There Will Never Be An Us (CO...

Von leirahlovesyou

111K 3K 1.2K

"Mahalin mo rin naman ako kahit minsan lang.." "May asawa ako. Alam mo yan." -------- "Anak ko yan! Kaya magi... Mehr

Prologue
1 - The Start
2 - His Sibs
3 - Their Sides
4 - The Wife
5 - Jealous Kiefer
6 - True Colors
7 - Victoria Isabelle
8 - His Promises
9 - Expectations and Disappointments
10 - Family Bonding
Hi.
11 - Runaway
12 - Crashing Down
13 - Missing Piece
14 - Home
15 - "He's your Papa"
16 - Acceptance
17 - Childhood Friends
Note of Mine.
18 - Regrets
19 - Someone New
20 - Turning Tables
20.1 - Iya
20.2 - Broken
21 - Unexpected
22 - One more chance
24 - A.V.
25 - The End
Epilogue
Last
Why?
Hi
SPECIAL CHAPTER: A Day With The Ravenas

23 - Better Days

2.9K 66 22
Von leirahlovesyou

-

-

-

-

Mika

"Saan gusto pumunta ng mga babies ko today?" Kiefer asked while caressing baby bump.

Nakatambay lang kaming tatlo sa garden. Pare-pareho walang ginagawa. Si Iya na-enroll ko na last week sa school na malapit lang sa village namin. Gustong-gusto na kasi niya pumasok ng school. Ako naman, eto buntis pa rin. 6 months na ang baby ko. Hindi pa namin alam ang gender. Ayaw ipaalam sa amin ng doktor at parents ko. Surprise na lang daw sa baby shower. Ang daming alam 'di ba?

Iya pouted at Kiefer, "Hmmm?" Hinawakan niya pa yung baba niya at tumingala na para bang nagiisip talaga.

"So.. baby, anong decision mo po?" I asked her.

"Mama! Don't ever call me baby again. I'm not a baby anymore. You see.. I'm an Ate na! You should call me, Ate Iyabelle. Okay Mama and Papa?" She put her hands on her waist.

"Okay, Okay. I'm sorry, Ate Iyabelle." I chuckled as a I emphasized the word Ate.

"Good Mama. I love you."

"Aww I love you more, Sweetheart." She kissed me on lips.

"Ouch. Paano naman si Papa, Ate Iyabelle?" Kiefer pouted.

"Papa don't do that please. You're so... what is it again, Ma?"

"Panget, sweetie." I chuckled.

"Yeah! You're pa-ngewt." She said to her Papa. Slang pa rin talaga my baby. Oops hindi na nga pala daw siya baby.

"Ah gano'n ah! Nagkampihan pa kayo. Lagot ka sa akin, Iyaaaaa." Ayun, tumakbo na si Iya palayo at naghabulan na sila magama. Tawa lang ako ng tawa. Alangan naman makipaghabulan din ako. Hindi ko na nga mabuhat sarili ko sa sobrang bigat. Feeling ko tuloy ang taba taba ko na. Hay.

"Oh, ano na naman iniisip mo, Ma?" Kiefer asked. Nakatulog na si Iya sa sobrang pagod kaya dinala na niya ito sa kwarto. Hindi na kami natuloy sa pagalis, napagod na ang aling maliit eh. Kaya nahiga na lang ako sa kwarto, sakit na ng balakang ko eh.

"Wala naman." He lay beside me.

"Ano nga.. kilala kita, Mama. Alam ko kapag may bumabagabag sa'yo." Sabi niya sabay patong na naman ng kamay sa malaki kong tyan. Lagi niyang ginagawa yan. Minsan nga ginagawa niya pa na parang bola. Tinatanong ko siya kung bakit ginagawa niyang bola yung tyan ko. Ang madalas isagot? Baka daw kasi lalaki yung baby namin, kaya tinuturuan niya na agad magbasketball kahit nasa tyan pa lang. Weird right?

"Wala nga kasi." I answered, irritatingly.

"Hay Mika."

"Okay fine. Kasi ano.." I sighed and looked at him, "Ang taba taba ko na ba? Sobrang laki na? I feel so big na kasi."

He stared at me for awhile, "Seriously Ma?"

I pouted at him. He laughed.

Tingnan niyo 'to. Nakakainis na siya! Siguro ang taba ko na talaga.

"I hate you! I hate you! Ang taba ko na nga pinagtatawanan mo pa ko! I hate you!"

"Hey, hey. I didn't say that you're mataba na. You're still sexy, Miks. May mga.. baby fats nga lang." He chuckled, pinalo ko nga sa braso. "Aray ha. Totoo naman kasi. Sexy ka pa rin. Ano bang pumasok sa isip mo at tinanong mo ko kung mataba ka na ba?"

"Eh kasi.." I breathe heavily,  "Feeling ko palamunin na lang ako sa'yo. Wala na nga akong trabahao, araw-araw humihingi pa ako ng pagkain. Mas malakas pa ko kumain kay Iya!" I cried.

"Awww ang baby ko.." He hugged me again as I nuzzle my face on his neck. "Wag mo iisipin na palamunin ka lang okay? Kaya nga ako nagsisikap magtrabaho para sa inyo ng mga anak natin eh. Para sa future natin. Kaya wag mo isipin na ang mga gano'ng bagay ha?"

"Pero kasi.. ikaw napapagod araw-araw para kumayod. Samantalang ako, nasa bahay lang. Hindi na nga ako nakakapaglinis ng bahay dahil ang laki ko na tapos.." I sobbed.

"Ssshh." He caressed my back. "Makita ko lang na masaya kayo ni Iya, nawawala na yung pagod ko. Kapag inaasikaso mo ko after ng nakakapagod kong meeting, nalilimutan ko na galing pala ako ng trabaho. Alam mo kung bakit?"

"Hmmmm bakit?" I yawned. Inaantok na naman ako. Nakakainis.

He chuckled, "Inaantok na ang baby."

Hinampas ko naman yung likod niya, nangaasar pa kasi. Alam naman niya na antukin ang mga buntis, "Bakit nga kasi?"

Kahit nakapikit na ko at nakasandal sa dibdib niya, naramdaman ko na nakangiti sa ngayon. "Because you're my game changer, Miks. I love you. Rest now, babe. Kailangan niyo yan. May baby shower pa tayong aasikasuhin bukas."

I smiled at what he said. He really never failed to make me smile. Ang galing-galing lang niya pakiligin ako everyday.

I nodded at him as he kissed my forehead.

-

-

-

-

"Ma! Bakit ba ayaw mo na pakielaman ko yung baby shower ko? Amin naman yan ni baby eh. Please naman, Ma. Hayaan mo na ko tumulong." I pleaded. Mamaya na kasi yung baby shower. Sa resort namin sa Bulacan gaganapin. Doon napili nina Mama para daw tipid na lang saka malaki naman kasi yung function hall namin. Kakapagawa lang. Actually, nandito na kami sa Bulacan kasama ang Ravena family. Dahil tutulong din daw sila. Busy nga sina Tita Mozzy eh.

"Anak.. okay na. Konting ayos na lang. Kaya hindi na namin kailangan ng tulong mo. Mas mabuti kung magpahinga ka na lang sa kwarto mo. Namiss mo yun 'di ba? Pinalinis ko na yun kagabi pa kaya okay ka ng matulog doon."

"Ehhh Mama naman! Kahit sa cake na lang ako. May alam akong--"

"Mika, wag ng makulit. Nakaorder na kami ni Mozzy ng cake. Dalawa yun. Yung isa para sa inyo lang ni Kiefer at Iya. Yung isa naman na three layers, para sa mga guest. Okay na ba?"

"But Mama.." I pouted.

Magsasalita pa sana si Mama nang may yumakap sa akin sa mula sa gilid ko, "Iha, wag ka ng makulit. Kami na ng Mama mo ang bahala. Ayaw lang namin na mapagod ka." Tita Mozzy explained. Wala na akong nagawa kasi si Tita na mismo ang nakiusap sa akin. Hay nako. Umakyat na lang ako ng kwarto.

Nasaan na ba kasi si Kiefer?! Wala tuloy akong kakampi sa mga makukulit na parents namin. Si Iya kasi nakikipaglaro sa mga pinsan at Tito niya eh. Loner na naman ako nito. I sighed.

*knock* *knock*

"Pasok." Bumukas ang pinto at niluwa nito si Kiefer.

"Oh, Ma, bakit nandito ka? Saka nakasimangot ka na naman. Diba sabi ko sayo wag kang sumisimangot. Papangit si baby nyan!" He said and sat down beside me.

I rolled my eyes at him, "Ano naman ang gagawin ko sa baba aber? Eh ayaw nga akong patulungin nina Mama at Tita!" I yelled. Napatakip na lang siya sa tenga niya.

"Chill. Ayaw lang naman nila na mapagod ka eh. Kung gusto mo i-entertain mo na lang yung mga guest na maagang dumating."

"Edi gano'n din yun. Mapapagod din ako. Bakit ba ayaw nila na tulungan ko sila na maghanda for my baby shower?" I pouted.

"Kasi po.." Inakbayan niya ko at hinawakan na naman ang mala-bola kong tyan, "nakahanda na ang lahat para mamaya. Wala ka na dapat ayusin pa. Gusto lang naman ng parents natin na matulungan tayo. Ayaw mo ba nun? For sure naman maganda yung ginawa nila eh."

I sighed, "Whatever. Dito na lang ako. Gisingin mo ko kapag magsisimula na yung program. Kapag lumabas ka pakilock na lang yung pinto. Thanks." Nahiga na ako at tinalikuran siya. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya.

"Wag ka na magtampo, Mama. I love you." He kissed me on my shoulder and then left the room.

Ano pa nga ba ang gagawin ko kundi matulog na lang 'di ba? Tsk.

-

-

-

-

"Mama! Mama! Wakey wakey." Naramdaman ko ang mahinang pagalog sa akin.

I opened my eyes to see who's disturbing me from my sleep. I thought it's Kiefer but to my surprise I saw my little princess wearing her pink and blue dress. Awwe. Such a cutie.

"Hey princess." Naupo ako dahan-dahan at sumandal, "Nakabihis ka na pala. Sino nagayos sa Ate Iyabelle ko ha?"

"Mama Lola and Mommy Lola!" She giggled, "Let's go, Ma. Everyone's waiting for you downstairs."

"Really? Marami na bang tao?"

"Nope. The party is not yet starting but there are few guests out there. Come on, Ma. Get up!" Pilit niya akong hinihila. Natatawa na lang ako.

"Okay okay, sweetie. Tatayo na si Mama. Pero magaayos at magbibihis po muna ako okay? Mauna ka na sa baba."

"Okay po. Please hurry up! Coz I'm really excited for the baby shower!" She squeled before going out of the room. I shook my head and smiled.

Tulad nga ng sinabi ko kay Iya. Nagayos na ko at nagbihis. Simple lang ang ayos ko, sinuot ko yung gift ni Mama sa akin na baby blue maternity dress tapos nagflats lang.

"Ma? Ma? Saan ka?" Narinig ko na ang boses ni Kiefer. Masyado naman excited ang mga 'to. 6:00 pa lang kaya. 7:00 pa simula nung party.

"Kief! Nandito ako sa cr." Sigaw ko habang nagsusuklay. Humahaba na pala ang buhok ko. Lagpas balikat na siya. After ko siguro manganak, magpapagupit na ulit ako. Naiirita kasi ako kapag mahaba buhok ko eh.

"Wow! Ganda naman ni Mama." Nakita ko sa salamin na nasa likod ko na pala si Kiefer. Nakasandal lang siya sa pinto at nakangiti sa akin. I smiled at him too. Ang gwapo niya sa suot niya ngayon. Blue long sleeves with matching black pants. Argh kakagigil. I laughed at my thoughts. Pinagnanasaan ko na naman siya. Pwe.

Lumingon ako sa kanya saka kinurot ang pisngi niya, "Ikaw nga ang gwapo mo sa porma mo tonight. Mukha kang bango! Hmmm." I smirked.

"Mama talaga. Mabango naman talaga ako. Amuyin mo pa." Nilapit niya yung sarili niya sa'kin pero tinulak ko lang siya ng mahina. Pareho kaming natawa.

"Kulit mo, Kief!"

He chuckled, "Tara na nga sa baba. Malapit na magsimula yung program." Inalalayan niya ko palabas ng kwarto at pagbaba ng hagdan. Hay ang sweet talaga. Hindi siya nagsasawa na alagaan kami ni Iya. Well, kapag naman nanganak na ako, silang tatlo na ang aalagaan ko.

Napansin ko lang halos lahat ng guests pati sina Mama, nakablue. Anong meron? Wala naman motiff yung party ah.

"Hey Kief. Ano meron bakit puro nakablue halos lahat? Tayo rin nakablue oh!" I whispered at him. He shrugged his shoulders and looked at me.

"Wala akong alam dyan. Naweweirduhan din nga ako eh. Pinasuot lang sa akin ni Mama itong blue long sleeves. Naka gray kaya ako kanina. Si Iya din nakablue, sabi niya sina Mama at Tita Bhaby ang nagpasuot nun."

"Talaga? Ako nga pinilit ni Mama na ito daw suotin ko sa baby shower. Akala ko nga gusto lang niya makita na suot ko yung gift niya."

"Wag na lang natin isipin yun okay? Baka trip lang talaga ng parents natin na maglagay ng motiff. Let's just enjoy the night." I nodded at him.

Nang magsimula na yung program, nalimutan ko na yung issue ko sa kung bakit nakablue lahat. Ang saya kasi. May mga pagames na ginawa. May mga performances din like may nagmagic, sumayaw, kumanta at kung ano-ano pa. Nagenjoy talaga ako sobra. Konti lang naman yung mga guest na dumating. 50-100 lang siguro sila. Relatives, close friends and employees ni Kiefer lang naman. Sayang nga kasi hindi nakarating yung mga kaibigan ko from California. Busy kasi yung mga doktora tapos sina Yssa at Hannah naman may inaasikaso. Hindi na nga ako nakaattend sa kasal ni Hannah eh. Ang dami nga kasi nangyari dito sa Pilipinas. Buti na lang naintindihan niya ko. Swerte nga ng isang yun kasi siya kasal na samantalang ako may anak ng dalawa hindi pa rin kasal. Hay nako Mika. Kung ano-ano iniisip mo.

"Anak slicing of the cake na! Para makakain na lang lahat." Sigaw ni Mama. Nagising tuloy ako sa pagdedaydream ko ng pangarap kong kasal.

"Ha? Slicing of the cake pa? Ano ito kasal? Mama talaga." I chuckled.

"Anak naman. Wag ng maarte. Gusto mo ba malaman yung gender ng anak mo? Then you will need to slice this cake." Tinuro niya sa akin yung cake na nasa maliit na table.

I frowned when I saw the cake. Actually, cute nga siya. Maliit lang pero cute. Ito siguro yung tinutukoy ni Mama na para sa amin lang tatlo nina Kiefer.

May dalawang maliit na sapatos ang nasa taas nito. Yung isa pang babae at yung isa naman panglalaki. Paano ko malalaman ang gender ng anak ko dito?

"Ma, anong gagawin ko dito?"

Binigay niya sa akin yung pangslice ng cake. Nasa tabi ko na rin ngayon si Kiefer na mukhang nagtataka rin. "Basahin niyo yung nakalagay sa cake." Sabi naman ni Tita Mozzy.

"He or She?
Open to See!"

(A/N: Nasa multimedia po yung itsura nung cake. Credits sa may ari nito. Ang cute kasi kaya nagustuhan ko.)

Ayun yung nabasa namin ni Kief. Tumingin ako sa kanya na may halong pagaalala.

"Let's slice it na. I'm really excited." Sabi niya.

"Kinakabahan ako, Kief." Bulong ko naman.

"Don't be, Ma. Dapat nga maexcite ka eh. Sabay naman tayo magslice. Hahawakan ko yung kamay mo okay?" He assured me so I gave him a nod and a smile.

"Ready?" He whispered. Nakahanda na yung kamay namin sa pagslice. Grabe bahala na. I nodded at him. Pumikit na lang ako habang hinahayaan siya na magslice ng cake.

Naramdaman ko na lang nahulog yung knife sa sahig. Hindi ko tiningnan yung cake. Kay Kiefer agad ako tumingin. Nakangiti siya sa akin ng sobrang laki. Maiiyak pa ang loko. Yung mga bisita namin naghiyawan. Ano ba yung nalaman nila?

"Thank you, Mika. Thank you for giving me another blessing to cherish. I love you I love you I love you." He whispered.

"A-ano bang gender ni baby?"

Kumunot ang noo niya, "Hindi mo tiningnan yung cake? Tingnan mo dali."

Tumango ako at dahan-dahan lumingon. Napatakip ako sa bibig ko nang makita ko ang loob ng cake. Kulay blue ito.

It means...

"May junior na ko!" Sigaw ni Kiefer. "Yes! Yes!"

Hindi pa rin ako makapaniwala. I looked at my Mom. She's crying already.

"Ma.. anong ibig sabihin nito?"

She gave me a small envelope. Mukhang ito yung result no'ng nagpacheck-up kami sa St. Lukes. Binaliktad ko ito at doon ko nakita ang nakalagay na nagpaiyak sa akin lalo.

"Congratulations! It's a Boy!"

"Kaya hindi namin kayo pinahintulutan na tumulong sa amin na magayos ng baby shower kasi gusto namin na surpresahin. Masaya ba kayo?" Tita Mozzy said.

"Yes Tita. Sobrang saya po. Thank you." I hugged her and my parents too.

After nga ng slicing of cake, nagkainan na ang lahat. Lumapit si Iya sa akin at binati ako ng congrats. Sabi pa nga niya magiging mabuting Ate daw siya sa baby boy namin. Ang sweet talaga ng anak ko.

Medyo maaga natapos yung party kasi kailangan ko na rin magpahinga. Yung mga regalo pinasok nila sa kwarto ko kaya ang ending napuno na ito at wala ng malakaran. Ang dami kasi ng gifts. Kahit konti lang kasi yung bisita, ang dami pa din nagbigay. Pati nga yung mga hindi nakapunta nagbigay pa rin. Mukhang hindi na ko magshoshopping nito. Sagana sa gamit ang baby ko eh.

"Nagenjoy ka ba sa baby shower?" Kiefer asked. Nakahiga na kami pareho. Si Iya na kay Mama at Papa. Doon daw muna ito dahil namiss niya mga grandparents niya.

"Sobra!" I said it with so much happiness in my voice. "Hindi ko ineexpect na may surprise yung parents natin."

"Yeah. So, paano ba yan may junior na ko?" He smirked.

"Tsk! Ayoko sabi ng junior eh. Napagusapan na natin yan 'di ba? Gusto ko unique ang name ng mga anak natin. Tulad ng kay Iya. Victoria Isabelle. Pang queen ang peg."

"Hindi ba unique yung Kiefer Isaac Ravena?" He pouted.

"Hay nako." I rolled my eyes at him, "Ipipilit mo na naman ba yan?"

"Hehe hindi po. Sige na nga. Wag ng junior. Basta tayong dalawa magiisip ng name ha. Wag na si Dani!"

I chuckled. "Opo."

"Hay." He rested his head on my chest, "Hindi ako makapaniwala na nandito na tayo sa sitwasyong ito. Thank you ha?"

"For what?" I started caressing his hair.

"For giving me another chance. Alam ko gago ako noon. Pero tinanggap mo pa rin ako."

"Hey, you deserve the second chance naman. Pinakita mo sa akin na nagbago ka na talaga. Thank you rin kasi inaalagaan mo kami ni Iya."

He looked up to me and smiled. "Ginagawa ko yun kasi mahal kita. Mahal ko kayo ng mga anak natin." Alam kong antok na siya kasi pinikit na niya yung mata niya.

I smiled too and kissed his forehead, "Hindi ko man napaparamdam sayo lagi pero.. mahal din kita. Mahal na mahal." Naramdaman ko na lang na bumibigat na yung pagdagan niya sa dibdib ko kaya nalaman ko na tulog na siya. Bilis talaga matulog nito.

These past few months, nagiging extra sweet na kami sa isa't isa. Pero aaminin ko, wala pang 'kami'. Yes, wala pang label yung relationship namin.

Natatakot kasi ako lagyan ng label kung ano man ang meron kami ngayon. Baka kasi kapag may label na, magbago siya bigla sa akin. Ayun yung pinakakinakatakutan ko. Ang daming bumabagabag sa akin ngayon.

Pero yung makita ko lang siya nang ganito kalapit. Basta nayayakap ko siya.

Basta't mahal ko siya.. at alam ko na mahal niya ko.

Panatag na ang kalooban ko.

-

-

-

-

".... kaya mahal na mahal kita eh. Oo. Sige. See you soon. Miss you too."

I froze when I heard his voice from the kitchen. Sino yung kausap niya?

"Mahal na mahal kita"

Ano yun? Bakit may gano'n? Punyeta. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.

Ito na ba yung simula ng panloloko niya sa akin? Putangina. Bakit Kiefer? Akala ko ba nagbago ka na?

"Ma?" Nakita ko ang pagkagulat sa mukhan niya ng makita ako. Ano Kiefer ha? Umamin ka. May babae ka diba?! "Kanina ka pa dyan?"

"Uh.. hindi. Kakadaan ko lang. Ikaw bakit nasa kusina ka?" Leche bakit hindi mo siya kumprontahin, Mika?!

"W-wala naman. Magluluto sana ako. Kaya lang nakakatamad. Tara, magorder na lang tayo ng foods. What do you want?" Umakbay siya sa akin at dinala ako sa sala.

Habang nagkwekwento siya, nakatitig lang ako sa kanya. Pinipilit kong wag maiyak.

Bakit Kiefer?

Bakit naman ganito? Kung kelan.. handa na ko ibigay ang puso ko sa'yo.

________________________________________

My Thoughts:

2 chapters to go and the Epilogue, then we're done! Yay. Ang lapit na. I'm so excited! Ikaw excited ka na ba? Hahahaha.

Hoy Kiefer tigilan ang pagtingin kay Mika. Baka matunaw yan hala ka *winks* #WagNgUmasaHuy
Hahahaha

Spread the love and good vibes! Mwa.

- Trix

Date Posted: Oct. 17, 2015

Twitter: @leirahlovesyou3

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

218K 13.1K 8
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
40.4K 1.4K 99
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"