Sorelle Compilation

By MPBC2015

2.8K 138 357

Compiled Short Stories 2015 More

Dental Clinic
That Moment (Final entry)
Sunset
Eternal Spirit
Curse of Love
Fix You
A Writer's Confession
Star-Crossed Lovers
The Wall
Ten Seconds Glimpses
Worth Fighting For (Final entry)
Light Years Away (Final Entry)
Real Meaning of L.O.V.E (Final Entry)

The Quiet One

127 10 16
By MPBC2015


Oki.... hahah, naisipan kong palitan na lang po ung starcrossed lovers ko nito. Narealize ko na marami pa akong dapat ayusin dun pero dahil sa medyo busy ako at wala sa sarili ang utak ko sa pagsusulat/pag-iisip para maayos yun, papalitan ko na lang nitong the quiet one ko. Malapit din kasi 'to sa heart ko at mas feel ko 'tong mapublish kesa sa isa. hahah. So, ayun... eto na lang. hahah. Pacencia sa magbabasa at magkikritiko ulit. wahahah. Ilabas o ipaabot niyo lang sa'kin kung may nkita kayong kapalpakan dito. wahahah. MUWAH!


The Quiet One

by pople-

words: 3, 013



"Kumusta naman ang pag-aaral mo, Jansen?"

"It's okay, Dad. Everything's fine." Sagot ko habang nag-aagahan kaming pamilya sa isang mesa.

Kung magulang lang naman ang pag-uusapan, sila na ang pinakamaalalahanin sa lahat ng bagay.

"Jansen, kilala mo naman si Apple 'diba?"

Napaisip ako sa pangalang nabanggit. "Apple?"

"Anak siya ng kapitbahay natin. Minsan mo na rin siyang nakalaro noong mga bata pa kayo."

Bigla akong nalinawan. "Siya 'yong hindi masyadong umiimik. 'Yong mahiyain, 'diba?"

"Siya nga ang tinutukoy ko, anak. Kasing edad mo lang siya at schoolmate pa."

"So what about her?" pagtatanong ko.

"Nakausap ko kahapon ang mommy niya, si Tina. Kawawa naman pala ang batang iyon, walang kaibigan at laging mag-isa. Minsan nga daw naririnig ng mag-asawa na umiiyak sa kwarto."

"Really? How sad." tanging reaksyon may masabi lang.

"Oo nga eh." Muling sagot ni mommy na halatang apektado sa ganitong mga bagay.

"Sa tingin mo, binubully kaya si Apple? Wala ka bang napapan—"

"Mom," pagpuputol ko. "Hindi kami close! Kaya wala akong alam diyan."

"Well, that's the reason kung bakit natin siya pinag-uusapan ngayon. Nagkausap kami ni Tina at nakiusap siya na kung pwedeng kaibiganin mo naman si Apple para nam—"

"Ano?!" Nasa tono ko na ang pagtanggi. Kung gaano kapusong-mamon ang mga magulang ko, siya naman ang tinigas ng puso ko. "Mom, hindi na natin 'yan problema..."

"Jan, paano mo nasasabi 'yan?" singit ni daddy na hindi nagugustuhan ang reaksyon ko. "Ba't sumasama na 'yang ugali mo? Balak ko pa naman sanang regaluhan ka ng pinakahihiling mong kotse... pero kung ganyang-ganyan ka—"

"Woah. Kotse?" mahinang bulalas ko na nagpabago ng isip ko sa isang iglap. "Okay! Ako na ang bahala sa Apple na 'yan. Don't worry, makikipagkaibigan ako sa kanya ngayon mismo."

Tumayo agad ako at iniwan ang 'di pa natatapos na pagkain. "I need to go. Susunduin ko pa si Apple sa tapat ng bahay dahil male-late na kami sa klase."

Matapos makapagpaalam, mabilis kong tinungo ang tapat naming bahay. Agad rin namang nagalak sina aling Tina at asawa nito sa pagsulpot ko na alam na rin ang sadya ko.

"Hi, Apple!" Nakangiting bati ko sa babaeng hindi masyado palasalita. Ni hindi siya makatingin ng diretso na halatang nahihiya. "Sakaling hindi mo alam, I'm Jan, kapitbahay mo at schoolmate tayo."

"A-alam ko." Nauutal at walng kakompiya-kompiyansang sagot niya.

"So, from now on... sabay na tayong papasok sa school?" Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong sumagot dahil inabot ko na ang kamay niya saka hinila paalis. Para siyang bata na hindi makaangal habang tinutungo namin ang bus stop.

Sa ilang minutong biyahe, wala akong narinig na kahit ano sa kaniya. Masyado siyang tahimik na hindi komportableng kasama. Kung hindi lang dahil sa kotse, hindi ako mag-aaksaya ng panahon tulad ng ginagawa ko ngayon.

"Ganyan ka ba talaga? Boring?" tahasang sabi ko na walang pinipiling salita.

Hindi siya umimik at napayuko na lang.

Bumaba lalo ang tingin ko sa kanya. Malinaw na sa'kin ngayon kung bakit wala siyang kahit isang kaibigan. Maganda sana kaso walang personality.

Nang tumigil na ang bus sa tapat ng paaralan, tinignan ko siyang muli. "Mamayang uwian, sabay ulit tayo. Huwag na huwag kang uuwi na hindi ako kasama."

Umangat ang tingin niya sa'kin na halatang naguguluhan sa biglaan kong pakikipaglapit sa kanya.

"Bakit?" tanong niya na gusto kong pagtawanan. Minsan na nga lang kasi siyang magsalita, napakalimitado pa.

"Dahil kailangan nating magkunwaring magkaibigan sa mata ng magulang natin. Kapag napaniwala ko ang magulang ko, pagbibigyan nila ako sa kotseng hinihiling ko. At kung mapaniwala naman natin ang magulang mo, mapapasaya mo sila dahil may kaibigan kana sa mata nila." May punto ang bawat sinabi ko na alam kong naintindihan din agad ni Apple. "Payag ka ba?"

Tumayo ako matapos siyang tumango bilang pagsang-ayon sa gusto ko. Nauna akong bumaba ng bus na hindi siya hinihintay.

Hindi pa man ako nakakalayo, natigilan ako nang narinig ko ang mahinang pagkakatawag niya sa pangalan ko. Hinarap ko siya. "Bakit?"

"P-paano kita... makikita mamayang uwian?" tanong niya na hindi pa rin makatingin sa mukha ko ng diretso.

Nag-isip ako, saka muling nagsalita. "Hintayin mo ako sa may gate. Siguraduhin mong makikita kita agad. Ayokong pahirapan mo pa ako sa paghahanap mamaya."

Tumango lang siya sa sinabi ko na hindi mahirap kausap. Parang siya ang klase ng taong hindi marunong tumanggi at tango na lang ng tango.

Nang malinaw na rin naman sa kanya ang sinabi ko, tuluy-tuloy na akong naglakad papasok ng sarili kong klase.

"Jan, sasama ka ba sa'min sa sembreak?"

Napabaling ako kay Tyron na nilapitan agad ako matapos ang huling klase namin. "Saan?"

"Sa bahay bakasyunan namin malayo dito. Malaya tayo dahil wala ang magulang ko."

"Sure." walang pagdadalawang isip na pumayag ako habang palabas kami ng classroom..

Nang maghiwa-hiwalay na kami ng kaklase't kaibigan ko dahil uwian na, agad ring natunton ng mata ko si Apple. Katulad ng sinabi ko sa kanya, sa mismong gate nga siya pumwesto.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanya, napansin kong pinagtatawanan siya ng ibang mga estudyante. Nakuha ko rin ang dahilan nang nakita ko ang pulang mantsa sa mismong likod ng skirt ni Apple. Pinagsisikapan niyang takpan pero kitang-kita pa rin.

Napapailing ako nang lumapit sa kanya.

"Ganyan ka ba talaga, hindi nag-iisip?" saad ko sa kanya saka hinubad at pinangtakip ko ang jacket ko sa skirt niya. "Hindi ka man lang nag-isip ng paraan... At pinarada mo pa talaga ang sarili mo sa kahihiyan."

"H-hindi ako pwedeng umalis sa may gate, 'di mo ako makikita..."

Nainis ako sa pangangatwiran niya. "Eh 'di sana, nanghiram ka sa kahit kanino ng magagamit na panakip. Common sense din Apple kahit paminsan-minsan."

"Wala akong mahihiraman. Wala akong kaibigan."

Ako naman ang natigilan sa naging sagot niya. Nakakaawa, pero nakakainis pa rin.

"Nevermind..." hinila ko na naman siya na parang bata sa pinakamalapit na mabibilhan namin ng napkin.

"Sa-lamat..." narinig kong sabi sa'kin ni Apple matapos ang tulong na ginawa ko sa kanya.

Nang hinarap ko siya, sa unang pagkakataon nakita kong nagawa na rin niyang tumingin ng diretso sa mga mata ko. Napansin ko rin na may maiksing guhit ng ngiti sa labi niya.

"Dapat lang." tanging sagot ko sa kanya bago ko siya muling hinila pasakay ng bus.

Magkatabi kami ulit sa upuan tulad kaninang umaga. Hindi ko na siya muling kinausap pa kaya naging masyadong tahimik ang biyahe namin hanggang sa pareho kaming nakauwi sa bahay.

Sa sumunod na mga araw at linggo, sa tuwing magkasabay kami ni Apple, napapansin kong nababawasan na ang sobrang pagiging mahiyain niya. Unti-unti na rin siyang nagiging komportable sa pakikipag-usap sa'kin.

"Sa tingin mo, malapit na sayong ibigay ang kotse mo?"

Napabaling ako kay Apple na naunang nagbukas ng usapan habang papauwi na kami galing school. "Ewan. Kaya nga kailangan ko pa ang kooperasyon mo Apple dahil isang buwan na ang lumipas pero wala pa rin..."

"Pagbubutihan ko." Sagot niya na napansin kong nawala ang saya sa mukha.

"Dapat lang... At para mas pagbutihan mo pa, ipinapangako ko sayo na isasakay rin kita sa kotse ko kapag nangyari nga iyon."

"Talaga?" nanlalaki ang mga mata niya na ngayon ko lang nakitang masyadong natuwa ng sobra.

"Oo." Sagot ko sa kanya. Naisip ko na kailangan ko siyang pangakuan ng ganitong bagay para makipagtulungan naman siya sa'kin.

Muli kong narinig na nagsalita si Apple na himalang nagkukwento tungkol sa sarili niya, kaso nawalan na ako ng ganang makinig pa sa kanya. Nagkunwari na lang ako na interesado na patango-tango hanggang sa makarating kami ng bahay.

"Kumusta ang pakikipagkaibigan mo kay Apple?" pangungumusta ni mommy matapos ang hapunan namin.

Wala akong ibang kinuwento sa kanya kundi ang pagiging mabuti kong kaibigan kay Apple.

"Kawawa naman talaga ang batang iyon." Komento niya matapos ang pagkukwento ko. "Alam mo bang nakikita ko sa kanya ang sarili ko, Jan... Kaya ang kaibigan na tulad mo ang kailangan niya."

Tumango na lang ako na siyang mas inaasahan nila sa masunurin nilang anak.

"Nakalimutan ko nga palang sabihin sa inyo ni Dad, na may plano kami ng mga kaibigan ko na mag-out of town bukas tutal sembreak naman." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Ba't hindi mo isama si Apple?"

"Mom...?" agad na reaksyon ko na nakalimutan kong magpakabait. "I mean... siguradong tatanggi lang naman si Apple dahil wala siyang kilala roon."

"Kasama ka naman niya. Pilitin mo si Apple." Pagpipilit ni mommy. "Kailangan niya 'yan para sa socialization. Tulungan mo siyang makahanap ng mga kaibigan, Jan."

"Pero—"

"I'm sorry Jan, pero 'di kita papayagan kung hindi mo kasama si Apple."

Napanganga ako. Minsan nakakainis din ang pagiging masyadong mapagmalasakit ng magulang ko sa ibang tao.

"Fine." Napipilitang sagot ko.

Kinagabihan, pumunta ako sa kabilang bahay para yayain si Apple. Tumanggi siya ng ilang ulit, pero dahil sa pangungumbinsi ko at pamimilit ng sarili niyang magulang, pumayag rin siya.

"Sino ang mga kasama natin?" tanong ni Apple kinaumagahan habang papunta na kami sa meeting place ng mga kaibigan ko.

"Karamihan mga kaklase ko. Makikilala mo rin sila." Sagot ko sa kanya habang napansin ko kung gaano siya kakabado.

"Paano kung hindi nila ako magustuhan? Paano kung—"

"Apple," maagap na sabi ko sa kanya. "Alam mo bang napakanegatibo mo kaya hindi ka nagkakaroon ng kaibigan. Simple lang naman kung gusto mong magustuhan ka nila. Ibubuka mo lang 'yang bibig mo para magsalita. Huwag na huwag ka ring mahihiya. Naiintindihan mo ba ako?" may halong pagkainis ang pagkakasabi ko sa kanya, pero isang ngiti ang sinukli niya.

"Pagbubutihan ko," saad niya na hinawakan ang laylayan ng jacket ko. "..basta, mangako kang hindi mo ako iiwan."

"Oo na." Napabuntong hininga ako habang napapailing. Gusto kong sisihin si mommy na nakaisip nitong ideyang isama si Apple.

Simula pagbiyahe hanggang sa marating namin ang bahay-bakasyunan ni Tyron, hindi ko inakalang paiinitin ang ulo ko ni Apple ng sobra-sobra.

Hindi man lang siya umimik o sumubok na makipag-usap sa mga kasama namin. At ang masama pa, buong araw siyang laging nakabuntot sa tabi ko na parang sisiw na 'di mahiwalay sa tandang.

"Apple, ano ba?!" paninita ko sa kanya kinagabihan nang magtangka akong humiwalay sa kanya. "Subukan mo namang makipaghalubilo sa iba. Nasasakal na ako sayo..."

"Pero nangako ka na hindi mo ako iiwan..."

Konting-konti na lang ang pasensiyang meron ako para sa kanya. "Hindi naman kita iiwan dahil babalik lang ako. Sasamahan ko lang si Samantha."

"Sasama ako—"

"Hindi!" sigaw ko sa kanya nang hindi na ako nakapagpigil pa. Halatang nabigla si Apple sa ginawa ko na biglang natigilan sa pangungulit.

Unti-unting nawala ang pagkakahawak niya sa'kin saka mahinang nagsalita. "Sorry."

Nakahinga ako ng maluwag nang nagpaubaya na rin siya. Tinuloy ko ang pagsama kay Samantha para mamili ng kailangan niya sa downtown. Ayokong maudlot ang pagdiskarte ko kay Sam nang dahil lang sa pagbuntot ni Apple.

Ilang oras din ang tinagal namin ni Sam bago nakabalik sa tinutuluyan naming bahay. Nang mapansin kong wala si Apple sa paligid para bumubuntot sa likod ko, muli kong sinamantala ang pagkakataon na sarilinin si Samantha. Naudlot nga lang nang samahan kami ng iba.

Sa gitna ng biruan habang nakapalibot kami sa bonfire, saka ko lang naisip na hanapin si Apple. Nangamba ako dahil kahit sa kwarto ay wala siya. Tinanong ko ang bawat kasama namin, pero ni isa sa kanila ay walang may alam.

Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko sa mga oras na hindi ko siya mahagilap. Hanggang sa nakatanggap ako ng tawag mula kay Apple na takot na takot habang humihingi ng tulong.

Diniretso ko ang medyo magubat na lugar kung saan siya naroon. Ilang saglit lang, bigla akong natanggalan ng pagkabahala nang matagpuan ko rin siya. Umiiyak. Natatakot.

"Jan!" namamaos na sigaw niya nang makita niya ako. Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa'kin habang nanginginig. "Ayoko na dito. Umuwi na tayo, please..."

"Bakit ka kasi sumuksok dito? Ano bang iniisip mo? Paano ka magkakaroon ng kaibigan kung mas pinipili mong mag-isa?" Mas gusto ko siyang pagalitan kaysa lambingin. Kaya siya lumalaking takot dahil sa pagkonsinteng ginagawa sa kanya ng sariling magulang.

Bigla bumitaw sa'kin si Apple matapos ang sinabi ko. "Jan, ayaw sa'kin ng mga kaibigan mo. Pinagtatawanan nila ako. Sila rin ang nagdala sa'kin dito. Pinaglalaru—"

"Pwede ba Apple!" putol ko sa pagpapaliwanag niya. "Huwag kang gumawa ng istorya dahil wala nga silang alam na nandito ka. Aminin mo na lang na mas gusto mong magtago rito dahil naduduwag kang harapin sila."

Umiling-iling si Apple. "Nagsasabi ako ng totoo Jan, maniwala ka naman..."

"I'm sorry Apple pero mas paniniwalaan ko ang mga kaibigan ko."

"Pero kaibigan mo din ako!"

"Hindi," sagot ko sa kanya na ikinatitig niya sa'kin. "Pagpapanggap lang sa harap ng magulang natin ang pagkakaibigan nating 'to? Kaya ka rin napasama dito dahil kinailangan... dahil ito ang gusto ni mommy—"

Hindi ko na napagpatuloy pa ang mga sasabihin ko nang tinalikuran ako bigla ni Apple.

"Uuwi na ako!" sigaw niya na naunang lumakad.

"Apple! Hindi ka pa pwedeng umuwi!" inis na sigaw ko sa kanya. Mas lalo akong nanggigil sa galit. Hinablot ko ang braso niya paharap sa'kin pero ang matapang niyang mukha ang humarap sa'kin.

"Bakit Jan?! Natatakot ka ba na hindi mo makuha ang kotse mo?!... Huwag kang mag-alala kung 'yan ang inaalala mo, dahil hindi kita ilalaglag."

Ako naman ang hindi makapagsalita sa sinabi niyang iyon. Muli niya akong tinalikuran at tinotoo ang pag-alis.

Kinabukasan, sinalubong ako ng kakaibang ngiti ni Tyron. "Congrats, Jan... wala na rin sa wakas ang panira mong alalay na si Apple. Kami na ang gumawa ng paraan para magkaroon ka ng quality time kay Sam. Ayos ba?"

Hindi ko agad nagawang makapagsalita. Parang biglang umusok ako sa galit pero hindi ko alam kung kanino babalingin. Nagtatalo ang isip ko na hindi ko maintindihan. Maging ang nararamdaman ko ay ngayon lang naging ganito kagulo. Hindi ko maipaliwanag.

Natapos ang tatlong araw na maikling bakasyon at umuwi na rin kami sa kanya-kanyang bahay. Hinanda ko na ang sarili ko sa oras na pagalitan ako ng magulang ko tungkol sa nangyari kay Apple. Pero hindi 'yon ang nangyari...

"Jan, sana magustuhan mo ang kotseng binili namin para sayo..."

Maluluwang na ngiti ang pinakawalan ko sa sobrang pagkasurpresa. Pansamantala akong nakalimot sa kung ano mang gumugulo sa isip at sa nararamdaman ko dahil sa presensiya ng kotse. Nagawa kong ilibang ang sarili ko na walang inaalala.

Nang magsimula na naman ang pasukan, saka lang ulit sumagi sa isip ko si Apple. Alam kong may kasalanan pa ako sa kanya... na kailangan kong humingi ng tawad... pero hindi ko ginawa. Mahirap para sa'king gawin ang bagay na hindi ko nakasanayang gawin. Para akong lulunok ng bato kung saka-sakali. Kaya mas pinili ko na lang na hindi siya pansinin.

Dumaan pa ang ilang mga araw hanggang sa hindi na kami muling nagka-usap o nagkita pa ni Apple kahit sabihing magkatapat lang ang bahay namin.

"Anak, napapansin ko na hindi na kayo nag-uusap ni Apple. Hindi na rin kayo sabay pumasok at umuwi galing school..." pagbibigay puna ni Daddy habang nasa gitna ng agahan.

Bago pa man ako makasagot, naunahan na ako ni Mommy. "Kasi mukhang kailangan munang magdistansya ng anak natin kay Apple. Nabalitaan ko kasi na may manliligaw pala ito si Apple na siyang madalas maghatid-sundo sa dalaga. Siyempre, dahil lalaki si Jan at kahit sabihin pang kaibigan lang siya, baka pagselosan naman ang anak natin ng manliligaw na 'yon."

Napaangat ang tingin ko kay Mommy matapos ang narinig kong balita mula sa kanya. Sa hindi ko malamang dahilan, parang bigla na lang sumama ang loob ko na hindi ko maintindihan kung anong pinanggagalingan.

"Jan, hindi ka pa tapos sa pagkain mo..." sabi sa'kin ni Mommy nang bigla na lang akong tumayo na walang paalam.

"Papasok na ako." maikling sagot ko sa kanya saka lumabas ng bahay.

Balak ko sanang daanan si Apple sa kanila para yayaing sumabay sa'kin papasok ng school nang natigilan ako. Isang lalaki na mukhang manliligaw nga niya ang sumundo at sinakay siya sa kotse. Sa ikalawang pagkakataon, naramdaman ko ulit ang 'di ko pa matukoy na parang dumadagan sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang pumasok ng school na hindi sumasabog ang ulo ko sa galit. Halos sa buong sunud-sunod na klase, halata ng lahat ang maikling pasensiya ko. Sila na mismo ang lumalayo sa'kin na ayaw madawit sa kung ano mang problema ko.

Eksaktong uwian nang makita ko si Apple na naghihintay sa gate. Sa isang iglap naalala ko noon kung gaano niya ako pagtiyagaang hintayin sa kabila ng kahihiyang inabot niya sa mapanuksong mga estudyante. Nagsulputan din sa memorya ko ang mahaba-habang naging samahan namin noon na nagparealize sa'kin ngayon ng iisang bagay...

Walang pag-aaksaya ng panahon na nilapitan ko si Apple. Nakita ko sa mukha niya ang bahagyang pagkagulat sa biglaang pagsulpot ko sa mismong harapan niya.

"Jan..." mahinang sambit niya na 'di ko inakalang sobra kong pinanabikan sa ilang linggong hindi ko narinig ang boses niya.

Habang kaharap ko siya, bigla akong naging sigurado sa kung ano mang magulong pag-iisip at nararamdaman ko nitong nakaraang araw.

Hindi ko na pinigilan pa ang sarili ko sa dinidikta ng utak kong yakapin siya. Walang paalam na kinulong ko siya sa mga braso ko na parang ayokong pakawalan.

"Jan?" nasa boses ni Apple ang pagkalito sa kinikilos ko.

"I'm sorry..." pagsisimula ko na hindi pa rin siya pinapakawalan. "Sorry sa mga nasabi ko sayo. Sorry kung hindi kita pinaniwalaan. Sorry kung hindi ko tinupad ang pinangako ko. Sorry dahil iniwan kita. Sorry kung ngayon lang ako humihingi ng tawad.."

Nang kumalas ako kay Apple, ang naluluha niyang mata ang una kong napansin. "Ibig sabihin ba niyan, Jan... totoong magkaibigan na tayo?"

Kumunot ang noo ko saka umiling. "Hindi Apple..."

Humakbang siya paatras pero agad ko ring kinabig palapit ulit sa'kin. "Ayokong maging kaibigan ka. Gusto ko mas higit pa roon dahil gusto kita..."

Kinakabahan ako habang hinihintay ang reaksyon niya. Nabunutan lang ako ng tinik nang nakita kong ngumiti rin siya.

"Ibig sabihin ba niyan, gusto mo rin ako, Apple?"

Isang tahimik at nahihiyang tango ang binalik niya na pinakamatipid at pinaka-nagustuhan ko sa lahat ng klase ng sagot.




©pople-



Continue Reading

You'll Also Like

411K 17.2K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
Wattpad App - Unlock exclusive features