Paraisla i: Pangako

By yukiirisu

22.3K 920 105

๐“ฌ๐“ธ๐“ถ๐“น๐“ต๐“ฎ๐“ฝ๐“ฎ๐“ญ | Book #1.5 of Paraisla Trilogy. - Baliin ang iyong pangako't kapalit nito'y iyong ulo... More

- author's note -
- 0 -
- L : 1 -
- L : 3 -
- L : 4 -
- L : 5 -
- L : epilogue -
- E : 1 -
- E : 2 -
- E : 3 -
- E : 4 -
- E : 5 -
- E : epilogue -
- H : 1 -
- H : 2 -
- H : 3 -
- H : 4 -
- H : 5 -
- H : epilogue -
- N : 1 -
- N : 2 -
- N : 3 -
- N : 4 -
- N : 5 -
- N : epilogue -
- author's note, review and FAQ -

- L : 2 -

993 39 1
By yukiirisu



──────⊱⁜⊰──────

Unang Libro: Lax

O2

──────⊱⁜⊰──────



Pinihit ko ang pinto ng aking kwarto at pumasok doon.

Ngunit napatigil ako sa paghakbang nang makita si Eyha na nakaupo sa sahig, ang kanyang kamay ay may hawak na maduming tela. Mukha siyang nabigla at natakot nang makita ako ngunit agad din siyang ngumiti at nag-ayos ng sarili.

"Tapos na ang pulong?" tanong niya.

Hindi ko siya tiningnan habang naglalakad ako papunta sa aking mesa. Nagtanggal ako ng kurbata at umupo sa upuan. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?"

"Ah," mahina niyang sagot. "Hinila kasi ako ni Cixi dito kanina at nakita kong napakagulo ng kwarto mo kaya naisipan kong maglinis-"

"Sinong nagpahintulot sa'yong galawin ang gamit ko?" marahas kong tanong.

Saglit siyang natahimik. Nang tingnan ko siya'y pinipisil nanaman niya ang mga kamay niya. "Kasi... Akala ko-- Akala ko matutuwa ka dahil maayos ang paligid."

"Wala nang maayos!" sigaw ko. Bigla na lang lumabas ang mga salita sa aking bibig nang tuloy-tuloy. "Wala nang maayos sa buhay ko noon pa, Eyha. At lalong nagulo ang buhay ko nang pinasok mo iyon!" Tumayo ako at tinapon ang mga papeles sa harap niya. "Kung akala mo, maaayos ang lahat ng paglilinis mo, nagkakamali ka. Kung akala mo mabubura mo sa isip ko si Iris gamit ng batang iyan-" tinuro ko ang tyan niya "-mas lalong nagkakamali ka!"

Lumuluha na si Eyha ngunit hindi ko pa rin mapigilan.

"Dahil hindi mo mapapalitan si Iris." Umiling ako. "Hindi mo siya mapapalitan."

Nagtitigan kami nang sobrang tagal at nabalot kami ng katahimikan. Tahimik lang siyang lumuluha at lumulunok at puno ako ng pagod at galit at sa isang segundo, lumuhod si Eyha upang pulutin ang mga papeles na ikinalat ko.

"Sabi nila," nanginginig niyang kwento, ". . .nakakapagtrabaho daw ang isang tao nang mas maaayos kapag maayos ang kanilang paligid."

Hindi ako makapaniwala sa kanyang pagiging kalmado. Mas mabuti na sana kung ako'y kanyang sinampal o sinigawan pero ito...

Nanginginig ang kanyang mga kamay. "Tsaka sabi nila, nakakapagsabi ng masasakit na salita ang isang tao kapag mainit ang kanyang ulo." Tumayo siya at nanginginig na inabot sa'kin ang mga papeles. Pinanood ko ang isang luha sa kanyang ngiti. "Kaya hindi ako magtatanim ng sama ng loob sa'yo, Lax."

"Anong ginagawa mo?" bulong ko.

Gusto ko siyang tumigil ngumiti at magalit sa'kin. Gusto kong tigilan na lang niya ang mahalin ako. Kasi hindi ko iyon mababalik.

"Pero," nabiyak ang boses niya at hinilig ang kanyang ulo. "Wag mo na uulitin ha? B-Baka kasi... hindi ko na kayanin sa susunod."

Nagliparan ang mga papeles sa paligid namin. Hawak ko ang kanyang palapulsuan at gulat niya akong tiningnan.

"Kamuhian mo na ako," pakiusap ko sa kanya.

Hindi siya nagsalita.

"Parang awa mo na." Yumuko ako. "Eyha, kamuhian mo na lang ako. Magtanim ka ng sama ng loob. Kagalitan mo ako hanggang gusto mo na akong layuan." Hinigpitan ko ang kapit sa kanya. "Wag mo na akong mahalin."

Nag-usap ang mga mata namin. Ang mga asul kong mata sa kanyang dilaw-berde.

"Bakit?" bulong ko. "Bakit sa kabila ng lahat, hindi ka pa rin nagbabago?"

"Dahil hindi ko kaya," nagmamakaawa ang boses niya.

"Kaya mo! Pinipigilan mo lang ang sarili mo!"

Lumuhod siyang muli sa sahig at nagpulot ng mga papel. Sinamaan ko siya ng tingin. Tahimik niyang inaayos ang mga papeles habang lumuluha.

"Hindi kita mamahalin, Eyha. Hindi ko kaya. Hindi ko-- Hindi ko siya malimot. At hindi ko siya makakalimutan kahit ano pang gawin mo," sabi ko sa kanya na may diin.

Tila hindi niya ako narinig.

"Eyha, magkaibigan tayo. Ngunit hindi kita kayang tingnan bilang isang babae."

Ayaw niya akong pakinggan.

"Wag mo na akong mahalin, Eyha."

"Hindi ko kaya," mahina niyang sagot.

Lumuhod din ako at kinuha ang kamay niya. "Tumigil ka na-"

"HINDI KO NGA KAYA!"

At ako naman ang natigilan sa kanya. Puno ng paghihinagpis at paghihirap ang basa niyang mukha. Humagulgol siyang tumitig sa'kin, ang mga papel ay nababasa ng mga luha niya.

"Alam ko," sabi niya sa basag na boses. "Alam kong hindi mo ko magagawang mahalin. Alam kong si Iris ang iniisip mo tuwing magkatabi tayo, o magkahawak ang kamay o nung gabi pagkatapos ng kasal. Alam kong siya ang laman ng puso mo at hindi ko siya matutumbasan-" Yumuko siya. "-Hindi ko hinihiling na mahalin mo 'ko."

Tinakpan niya ang mga mata gamit ng braso.

"Hinihiling ko lang na hayaan mo kong mahalin ka. Kasi hindi ko kayang tumigil. Simula noon, hanggang bukas... Hindi ko kaya. Hindi ko kaya--"

At hinila ko siya palapit sa'kin upang yakapin.

Kumapit siya sa'kin at iniyak lahat. Nalukot ang mga papel sa ilalim namin ngunit hindi ko iyon alintana. Ngayon ang nararamdaman ko ay sakit. Dahil muntik nanamang mawala ang isang mahalagang tao sa buhay ko.

"Shh, patawad... Patawad, Eyha." bulong ko habang hinahaplos ang kanyang buhok. Dahan-dahan ko siyang inugoy upang tumahan, nakikinig lang sa kanyang pag-iyak. At naalala ko sa sandaling iyon ang una naming pagkikita.

"Uy, bakit ka umiiyak?" tanong ko nang makita ko siya sa ilalim ng puno malapit sa pier ng Luna. Masyado akong natuwa dahil unang beses kong makapunta ng islang iyon.

Tumingala sa'kin ang napakagandang bata, at agad kong napansin ang dilaw-berde niyang mga mata. Hawak niya ang kanyang nasugatang siko. "Kapag ba... m-may sugat ako, hindi na ako maganda?"

Naalala kong tinawanan ko pa siya nun. "May sugat o wala, pangit ka pa din."

At hinabol niya ako kasama ng lambat na kinuha niya sa kanilang bahay. Sinong mag-aakalang makakapasok siya sa Pagkalap? Si Eyha ay isang kaibigan. Ang kababata kong umiyak nang ako'y ibenta sa palasyo.

"Magkikita ulit tayo!" sigaw niya. "Hahanapin kita! Susunod ako sa'yo, pangako!"

Ngunit heto ako, ginagawa ang lahat upang saktan siya. Upang itulak siya palayo. Napakasama ko. Wala siyang kasalanan. Wala siyang kasalanan sa kahit ano.

"Patawarin mo ko, Eyha." bulong ko.

At nanatili kaming ganun nang matagal, ang matamis na amoy ng kanyang buhok ay nanatili sa aking ala-ala.



──────⊱⁜⊰──────



Nang magising ako, nakita kong mahimbing na natutulog si Eyha sa aking tabi. Ang mukha niya'y nakaharap sa'kin. Sumimangot ako.

"Kaysarap ng tulog niya, huh," bulong ko.

Naka-uwang ang kanyang bibig at rinig ang kanyang paghinga dahil barado ang kanyang ilong sa pag-iyak kagabi. Umiling ako at nagdikit ang mga kilay.

"Bulag ata ang mga pumili sa'yo sa Pagkalap," bulong ko na natatawa habang inilalapit ang daliri sa gitna ng kanyang mga kilay. Naisip ko lang na gusto ko itong tusuk-tusukin. Nakakunot kasi eh.

"Wag," bulong niya kaya napatigil ako.

Gising na siya?

"Wag mo kong... hawakan."

"Eyha," sabi ko. Mukhang may napapanaginipan siyang hindi maganda.

"Layuan mo ko," isang luha ang tumulo sa kanyang mata at nag-alala na ako. Hinawakan ko siya sa balikat at inalog.

"Gising, Eyha. Gising!"

Suminghap siya nang iminulat niya ang mga mata at kumawala na tila isa akong halimaw. Ngunit pagkakita niya sa aking mukha, agad siyang yumakap. Ramdam ko ang pagnginig ng buo niyang katawan. Hindi ko alam ang gagawin kaya't mahina ko siyang tinapik sa likod.

"Tapos ka na ba?" tanong ko matapos ang ilang minuto.

Tila naalala naman niya ang sitwasyon namin kaya napabalikwas siya. "Patawad. Hindi ko sinasadya. Gumalaw lang ang katawan ko-- Patawad--"

Pinindot ko ang gitna ng kilay niya. Ang saya palang gawin yun. "Lumayo ka nga."

Yumuko siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin.

"Ano bang napanaginipan mo?"

Kinagat niya ang kanyang labi. "Si... Caleid."

Agad naman akong natahimik. Ilang gabi na siyang nananaginip ng ganito? At sino ang naroon para yakapin niya paggising? Para nanaman akong nasampal. Simula ng kasal, binigyan ko siya ng hiwalay na kwarto. Hindi ko alam na ganito pala ang nangyayari sa kanya.

"Hindi ka nahihilo?" tanong ko upang basagin ang katahimikan.

"Huh?"

Tumingin ako sa kisame. "D-Diba, normal sa buntis iyon?"

Natawa naman nang mahina si Eyha kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Anong ngini-ngiti mo diyan?" malamig kong tanong.

Nawala naman agad ang ngiti niya. "Wala. A-Ayos lang ako."

"Eyha," seryoso kong panimula. "Wag mong isiping may nagbago dahil sa nangyari kagabi." Natahimik siya. "Ginawa ko lang iyon kasi isa ka pa ring kaibigan."

Marahan siyang tumango. "Mm."

"Tsaka, kapag nagkakaroon ka ng mga bangungot... Kumatok ka lang sa pinto ko. Kahit anong oras, pagbubuksan kita."

"Salamat," mahina niyang sagot saka tumayo na at nag-aalangang umalis. Hawak niya ang kanyang mga kamay at pinipiga ito. "Salamat sa pagpapatuloy sa'kin. Sana'y maging maayos ang mga pulong niyo ngayong araw. M-Mauna na ako, Kamahalan."

Tumalikod na siya upang maglakad na.

Nakaramdam ako ng kaunting inis at lungkot sa biglaan niyang pag-alis. Ganito na lang ba? Aalis na lang siya?

"Lax," malakas kong sabi.

Napatigil siya. Nilingon niya ako, nagtataka.

Tiningnan ko siya. "Lax ang itawag mo sa'kin." Inilayo ko ang aking tingin. "Para namang hindi tayo magkakilala."

Halos makita ko ang ngiti sa kanyang tono. "Lax."

Tsk. Itong babaeng 'to talaga. Iyon lang, natuwa na siya? Iyon lang ba ang kaligayahan niya? Nagkamot ako ng leeg nang makita siyang nakangiti.

Tumango ako. "Oh, alis na."

At mga yapak na lang niya ang narinig ko at ang masayang pagsara ng pintuan.


──────⊱⁜⊰──────

Continue Reading

You'll Also Like

43K 1.3K 14
3RD CASE of "THE CASE" SERIES May habilin si Lola Belinda para sa kanyang mga apo. Ano kaya ang gusto niyang sabihin? Isa kayang sikreto na sa wakas...
70.8K 3.3K 24
Book Two of Loving You For No Reason. Warningโš : Ganun parin madaming typos at grammar errors. At jeje parin. Basahin nyo po 'to bago magsimula.
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
1.1K 103 27
They're both authors who accidentally meet at a book signing. Rivalry between their book, followers, fans, reads and votes arises as the days pass by...