Maghihintay Sayo (The Love St...

By Gidgetwitty

46.3K 937 419

Paano pang ipagpapatuloy ang buhay kung ang taong pinakamamahal mo, ang tinalagang soul mate mo ay biglang ma... More

Maghihintay Sayo (The Love Story of Alex and Sandy)
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7 (A new beginning)
Chapter 8

Chapter 1

3.6K 87 38
By Gidgetwitty

Dedicated to Regine Alapag

Thank you to the following readers who contributed the names here:

Samantha- given by Alyssa May De Mesa

Spencer- by Mary Clarette

Kassey- by Sophie Ruiz

Jynelle by Lowela Recto Chambers

Two Years after...

   "No, I don't want to eat that yucky food."  Hinagis ni Marion ang hawak na kutsara sa sahig. Galit na tumayo ito sa upuan at nakahalukipkip na umirap ito sa yaya na hindi malaman kung ano ang gagawin.

   "Marion, magagalit ang daddy mo pag hindi ka kumain," babala nito sa bata.

   "No! Daddy loves me. He will not be angry with me," sigaw nito.

   "O anong kaguluhan naman ito," malumanay na sabad ni Lillian. May bitbit itong mga shopping bags.

   "Tita Lily, si Yaya Nita kasi," sumbong ni Marion.

   "Ma'am Lillian, ayaw po kasing kumain ni Marion."

   "Baka naman hindi gusto ang ulam, Yaya," sabi nito. Bumaling ito uli kay Marion. "Marion, what do you want to eat?"

   "Nothing, Tita. I want to talk to my daddy now."

   "Baka busy ang daddy mo sa office."

    Hindi nito pinansin ang dalaga. Nagmamadaling pumanik ito ng hagdan para kunin ang IPhone 5 na bigay ng ama.

  "Marion, may mga binili akong bagong damit at toys para sa iyo," pahabol na sabi ni Lillian sa tumatakbong bata.

    "Naku po, Ma'am Lillian lalo pong tumitigas ang ulo ng alaga ko," himutok ng yaya.

   "Pasensyahan mo na lang, Yaya Nita. Bata pa kasi," tahimik na wika ni Lillian.

   "Mabuti po at parati ninyong dinadalaw ang inaanak ninyo."

   "Siyempre naman. Mahal ko yata ang batang iyan."

  

    "Daddyyyy!" bungad ni Marion sa ama oras na mabosesan ito sa kabilang linya.

   "Hello Sweetheart! What's wrong, baby?"  tanong ni Alex sa anak habang sumisenyas sa mga department heads na tapos na ang meeting.

    "I don't like the food here," sumbong nito agad.

    "Baby, what do you want to eat ba?"

   "I want hambuger and fries from McDo."

   "Tell your yaya to order for you. Sweetheart, I'm busy right now, let's talk later when I go home, okay?"

    "No, daddy! You're always late. I'll be asleep again when you go home," naiiyak na sabi nito.

   Please play the music video, "I miss you like crazy by Erik Santos."   

  May kirot na naramdaman ng oras na iyon si Alex sa sinabi ng anak.  Alam niyang mula ng mawala sa buhay nila si Sandy ay sinubsob na niya sa trabaho ang sarili para hindi niya maramdaman ang sakit na dulot nito.

    "Promise, I'll try to be home early today, baby."

    "You promise, daddy?"

    "Yes, Sweetheart. Daddy loves you so much!"

    "I love you too, daddy."

     I'm so sorry, Sandy kung medyo napapabayaan ko ang anak natin. God knows I'm really trying to be a good father but it's getting harder everyday. Lalo na at lumalaking kamukha mo si Marion. Why do you have to leave me and our  daughter? Why? Hirap na hirap na ako, Sandy. Araw-araw , oras-oras, minuto minuto at bawat segundo na lang ay ikaw pa rin ang nasa isipan ko. I miss you so much, honey!  I missed looking at your beautiful face. I missed holding you. I missed everything about you, honey. Kung hindi dahil sa anak natin ay nanaisin ko na lang na mamatay para hindi ko na maramdaman ang sakit at bigat na ito sa dibdib.  Tulungan mo ako Sandy, paano pa akong mabubuhay para sa anak natin kung matagal ng tumigal ang pagtibok ng puso ko.

      Alas-sais na ng hapon nang ipinarada niya ang kotse sa garahe ng mansyon.  Hapong-hapo na pumasok si Alex sa maaliwalas na bulwagan ng mansyon.

   "Hijo, mabuti at maagang ka yatang dumating ngayon," salubong ni Dona Victoria sa anak.

   "Mama, bakit po kayo nandito?"

   "Bakit naman, hindi na ba akong pwedeng dumalaw sa inyo ng apo ko?" nakangiting biro nito.

   "It's not like that, Ma. What's up?" 

   "Ako ang dapat magtanong sa iyo niyan, Alex.  Pwede ba tayong mag-usap saglit bago mo puntahan ang anak mo sa itaas."

     "Mama, kung tungkol na naman ito sa trabaho ko just forget it," naiiritang sabi ni Alex.

     "Hijo, dalawang taon ng patay si Sandy. Hanggang kailan mo parurusahan ang sarili mo. Halos doon ka na natutulog sa opisina ah. Si Marion, nagiging matigas ang ulo ng apo ko. HIndi mo ba naisip na baka naghahanap ng atensyon ang bata galing sa iyo? Please hijo, you have to move on," pakiusap ni Dona Victoria.

   "Mama, please hindi tayo siguradong patay si Sandy.  Hanggang ngayon ay hindi pa natin nakikita ang katawan niya," matigas ng saad nito.

   "Alex, please accept that your wife is dead. Hijo, para sa ikakabuti ng anak mo, tigilan mo na lahat ito," pagsusumamo ng ina nito.

   "Ma, I'm really tired right now. Can we talk some other time please.  Kailagan ko pang puntahan si Marion bago makatulog iyon, I promised my daughter that I will be home early today."

   Napabuntung-hininga na lang ng malalim ang maganda nitong ina. "Okay, Alex I will leave you alone for now."

   "Thanks, Mama."

   Bago pa nakahakbang palayo si Alex ay biglang nagsalita uli ang ginang. "Hijo, I think you need a vacation. Will you at least consider my suggestion?"

   Para matapos lang ang usapan ay tumango na si Alex sa mungkahi ng ina. "Yes, Ma."

   "Soon, hijo," madiin na wika nito.

   "Hi Sweetheart!" nakangiting bati ni Alex sa anak. Kasalukuyan itong nanonood sa Cartoon Network. Nakaupo ito sa kulay pink na bedsheet na may decoration na Hello Kitty.

    "Daddyyy! You're home! Yehey!" Bumaba ito ng kama para tumakbo sa may pintuan kung saan nakatayo si Alex. 

    Masayang binuhat nito ang paslit.  "Of course, baby. Di ba daddy promised to be home early today."

   "I wish you'll go home early everyday, daddy," malungkot na sabi nito.

   "Baby, alam mo naman na busy ang daddy sa work."

   "I miss you, daddy!" Yumakap ito ng mahigpit sa ama.

   "I miss you too, baby. And always remember that daddy loves you so much. More than you'll ever know," bulong ni Alex sa bata na nakayakap ng mahigpit sa leeg nito.

   "How much?"

   "Priceless, baby!"

   "Daddy, don't ever leave me like mommy. You have to promise, daddy please!" May kirot sa dibdib na naman na nadama si Alex ng oras na iyon.

   "Marion, your mommy did not leave you. She's still watching you from heaven," malungkot na sambit nito sa inosenteng anak.

    "She can hear me, daddy?"

   "Yes, baby.  All the time."

    "Sus, kung makautos akala mo kung sino. Napakuripot naman magbigay ng tip," naiinis na sabi ni Sam habang inililigpit ang mga pinagkainan sa lamesa ng isang maliit na restaurant.

   "Sam, tubig raw sa table 5," sigaw ni Kassy, isa sa mga serbidora. 

   "Shocks naman! Ayan na po!" Muntik ng mahulog ang dalang tray nito sa pagmamadali. "Dapat yata roller skates na lang ang isuot ko dito," bulong nito sa sarili.

   "Sam, bill raw ng table 3," utos naman ni Jynelle, may hawak itong basahan para punasan ang isang lamesa na kababakante lang.

   "Ano ba, Samantha? Ang bagal mong kumilos, kanina pa nag-iintay ng order iyong table 1," sita ng may-ari ng restaurant na si Mrs. Bulkan.

   "Opo, Ma'am. Ayan na po," gusto ng maiyak ni Sam ng oras na iyon.

   "Sam, kung pumayag ka na kasing pakasalan ako di hindi ka na magsisilbi dito," tudyo ng isang matangkad at gwapo na lalake, may pagka-mestiso ito. Nakaupo ito malapit sa may bintana.

   "Hoy, Spencer tigilan mo na ako. Wala akong panahon sa ganyang bagay," Nangdidilat ang matang sabi ni Samantha.

    "Ikaw din, baka magsawa ako sa kakasuyo sa iyo," patuloy nito.

    "Sana magsawa ka na para hindi mo na ako kinukulit."

   "Samantha! Iyong order!" singhal ni Mrs. Bulkan mula sa may kusina.

   "Ma'am nandiyan na po."

    Alas dies na ng gabi nang dumating si Sam sa inuupahang apartment.  Two-bedroom, one bath ito. May maliit na living-dining combo at maliit na labahan sa likod. Apat silang nag-sha-share dito. Dalawang kama bawat isang maliit na kuwarto. Kasama niya sa kuwarto si Kassy, na kagaya niyang waitress sa restaurant na pinapasukan. Si Jynelle at Ria naman ang magkasama sa kabilang kuwarto. Tanging si Ria lang ang nagtratrabaho sa isang malaking department store sa Makati.

   "Sam, mukhang pagod na pagod ka yata. Busy?" bungad na tanong ni Ria.

   "Busy as in super, mega busy. Pero okay lang, mas mabuti na ito para mabilis ang oras," sabi ni Sam habang pagod na naupo sa sofa.

   "Gusto mong mag-apply ka na lang sa department store na pinagtratrabahuan ko? Mas malaki naman ang sahod ko doon at maganda ang benefits."

   "May bakante na ba?"

   "Oo kaaalis lang noong kasama ko dahil nakapag-asawa ng German. Ayon, lumayas na para mag-abroad. Ano gusto mo sabihan ko iyong supervisor ko?" alok ni Ria.

   "Sige, Ria. Pero ah, tungkol sa papeles ko___," umpisa ni Sam.

   "Alam ko pero huwag kang mag-aalala, malakas ako doon,"  kumpiyansa nitong sabi.

   "Thank you, Ria. Alam mo na kung bakit," malungkot na wika ni Sam.

   "Akong bahala sa iyo. Alam ko naman na kailangan mong kumita para sa pamilya mo."

   "Oo. Kailangan kong mag-ipon talaga."

   "Okay naman sila sa Palawan?"

   "Mabuti naman," matipid na sagot ni Sam.

    One month after...

  "Daddy, let's go to the mall please," malambing na sabi ni Marion sa ama na kasalukuyang natutulog pa.

   "Sweetheart, maaga pa," antok na sabi ni Alex.

   "No it's not. Morning na, daddy!"

   "That's right, Alex. Tama ang anak mo, tanghali na," masayang sabi ng isang seksi na boses.

   "Ava? What are you doing in my room?" Napabalikwas sa kama si Alex nang marinig ang boses nito.

   "I thought I should visit my beautiful inaanak. Dahil kung hindi baka makalimutan na ako nito. Hindi mo kasi dinadala sa condo ko," may himig pagtatampo ang boses nito.

   "Sorry, medyo busy lang lately."

   "Since namatay si Sandy, parati ka namang  busy."

   Nagtagis ang mga bagang ng lalake. "Ava, I don't want to talk about my wife right now," matigas nitong sagot.

   "Opps, sorry. Tara na, mag-ready ka na para makapasyal tayo sa mall ni Marion."

   "I just want to go with my daddy. I don't want you!!!," nakasimangot na sabad ng bata.

   "Marion!"  Say sorry to your Tita Ava," sita ni Alex sa anak.

   "No, daddy!" Umiiyak na tumakbo ito paalis ng kuwarto.

   "Sorry, Ava. Medyo tumitigas ang ulo ni Marion lately."

   "Probably she needs a new mom,"  nakangiting sabi ni Ava.

   Matalim na sinulyapan ni Alex ang dalaga.

   "Sorry, I was only joking, Alex."

   "Excuse me, Ava. I need to get dress. I'll see you downstairs."

   "Sure, Alex." Kumindat pa ito ng pilya saka lumabas ng silid ng lalake.

   "Daddy, why does she have to go with us?" naiinis na tanong ni Marion mula sa likod ng kotseng minamaneho ni Alex papuntang mall.  Napangiwi si Ava sa tanong ng bata.

   "Marion, stop being rude to your Tita Ava please," saway ng ama.

   "It's okay, Alex. Naiintindihan ko naman ang inaanak ko."

   "I wish Mommy is with us right now. I missed my mommy so much!" naiiyak na sambit ng paslit.

   HIndi nakakibo si Alex sa dineklara ng anak. May sumundot sa puso niya sa sinabi nito na hindi niya maipaliwanag.

   "Sam, break muna tayo," yaya ni Ria sa kaibigan. Sa toy section sila ng department store naka-assign.

   "Mauna ka na, Ria. Aayusin ko lang itong mga nagulo na display."

   "Ang sipag mo talaga, my friend. Kaya masaya si Mrs. Cruz na na kinuha ka niya."

   "Alam mo na, kailangang magsipag," nakangiting sagot ni Sam.

   "Kumusta na pala si Xander?" tanong nito.

   "Ayos, maayos naman. Namimiss ko na nga iyon." 

   "Exciuse me, Miss. Saan ang section ng mga Barbie dolls?" tanong ng isang baritonong boses mula sa likod ni Sam.

   "Doon po sa aisle 5, Sir."

   "Sandy!!!" manghang bulalas ni Alex. Namutla ito na parang binuhusan ng isang drum na suka.

   "Mommy!!!!" namilog ang mga mata ni Marion.

   "Sandy!" napasigaw si Ava, para itong nakakita ng multo.

****I hope you enjoyed reading chapter 1. Ano po ang masasabi ninyo? Hanggang sa susunod po.

 @Gidgetwitty (If you want to follow me on Twitter and Instagram)

Gidget Corpuz (Facebook)

http://www.facebook.com/groups/gidgetwitty/  (Please join our open reading group Kim Xi FanFic Stories by Gidgetwitty)

www.facebook.com/KimXiFanFicStoriesByGidgetwitty. (Please like our fan page also. Thanks.)         

    

   


 

  

    

    

     

   

   

   

Continue Reading