Dancing In Pain

By nininininaaa

3.8M 90.5K 10.9K

[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 2: Before, she danced because she's in love but now, she dances bec... More

Dancing In Pain
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Dance Forever
Author's Announcement:

Chapter 8

96.3K 2.1K 135
By nininininaaa


Chapter 8
Memorize

"Can I see Belle?" tanong sa akin ni Vini nang magskype kami.

Mabuti nalang at wala syang pasok ngayon at ako'y hindi pa nagsisimula ang aming pasukan kaya sinusulit namin ang buong araw na to kaka-skype. the

Nilingon ko naman si Bella na naglalaro ng mga bola at hindi nya alam kung alin sa mga bola'ng gumugulong ang hahabulin nya.

"Belle.." tawag ko sa dito.

Napatigil naman ito sa paglalarong ginagawa't napatingin sa akin saka nilabas ang kanyang dila't panay ang wagwag ng buntot.

"Daddy wants to see you. Come here." nakangiting aya ko sa kanya't tinatap ang aking hita upang maintindihan nyang pinapapunta ko sya sa tabi ko.

Mabilis naman nyang tinakbo ang distansya naming dalawa't maingat ko syang binuhat saka nilapag sa study table upang makita nya ang screen ng laptop.

"Hello, Belle.." nakangiting bati sa kanya ni Vini na kumakaway-kaway pa.

Napatigil naman si Belle at nakatingin lang kay Vini pero nang mga ilang sandali din ay muling nagwagwag ang buntot nito saka panay ang tahol.

Tumawa naman si Vini. "Namimiss nya ata ako."

"Balik ka na kasi dito para hindi ka mamiss ng anak mo." natatawa ko ring sabi but I really mean it.

I really want him to go back here so bad.

"When you're saying it like that, pakiramdam ko tuloy ay talagang anak natin si Belle at nagtrabaho lang ako sa ibang bansa para sa inyong dalawa kaya hindi ko kayo nakakasama." aniya.

Hindi ko alam pero ever since na bumalik si Vini sa Pilipinas ay naging ganyan na sya mag-isip. Parati syang nag-iimagine ng kung anu-ano tungkol sa aming dalawa kasama si Belle.

Nung umalis nga sya'y iniyakan nya pa si Belle kahit na wala pang isang araw silang nagkasama ng aso. Para talaga syang tatay na nawalay sa kanyang anak.

"Anak naman talaga natin si Belle ah." pa-inosente kong sabi sa kanya.

Ngumisi sya sa akin. "Yeah.. Congrats to us. We have a dog as our child. I don't what kind of superior genes we have to produce Belle."

Hindi ko na napigilan at napahalakhak na ako sa pagiging sarkastiko nya nang makita ko si Belle na palapit na ng palapit sa may monitor na nakahanda na ang dila upang dilaan ito.

"Belle, don't lick it." saway ko sa kanya't marahan kong hinila papalapit ulit sa akin.

"Aw.. our little Belle wants to lick his daddy." pa-cute na sabi ni Vini. "Come here, baby.. Belle, baby, come here.." aya ni Vini kay Belle at pinipigilan ko nalang na makapaglakad papalapit sa monitor si Belle.

"Vini!" pagpigil ko sa kanya.

Tumawa naman si Vini ngunit tumigil na sya. "Can't wait to see you two again when I come back." bigla nyang sabi.

Ngumiti naman ako't lumapit sa webcam saka humalik dito.

"Hmm! Ang sarap naman non. Pakiss din." ani Vini't lumapit din sa kanyang camera upang humalik saka ako binigyan ng isang napakatamis na ngiti.

"I miss you." I blurted out.

"I miss you more." sagot nya pabalik sa akin.

Magsasalita na sana ulit ako nang may biglang nagsalitang babae na tinatawag si Vini.

"Vini, lunch is ready." rinig kong sabi ni Ate Lyrae.

Siguro'y may family lunch sila ngayon kaya nandyan sila Ate Lyrae. Namimiss ko rin tuloy sila lalo na ang kambal na makukulit.

"Ate, just a minute. I'm talking to Bella." sabi naman ni Vini.

"Oh! Bella's there!" sigaw ni Ate Lyrae at ilang sandali pa'y nakita ko na rin sya sa screen.

Masayang kumaway sa akin si Ate Lyrae.

"Hi, Bella!" pagbati nito sa akin.

"Hi, Ate." ngiti ko sa kanya.

Mayroon syang tinuro sa screen at mukhang alam ko na kung sino ang tinuturo nya.

"Oh my! Is that Belle?" tanong ni Ate Lyrae.

Nakangiti naman akong tumango. "Opo, Ate Lyrae." sagot ko. "Belle, say hi to Tita Lyrae, baby." utos ko kay Belle.

Kinuha ko naman ang kamay nito't kinaway-kaway kay Ate Lyrae at muling nilabas ni Belle ang kanyang dila na simbolong natutuwa sya.

"Ang cute naman pala talaga ni Belle oh." nakangiting sabi ni Ate. "Tama nga si Vini't cute daw si Belle. Manang-mana daw sayo. Parehas daw kayong cute."

Kumunot naman ang noo ko kay Vini at hindi ko magawang ma-flatter sa kanyang sinabi.

Kahit na inaamin kong cute si Belle ay hindi naman ako papayag na maging kamukha ko ay isang aso.

"Mukha ba akong aso?" seryoso kong tanong kay Vini.

Natawa naman si Vini sa akin at umiling.

"You don't look like a dog, Bella, but you look sleepy na." pagsingit naman ni Ate Lyrae. "Anong oras na ba dyan? I bet it's already midnight. Magpahinga ka na." concerned na sabi ni Ate Lyrae.

"Okay lang po, Ate. Gusto ko po kasing makausap si Vini't wala naman po akong gagawin bukas na kailangan kong gumising ng maaga." sabi ko.

"No way. You should sleep na." sabi ni Ate Lyrae at lumingon kay Vini. "Vini, let her sleep first. Mamayang gabi nalang ulit kayo mag-usap kapag umaga na sa kanila't nakapagpahinga na si Bella."

Napabuntong hininga naman si Vini saka tumingin sa akin. "Babe, Ate's right." panimula nya. "You should take a rest now. I'll call you later kapag umaga na dyan sa inyo, okay?"

Tipid naman akong tumango dahil labab sa loob ko ang matulog. Hindi naman ako nakakaramdam ng antok pero alam kong kailangan kong magpahinga. Hindi rin maganda sa katawan ang kulang sa tulog.

"Okay." pagsuko ko.

Ngumiti naman si Vini. "Goodnight. Sweetdreams, babe." at nagflying kiss sya.

Ngumiti na rin ako't kumaway sa kanya saka nagflying kiss din na mabilis nyang sinalo saka tinapat sa kanyang labi.

Sya na ang unang nag-end ng video call naming dalawa dahil kung ako'y baka hindi na matapos ang video call naminh dalawa dahil hindi ko ito i-eend.

"Bella." tawag sa akin ni Tatay habang nilalagyan ko ng dog food ang lalagyanan ng pagkain ni Belle upang makakain na sya.

"Bakit po?" tanong ko't pinagpag ang aking kamay at tumayo nang makitang nagsisimula ng kumain si Belle.

"Please memorize this lines and prepare a one minute dance." sabi ni Tatay saka nilapag sa aking harapan ang isang clearbook.

"Para saan po?" nagtataka kong tanong.

Inabot ko ang clearbook at binuksan ito.

Merong tatlong bondpaper na nakalagay sa loob nito't ang dalawang page ay parang isang script.

"You're going to participate to an audition." simpleng sabi ni Tatay at uminom sya ng kape.

Nanlaki naman ang aking mata sa sinabi ni Tatay at napaupo ako sa kanyang tapat.

"Tay! Audition? Para po saan? I mean, bakit po ako mag-aaudition?" halos nagh-hysterical ko ng tanong.

"It's for a dance movie but don't worry cause you're not yet aiming for the main actress. Just relax and prepare something that will make you pass the audition." ani Tatay.

"Pero, Tay.. wala po sa isip ko ang pag-aartista." pangangatwiran ko.

"As my daughter, you're bound to be an actress." sabi ni Tatay ng walang pag-aalinlangan. "I can already see your future in this career, Bella. But we are going to start from the bottom. Ayokong magkaroon ng issue na dahil Tatay mo ako kaya ka nakakuha agad ng leading role. I want you to work hard for it."

"Mag-aaral pa po ako ng college, Tay.." paalala ko kay Tatay.

Hindi ako sumama dito sa Los Angeles para mag-artista. Sumama ako dito dahil syempre'y gusto kong makasama si Tatay gaya ng gusto nya't gusto ko ring makapag-aral sa isang magandang kolehiyo dito gaya ng aking napasukan pero mukhang iba ata ang balak sa aking ipagawa ni Tatay at natatakot ako dahil gustong-gusto kong makapagtapos ng pag-aaral.

"Of course you'll still study." sabi ni Tatay na nagpahinga ng maluwag sa akin. "We already paid your tuition." dagdag nya.

Masaya na ako dahil alam kong mapapagpatuloy ko pa ang pag-aaral ko pero hindi parin maibsan ang kabang nararamdaman ko tungkol sa plano ni Tatay sa akin na sumabak sa pagiging artista.

Tumayo si Tatay sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin saka hinawakan ako sa aking kanang balikat.

"You are Arabella Francisco." ani Tatay na para bang pinapakilala nya sa akin kung sino talaga ako. "You are Eduardo Francisco's only daughter. One day, you'll know that what I'm doing is for you. This is for your future and for our legacy."

"Our legacy?" nagtataka kong tanong dahil hindi ko alam kung anong kinalaman nun sa legacy ng pamilya namin.

"You're my only daughter, Bella." he stated. "Sayo ko lang mapapasa ang legacy'ng nasimulan ko. I want you to continue that and make your own name bago mo palitan ang apilyido mo ng iba. That's my only wish, Bella."

And of course, I'm just her daughter who loves him so much kaya sino ba naman ako para hindi pagbigyan ang tanging kahilingan na hinihingi ng Tatay ko sa akin.

"You look so tensed."

Napatingin naman ako kay Evan na papalapit sa akin at umupo sa tabi ko dito sa swing.

"What's that?" sabay turo nya sa script na aking hawak.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko makabisa-bisado 'to. Kapag memorization naman ng mga iba't-ibang key terms ay mabilis kong namememorize pero itong script ay halos titigan ko na buong magdamag pero hindi ko parin makabisado.

Buti nalang at kahit freestyle lang ang gawin kong one minute dance ay kaya ko pang magawan ng paraan dahil mahilig naman ako sa mga impromptu dances pero itong nilalaman ng clearbook ay hindi ko pwedeng baguhin.

"A script." sagot ko saka inabot sa kanya upang makita nya ang mga linyang nilalaman nito.

"A script for what?" tanong nya sa akin saka sinimulang basahin.

"It's for an audition this coming Sunday." sabi ko. "I can't memorize it even though I've already read it a thousand times."

"Didn't know you're an aspiring actress." natatawang pang-inis sa akin ni Evan.

Kumunot naman ang aking noo sa kanya saka napabuntong hininga. "I don't want to be one but my dad says so."

"Well, that's tough." komento nya. "You should not disobey your father. It's a sin."

"I know.. I can't disobey him or make him disappointed that's why I'm doing this. That's why I'm preparing and memorizing these lines." sabi ko sabay galawa sa clearbook na kanyang hawak na ibinigay ko kanina.

"Make sense." simpleng sabi nya't nagkibit balikat.

"Make sense of what?" nakakunot-noong tanong ko.

"Make sense why you can't memorize these simple lines that even a fourth grader can." sabi nya.

"I'll be glad if you'll tell me the reason because I'm so frustrated already." sabi ko.

"It's because you don't have the passion. You don't like what you're doing that's why even if you tell your mind to memorize these shits, you still can't get it because your inner mind and heart says otherwise." he explained.

"Then how can I solve the problem when I don't really like what I'm doing?"

Kunting-kunti nalang ay malapit na akong sumuko. Kapag sumapit ang linggo't wala parin ako sa wisyo't hindi nakabisa-bisado ang mga linya ay magbaback-out nalang ako't manghihingi ng paumanhin kay Tatay.

"Even if you're not passionate about it.. just simply enjoy it." pag-aadvise ni Evan. "Don't get so frustrated and just enjoy memorizing. Be optimistic!"

Napatango naman ako sa kanyang sinabi. All I have to do is to enjoy what I'm doing. Dapat mag-enjoy ako sa pagmememorize at hindi mabaliw kakaisip na hindi ko kaya.

"Do you want me to help you memorize it?"

Napalingon naman ako kay Evan at nakita kong concerned talaga sya sa akin na gusto nyang makatulong.

Napangiti naman ako't tumango sa kanya. "That will do." pagpayag ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 68.7K 34
[SARMIENTO SERIES #3: DANCE TRILOGY] BOOK 3: Destiny won't really make life easy for both of Vini and Bella. Different challenges are coming at them...
2.5M 91.5K 40
Bookworm and introvert are probably two words that best describe Aika. She's a half-Japanese, half-Filipino writer who likes to watch Korean drama se...
5.3M 114K 40
[SARMIENTO SERIES #2: SAY & SAID DUOLOGY] BOOK 2: Falling in love is easy, but staying in love is hard. That's what Lyrae thought when she and Joshua...