Pustahan Tayo

By TheMightyMica

13K 222 111

Nagpustahan kayo tapos nagkatotoo... Patay tayo diyan! More

Pustahan Tayo
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 08

649 13 10
By TheMightyMica

Nagpunta muna kami sa Mall. Ewan ko kay JC kung bakit niya ako dinala dito, may titignan lang daw muna?

“Kath, what do you think?” sabi sa akin ni JC at tinaas ang hawak niya.

Isa siyang charm bracelet.

“Para sana kay Hazel. Akala kasi niya galit ako sa kanya. Sinisisi niya kasi yung sarili niya kung bakit ka hinimatay.Nagkukulong siya ngayon sa kwarto niya.” Matamlay na sabi ni JC.

“Ganun ba? Bakit ngayon mo lang sinabi? JC, dapat sinabi mo na sa akin kanina pa para naman nakausap ko siya.”

“Eh, sorry Kath. Ayoko na muna kasi mag-bigay ng problema sa’yo.” Nakayuko niyang sabi.

“Hay. Oh sige. Puntahan ko na lang siya mamaya.”

Um-oo na lang si JC at binili na yung charm bracelet para kay Hazel. Ang sweet ni JC noh? Ayaw niya kasing galit kapatid niya kaya binilhan niya ito ng bracelet. TURN ON! :D Lol XD

Naglalakad lang kami sa may mall nang makaramdam ako ng gutom.

“Pst. JC. Gutom na ako T__T”

“Buti naman at nagutom ka na. Gutom na rin ako eh”

Hinila niya ako sa pinakamalapit na restaurant.

“JC naman, McDo na lang tayo. Masyadong mahal diyan.”

“Eh Kath, ako rin naman ang magbabayad.”

“EH, dali na. McFloat lang at fries okay na ako noh”

At dahil nga matigas ang ulo ko at makulit ay pumayag siya na sa McDo na lang kami kumain.

Pumasok na kami, ako naghanap ng upuan habang siya umoorder. Kita ko nga siya eh, mukhang nalilito. Hindi ata sanay mag-order, palibhasa mayaman.

“Musta order? Hahahaha! Di ka sanay noh?” sabi ko nang maka-upo na siya sa tapat ko.

“Aba, first time ko kaya sa McDo. Pssh -___-“ nakasimangot na sagot niya.

Di ko na lang siya sinagot at kumain na nang makarating na yung order namin.

“Mmm. Masarap pala dito ah” sabi niya habang kumakain.

“Lahat ng pagkain masarap *u*”

“Teka, JC? Ilan na ba ang naging girlfriend mo?” tanong ko sa kanya out of curiosity.

“Hmm. Teka. One, two, three.” Sabi niya habang tinataas yung daliri niya. “Lima pa lang this year”

Halos mabuga ko yung kinakain ko nang marinig ko yun.

“L-lima palang this year? O.O”

“Joke lang. Actually, dalawa lang”

“Ahh. Eh si DJ?” dati ko pa kasi gusto malaman kung nakaka-ilan na siya.

“Marami na Kath. Playboy nga siya diba?”

May kumirot sa kaloob-looban ko. Bakit ganun? Akala ko, with JC’s presence, makakalimutan ko si Daniel. Kung pwede nga lang iuntog yung ulo ko para makalimutan ko siya, ginawa ko na.

Naaasar ako, feeling ko tuloy ginagamit ko lang si JC para makalimutan si Daniel. Bakit ganun? Hindi naman naging kami pero hirap na hirap akong makapag-move on sa kanya? Fotafots, ginayuma ba ako nyan? Psh, I need to talk to him soon. Para ma-clarify na yung feelings ko.

Di rin naman nagtagal at natapos na kaming kumain. Inaya ko siya na pumunta sa tabing dagat.

“Alam mo ba na pinapangarap kong magpunta sa tabi ng dagat kasama ang taong mahal ko? Yung habang nasa tabing dagat kami, titingin kami sa stars, tapos magkakatitigan, magkikiss at magailoveyouhan?” nakangiti kong sabi kay JC.

“Nangyari na ba yun?”

“Hindi pa eh.  Pero sana dumating na yung panahon na yun”

“Nagkaboyfriend ka na ba Kath?”

“Yep.”

“Anong nangyari sa inyo?”

“Niloko lang niya ako at iniwan pagkatapos. Sakit diba?”

F  L  A  S  H  B  A  C  K

 

“Nakangiti ka na naman diyan Chandria. Ikaw ha, medyo malandi. Hahahaha. Musta kayo ni Enrique?” tanong sa akin ni Julia.

 

“Young and still inlove” kinikilig pa ako niyan wag ka!

 

 

“Hay naku Kath! Fourteen ka pa lang. Hinay hinay ah? Hanggang holding hands na muna. Wag muna kiss at baka mabuntis ka bigla.”

 

Namula ako sa narinig ko kaya binatukan ko si Julia.

 

“Hoy di naman kami ganun noh! Psh, dyan ka na nga!” nag-walk out ako pero natawa lang si Julia kaya sinundan na lang niya ako.

 

“Eh, bes. Anong gagawin mo kapag nalaman mong may ibang kalandian si Enrique?”

 

“Pag-uuntugin ko silang dalawa. Naku, mahal ako nun kaya di niya magagawa sa akin yu—“

 

Di ko na natapos yung sasabihin ko kasi nakita ko si Quen na may kasamang babae. Naghahalikan sila.

 

“Quen” bulong ko.

 

Napatingin naman siya sa akin. At imbis na magulat ay natuwa pa siya.

 

“Oh, hi babes! Eto nga pala si Bianca, girlfriend ko. Bianca si Kath, ex ko.” He said while smirking.

 

“EX?! Hoy! Anong ex?! Hindi naman tayo nag-break ah?!” pasigaw kong sabi kasi hindi naman talaga kami nagbreak eh.

 

“Ay, hindi ko pala nasabi sa’yo, break na tayo. Wala kang silbi eh. Halik lang sa pisngi ayaw mo pa. Masyado kang maarte. What’s that word? Choosy? Oo, choosy ka. Isa na ngang heart throb ang hahalik sa pisngi mo, ayaw mo pa.” and with that umalis na siya.

 

E  N  D   O  F   F  L  A  S  H  B  A  C  K

 

 

“After kong malaman yun, iyak lang ako ng iyak. Ang dami dami kong gustong sabihin sa kanya. Ang dami dami kong gustong itanong sa kanya. Kung, minahal ba niya ako? Kung totoo ba yung mga sinabi niya sa akin noon? Kung kahit minsan ba nag-alala siya sa akin? Kung kahit sa sandaling panahon lang ba nagkaroon siya ng pake sa akin? Tanong din ako ng tanong nun kay Julia. Hindi ba ako karapat dapat mabuhay ng masaya? Hindi ba dapat ako yung babae para kay Enrique? Marami ba akong nagawang kasalanan kaya nakarma ako? Ginugood time lang ba ako ni Quen noon?” hindi ko namalayan na umiiyak na pala talaga ako.

Niyakap ako ni JC pero di siya nagsalita. That’s my cue to continue the story.

“Hanggang sa isang araw, naisipan kong mag-suicide. Naglaslas ako at the same time uminom ako ng handful na sleeping pills.”

F  L  A  S  H  B  A  C  K

 

‘Enrique. Enrique. Enrique Gil. Akala ko ako na ang magiging Mrs. Gil, hindi pala. Akala ko mahal mo ako, hindi pala. Niligawan mo ako ng pagkatagal-tagal para lang marealize kong mahal mo talaga ako. Pero bakit nung sinagot na kita, wala pang dalawang lingo, nakipag-break ka na? Masaklap lang kasi nakipag-break ka sakin kasi hindi ako pumayag na halikan mo pisngi ko. Gusto ko lang naman eh ipag-alam muna natin sa pamilya natin yung relasyon natin.

 

Ngayon ko lang din nalaman na halos magdadalawang buwan na kayo ni Bianca. So, ibig bang sabihin nun, sa isa’t kalahating panliligaw mo sa akin, kayo na ni Bianca?

 

Enrique, minahal mo ba talaga ako? Eh yung mga sinabi mo sa akin noon?

 

Masakit, masakit isipin na akala ko ikaw na yung una at huli kong mamahalin. Masakit isipin na lahat ng pinlano natin para sa buhay natin ay naglaho. Masakit isipin na hindi mo naman pala talaga ako mahal.

 

Sana kapag nawala ako sa mundong ito, matutuwa ka. Sana maging masaya kayo ni Bianca. Sana di ka niya saktan. Sana kayo nang dalawa panghabambuhay. Bianca, alagaan mo sana at mahalin ng sagad  si Enrique.’

 

I think that’s enough. After kong isulat yan, nilagay ko sa sobre at iniwan sa drawer ko. Just in case na makita ni Mama, baka pwede niya kasi ibigay.

 

Kinuha ko yung blade para sa cutter ko.

 

Dahan dahan kong nilagay sa may bandang pulso ko.

 

Diniinan ko at naramadaman ko na lang yung malamig na blade na tumagos sa laman ko. Nakita ko rin yung dugong umaagos mula sa sugat.

 

Masakit. Physically and emotionally.

 

Pumunta ako sa banyo at naghanap ng sleeping pills, nang makakkita na ako tinungga ko yung handful na gamot. At least di ko mararamdaman yung sakit kapag nakatulog ako.

 

Bumalik ako sa kama ko at humimlay. Unti unti nang pumipikit yung mata ko.

 

“KATH!” huli kong narinig tapos nag-black out na ako.

 

E  N  D   O  F   F  L  A  S  H  B  A  C  K

 

Humahagulgol na talaga ako kay JC. Tumutulo na nga rin ata yung sipon ko.

“Tapos nun, nagising ako sa ospital. Isang linggo daw ako nakatulog nun dahil ata sa epekto ng sleeping pills at naparami daw yung nawalang dugo sa akin. Kaya simula nun, hinome-schooled na ako ni Mama. Naging mailap rin kasi ako sa mga tao noon. Sa F.P.U. din ako galing noon, kaya may mga taong nakakaalam ng nangyari sa akin. Kaya madaming tao ang naaawa sa akin. Kaya maraming tao ang nanghuhusga sa akin, kesyo nagpakamatay daw ako ng dahil lang kay Enrique chu chu”

“Eh gag* pala si Enrique eh! Kakarmahin yun Kath, for sure” sabi sa akin ni JC na ngayon ay pinupunasan ang mga luha ko.

“Thank you JC sa pagcomfort mo sa akin. Pwede bang wag mo sanang ipagsabi yung mga sinabi ko sa’yo?”

“Oo naman, Kath. Promise. Tahan na dali. Nandito naman ako.” Hinigpitan pa niya lalo yung yakap niya sa akin.

“Kath, dahil diyan sa kinuwento mo, mas lalo akong nadetermine na ligawan ka. Gusto ko mapasaya kita. Gusto ko isa ako sa mga taong nakakapagpangiti sa’yo.” Pahabol na sabi pa ni JC.

Sana di ko na lang nakilala si Enrique o kaya si Daniel. Sana mas nauna kong nakilala si JC. Siguro kung nangyari yun, masaya ako. Sana si JC na lang yung taong pwede kong mahalin.

Continue Reading