"So -"
"Anong sorry-sorry? Last chance na 'to Tina ha. Sa susunod na maulit pa ito, mag hanap ka na ng ibang trabaho mo!" nag walk out ito at naiwan ako doon na nag iisa. Napakamot na lang ako sa noo ko at dumiretso sa locker ko.
Grabe bastusing bata lang. Mag sasalita pa lang ako sisingit na agad. Walang modo.
Matapos kong ilagay ang bag ko sa loob ng locker at makapag palit ng uniform ko ay dumiretso na agad ako sa kusina. Pag pasok na pag pasok ko pa lang ay tambak na hugasan na agad ang tumambad sa akin.
Great. Mukang mapupudpod na naman ang kamay ko ngayong araw.
Walang kaangal angal na nag simula akong mag hugas. Maraming tao na naman ngayon dito kaya kakatapos ko pa lang ng hugasan ay may sumunod na naman. Kung di ko lang kailangang mag trabaho ay lumayas na ako dito, pero hindi, kailangan ko siya para matulungan ko si Mama sa mga gastusin ko.
Nakakapagod na gabi na naman ang lumipas. Matapos ng anim oras na pag tayo ay sa wakas ay makakalaya na ako sa trabahong ito at makakatulog ng mahimbing sa mumunting apartment namin.
Imagine ang pagod ng five in the afternoon ang out sa school at mag tatrabaho ka simula six hanggang twelve midnight.
Habang nag lalakad ako pauwi ay katahimikan lang ang bumabalot sa akin. Ayoko ng ganito. Ayokong mag isa sa ganitong lugar, dahil nakakapag isip isip na naman ako ng mga negatibong bagay sa buhay ko.
Una, ang iwan kami ni papa para sa ibang babae. Ang astig niya, sumakabilang bahay siya dahil ano? Dahil na fall out of love siya kay mama? Nangako siyang tutulungan pa rin daw niya kami, pero ayon matapos ang halos dalawang taon nawala na siya at ang pamilya niya na parang bula.
Pangalawa, kaya gustong gusto kong nag woworking student dahil ang mama ko naman ay nag kasakit sa puso. Kailangan niyang mag pa opera noon kaya gumastos kami ng todo todo. Kung tatanungin niyo kng magkano, wag na dahil maiiyak lang kayo sa presyo. Ngayon di siya pwedeng ma stress or something like that dahil ikapapahamak niya ito. Kaya kahit hirap ay nag sumikap ako.
Pangatlo. Ang mga nakakatakot na panaginip. Na trauma yata ako noong highschool kaya ganito ako. Minsan nga nagising na lang ako nang madaling araw na parang may nakabara sa lalamunan ko. Sa panaginip ko ay may isang lalaking sinuntok ako sa noo. Hindi ko lang alam kung bakit ganoon ang naging pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng matinding sakit ng ulo sa panaginip ko at hanggang paggising ko ay meron pa din.
Pang apat. Sa ganitong kalagayan hindi ka na dapat mag isip ng love life, pero dahil natural 'yon sa atin at di naiiwasan, lalo na sa ganitong edad, patay na patay ako sa isang ka batch mate ko. Block B siya at ako ay Block A. Level ng existence ko sa kanya? I think two out of 10. Basta 'yon na 'yon.
Pang lima. Ang di matapos tapos na tuition fee at iba pang fees. Halos nauubos ko na ang daily allowance ko para hindi na ako manghingi pa sa mama ko.
Kung ang iba iisiping masaklap ang buhay ko. Nag kakamali kayo. Isa akong dakilang optimist na hindi sumusuko sa buhay. Maganda ang buhay ko. Maganda ang buhay ko dahil nabubuhay akong tunay na tao at walang ginagawang ikasasama ng iba. Hindi katulad ng iba..
Napatigil ako sa pag iisip ng may narinig akong sipol. Yun bang pang manyakis. Hinanda ko agad ang pepper spray na binigay sa akin ng bestfriend ko.
"Yow miss!" hindi ko nilingon ang tumatawag sa akin at dirediretso akong nag lakad, pero nakikiramdam pa din ako.
"Miss!" tawag na naman nito.
Mas lalo ko pang binilisan ang paghakbang, pero nagulat ako ng may humatak sa braso ko. Muntik ko pang malaglag si pepper spray!
Napaharap ako sa lalaki. Halos mag kasing edadan kami nito. Ang pinag kaiba lang, ang itsura nito ay hindi mapag kakatiwalaan.
"Bakit ka umiiwas?" tanong nito. Sinubukan kong bawiin ang braso ko, pero mas hinigpitan pa niya ang pag kapit nito na napangiwi ako.
"Halika, mag enjoy muna tayo. Maaga pa naman ang gabi." sabi nito at ngumiti ng nakakaloko. Siguro pag si crush ang nag ganyan kikiligin ako. Wala mapag kakatiwalaan sa itsura nito at pinananayuan na ako ng balahibo sa pagiging creepy nito.
"Bitawan mo ko." sabi ko dito at hinila ulit ang braso ko. Napasigaw na lang ako ng diinan pa niya lalo ang pagkakahawak sa akin.
Hinila ako nito sa madilim na part, pero bago pa man kami makarating sa lugar na gusto niya ay ini-spray-an ko ang muka niya. Nabitawan niya ako kaya tumakbo ako ng mabilis para maka alis na sa lugar na 'yon.
Pag dating ko sa bahay ay tulog na si mama. Tahimik akong pumunta sa kwarto at nag bihis.
Natulala ako ng umupo ako sa higaan ko.
Muntik na akong ma-rape. Alam kong medyo malayo ang tinatakbo ng utak ko pero hindi ba ganoon ang papasok sa isip ng babae kung may isang lalaking hihilahin siya sa dilim kahit pa nag pupumiglas ito?
'Yon ang paulit ulit na tumatakbo sa utak ko hanggang sa tumulo na ang luha ko at tahimik akong umiyak sa kwarto. 'Di ko na din namalayan na naka tulog na pala ako.
KINABUKASAN ay seven ako nagising. Ibig sabihin no'n ay may isang oras pa ako para makarating sa school.
Hindi katulad ng iba, ten minutes lang ang tinatagal ko sa banyo. Wala naman akong kung ano anong ilalagay sa balat ko dahil wala naman akong pambili.
Matapos kong gawin ang morning rituals ko ay pumunta ako sa kusina at nakita ko si mamang hinahanda na ang pagkain namin.
Tahimik akong umupo at inasikaso ang pag lagay ng kanin at ulam sa plato ko.
"Anak, tahimik ka yata. May nangyari ba?" nagaalalang tanong sa akin ni mama.
Pilit akong ngumiti sa kanya. "Good morning ma. Bati muna ma bago ang makahulugang tanong." biro ko dito. "Ayos lang naman po ako. Marami lang po ang tao kaya po siguro napagod ako."
Sumubo ako ng sumubo para iparating kay mama na wala akong balak na pag usapan ang kadramahan sa buhay namin. Nakuha naman siguro niya ang gusto ko kaya tumahimik ito.
Nag paalam na ako sa kanya at nag tricycle papuntang school. Siguro heheramin ko muna ang bike ng bestfriend ko para hindi ako mapahamak katulad kagabi.
"Tina!" Sigaw sa akin ng bestfriend ko. Si Justin.
Ngumiti ako sa kanya at sinalubong siya.
"Kamusta ang baby girl ko?" Tanong nito at ginulo ang buhok ko.
"Ayos lang, parang di naman tayo nagkita niyan kahapon." sabi ko dito at sinundot siya sa may ribs niya. Napangiti ito at hinablot ang kamay kong umaatake sa kanya.
Iniikot niya ako at inakbyan. "Tara baka ma-late ka pa sa first subject mo. Sayang naman ang pag-aga mo." halata ang pagka-sarcastic nito sa huling sentence niya.
"Maaga ako ha." Nag pout ako at siniko siya sa tagiliran. Umaakyat na kami ng hagdan nang makasalubong namin si Crush.
"Ayan na ang crush mo, sunggaban mo na." Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Justin sa tenga ko, medyo nakiliti tuloy ako, idagdag mo pa ang kinikilig ako. Kaya napangiti ako.
Sinulyapan ko si crush ng konti at nakita kong nakasimangot siya.
Hmm? Bakit kaya?
Binalewala ko na lang ang mood niya at dirediretsong nag lakad. Di naman kami close kaya talagang didiretso ako, alangan namang mag lakad ako papalapit sa kanya at tanungin siya ng, "Crush okay ka lang ba?". No way.
Pag dating namin sa room ay may nakakalokong ngiti si Justin na ibinigay sa akin. Hindi ko naman na gets kaya binalewala ko na lang din. Namalayan ko na lang na dumating na pala ang instructor kaya tumahimik na kami at nakinig sa kanya.
Natapos din ang unang klase na tumagal ng two hours. Nakakapagod na upuan lang ang naganap.
Lumabas kami ni Justin ng room at dahil vacant naman kami ng kalahating oras ay pumunta kami sa usual spot namin. Sa isang bench sa gilid ng school.
Tahimik lang kaming nakaupo doon at gumagawa ng kanya-kanyang assignment. Ganito na talaga ang daily routine namin. Sa school na kami gumagawa ng assignment at tinutulungan naman niya ako.
Nabigla ako ng may tumamang matigas na bagay sa ulo ko. Hindi naman ito ganoon ka lakas pero masakit pa din.
Tinignan ko ang nasa lapag at empty bottle iyon ng C2.
Tumayo ako para tignan kung sino ang may gawa, pero wala akong nakita ni anino ng salarin. Naiinis na pinulot ko ang bote at nakita kong may laman iyong papel. Tumingin ako sa direksyon ni Justin at nakatingin din ito sa akin na parang kanina pa niya ako pinapanood.
Binuksan ko ang bote at kinuha ang papel sa loob nito.
Stay away from him.
Ito ang nakasulat sa papel. Nag salubong ang kilay ko ng dahil sa pag tataka.
Stay away from who? Ang tanong ko sa sarili ko. Dahil baka naman na pag ti-trip-an ako ay itinapon ko na lang ang papel at bote sa pinka malapit na trashbin.
Bumalik ako sa inuupuan namin ni Justin at tinuloy ang ginagawa namin.
Five minutes before time ay nag lakad na kami papunta sa next subject namin.
"Justin, di ba may bike ka?" tanong ko dito.
"Yup. Di ko na nga nagagamit 'yon eh." sabi nito.
"Pwede ko bang mahiram?" Nag pa cute ako dito kaya tinulak niya ang muka ko palayo sa kanya.
"Wag ka ngang ganyan, kakadiri. Para saan ba?" tanong nito sa akin.
Ikinwento ko sa kanya ang nangyari kahapon kaya napasimangot ito.
"Sabi ko naman sayong tutulungan kita di ba. Kahit utang kung mabigat sa loob mo." naiinis na tumingin ito sa akin.
"Ayoko nga." madiin na sabi ko dito.
"Pumayag ka na kasi." pilit nito.
"Ayaw."
"Bahala ka. Sa ayaw at gusto mo tutulungan kita. Ako ang mag babayad ng tuition fee mo at ng ibang fees mo. Padadalhan pa kita ng isang buwang supply ng gamot ng mama mo. Ang isipin mo na lang ay ang pang araw-araw mo. Okay? Wala ka ng magagawa pa doon." Nakipag debate ako rito at talagang ayaw nitong mag papigil, tumigil lang ako ng nasa tapat na kami ng room namin.
Tahimik lang ako habang iniisip ang mga inaalok niya. Well, di na nga 'yon alok dahil uunahan na yata niya ako kada may bayaran. Katulad na lang ngayon. Ipag papaliban ko sana muna ang pag bayad at bukas na lang sana pero siya na ang nag bayad.
Lunch time na at kami pa din ang magkasama. Di talaga ako mahilig makipag kaibigan kaya siya lang ang kaibigan ko.
Ngayon naman ay siya pa ang nag bayad ng lunch ko. Medyo naiinis ako dahil ayaw kong sumasandal sa tao. Tawagin niyo ng pride pero isa yun sa mga kinaiingatan kong aspeto ng buhay ko. Alam kong mayaman ang pamilya nila Justin pero hindi ako komportable kahit pa sobra sobra na ang pera nila.
Pag upo namin ay tahimik lang kaming kumakain.
"Hangga't nandito ako sa tabi mo tutulungan at tutulungan kita. Wala ka ng magaawa." He smirked at me.
"Nakakainis ka na. Type mo ko 'no?" Sabi ko dito na may halong pag bibiro sa tono ko.
"Ha?" Para itong nagulat pero sandali lang iyon at napangiti siya. "Nako ang bestfriend ko nagiging assumera na."
"Hindi ah. Jino-joke lang kita. Para kang ewan." Sinimangutan ko siya kaya naman napatawa ito.
"Crush mo." Sabi nito sa akin. Napatingin tuloy ako sa tinitignan niya. At ayon nakita ko nga si crush, si Joshua.
Napangiti ako ng malaki at tinanggal ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik kay Justin.
Nakasimangot ito. "Oh bakit?" Nag tatakang tanong ko dito.
"Andyan lang si crush mo, aalisin mo na agad ang tingin mo sa akin. Parang di tayo mag bestfriend ah." Naka pout nitong sabi sa akin, pero halata naman sa boses nitong nag papaawa lang ito.
"Sorry naman. Minsan ko lang kasi siyang makita. Ikaw palagi naman kitang kasama." Nakangiting sagot ko rito na pinipigilan ang tumawa dahil hindi bagay rito ang mag pout.
Hindi na niya ako sinagot at di na din niya ako pinansin.
Kahit anong pag papapansin ko ay di epektib sa kanya. Naiinis na tuloy ako. Pero di siya umalis sa tabi ko kahit hindi niya ako pinapansin.
Hanggang sa mag uwian na lang. Basta na lang niya akong hinila at pinasakay sa sasakyan niya.
Tahimik na naman. Ang boring tuloy ng byahe.
Pag dating namin sa bahay nila ay hinila lang ulit ako nito at pumunta sa garage nila.
May kinuha siya sa isang box na susi at iniabot ito sa akin. Kinuha ko naman ito at hinila na naman niya ako palabas ng garage. Iniwan pa niya ako kaya hinintay ko pa siyang lumabas.
Pag labas naman niya ay tulak tulak niya ang isang cute na motor. Tsaka lang siya nag salita.
"Alam ko naman marunong kang mag motor. Matagal ko na 'tong gustong iregalo sayo. Matagal ko din itong pinag ipunan. Sana magustuhan mo." Nginitian ako nito at pinat ang braso ko.
"Uhh thanks?" Mag kasalubong ang kilay kong tumingin sa kanya. Agad rin nag laho ang nag tatakang tingin ko at di ko na napigilan ang sobrang kasiyahan at napayakap ako sa kanya ng mahigpit. "Ang astig mo talagang bestfriend Justin! Kaya mahal mahal kita eh!" Sabi ko rito. Niyakap din niya ako at may sinabi din ito.
"Mahal din naman kita." Binitawan ko na siya at tinignan ang malungkot na muka nito. "Pero medyo masama ang pakiramdam ko." Dagdag pa nito.
"Pahinga ka na. Aalis na din naman ako at may pasok pa ako. Bye." Nginitian ko siya at winagayway ang kamay ko na ibinalik niya rin sa akin. Binuhay ko ang motor at lalong lumawak ang ngiti ko sa ugong nito.
Tumalikod na ako at pina andar ang cute na motor. Bago pa mawala sa paningin ko si Justin ay nilingon ko ulit ito at nag wave ulit ng ba-bye.
_____________________________________________
End ng unang chappie!
Sumakit ang ulo ko pag edit. Hahahahaha