“Aray!!!!!!!!!!!!!!!!!”
Ang sakit nun ha!! Hinahampas ako ng notebook ng bestfriend kong si Sophie.
“Alam mo Soph, kung hindi lang talaga kita bestfriend, matagal na kitang kinasuhan ng physical injury!!! Lagi kang nananakit eh!!!!!!!”
“Eh pano yung mga babae na kasama ni papa Adrian mo?? Hindi mo ba sila kakasuhan?!?! Parang mga linta kung makadikit eh!!!!”
Tiningnan ko na lang ang mga babae sa labas. Lahat sila nakatingin kay Adrian.
Ay, hindi pa pala ako nakapaakilala. Ako si Ella. Ella Montez, 4th Year High School dito sa Blackwell High. Simple lang ako. Bookworm. Medyo matalino(pa humble effect... pero medyo lang naman talaga!!) Maganda?? Ewan, di ko alam! Basta simple lang talaga ako, yung typical na teenager. May bestfriend na nakakaloka--- Si Sophie, at may isang taong minamahal. Si Adrian dela Vega. Hearthrob. Super gwapo, mayaman at talented pa! Photojournalist siya. Ang ganda ng mga pictures na kinukuha niya!!
“Adrian, kailan ang next contest mo?”
“Kung gusto mo, ako na lang ang gawin mong model!!”
“Adrian, picture tayo!!”
Abot pa dito sa classroom ang tilian ng mga babae sa lobby. Hay......
“Hoy, Ella, wala ka ba talagang gagawin? Ang daming babae oh!!”
“Anu naman ang magagawa ko diyan Soph?? Alangan naman paalisin ko silang lahat eh hindi ko naman boyfriend si Adrian.”
“Hindi mo PA boyfriend. Sabihin mo na kasi sa kanya, mula pa yan first year ha!! At mula first year magkakalse kayo, bakit hindi mo pa nasasabi?? Makakagraduate na tayo, baka hindi mo pa rin masabi sa kanya!!”
Super supportive talaga ang bestfriend ko. Kaya lang, wala akong balak na sabihin kay Adrian ang nararamdaman ko. Hindi namna sa wala akong tiwala sa sarili ko ha. Pero, normal na babae lang naman ako, pano naman yun magkakagusto sakin. Lagi lang naman akong nagbabasa kapag hindi ko kasama si Sophie tapos siya naman laging napapalibutan ng maraming babae!! Hay, asa pa ako na mag kagusto yun sakin noh!!
“Ella!!!! Ayan, pamasok na si Adrian, kausapin mo kaya!!”
“Huh?? A-ayoko k-ko n-nga!!!! At magsisimula na yng clase natin oh!!!”
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na!!!!
“Ella, ma uuna ako ha, may inutos kasi sakin si Mama eh.”
“Sige Soph, ingat ha!!!!”
“Ikaw rin, pero Ella, pagisipan mo naman kung kailan mo sasabihin kay Adrian. Pagsisisihan mo kapag hindi mo nasabi sa kanya!!”
At umalis na si Sophie. Ako naman, niligpit ko na ang mga gamit ko at nagbasa nang libro habang palabas ng classroom.
“Aray!”
May nakabangga akong lalaki at nung tiningnan ko kung sino...
“A-adrian?? N-naku s-sory ha..... Hindi kasi ako nakatingin sa dinadaanan ko... Ok ka lang ba.”
“Ayos lang ako Ella. Ikaw?? Namumula ka yata???”
“Ah, wala to, cge aalis na ako!!”
Dali dali naman akong lumabas sa kwarto at binilisan ang paglakad ko. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo ni Adrian?!?!
Hindi pa ako masyadong malayo sa classroom ng marinig ko na may kinakausap si Adrian.
“Pare, hindi mo pa rin ba siya nililigawan?” malamang isa to sa mga barkada ni Adrian.
“Hindi pa eh.. Ewan, pag kaharap ko siya parang hindi ako makapagsalita eh... Natotorpe ako.”
“Ay, kung ako sayo Adrian, ligawan mo na yan, bahala ka, baka may makauna sayo. Ang ganda ganda niya, mabait, at matalino pa!! Magtapat kana kasi!!”
“Oo nga, naghihintay lang naman ako ng tamang pagkakataon eh.”
Parang gusto kong umiyak. May iba na ngang gusto si Adrian!!! Matagal ko naman tong alam pero bakit ang sakit sakit pa rin?
Si Adrian lang ang inisip ko buong magdamag... Sana kasi sinabi ko na lang sa kanya na gusto ko siya, para no regrets.. Tama nga si Sophie, kaya lang, wala na akong magagawa ngayon...
** Kinabukasan
“Soph, bakit parang ang tahimik? Absent ba si Adrian?”
“Ikaw yung may gusto sa tao tapos akong tinatanong mo?? Hay.... Ella, may contest ang prince charming mo, sa hapon pa siya makakaatend ng clase.”
“AH, ganun ba?”
“Hoy teka lang bakit parang ang lungkot mo??”
“A-ah eh, wala to, naantok lang ako.”
“Hoy, Ella Montez, wag ka ngang magsinungaling. Anong nangyari?”
At sinabi ko kay Sophie ang narinig ko. Pinipigilan ko ang mga luha ko pero pumatak talaga sila eh. Ang sakit kasi. Ang sakit sakit. Yinakap na lang ako ni Sophie kasi parang hindi niya alam kung anong sasabihin niya.
**Lunchbreak
Narinig ko na ang tilian ng mga babae. Isa lang ang ibig sabihin non. Andito na si Adrian. Panalo daw siya. 1st place. Masaya naman ako para sa kanya pero sa tuwing na aalala ko na may mahal siyang iba, parang iiyak talaga ako.
Pabalik na ako sa classroom galing canteen. Ang daming nakatingin sakit. Yung iba nagbubulungan. Ano ba ang nangyayari? Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko.. Ang dami pa ring nakatingin sakin. Ang mga medyo close ko na kaklse, nagsabi pa sakin ng “Congrats”. Parang wala naman yata akong napanalunan?
Nadaanan ko ang SC room. Sa labas nito ay may bulletin board kung saan lagi pinopost ang mga pictures ni Adrian na nanalo sa contest.
O________________________O
Ang theme ng contest ay “Love” at dapat magpasa ng compilation nd picture ang mga contestants.
At ang compilation nga pictures ni Adrian ay puro mukha ko!!!!
As in ako ba talaga yan?? Ilang beses kong kinurot ang kamay ko para sigurado akong hindi ako nananaginip.
Binasa ko ang caption sa ibaba ng pictures
Eto ang nakalagay: If you say the word love then only one person comes to my mind. That person is her. Whether she’s smiling, laughing, eating,talking, crying, reading, sleeping,helping others, paying attention in class, feeling sad, angry, worried or exhausted, I love her. I love everything about her. And I always will. When you say love, I remember her because I never knew what love was until I met her.
Kung panaginip to wag niyo po akong gisingin!! Matutulog na lang ako habang buhay!!
“Um.. Ella.”
Ang boses na yun... Si Adrian. Humarap ako sa kanya, pero wala akong masabi. Tiningnan ko lang siya. Ang dami daming taong nakatingin samin.
“Um.. Ano kasi..” Namumula na si Adrian, pero hindi pa rin ako makapagsalita..
“Sabihin mo na kasi!!!” tinulak siya ng mga barkada niya palapit sakin.
“Uh.. yung explanation ng picture, totoo yun. Matagal na kitang mahal, simula nung nagkabanggaan tayo sa library nang 1st year tayo. Hindi ko lang masabi sayo kasi kapag kaharap kit natotorpe ako at hindi ako makapagsalita, peroslamat sa mga litratong yang, nagkaroon ako ng lakas ng loob. Kaya, Ella Montez, will you be my girlfriend?”
Tulala lang ako, gusto ko siyang sagutin pero hindi pa rin ako makapagsalita.
“Ella!! Will you be my girlfriend daw!!! Sagutin mo na!!”
Nagulat ako sa sigaw ni Sophie pero salamat sa kanya, bumalik na ang boses ko.
“Oo, Adrian.”
Tumalon naman sa sobrang saya ang mga barkada ni Adrian at si Sophie. Ako naman, nakatitig lang sa kanya dahil hindi pa rin ako makpaniwala.
Bigla akong niyakap ni Adrian. Mabuti na lang hindi niya nakikita ang mukha ko ngayon.
“Mahal na mahal kita Ella.”
“Mahal na mahal ni din kita Adrian.” At hinigpitan niya pa ang yakap sakin.
“Teka lang,” bumitiw ako sa kanya “panu mo nakuha lahat ng litratong yan? Stalker ba kita?”
“Ah....kasi.... parang ganun na nga.”
Ang cute niya. Halatang nahihiya siya pero ng smile parin siya sakin ng ngiti niyang nakakaloko.
“Hindi mo lang alam Ella, mula pa nung first year tayo, kinukunan ka na niya ng pictures!”
“Shhh... Tumahi—“
Hindi na siya natapos dahil bigla ko siyang yinakap.
Ok lang kung palihim niya kaong kinukunan ng pictures! Kasi yun naman yung naging dahilan kung pano namin nalaman na mahal namin ang isa’t isa!!!
===================================END=============================