Taking Chances

By xxakanexx

1.1M 21.7K 492

Kristine had her whole life in front of her, she has a successful modelling career, an understanding, patient... More

Taking Chances
Prologue
1. Don't know much about my life
2. Don't know much about this world
3. Don't wanna be alone tonight...
4. You don't know much about my past
5. I don't have a future figured out
6. Maybe this is going too fast
8. But what do you say to taking chances
9. I just wanna start again
10. Never knowin' if there's solid ground below
11. My heart is beating down
12. And I don't know much about your world
13. Taking Chances

7. Maybe this will last ... hopefully

61.7K 1.3K 10
By xxakanexx

"Hi." 

Pilit na itinatago ni Kristine ang kanyang ngiti nang mabungaran niya si Pablo nang gabing iyon sa harap ng pintuan ng kanyang Villa. Kasalukuyan silang nagdi-dinner ni Ericka nang kumatok ito. Pinapasok niya ito sa loob. 

"Magandang gabi, Pablo." Nakangiting binati ito ni Manang Elena. 

"Hello, manang." Matapos iyon ay binalingan siya nito. 

"Alis tayo." Sabi niya. Nagtaka naman siya. Saan naman sila pupunta? Gabi na. 

"Saan naman tayo pupunta?" Natatawang sabi niya.

"Basta... Lika na." Hinagip nito ang kamay niya. Ni hindi man lang siya nakapagpaalam kay Ericka. Basta na lang siya hinatak ni Pablo palabas ng Villa. Maya-maya ayt tinatahak na nila ang daan patungo kung saan. 

Tumingin siya sa kamay niyang hawak ni Pablo. Napapansin niya dito na palagi nitong gusto na magkahawak kamay sila - basta kasama niya ito, hindi pwedeng hinidi sila magka-holding hands. Noong isang araw, sinamahan niya si Fatima sa Asukarera upanmg dalhan ito ng lunch, nang makita siya nito ay walang sabi-sabing hinagip nito ang kanyang kamay tapos nang hindi na nakatingin si Fatima ay bigla na naman siya nitong hinagkan sa labi. He was always like that. Kung sabagay, nakakadagdag sa excitement niya iyong patago at panakaw na halik na laging ginagawad ni Pablo sa kanya. 

"Pabi saan tayo pupunta?" She asked him. 

"Basta..." Sabi nito. Hindi niya makita ang mukha ni Pablo pero may pakiramdam siyang nakangiti ito sa kanya. Napapansin niya na parang pataas na ang daan kanilang nilalakad. 

After a while huminto na sila and she saw the most beautiful view she had ever seen in her entire life, mas maganda pa sa skyline ng UAE. 

"Welcome to San Miguel, Kristine." Sabi ni Pablo sa kanya. She was amazed by the view from up there. Kitang-kita niya ang maliliit na ilaw ng San Miguel, kita rin niya ang mga ilaw ng bangka na kasalukuyang nasa dagat. 

"This is nice." She said. Nagulat siya nang bigla siyang yakapin ni Pablo mula sa likuran. "Pablo... uhm.." 

"You make me happy." Sabi nito sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon kasarap sa pandinig niya ang mga salitang binitiwan ni Pablo na para bang gusto na niyang maiyak. Humarap siya dito. Feeling niya mas malakas pa ang impact noon kaysa sa salitang Mahal kita. 

"You m-make me happy too." She said. 

"Good, cause it'll be a bummer if I make you sad after all those kisses..." He made a face. 

"Luko-luko." Natawa naman siya. 

"Lika na iuuwi na kita. Gabi na." Muli siya nitong hinawakan sa kamay. Habang pababa sila ay damang-dama naman niya ang kilig na namumutawi sa kanyang buto-buto. Grabe! Kung nagiging pera lang ang kilog, mayang mayaman na mayaman na siya ngayon. 

Nasa ibaba na siya ng burol nang marinig niya ang lagaslas ng tubig. 

"May falls dito?" She asked. 

"Oo. Kita mo iyong parang malaking gate?" Tinuro ni Pablo sa kanya ang lumang gate na naiilawan ng isang lumang poste. 

"Part pa iyon ng lupa mo?" She asked him again. 

"Oo. Gusto mong tingnan?" He asked. "May dala naman akong flashlight." Mula sa bulsa nito ay nilabas nito ang flashlight. 

"Lika!" Niyakag niya ito. "Excited talaga siya, hindi pa siya nakakakita ng falls sa malapitan at kahit na gabi na, medyo maliwanag pa rin naman dahil sa liwanag na nagmumula sa bilog na buwan. 

"Ang lamig dito." Natatawang sabi niya habang nakatingin kay Pablo. Nakapasok na sila sa loob ng gate. 

"Wow!" Namilog ang mata niya. Narinig niyang humalakhak si Pablo. "At bakit ka tumatawa?" 

"Kung makapagsalita ka kasi parang nakikita mo iyong falls, ang dilim kaya." 

"Basta nakikita ko." Ngumuso siya. Lumapit siya sa tubig,nilaylay niya ang paa niya at saka tumawa. "Ha! Ang lamig! Ang sarap sigurong maligo!" 

"You wanan go skinny dipping?" Sabi ni Pablo sa kanya. Kahit madilim at hindi niya ito nakikita ay namula ang mukha niya. Niyayaya siya nitong mag-skinny dipping?!

"Ang bastos mo ha!" Sabi niya. Nang lingunin niya ito ay lalo lang namilog ang mga mata niya dahil nakita niyang halos wala nang saplot si Pablo sa katawan. 

"Ay!" She yelled. 

"Oh come on! It's not like you don't really wanna see my glorious body. Sabi ni Fatima lagi ka daw nakatingin sa abs ko." 

Tinakpan niya ang kanyang mga mata. 

"I'm still wearing my boxers, baby. Wag kang O.A." 

"Ang bastos mo kasi! Ay!" Lalo siyang napasigaw nang maramdaman niyang may tumalsik na tubig sa kanya. 

Lumuson na pala si Pablo sa tubig and he was laughing at her. Binabasa siya nito. 

"Uy, huwag naman, Pabi, wala akong damit! Nababasa ako!" 

"Then take your clothes off, baby." Hindi niya alam, but Pablo was using that sexy voice again. She looked at him. 

"Ayoko." Sabi niya. 

"Okay, diyan ka lang, watch ove mer, okay?" He said. 

"O-okay..." Nanatili siyang nakatayo roon. Nakita niyang lumubog si Pablo sa tubig. Marahil ay babasain lang nito ang ulo niya pero nang matagal na itong hindi umaahon ay kinabahan siya. 

"P-pablo?" She called out. Wala pa rin. "P-pablo? Shit!" She exclaimed. Hindi ito umaahon! Baka mamaya may nangyaring masama dito. Sa sobrang taranta niya ay bigla na lang siyang lumusong at pilit na hinahanap si Pablo. 

"Pablo!" She yelled again. Nanlaki ang mga mata niya nang maramdaman niyang may humawak sa baywang niya. Napatili siya ng malakas. 

"Ahhh!" 

"Gotcha!" Boses ni Pablo iyon. Humarap siya dito at pinagsusuntok ang balikat nito. 

"Ikaw, nakakainis ka! Akala ko nalunod ka na! Nakakainis ka!" She said while sobbing.

"Para ka namang ano, huwag ka nga umiyak."Sabi nito sa kanya. 

"Ulitin mo pa iyon! Nakakainis ka!" 

"Namumula na iyong ilong mo." Sabi nito sa kanya. 

"Paano mo nakita eh madilim?" 

"I just know. Now, I am going to kiss you, okay?" He said. 

"Bakit nagpapaalam ka pa? Eh dati naman basta-basta lang." Ngumuso pa siya. 

"Para masaya lang." He bent down, his mouth fully taking hers in a rush of heat and explosion of taste and need. 

"Pablo..." She whispered his name in between his hungry kisses. 

"Shh..." He said, then he kissed her again, he used his tongue to open her lips and in there, her taunted and he teased her tongue. she immitated what he was doing to her mouth, that was when she heard him groan. She even wrapped her arms around his neck. Iba ang halik sa kanya ni Pablo ngayon, it was - it was something that she couldn't really define. She didn't want to end the moment, for this moment was something she would remember forever, but then, Pablo stopped. Humihingal na lumayo ito sa kanya. 

"P-pablo..." 

"Umuwi na tayo. Lumalamig na." He said, smiling. Nilagpasan siya nito. Nakayuko naman ang ulo niya na umahon sa tubig. Hinintay niya lang si Pablo na magbihis at saka inunahan niya na ito sa paglalakad. 

Bakit ganoon?

Why did he stopped? 

Hindi ba nito naramdaman ang nararamdaman niya? she wanted him. Hindi naman siguro mahirap ma-figure out iyon. She wanted Pablo tonight. She wanted to feel him, she wanted him to make love to her pero bakit hindi nito ginawa?

Hindi niya ito kinikibo habang pabalik sila sa hacienda. Nang makarating sila sa Villa niya ay ni hindi niya ito nilingon. Hindi rin naman siya nito tinawag. 

Naiiyak siya. Pakiramdam niya ang pangit-pangit niya. 

Isn't she attractive enough for him to want her?

"O, bakit basa ka?" Nakasalubong niya si Ericka sa hagdan. Hindi na niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siya sa kwarto niya at doon inilabas niya lahat ng kanyang luha. 

Ang sakit naman kasing isipin na hindi siya gusto ng lalaking mahal niya. 

Lalo siyang napaiyak. 

Oo, mahal na niya si Pablo. 

Hindi man niya sinadyang mahulog dito, pero iyon ang nangyari ngayon, she's in trouble, because she just fall for Pablo at hindi niya sigurado kung sasaluhin ba siya nito. 

----------------------------

"Maybe I was too fast." 

Pablo whispered habang nakaupo siya sa dating opisina ng kanyang ama. Halos sabunutan niya ang kanyang sarili dahil sa muntik nang mangyari sa kanila ni Kristine kanina. 

Biglang bumukas ang pinto ng opisina, iniluwa noon si Isabelle. Agad na nagbago ang eskpresyon ng mukha niya. 

Isabelle was wearing a very seductive night gown. Halos kita na ang lahat dito. 

"What do you want?" He asked her. Tumaas ang kilay niya nang biglang maupo si Isabelle sa kanyang harapan, and the she pread her legs. Tumaas ang sulok ng kanyang bibig. 

"Tinatanong pa ba iyon, Pabi?" She smiled seductively at him. 

Tumayo siya. 

"Pablo saan ka pupunta?!" Sigaw nito sa kanya. 

"Aalis." Tumalikod siya. 

"Ilang beses ba akong magmamakaawa sa'yo? Mahal kita!"

"Hindi naman ibig sabihin na mahal mo ako, kailangan kitang mahalin. Hindi kita mahal. Nagsisisi ako na minahal kita. I hate you Isabelle, kung pwede nga lang na maglaho ka na lang bigla para hindi na kita makita." 

Tuluyan na siyang umalis. He left the mansion, hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa, but then he just found himself entering his mother's moseleum. 

Umupo siya sa harap ng punto nito.  He had been wanting to tell someone his real feelings. Matagal na siyang hindi nakakaramdam ng ganoon, he had never felt so alive for the longest time at naramdaman lang niyang muli iyon nang dumatig sa buhay niya si Kristine. 

Totoo ang sinabi niya rito noon. He knew and he was so sure of his feeling for her. Mahal niya ito. 

Siguro nga hindi niya dapat ginawa ang ginawa niya kanina, nahihiya siya dito, siguro kaya ganoon ang reaksyon nito ay dahil natakot na ito sa kanya. He was too aggressive. 

"Ma, I think, I'm giving your ring to someone, and this time, it's for keeps." 

--------------------------

""Wala ba tayong lesson?" 

Tumaas ang kilay ni Kristine nang marinig niya ang tanong ni Fatima. Lunes noon at ang buong akala niya ay nagpunta lamang ito sa kanya dahil gusto nitong makipaglaro kay Rhobie, pero ngayon tinatanong na siya nito tungkol sa lesson nila. 

"Why are you asking me? Do you wanna act like a girl?" Inasar niya ito. Ngumuso naman si Kristine. 

"Ugh! Okay, to be honest, I am only asking you because Kuya said that I should be nice to you and all that." Nakasimangot na wika nito. 

"He said that?" Hindi niya alam kung matutuwa siya o maiinis siya sa sinabi ni Fatima. 

"Oo.. Pero hindi naman ako nice sa'yo just because he said so. I mean, despite the fact that you were trying to transform me to a Barbie doll wanna be, I kinda like you." Nagyuko pa ng ulo si Fatima. She smiled. "At first I hated you because I thought you were like that evil witch Isabelle, but then, when I saw  how happy Kuya Pabi was because of you, I realized that you we'rent so bad after all.  Plus I really think he intends to give me a big sister by marrying you." 

"M-marrying me?" Kumabog ang dibdib niya. Fatima bit her lower lip. 

"Oh! Damn! Me and my big mouth!" Sabi nito habang nakatakip ang kamay sa bibig. 

"He will marry me?!" She exclaimed. 

"Uhm I didn't say anything. Bye!"  

Agad itong tumakbo palayo sa kanya. She stood up. Hinabol niya si Fatima, ang bilis talaga nitong tumakbo, nasalubong pa nila si Ericka pababa ng hagda. 

"Iyan ang lesson ninyo ngayon? Running?" Natatawang sabi nito. 

"Fatima Diana Veronica Del Mundo Santillan!" Tawag niya dito. Lumabas ito ng pinto. Sinundan niya ito. 

"Fatima!" She called. She was determined to know what Pablo was thinking and she realized now that na malalaman niya lang iyon kay Fatima. Alam nito ang lahat, marahil ay nagsasabi si Pablo dito. 

"Fatima." 

Natigil ang pagtakbo niya nang makita niya si Fatima na nagtago sa likod ni Pablo. Pablo seemed to be surprised sa inaakto ng kapatid nito, ni hindi nga siya nito napansin. 

"What the hell, Fatima?" He asked. 

"Tago mo ako!" Sabi pa nito. Tumingin ito sa direksyon niya, their eyes met. Ngayon na lamang ulit sila nagkita ni Pablo matapos ang "almost" na nangyari sa kanila sa may falls. 

Kumabog ang dibdib niya when Pablo smiled at her. Tulad ng dati ay wala na naman itong suot na pang-itaas. 

"Hey, beautiful." She blushed. 

"Huuu lalandi na naman ang kuya. Kalalaking tao." 

"Shut up, Fati!" Sabi nito sa kapatid. Napangiti naman siya. "What is happening?" Nagtatakang tanong nito sa kapatid. 

"W-wala, hinahabol niya lang ako." Sumbong pa ni Fatima sa kuya nito. She just made a face. Nilapitan niya ito pero nanatili itong nakatago sa likod ni Pablo at si Pablo naman parang walang balak na umalis sa gitna nila. 

"Come here!" She said. Napatili na lang siya bigla nang karagahin siya ni Pablo. He wrapped her legs around his waist. "AYYY!" 

"Ang kulit ninyong dalawa ha!" 

"Ayoko na nga! Landi moments na naman!" Natatawang sabi ni Fatima. 

Bigla siyang nailang sa pwesto nila ni Pablo, pero she also feels comfortable, ang sarap kaya ng feel ng matipunong braso ni Pablo. 

"Ibaba mo nga ako, nakakahiya kaya!" Pinanlakihan niya pa ito ng mata. 

"Ayoko, gusto mo naman ito diba." Itinaas - baba pa nito ang kilay nito sa kanya. Hindi niya maiwasan ang matawa. 

"Mukha kang tanga!" Sabi niya. 

"I really wanna kiss you right now." Pabi said huskily. 

"O sige, pipikit ako!" Sigaw naman ni Fatima. 

"Tse!" Pinanlakihan niya ito ng mata. "Baba mo na ako." Sabi niya muli kay Pablo. 

"Ayoko nga. We can stay like this all day, I won't mind." Nakangiti pa rin ito. Jusmio. Kilig na kilig naman siya - sagad hanggang sa buto. 

"Ihhh..."

"At anong kalaswaan ang ginagawa mo, Kristine?" Biglang nanigas ang likod niya nang marinig niya ang tinig ni Doña Isabelle. Agad siyang ibinaba ni Pablo. 

"Wala ka talagang gagawin kundi landiin si Pablo! Kaladkarin ka!" 

Masaydong mabilis ang pangyayari, the next thing she knew, hablot-hablot na ni Isabelle ang buhok niya habang pilit siyang hinahatak palayo kay Pablo. 

"Isabelle, tama na!" Pablo pushed Isabelle away. Sumadalak si Isabelle sa may putikan malapit sa kabayo ni Pablo. 

"Shit!" Isabelle exclaimed. Sinubukan nitong tumayo. "Siya na ba talaga! Nagpapaakit ka sa babaeng iyon eh pera lang nang habol niyan sa'yo!" Halos mangiyak-ngiyak na wika nito. 

"Diba iyon lang din naman ang habol mo sa Papa ko?" She heard Pablo said to Isabelle. Pablo put his arms around her as if protecting her from Isabelle. 

"Leche kang babae ka!" Sigaw ni Isabelle sa kanya. 

"Wala akong ginagawang masama sa'yo!" Balik sigaw niya dito.

"Leave, Isabelle or I am going to kick you out of my mansion." Halos hindi na bumubuka ang bibig ni Pablo. Matagal muna siyang tinitigan ni Isabelle bago ito tuluyang tumalikod. 

"May araw ka rin sa akin, puta ka!" Sigaw nito. Isabelled turned away. Pablo  then, cupped her face and smiled.

"You okay?" She looked at him. Tinatanong nito kung okay ba siya, she realized that she was okay, lalo na kung narito ito sa kanyang tabi. Yumakp siya dito. 

"Huwag mo akong bibitiwan ha?" 

Continue Reading

You'll Also Like

Trouble is YOU By Cher

General Fiction

165K 7.3K 21
Andres Birada's story - also known as the times Andres Birada thought he will die. Alpha Series # 14
93.7K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
3.5M 112K 28
Pakiramdam ni Narcissus Eduardo Emilio ay hindi sapat ang "HOTNESS" na mayroon siya para makuha ang atensyon ng babaeng mahal niya - si Mari Olive Az...
5.5K 97 21
Attraction is the first step on falling inlove that can be of good or bad on anyone. Namulat sa responsibilidad sina Ash at Nathalia ng biyayaan si...