A Sad Rain (Completed)

By ladymasquerade

3.1M 82.8K 14.8K

How far can a person go in the name of true love? More

A Sad Rain
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
EPILOGUE
Note - NEW

Chapter 47

47.3K 1.2K 152
By ladymasquerade

(MAX)

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Carisse. All this time akala ko, kagagawan lahat iyon ni Rain. Naalala ko ang sinabi niya sa akin.

"Max, kung maibabalik mo ang nakaraan gagawin mo ba?"

Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Pero napaisip ako, kung kaya ko lang ibalik ang lahat gagawin ko para si Carisse ang kasama ko ngayon.

"Oo naman.."

"Kahit na may mawawala sayo? Ayos lang?"

Tumango ako at sumagot.

"May mga bagay tayong kailangan isakripisyo para lang makuha nating ang gusto natin lalo na kung ang kaligayahan natin ang pinaguusapan.."

Tumingin siya ulit sa malayo.

"Pero may mga bagay na kailangan na lang kalimutan.."

Ang tinutukoy ba niya noon ay ang sarili niya? Noon pa lang inisip na niyang wala talaga kaming pag-asa. Noon palang alam niya, ginawa niya ang lahat ng ito para sa kanya bumagsak sisi, para lalo akong magalit sa kanya. 

"Ang gusto ko lang naman ang kaligayahan mo, Max. Kung may dahilan para hindi ka masaya gagawan ko ng paraan para mawala ang dahilan na iyon. Kahit pa ako.."  

Isinakripisyo niya ang sarili niyang kaligayahan para sa amin, sa akin. 

Ngayon nasagot na  ang matinding palaisipan sa isip ko sa nangyari noon, sa pag-alis ni Carisse. Naalala ko noon kahit anong hilingin ko sa kanya, hindi niya ako tinanggihan. Samantalang ako, isa lang ang gusto niya sa akin ang mahalin ko siya pero hindi ko nagawa.

Gusto ko siyang makita. May mga tanong pa akong gusto kong magkaroon ng kasagutan. Gusto kong malaman kung bakit siya pumayag sa kagustuhan ni Carisse. Pero ang pinakagusto ko ay ang makasama ang best friend ko.

Tinawagan ko si Hugo, alam ko kasing alam niya kung nasaan si Rain pero hindi niya sinabi sa akin. Kaya gagawa ako ng paraan para mahanap siya. Kahit saan sulok pa siya ng mundo.

"Hoy Max, tulala ka na naman!"

Sigaw ni Zach. Sinabi ko kasi sa kanila ang nalaman ko. At ngayon para kaming may meeting dahil hahanapin namin si Rain.

"It's just that hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Si Rain.."

Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. 

"Ngayon nalaman mo ang lahat nagbago ba ang nararamdaman mo para kay Rain?"

 Napaisip ako sa tanong ni Melody. May nagbago ba?

"Hindi ko alam, gulung-gulo na ang utak ko pati ang nararamdaman ko."

Napasabunot ako sa buhok ko. Tinapik ako ni Chino.

"Wag kang muna natin isipin 'yan ang importante makita muna natin si Rain. Masyadong malaki ang kasalanan natin sa kanya."

Tama si Chino. Masyadong malaki ang kasalanan namin kay Rain. Tama si Hugo, walang ibang ginawa sa amin si Rain kundi kabutihan pero anong ginawa namin.

"Pero saan natin siya hahanapin?"

Tanong ni China

"Paano naman kasi natin makikita ang ayaw magpakita. Kailangan natin mapalabas si Rain kung saan man siya."

Sagot ni Zach. 

"Alam ko na!"

Biglang sigaw ni Melody. Lahat kami napatingin sa kanya.

"Ganito ang gagawin natin para mapalabas si Rain."

(HUGO)

"I told you i'm fine. Wag na kayong mag-alala sa akin."

Ilang beses na yang sinasabi ni Rain sa amin. Akala namin kung ano na ang nangyari sa kanyang noong isang araw, buti na lang sandali lang nawala ang paningin ni Rain. Ang sabi ni Sir Reign, ilang beses na nangyari kay Rain iyon pero ngayon lang daw ulit naulit matapos ang mahabang panahon. Isa lang ang ibig sabihin nun, hindi na maayos ang lagay ni Rain.

"No you're not. Ayaw na namin maulit ang nangyari, muntik na kaming atakihin lahat sa nerbiyos. Dito ka lang sa kwarto mo."

Matigas na sagot ni Sir Reign kay Rain. Alam namin na sa aming lahat siya ang pinaka nag-aalala. Kitang-kita naman kasi kung gaano niya kamahal si Rain. Halos hindi na nga ito natutulog para lang gumawa ng paraan para gumaling si Rain.

"Pero anong gagawin ko dito? Gusto kong lumabas lalo lang akong lalala kung dito lang ako nakakulong.."

Nakita kong naikuyom si Sir Reign ang kamao niya.

"You will stay here whether you like it or not. I'm saying this as your father."

Galit na sagot ni Sir Reign tapos lumabas ng kwarto ni Rain. Natahimik si Rain, nakayuko lang siya. 

"Hija, pakinggan mo siya. Mas makakabuti kung dito ka muna."

Mahinahon sagot ni Sister Teresa. Niyakap siya ni Rain.

"Opo.."

Maya-maya pa tumayo na si Sister Teresa at si Madam Crystal.

"Babalik na lang ulit ako. Naiwan ko kasi ang mga bata doon, alam mo na baka biglang mag-wala ang mga iyon kung hindi pa ako umuwi."

Nakatingin lang si Rain kay Sister. Pero kitang-kita sa mga mata niya na ayaw pa niyang paalis ang madre. Pero bahagyang tumango din siya.

"Ihahatid ko lang si Sister. Si Hugo at Angelique muna ang magbabantay sa iyo.."

Sabi ni Madam. Pagkatapos ay lumabas na sila at naiwan kaming tatlo. May kinuha si Rain sa side table, litrato ni Max. Hinaplos-haplos niya iyon.

"Noon, lagi akong nakakulong dito. Nakatingin lang sa labas kasi hindi nila alam ang gagawin sa akin. Inggit na inggit ako sa mga batang bumibisita sa ibang pasyente dito kasi nakakapaglaro sila ng walang nagbabawal. Tapos ang saya-saya pa nilang tignan. Samantalang ako, nakakulong sa apat na sulok na ito."

Halatang-halata ang lungkot sa boses niya. Nagkatinginan lang kami ni Angelique.

"Minsan pa nga tumakas ako para makipaglaro pero nahuli ako ng isa sa nurse dito at ibinalik ako sa kwarto ko. Nalaman ni Sir Reign, pero hindi niya ako pinagalitan. Sabi niya kung gusto kong lumabas sabihin ko ang daw sa kanya sasamahan niya ako. Buhat noon nakakalabas na ako pero hindi pwedeng maglaro. Pero okay na sa akin iyon basta nakalabas ako. At habang lumilipas ang panahon hindi na sapat sa akin ang nakakalabas. Gusto ko din maging normal. Ibinigay nila ang gusto ko, pinag-aral nila sa labas basta lagi akong may check up."

Napatingin siya sa amin ni Angelique.

"Ganun talaga siguro ang buhay ng tao. Kapag nakuha mo na ang gusto mo, mag nanais ka ng higit pa. Noong makita ko si Max nun gusto ko siyang maging kaibigan nung naging kaibigan ko siya gusto ko naman maging kasintahan niya. Nag-expect ako ng masyado kaya sa huli ako pa din ang talo."

Mapait siyang napangiti.

"Lumayo ako para makalimutan siya. Pero ang puso ko hinahanap-hanap siya. Nasanay na ata akong lagi akong nasa tabi niya."

Niyakap niya ang litrato ni Max.

"Alam niyo ba kung bakit naghigpit na sila sa akin? Isa lang ibig sabihin nun, lumalala na ang kondisyon ko. At siguro bibilangin na lang ang araw ko dito. Pero bago pa man mangyari iyon gusto ko lang maging maayos ang lahat bago ako umalis. Gusto ko ulit siya makita at makasama. Silang lahat.."

Pinagmasdan ko si Rain, masasabi kong maswerte ako dahil nakilala ko ang isang Rain Garcia. Walang sinuman ang makakapantay sa pagmamahal na kaya niyang ibigay. 

"Magkikita kayo kung pahihintulutan ng panahon. Pero sa ngayon pagtiyagaan mo muna ang mukha namin ni Angelique."

Nakita kong sumilay ang ngiti sa labi niya. 

"Magpahinga ka na lang muna. Malay mo sa paggising mo makasama mo na sila, si Max.."

Sabi ni Angelique at tinulungang humiga si Rain. Hinaplos-haplos niya ang buhok ni Rain.

"Max.."

Mahinang sambit niya. At maya-maya pa nakatulog na siya. Lumabas kaming dalawa ng kwarto ni Rain.

"Anong gagawin natin?"

Tanong sa akin ni Angelique.

"Hinahanap na nila si Rain. Alam kong gagawa na sila ng paraan para makita siya. Pero hindi nila pwedeng makitang ganito si Rain."

Sabi ko sa kanya.

"Maybe i can help?"

Napanlingon kami ni Angelique.

"Madam Crystal.."



Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 1K 47
Everything was all right and normal, not until the death of her mom made Astrid so confused about the mysteries of life. She lost everything - her fa...
29.1K 825 67
Hi Series #1 Sunny Amora Esmael is like a sun, a bright sun that gives warm to her love ones, can her rays reach her crush's life? ••• An Epistolary...
121K 5.9K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...