Chapter 1
"Yeah Dad, papunta na ko sa Rodriguez University.." Walang ganang sagot ko habang nilalagay ang mga gamit ko sa may likuran. Lagi akong naglalagay ng mga damit, at pera sa kotse ko para kung saka sakali mang may biglaang lakad ay nakaready ako. Walang mali sa sinabi ko, nineteen years old na ko kaya pwede na kong magdrive, legal na ang lahat. Pwede na rin akong makulong kaya hindi na ko basta basta pumapatol sa mga baliw.
"Good luck sa RoSity, baby.."
Masakit mang aminin ay ako yang baby na iyan! Baby pa rin ang tawag sa'kin ni Dady kahit pa hindi na ko bata. Noong maliit pa lang ako ang sweet ng dating. Ngayong nineteen na ko, ang WEIRD ng dating!
"Dad! Wag mo nga akong matawag-tawag na baby! Nawiwirduhan ako sa'yo!"
"Bakit? May iba na bang tumatawag sa'yo ng baby? Ha baby ko?"
I just rolled my eyes heavenward, as if na makikita niya. "Like duh? Wala akong balak Dad. As in WA-LA. Kaya tigil-tigilan mo na ko't baka malate pa ako."
Tumawa lang naman si Dad sa sinabi ko. "Okay baby. Pakasaya ka sa RoSity."
"Whatever you say Dad." Then I hung up. That's my Dad. I'm a daddy's girl kaya ganyan na lang kami mag-usap. At gusto niya akong magpakasaya kaysa tumino.
He's my second bestfriend. Yes second lang dahil may bestfriend talaga ako, si Angel. Speaking of that girl, ang tagal ko na din siyang hindi nakikita. It's been four years..
Eh basta four years ko na siyang hindi nakikita. Nasa Amerika kasi siya. Bigla na lang umalis, sabi niya dun na daw siya mag-aaral ng college.
Sumakay na ko sa kotse ko at tinahak ang landas papunta sa RoSity na yan.
Sa wakas!
Bagong buhay.
Bagong mundo.
Bagong lipunan.
Pagdating ko ng RoSity ay nakaramdam ako ng kakaibang saya. Last year ko na ito sa college.. Hindi ba't maganda kung makakagraduate ako sa bagong school para naman makapagbagong buhay na ako?
Simula kasi highschool ay nasa CruSity ako kaya talagang nakakasawa na ang mga mukha ng mga taga-roon. At alam ko namang sawang-sawa na rin ang mga iyon sa mukha ko. Lalo na yung mga taga-guidance sawang-sawa na sila sa akin. Suki kasi ng GO. Walang araw na hindi ako bumibisita dun. Eh ang Dad ko ang may-ari ng CruSity kaya hindi nila ako ma-KO.
Since nasa RoSity na ko, kailangan ko na rin sigurong huminto sa pakikipag-away. Baka mamaya dito naman ako maging suki ng GO, mahirap na. Maki-KO talaga ako dito. At ayoko namang mangyari yun kasi sayang ang 3 years na binuno ko tas di naman pala ako makakagraduate.
Okay naman dito sa RoSity, malawak siya pero hindi ganon kalawak tulad ng school ko. Parang boring nga lang dito kasi napakatahimik ng paligid. Yung tipong bulungan lang ang pag-uusap ng mga estudyante dito.
Nakakaamoy ako ng plastic. Parang puros plastic ang mga tao rito ah! Hindi ko yata maipapangakong hindi ko bibisitahin si GO. Bahala na.
Naglakad lakad lang muna ako dala ang mga gamit ko pang school. Maliit lang naman itong bag ko dahil hindi ako masipag na mag-aaral. Ako yung tipo na matalino pero okay na ang makapasa lang. Dahil sa maliit nga lang itong bag ko, hindi ako nabibigatan sa paglalakad.
"Si Nathalie? Sus! Sikat lang iyan kasi kambal niya si Marco."
Hindi ako tsismosa, pero curious ako kaya umupo ako sa may bench para marinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Kaya nga! Famewhore lang yan!"
"Plastic pa! Akala mo kung sinong mabait. Rinig ko nga'y may gusto siya kay Xander eh."
Tsk. Mukhang hindi rin naman pala boring dito. Unang araw ko pa lang dito may nalaman kaagad ako dahil sa pagiging curious ko.
"Hi Marco!"
"Hi Nathalie!" Napalingon ako sa babaeng binati nila.
Sinabihan nila kaninang plastic iyang babaeng iyan tapos ngayon ang babait na nila sa kanya. Plastic din naman pala itong mga ito eh.
Dahil ang pangit na ng palabas tumayo na lang ako at nagsimula ng umalis nang may tumawag sa akin.
"Jannel!"
New student ako tapos may nakakaalam ng pangalan ko? Nang lingunin ko ang tumawag sa akin may pagtataka na reaksyon ng mukha ko.
"Tama ako. Ikaw nga yung NewDent." Aba, RoSity na nga ang Rodriguez University, NewDent pa ang New Student! Weird ng mga 'to.
Tinignan ko lang si Nathalie na yun na parang wala akong pakialam sa sinabi niya.
"Friends?"
Tinignan ko rin ang nakalahad niyang palad at saka ko binalik ang tingin sa mga mata niyang nakatingin din sa mga mata ko. For short titigan kami ng 3 seconds. Tumaas ang isang sulok ng labi ko sa narinig ko.
"Ayoko."
"Bakit ayaw mo? Kaibigan ko lahat ng nandito sa university na 'to."
Kaibigan? Sure ka? Paano mo naman nasisigurado?
"Hindi ako naniniwala sa'yo."
"At bakit naman hindi?"
Sabihin ko kaya ang narinig ko? Anong gagawin niya? Magfe-freak out kaya siya at lalabas ang bad side niya? Maganda iyon pag nagkataon. Pero tulad ng sabi ko, iiwasan ko muna si GO hanggang kaya ko.
Makahulugan kong tinignan ang dalawang babaeng nag-uusap kanina. Hindi nila masalubong mga matatalim kong tingin sa kanila.
"Kalokohan iyan. Sinisigurado ko sa iyo, wala pa sa kalahati ang kaibigan mo talaga. Pag kaibigan mo lahat ng mga nandito, gagawin ko ang kahit anong gusto mo."
Hindi ako sumusugal pag alam kong matatalo lang ako. Kaya ganyan ang binitawan kong salita dahil alam ko na ang mangyayari pagkatapos nito.
"Paano mo naman nasabi iyan?"
"Kasi hindi ako tanga."
Masakit na kung masakit. Pero kailangan niyang magising.
"Gusto mo bang tanungin ko ang lahat kung kaibigan nga ba ang turing nila sa akin?" Shock niyang tanong.
Napangiti naman ako sa narinig ko. Pranka pero tanga. Maganda pero bulag. Sayang. Kulang sa pag-iisip.
"Mag-isip ka please? Malamang sasabihin nilang 'oo'!"
"Eh pano?"
"Problema mo na iyan." Tulad ng sabi ko kanina, alam ko na ang mangyayari. Bahala na siyang mag-isip.
Iniwan ko na siya doon kasama ang mga peke niyang kaibigan. Sana naman magising na siya sa kahibangan niya.
Dumiretso na lang ako sa classroom namin dahil malapit na rin namang magsimula ang klase. May mga classmate na din naman ako sa room. Iyong iba nagmamake-up, may mga nakaheadset, may mga nagi-iPad, may mga nagbabasa. Pero hindi mawawala ang natutulog at mga nag-uusap. Tama, ANG natutulog, dahil isa lang ang natutulog. Nasa harapan pa. Napapaligiran naman siya ng sampung lalaking nag-uusap-usap but more on nagsisigawan.
Bigla namang umayos ng pagkakaupo ang lalaki mula sa pagkakayuko niya sa armchair niya.
"Shut up. Ang iingay niyo hindi ako makatulog."
Nagtawanan lang naman ang mga sinaway niya kaya tingin ko ay magkakatropa ang mga ito.
Pero yung mukha niya.. Parang nakita ko na iyong mukha niya.
Napansin niya yata akong nakatingin sa kanya kaya ngumisi siya. Inirapan ko lang tapos naglaro na lang ako ng Candy Crush sa iPad ko. Dito ko na lang ibubuhos ang pagkapahiya ko.
Bwisit. Nahuli ako ng isang lalaki na nakatingin. Bwisit talaga. Sa lahat ng lalaking tinignan ko siya lang ang pangit. Bwisit!
Nang kailangan ko na ng ticket, bigla namang dumating ang prof namin. At dahil ako ang bago. Ako ang napagdiskitahan. Pinapunta ako sa unahan para ipakilala ang sarili ko.
"Jannel Cruz is the name."
Uupo na sana ako nang tawagin ulit ako ng prof namin.
"Wala ka na bang ibang pwedeng sabihin?"
"Do I need to say more?"
Mukha naman siyang napahiya kaya napayuko siya.
"H-Hindi naman."
Umupo na ko at sinimulan na niya ang klase. Kalagitnaan na ng pageexplain niya nang pumasok si Nathalie kasama ang isang lalaki.
"Good morning Ma'am. Sorry we're late." Bati ni Nathalie.
"Pasok na kayo Mr. and Ms. Ruiz."
Mr. and Ms. Ruiz? Kambal sila? Ito siguro yung Marco na sinasabi nila.
Umupo sa tabi ko si Nathalie at sa tabi naman nung lalaking asungot umupo yung Marco.
"Galit ka ba sa akin kaya ayaw mong makipagkaibigan?"
Natawa naman ako sa sinabi niya kaya tinignan ko siya mata sa mata.
"NewDent lang ako dito sa RoSity, paano naman ako magagalit sa'yo. Saka ngayon lang kita nakita."
"So bakit?"
Bakit nga ba? Ano bang inaayawan ko sa kanya eh mukha namang harmless siya.
"Hindi ko rin alam. Hayaan mo. Pag-iisipan ko 'yan."
Ngumiti naman ako kaya ngumiti na din siya. For short nagngitian kami at nagshake hands. Tanda ng pagkakaibigan?
Nang matapos na ang mala-misang discussion ng apat prof namin ay tumunog na din sa wakas ang bell. Tanda na break time na! Niyaya ako ni Nathalie na pumunta na sa canteen nang lapitan siya ng kambal niya.
"Halika na Nathy." Yaya nito sa kanya at saka kinindatan lang ako.
GROSS.
"Ahmm, Marco kasama ko kasi si Jannel eh."
"Hi Jannel! I'm Grey Marco Ruiz. Date tayo?" Nakangiting bati niya sa akin. Grabe! Ang lakas ng aircon! Sayang kuryente.
"Date your face."
Tinignan ko naman si Nathalie.
"Sige, okay lang ako. Una na ko ha?"
"Ayaw mo talaga akong makadate?"
"Marco!" Saway naman sa kanya ng kambal niya.
Inirapan ko lang siya saka sila tinalikuran. Lumabas na lang ako baka mapapunta ko bigla siya sa Mars at siya ang unang mamatay doon. Bwisit.
Padabog akong naglakad papuntang canteen. Nang makarating na ko sa canteen ay agad akong umorder ng chocolate cake, vegetable salad at coke para makakain na. Gutom na gutom na ko dahil sa apat na misang nadaluhan ko kanina.
Umupo na ko sa pinakamalapit na table para maumpisahan na ang pagkain. Masarap naman ang pagkain. Tama lang ang tamis ng chocolate cake, tapos fresh pa yung vegetables kaya manamis-namis. Err.. Do I need to describe ang lasa ng coke? Bili na lang kayo ha?
Nasa kalagitnaan ako ng paglantak ko sa vegetable salad ko nang may naglapag ng tray of foods sa table na pinagkakainan ko. Nang tignan ko kung sino..
"Anong ginagawa mo dito sa table KO?!"