The Anatomy of Our Almosts

By MVRastro

240K 8K 1.6K

Sa hindi inaasahan ba mahahanap ang sagot sa mga katanungan? Aasa? Maniniwala? Walang galawan? Maghihintay? More

More than Smiles and Coffee
Almost 1. University of the Philippines
There She Goes Again
Almost 2. Juliet and Juliet
Cigarette Butts and Train Stations
Almost 3. Drizzles and Hurricanes
Almost 4. Narratives and Adjectives
Almost 6. White lies and Sojourn
Best Friends and Flowers
Almost 7. When We Talk Like Men
We Begin Again
The Antecedent of Nearly Everything
Puppetry and Breaking Free
A Taste of Freedom and Serenity
To Nirvana and Back
Behind Close Doors and Dummying
The Unwanted Side of a Triangle
No Holds Barred
Their Bucket List
Perfectly Fitted Puzzle Pieces
The Life We'll Share
My Lone Star Song, Amazed
The Birth of Jade and Althea
In a State of Temporary Bliss
All's Well that Ends Well
In the Twinkling of an Eye
Blessed of a Life with Denise
BC: Parenting Goals

Almost 5. Maturity and Commitments

7.3K 240 43
By MVRastro

I was in love, and the feeling was even more wonderful

than I could ever imagine it could be

- Nicholas Sparks

+++


I loved Rhian. I truly loved her despite all the people telling me to stop and completely recreate my notion of love. I loved her despite the uncertainties we sometimes face, cause with her taking a bit of a risk is worth more savoring than keeping us on the sides always playing safe.

I loved her despite the fact that I was never her first, and by first I don't mean 'that', what I mean is the first person who has ever romantically held her hand, or looked into her eyes, or caressed her cheek, or told her she's beautiful. But then I don't regret where I am now, kasi at least ngayon ako na talaga yung kasama niya. I should feel happy. Well I obviously am happy.

Of course like all relationships, we developed our own habits, kagaya ng pagising ko ng maaga everyday to fetch her, so we can drive thru for breakfast and just enjoy the silence of the morning even though we're both not morning persons. I grew closer to her mom and ate, we casually go out on dates, and sometimes with Ate Nadine's boyfriend too. We developed patterns, on the places we wanted to visit, on restaurants we wanted to try and on foods we wanted to eat. We develop all kinds of couple aspect as the days numbered. We already passed the stage of adjusting to certain responsibilities of a person with commitment, like frequent texting and calling each other and subtly telling people around us our territory.

After the play and my band's first performance masyadong maraming opportunities ang dumating, nagsimula kaming mainvite sa iba't ibang gigs and guesting at natutunan ko namang mai-juggle ang time sa pag-aaral, sa pag-babanda, sa mga kaibigan at syempre kay Rhian. At ganun din si Rhian dahil after ng Romeo and Juliet for their subject eh naiopen ito for PETA or the Philippine Educational Theater Association na ginawan ng pinoy twist pati din yung sumunod nilang play which is Othello and it's really a moment of pride for me being with Rhian who happens to be the lead actress on both Shakespearean plays.

"Hi Love!" She greeted as she pushed the front door open, kagagaling lang niya sa rehearsal at nauna ako dito sa condo niya, no we're not living together pero we have sleepovers so it's our designated day for it.

"Hey! Kamusta ang rehearsal? Heavy ba today?" I asked as I pulled her to join me on the couch.

"Mejo, nasa part na kasi kami na nabuking ako ni Othello na nagtataksil." Sabi naman niyang natatawa

"Bakit mo tintatawanan? Masakit yun ah! He's your husband mind you." I mocked

"Oo nga love, hindi nila alam na hindi si Cassio ang kalaguyo ko..." She said playfully eyeing me while toying on my fringes

"Ha? Eh sino bang kalaguyo ni Desdemona diba si Cassio? May iba kang ka third party!?" I exclaimed laughing

"Oo, Si Glaiza, yun ang tunay na kalaguyo ko." She said with her witch laughter yung may sound ng 'hihihi' imbas na 'hahaha' ewan ko ba ganun siya minsan tumawa pero natutuwa ako pag naririnig ko yun.

"Ahh wala ngang panama si Othello dun love, kaya pala mapapatay ka niya."

"Eh di iligtas mo ko." she fake a plea as she put feather kisses on my neck

"Love, baka mahuli tayo ni Othello..." I teased even though I was giving her more access as I lean my head to the left.

"Okay lang yun..." she whispered in between kisses at unti unti ng nauupos ang pisi ng pagpipigil ko pero bago ko pa siya mahawakan ay bigla siyang tumigil

"Ay." I protested that elicited a hearty laugh from her

"Di mo ba muna ako pakakainin love?" tanong niyang may pagka double meaning na agad ko namang nagets

"Yan talaga tanong mo love?" hamon ko sa kanya sabay tingin sa kanya ng nakakaloko that made her blush pero nakipag staring contest pa din pero siya din yung unang bumigay

"Nakakainis ka!" she pushed me sa mukha kaya ginaya ko siya until we ended up tackling each other on the floor with her on top of me

"So papakainin ba kita? O kakain tayo ng food?"

"Alam mo lab ang manyak mo."

"Aba! Grabe! Ikaw tong nagsimula Howell ha!"

"Tara kain na muna tayo bago kita kainin, mamaya ka na sa dessert." She winked sabay tayo at hatak din sakin para sumunod sa kanya sa kusina

"Kamusta naman yung band? Buti wala kayong biglaang gig today?" She said while cooking

"Alam mo ang ganda pa din ng domesticated Rhian." I thought out loud which made her laugh, it feels surreal as always and may sound ideal and impossible pero hindi kami malimit magkaroon ng arguments since naging kami, and our usual conversations would just be so light hearted kagaya ngayon.

"Love you didn't answer my question." She side glanced at me

"I know, love I heard you, wala eh next week pa ulit. Kaya don't worry I'm all yours today." Sabi ko sabay tayo para puntahan siya sa harap ng stove

"Kamusta kayo ni Patty?" she asked out of the blue, minsan nga lang may mga times na mejo maseselosin si Rhian kagaya ngayon.

"Okay naman. Tropa tropa naman sa band, ikaw ha why do I smell jelly ace eh adobo ang niluluto mo?" I said as I motioned to give her a back hug burying my face on her hair inhaling her sweet scent.

"Wala lang baka kasi haggang ngayon may advances pa rin siya sayo." She said in a worrying tone

"Love love mag a-anniversary na tayo yan pa din naiisip mo?" I asked giggling

"Ay mag-a-anniversary na tayo?" maang niya

"Wow Howell, mag-maang maangan ka pa! Kami ni Patty magcelebrate gusto mo?" bigla niyang binitawan yung sandok at humarap sakin na nakataas ang kilay

"Tinatakot mo ba ako Galura? Parang hindi ko alam na patay na patay ka sakin." She smirked evilly

"Parang hindi sinabi ni Ate Nadine na patay na patay ka din sakin!" I mimicked her smirk

"Nakakainis na yung pagiging text mate niyo ni Ate Nads ha." Maktol niya at natawa naman ako

"Sorry love, pero ngayon may mga alam na akong hindi mo alam." Sabi ko habang nagaayos ng plates sa table at kunwari naman siyang nagdabog habang nililipat ang pagkain namin sa table.


+++


"Cha."

"Hmm?"

"Bakit mukha kang nalugian ng isang milyon?"

"Ha? Hindi may iniisip lang ako."

"Ano? Nagaway ba kayo ni Yoyon?"

"Uy hindi ah. Kakadali nga lang kagabe eh - -"

"Wow! Ayos naman pala eh aktib!" at sabay kaming natawa sa kalokohan namin

"Eh anong pinapangalumbaba mo jan? Asan nga pala yung jowa mo?"

"Eh mag-a-anniversary na nga kasi kami, pero wala akong maisip na iregalo sa kanya or gawin to make it special. Nagshopping sila ni Tita Clara ngayon eh."

"Yun lang?! Parang hindi ka pol sci student dapat magaling ka sa pakulo! Malay mo maging pulitiko ka someday! Kelangan magaling ka sa gimik!"

"Ang galing mo Chynna laki mo talagang tulong!"

"Kasi ang simple lang ng problema mo, 1st anniversary palang naman, pakiligin mo lang kantahan mo jan sa tapat ng oble jan naman kayo unang naging close kamo diba? Tapos dalhin mo into some fancy restaurant or bed and breakfast sa Tagaytay? May rest house kayo dun diba?"

"Wow ang bilis mo makaisip Tsong! Bawing bawi agad yung kalokohan mo! Kaso hindi pwede sa rest house magtataka sila mamaya magsabi pa yung caretaker namin kila dad. Mabulabog pa kami if ever. Maghahanap nalang ako ng fancy restaurant! Thank you Chyns!"


+++


"Hi Magandang Hapon po sa inyong lahat! Kami nga po pala ulit ang Hapipaks at nandito kami para alayan ng kanta si binibining Rhian Howell andito ba siya?" Panimula ko nasa tapat kami ngayon ng oble at maraming estudyanteng nakapalibot samin dahil kilala na nila kami siguro sa dahil na din dami ng gig na nagawa naming sa loob at labas ng UP in just one year.

And kahit parang tanga lang yung suggestion ni Chynna, I grab the opportunity, utilize the resources nga sabi ng isa kong professor. Hapon na at mejo padilim na din kaya pinabuksan ni Chynna at Sheena lahat ng ilaw sa paligid ng oble na madalas wala.

Narinig ko namang naghiyawan yung mga babae at nagpalakpakan yung mga kuya ng mabanggit ang pangalan ni Rhian, siguro ganun na din siya kakilala dahil sa PETA kaya ng makalusot si Rhian sa crowd kasama si Sheena, at nasa harapan ko na siya ngayon hindi ko mapigilang mahiya. Alam kong ganun din siya dahil puladong pulado ang pisngi niya dinaig pa ang palakol na grado ng mga singko.

"Hi! Mabuti andito ka na." pilit kong pa-cool at kindat sa kanya na kinatili nanaman ng mga babae sa paligid at natawa naman siya. Kahit na she's awkwardly standing in front of me and may band mates and the crowd di ko mapigilang mapasinghap sa ganda niya.

"This song's for you love." I casually said again sa microphone at cue nila Macky, Joseph and Patty to start playing our arrangement ng If by Rivermaya, the crowd cheered ng marinig nila ang intro palang ng kanta, and when I started singing mas lumakas pa ang hiyawan

If I could choose to live my life

There'll be no if's to say

If I would choose to hold your hand

There'll be no words to say

Simula ko habang nakatuon ng tingin sa kanya, she's smiling with anticipation and awe, na mas nagpaalab sa loob kong ialay yung kanta sa kanya.

Without thought

Without pride

Leave the things that seem to weaken us

Without fear

Without lies

Let the magic turn your life around

Oohh!

At kinanta ko ang chorus kasabay ng mga estudyante na mas malakas pa ang boses kesa sa amplifiers namin. Bago ko simulan yung second verse ayon sa napagusapan lumapit si Chynna sa kanya para ibigay yung bouquet ng tulips, Rhian's favorite syempre, at kahit nagulat hindi niya inalis ang mga mata niya sakin, at parang ako yung pinapakilig hindi siya.

If I would choose to touch you there

Would you touch me there too

Simula ko ulit at nagulat ako ng tumango siya kaya di ko napigilang mapangiti at muntik ng hindi makanata ang sumunod na lines buti sumasabay pa din ang crowd kaya mejo na save ako

If you would choose to stay with me

I'll spend my life with you

Without thought

Without pride

Leave the things that seem to weaken us

Without fear

Leave your lies

Let the magic turn your life around

Ohh!

After the second verse hinayan ko ng sila Patty at ang mga tao sa pailigid ang magtuloy ng kanta, umalis ako sa harap ng microphone at dahan dahang lumapit kay Rhian, she's evidently blushing and hindi niya tinago yun sakin. Ng maabot ko na siya, tinignan ko siya sa mata at nginitian

"Ayos ba?" cool kong tanong na nagpatawa sa kanya

"Akala ko nakalimutan mo na, buong araw kang wala tapos kanina ka pa di nagtetext o tumatawag..." She pouted

"Pwede ba naman yun? Busy lang magprepare, hirap magpaalam sa admin eh, anyway, Happy Anniversary Love." Sabi ko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya at halik sa noo

"I love you." She sighed, kagaya nung gabing nasa rooftop kami ng bahay nila, yung unang beses na sinabi yun. Her tone didn't changed even after a year.

"I love you too." I said kissing her on the lips as the song ended and the crowd put their hands together.


+++


"Glaiza."

"Bakit ngayon ka lang? Anong oras na?"

"Busy lang po, may projects kasi - -" sagot ko kay mommy na pormal na nakaupo sa sala katabi si dad at sila Ate Cris.

"Bakit gising pa po kayong lahat?" Nagtataka kong tanong dahil halos mag aala-una ng gabe dahil hinatid ko pa kasi si Rhian sa Alabang after namin kumain sa labas.

"Dahil hinihintay ka namin para kausapin. Umupo ka." Agad ko namang sinunod ang utos ni dad, at nagsimula na akong kabahan. Makahulugan ang mga tingin at irap ni Ate Cris, si Ate Cess naman ay may tingin ng awa at pagkadismaya, at si Kuya Alcris mejo nakangiti at parang nagsasabing okay lang yan Cha.

"Ba-bakit po dad?"

"Glaiza, may hindi ka ba sinasabi samin ng mommy mo?" simula ni daddy, hindi ko malaman kung anong ibig niyang sabihin, kung yung pagbabanda ko ba o yung samin ni Rhian.

"A-ano pong ibig sabihin niyo dad?" marahan kong sagot

"Alam na naming nagbabanda ka pa rin Cha." Matigas na sabi ni Ate Cris

"I am, but I don't forget to put effort and focus on my studies pa din naman diba? Nasa inyo lahat ng grade card ko, wala akong grade na bumaba sa gusto niyo." I confidently answered pero iling lang ang sinagot sakin ng Ate ko.

"Hindi ka ba natatakot sa ginagawa mo Cha? Hindi ka ba nahihiya? Sa mga tao? Sa Panginoon?" Biglang sabi ni mommy

"P-po?"

"Anong meron sa inyo ng Rhian na yon? Bakit sobrang lapit niyo sa isa't isa? At sabi ng Ate mo may nakapagsabi pang lagi kayong magkasama? Anong ibig sabihin nun Cha?" natahimik ako dahil alam ko na kung anong pinupunto ni mommy, kaso hindi ko alam kung sasabihin ko na ba ngayon, hindi ko alam kung ngayon na ba yung tamang panahon. And then I remembered how happy Rhian was kanina lang, at hindi ko alam kung kaya kong bawiin sa kanya yung kasiyahan na yun.

"W-Wala po Nay, we're close friends, kami kami nila Chynna at Sheena. Lagi naman po kaming magkakasama eh." Sagot ko habang nakayuko

"Tumingin ka ng derecho samin ng tatay mo at sabihin mo saming hindi totoo ang mga naiisip namin sayo." I bit my lower lip to stop myself from defending who I really am dahil ayokong madamay si Rhian sa gulo namin ng pamilya ko. Kaya huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanila.

"Kung ano man po yung naiisip niyo wala pa yong katuturan at katotohanan. Magkaibigan lang kami ni Rhian. Kaya please po magpahinga na kayo. Magpahinga na tayo."

"Siguraduhin mo lang Cha. Mangumpisal ka sa Pari sa linggo. Para mabawasan ang mga kasalanan mo." Masungit na bilin ni nanay bago tumayo upang umakyat sa kwarto kasunod si tatay at ang dalawa kong Ate.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at sumunod pala sakin si Kuya Alcris.

"Alam kong nararamdaman mo bunso, okay lang yan wala kang dapat ikatakot..." simula niya at muntik ko ng mabitawan ang basong hawak ko

"H-ha Kuya?" tanong ko sa kanya at tumawa naman siya sabay lumapit sakin at bumulong

"Alam kong kayo ni Rhian, at tanggap ko yun, nakikita ko kayo sa Campus, nakalimutan mo bang Professor sa UP ang kuya mo?" at hindi ako nakapagsalita, nakalimutan ko ngang Accountancy professor si Kuya, CPA siya pero may gusto daw muna niyang magturo dahil dati pa man gusto na talaga niyang maging Professor.

"Ku-kuya." Utal ko dahil hindi ko malaman kung anong sasabihin

"Ayos lang Cha, you're secret's safe with me, nakita ko yung crowd sa Oble kanina, ang sweet ha." Sabi niya na medyo natatawa at ikinahiya ko naman

"Basta Cha, alamin mo ang limitasyon mo okay? Ayoko lang na masaktan ka sa huli, I know you can take care of yourself, kapatid kita at alam kong may good judgement ka. Pagpatuloy mo lang yung mga bagay na nagpapasaya sayo. Kasi mas importante yun kesa sa mga sasabihin namin sayo, dahil buhay mo yan. Hubugin mong maging iyo, hindi para sa iba."

"Kuya." At hindi ko na napigilang umiyak at yakapin siya. Para akong nabunutan ng isang tinik sa dibdib dahil kahit papaano alam kong may kakampi na ako sa bahay namin.

"Thank you kuya."

"Sige na magpahinga ka na." sabi niya sabay gulo ng buhok ko, tumango ako at umakyat na sa kwarto ko.


Our fifth almost happened nung akala natin okay na tayo dahil okay tayong dalawa, nakalimutan naman natin yung mga taong nakapaligid satin, nakamasid, pilit tayong iniiba. At pilit pinapasok at iniimpluwensyahan ang ating pananaw dahil lang hindi tayo tulad nila.


Continue Reading

You'll Also Like

152K 5.4K 40
Falling in love is not rational.
84.4K 3.3K 41
People that are meant to be together, always find each other in the end.
61.9K 2.1K 43
This is an LGBT themed story. Glaiza De Castro Rhian Ramos
110K 3.5K 37
Warmth radiates from the spot where her lips just touch mine, slowly spreading through the rest of my body.