Two Daddies and Me (Completed)

By vincentmanrique

113K 5.6K 542

"Where happiness ends, reality begins..." Akala nina Rob at Paulo ay puro saya na lang ang buhay sa piling n... More

Dedication
Two Daddies and Me
Prologue
Chapter 1 - Back to School
Chapter 2 - Si Marlon
Chapter 4 - Teacher Shane
Chapter 5 - Second Meeting
Chapter 6 - Father and Son Bonding
Chapter 7 - Biglaang Plano
Chapter 8 - Petition for Adoption
Chapter 9 - Ampon
Chapter 10 - Masayang Sandali
Chapter 11 - Larawan
Chapter 12 - Kutob
Chapter 13 - Tuos
Chapter 14 - Biyaya
Chapter 15 - Anak
Chapter 16 - Fight
Chapter 17 - Confrontation
Chapter 18 - DSWD
Chapter 19 - Opposition
Chapter 20 - Truth
Chapter 21 - Subpoena
Chapter 22 - Banta
Chapter 23 - Court Decision
Chapter 24 - Custody
Chapter 25 - New Home
Chapter 26 - Motion for Reconsideration
Chapter 27 - Moving On
Chapter 28 - Graduation
Chapter 29 - Final Decision
Chapter 29 - Final Decision
Chapter 30 - Mishap
The Final Chapter (1)
The Final Chapter (2)

Chapter 3 - School Boy

3.6K 218 12
By vincentmanrique

"GOOD morning, Teacher Shane!" masayang bati ng mga bata sa kanilang guro.

"Good morning, children. How are you?"

"We're fine!"

"That's good to know, kids."

Lumakad ang guro papunta sa batang babaeng nasa unahang row bago siya muling nagsalita. "Yesterday, I asked everyone of you to bring a photo of your parents. So, do you have the photo with you? Ikaw, Janna?"

Sumagot ang batang tinawag, "Mom gave me this picture, Teacher Shane." Ipinakita nito sa guro ang dala nitong litrato.

"That's your mom and dad?"

"Yes, teacher!"

"Very good, Janna. That brings us to our lesson for today which is about family. Janna has her own family. I also have my family. Every one of us has our own family."

Tahimik na nakikinig ang mga bata. Kumuha ng board marker ang guro at lumapit sa white board. Nag-drawing ito imahe ng isang buong pamilya.

"Class, look at the board. This is an example of a family." Isa-isang itinuro ng guro ang mga miyembro ng pamilya. "This is the father, the mother, brother, sister, and we have baby or the youngest child..."

"...sino sa inyo ang may ganitong miyembro ng pamilya?" tanong ng guro sa mga bata.

May ilang mga bata na nagtaas ng kamay. Si Gab ay nanatili lang nakikinig.

"John, why are you not raising your hand?"

Tumayo ang batang tinanong at nagsalita, "Teacher, I am an only child. I don't have brother and sister. Does it mean that we are not a family?" tila naguguluhang tanong nito.

"No, John. My drawing here as I said is just an example of a family. There are other instances of course when the family members may vary. Puwede kasing puro brothers lang. Puwede ring puro sisters lang. At katulad ng sa'yo, puwedeng ikaw lang being an only child."

Tumango-tango si John.

"Gab?" napatingin ang guro sa tahimik na si Gabriel.

Tumayo si Gab. "Yes, teacher?"

"You also did not raise your hand. Can you tell to the class who are the members of your family?"

Matipid na ngumiti si Gab bago ito nagsalita. "Like John, I am also an only child. However, I don't have a mother anymore. She died few months after she gave birth to me..."

"Oh, I'm sorry to hear that, Gab."

"But I already saw my mom in pictures."

"Did you bring a picture of your mom today?"

"No, the pictures of my mom are in the house of my Lola Minda."

"Which picture did you bring today?"

"I have with me the picture of my yaya together with me and my two daddies."

"Can I see the picture?" tila na-curious ang guro sa sinabi ni Gab.

"Eto po," inabot ni Gab kay Teacher Shane ang litrato.

Seryosong tiningnan ng guro ang litratong kuha sa sementeryo nung huling beses na dinalaw nina Rob, Paulo, Gab at Imelda ang puntod ni Shiela.

"That was taken when we visited my mom's grave. I'm with my daddy Rob, daddy Paulo and yaya Imelda," pagpapaliwanag ni Gab.

"Bakit dalawa ang daddy mo?" biglang sumali sa usapan ang isang batang lalaki.

Hindi nakasagot si Gab. Sa isip siguro nito, bakit nga ba naging dalawa ang daddy niya?"

Si Teacher Shane ang sumagot, "Mga bata, lumaki si Gab na kasama ang dalawang daddy niya. Kaya nakasanayan na niyang tawaging daddy pareho ang dalawang daddy niya. Pero siyempre, isa lang sa kanila ang totoong daddy niya."

Bakas sa mga mukha ng mga bata na tila lalo pang naguluhan sa sinabi ng guro.

"Sino sa inyo ang may tumatawag ng mommy or mama or nanay sa lola ninyo?" tanong ni Teacher Shane.

Isang bata ang tumaas ng kamay.

"Yes, Charlene. How do you call your grandmother?" tanong ng guro.

"I call her mama."

"How do you call your mother?"

"Mommy..."

"Class, 'yan ang gusto kong sabihin kanina. Si Charlene, ang tawag niya sa lola niya ay mama. Ang tawag naman niya sa totoo niyang mama ay mommy. Lumalabas na parang dalawa ang mommy or mama niya, pero ang totoo isa lang talaga doon ang totoo niyang mommy dahil 'yung isa na tinatawag niyang mama ay hindi naman niya talaga mama kundi lola. Ganun din kay Gab. Dalawa ang tinatawag niyang daddy pero isa lang sa kanila ang totoong daddy ni Gab."

"No, they are both my daddies," protesta ni Gab.

"Hindi nga puwedeng dalawa ang daddy," pagsabad ni John sa usapan.

"Pwede! Dalawa nga sa akin, eh." Hindi nagpatalo sa pakikipag-argumento si Gab.

"Sabi nga ni teacher, isa lang sa kanila ang totoo mong daddy. 'Yung isa, tinatawag mo lang daddy pero hindi mo totoong daddy," ayaw ring magpatalo ni John.

"Kids, tama na 'yan. We don't have to argue that much kasi sa kultura nating mga Pilipino, meron din tayong tinatawag na extended family. Ito 'yung uri ng pamilya na magkakasama sa iisang bahay ang tatay, nanay, mga anak, mga lolo at lola at kahit mga tito at tita at iba pang mga kamag-anak. Kaya huwag na tayong magtalo dito dahil sino man ang itinuturing n'yong pamilya, kadugo n'yo man sila o hindi, ang mahalaga ay alam n'yong pamilya kayo at ano man ang mangyari may pamilya kayong magmamahal at mag-aalaga sa inyo sa lahat ng oras. Naiintindihan n'yo ba iyon, mga bata?"

"Opo, Teacher Shane!" sabay-sabay sa sagot ng mga estudyante.

SA WAITING area ng eskwelahan naman ay naroroon si Imelda kasama ang iba pang mga naghihintay din sa mga bata. Habang hindi pa dumadating ang lunch time ay ginagawa niyang abala ang sarili sa pagbabasa ng tabloid na regular na hinahatid ng newsboy sa bahay nina Pau at Rob. Kung minsan naman at trip niyang makipagtsikahan ay nakikipagkuwentuhan siya sa ibang mga yaya na naroon. Pero mas madalas talaga na tahimik lang siyang nagbabasa o di naman kaya ay ka-text ang biyenan niya para kumustahin ang kanyang sariling pamilya na nakakasama lang niya tuwing Biyernes ng gabi hanggang Linggo ng hapon.

Nang tumunog ang bell pagsapit ng alas dose ng tanghali hudyat na kakain na ang mga bata ay binitbit na ni Imelda ang baon ni Gab patungo sa classroom ng paslit. Maganang kumain ang mga bata kasabay ang kanilang teacher. Si Imelda at ang ibang mga yaya ay nanatili lang din sa classroom para bantayan ang kani-kanilang mga alaga. Nang matapos kumain ay saglit na pinagpahinga ni Teacher Shane ang mga bata habang binabasahan niya ang mga ito ng fairy tale. Enjoy na enjoy ang mga bata sa pakikinig sa magandang kuwento ng kanilang guro.

Si Imelda ay matiyaga pa ring naghintay sa pagtatapos ng klase ni Gab. Ganun naman ang buhay yaya. Sanay na siya. At kahit kelan ay hindi niya pagsasawaang alagaan ang batang napamahal na rin sa kanya at itinuturing na rin niyang anak. Para nga kay Imelda, dalawa na ang anak niya; ang tunay niyang anak na nasa pangangalaga ng kanyang biyenan at si Gab na inaalagaan naman niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
149K 7.1K 62
Kuwarenta si Anton. Beinte-uno si Jason. Nagkakilala sila sa panahong nangako na si Anton sa sarili na hinding-hindi na siya magpapaloko pang muli sa...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
11.9M 284K 55
Nagpakasal ang isang man-hater na si Sapphire sa isang super "friendly" na lalaki na si Johann for the sake na makuha niya ang mana niya. Magkasundo...